Kuyom ang mga kamao ko habang nakatingin sa lalaki. Parang gusto ko itong sugurin, pagkatapos ay pagdadadyakan sa itlog nito upang makaganti naman ako kahit papaano. Jusko po! Paano ko ba natitiis ang talong na ito? Asar na tumingin ako sa lalaki. "No! Hindi ko susuotin 'yan. Ano'ng tingin mo sa aking pupuntahan magtatalok? Remember, Mr. Eggplant. May ka-date ako, hindi ako magtatanim ng talong o kaya ay mani!" palatak ko sa lalaki. "Ibon, dapat nga magsaya ka kasi mamahalin itong botang ipapasuot ko sa 'yo. Kaya huwag ka na lang umangal pa. Kasi, sa ating dalawa ako pa rin ang masusunod!" mariing sabi ng lalaki. Pagkatapos ay nagmamadaling lumapit sa akin. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Nagulat na lang ako nang nakaluhod na ito, habang hawak-hawak ang isang paa ko. At sapilitang ipi