Asar na tumingin ako sa lalaking katabi ko. Pakiramdam ko'y pinagloloko lamang ako nito. Naikuyom ko ring bigla ang aking mga kamao. Para pigilan ang inis na gustong kumawala sa akin. "Mr. Alexis, hindi ako nakikipaglokohan sa 'yo. Puwede ba ihatid mo na lang ako sa aking bahay!" pasigaw na sabi ko. "Why? Akala ko ba'y may ka-date ka ngayon? Ayaw mo na ba siyang kitain, Ibon? Don't worry, kasi ihahatid kita papunta sa iyong ka-date," baliw na sabi ni Talong sa akin. Bigla ko namang nahilamos ang aking kamay sa mukha ko. Kaunti na lang talaga at mabibingo na sa akin ang tinamaan na magaling na Talong na ito! "Hindi ka ba makaintindi, Talong? Ayaw ko nang makipag-date. Uuwi na lamang ako!" pasigaw na sabi ko. Pakiramdam ko tuloy ay parang mapapatid ang aking litid sa lakas na sigaw ko. N