Hindi magkaugaga si Tenten sa pagsunod sa kambal takbo na naman ng takbo ang mga ito. "Hayyy.. di pa ako nagkakaanak nabubugbog na ako sa kakulitan niyo!" Reklamo niya kina Zia at Zion para namang walang narinig ang kambal sige lang sa pagtakbo. Hinabol niya ang bola ng dalawa na gumulong sa halamanan ng hardin. Para siyang batang bago lang humakbang sige galugad siya ng galugad sa halamanan. "Anong hinahanap mo diyan?" Walang anu ano'y narinig niyang tanong mula sa kanyang likuran. Nagulat siya at natigilan. "Kasi naman yung bola pumasok dito diko mahanap" sagot niya na sige parin sa kakagalugad. Yumuko din ang nagtanong at tinabihan siya. "Ayyy!! Kalabaw!" gulat niyang bulalas ng makitang si Matthew ito. "Ang pogi ko naman ah mukha ba akong kalabaw?" Ngisi ng binata. Napapikit siya at namula. "Eh kasi naman nanggugulat ka" dilat niya dito. "Kanina pa kita tinanong tinabihan lang kita gulat na gulat ka na" tugon ng binata at nagsimula naring gumalagugad ang kamay nito sa may halamanan. Biglang napasigaw si Tenten. "Bakit? anong nangyari sayo?" nagtatakang tanong ni Mattew. Itinuro ni Tenten ang direksyon ng halaman kung saan naroon ang mga kamay nila. "Ano?" Dilat ng binata kay Tenten. "Yung...yung hawak mo kamay ko yan" ng sa wakas ay nasabi rin niya. Mahinang tumawa si Matthew. "Akala ko kung ano na" ani nito. Nahiya naman si Tenten at agad hinugot ang kanyang kamay. "Hoy! bawal magbahay bahayan for kids only..ano ginagawa niyo diyan ha?" Panunudyo ni Rayver ng makita silang magkadikit na tila nagdedate na nagtatago. Nagblush si Tenten. "Luh! grabe ka naman Rayver" turan ng dalaga ngunit abot abot na ang kanyang kaba dahil sa pagkakadikit nila. "Ungas! may hinahanap kami" wika ni Matthew saka niya pinandilatan si Rayver. Ngumisi ito. "Anong hinahanap niyo puso niyo? bah hanapin niyo na baka mawala pa" tuloy parin ang panunukso nito sa dalawa. Biglang may nambatok sa batok ni Rayver. Pakamot siyang lumingon at nakita niya si Nathan hawak hawak ang kambal. "Nangialam ka na namang ampas ka" bulalas nito. "Tinatanong ko lang naman kung anong hinahanap nung dalawa" nakangisi nitong depensa. Inirapan siya ni Nathan. Nakatayo narin sina Tenten at Matthew. "Umalis kayo diyan akong hahanap" baling ni Nathan sa dalawa. Tumalima naman ang mga ito at tumabi sila. Ilang sandali pa ay nakuha na ni Nathan ang maliit na bola ng kambal. Pumalakpak ang dalawang paslit saka hinagkan ang kanilang ama. Masayang binuhat ni Nathan sina Zia at Zion. "My grasses hmmmm" ani nito saka rin niya hinagkan ang kambal. "Ten kunin ko muna sila magpahinga ka na" baling ni Nathan sa dalaga. Ngumiti siya at tumango. Kinindatan niya ang dalawa at umalis na silang mag-aama. "Nine nine okay ka lang?" Pansin ni Rayver sa dalaga ng makitang kinakagat niya ang kanyang ibabang labi. "Ahhh..oo oo okay lang ako" mabilis na sagot niya saka patakbong umalis. Napangisi si Rayver saka tumingin kay Matthew. "Hey dont tell me she's reminding Grace in your heart" sabi nito. Hindi umimik si Matthew tiningnan lang niya si Rayver. "You better clear it up or else she's going in pain" paalala ng binata. Umirap si Matthew. "What are you talking about dude?" Kunwaring tugon ni Matthew. "I can see everything Matt even the deepest part of your heart" wika ni Rayver. Lumapit sa kanya si Matthew. "Ano bang alam mo? its not easy to forget do you know? or you dont know?" Madiing turan nito. Huminga ng malalim si Rayver. "Kaya nga bago ka magmahal uli make sure she is not there anymore" sagot ni Rayver sabay turo sa dibdib ng binata. Hindi ito sumagot bagkus tumingin ito sa malayo. Tinapik ni Rayver ang kanyang balikat at iniwan na siya. Naglakad din si Matthew pabalik sa loob ng villa. Nadatnan niyang may inaabot si Tenten sa hanging cabinet sa dirty kitchen. Pinanood niya ito. "Halika na hindi kita maabot abot...sige na makisama ka.." wika nito sa sarili. Napangisi si Matthew dahil kinakausap ni Tenten ang sarili. "Do you need help?" bigal niyang tanong. "Ayyy!! kabayong bundat!!" malakas na bulalas ni Tenten sa kabiglaan. "Bakit ba lagi ka nalang nagugulat sa tuwing nagsasalita ako?" nakakunot noong tanong niya sa dalaga sabay inabot niya ang bagay na inaabot ng dalaga. Namula si Tenten. "Eh kasi nanggugulat ka!" inis na sagot ng dalaga. "Malamyos naman ang boses ko ah" patuloy ng binata. Pumikit pikit si Tenten saka hinarap si Matthew. "Uli uli pag nagsalita ka pwede bang tumikhim ka muna mamamatay ako sa gulat sayo lalo na ang puso ko!" diretsang sabi ni Tenten. Natigilan naman si Matthew. Napatigil din si Tenten at tumingin sa binata. "Ano?" Inis paring tanong niya dito. "Pwede bang pakiulit mo yung huling sinabi mo?" ani niya sa dalaga. Napaisip ang dalaga. "Anong sinabi? wala akong sinabi" kaila niya saka dali daling lumayo kay Matthew. "Hey! may sinabi ka!" tawag ni Matthew sa kanya ngunit lalong mas binilisan ni Tenten ang paglakad papalayo sa binata. Hangos siyang kumubli sa may gilid ng hagdan at tinutop ang kanyang puso. Diyos mio marimar!makasalanan na nga itong mata ko sumasabay narin ata itong bunganga ko!! himutok niya sa kanyang sarili saka niya tinakpan ng kanyang palad ang kanyang mukha.