DYING INSIDE TO HOLD YOU:BOOK 2 MATTHEW & KIERSTENN

897 Words
DYING INSIDE TO HOLD YOU:BOOK2 MATTHEW&KIERSTENN #4 Kinabukasan medyo late gumising si Tenten medyo masama ang kanyang pakiramdam pinilit niyang bumangon walang mag-aalaga sa kambal kapag di siya bumangon. Iinot inot siyang bumaba para makapagkape. Napansin niyang nandoon na naman sa dirty kitchen si Matthew mas lalo siyang nanghina pagkakita dito. Dahan dahan siyang tumalikod para bumalik sa taas. "Come here dont be shy" narinig niyang sabi ng binata kahit matamlay nagulat na naman siya tinig nito. Hindi siya sumagot humakbang siya pabalik ng biglang may humawak sa braso niya. "Ayyyy!! tigilan mo ako engkanto ka!!" Tili niya na ikinagulat ni Matthew. Natigilan siya at pilit ngumiti. "Sorry nanggugulat ka na naman kasi" matamlay niyang tugon sa binata. Pinakatitigan siya ni Matthew. Tarantang tiningnan niya din ito. "Wala akong sinabi ah..no offend nagulat lang ako sa paghawak mo sa braso ko kasi naman nandun ka lang kanina tapos nadito ka na humaharang- " tuloy tuloy nitong sabi naputol lang nang takpan ni Matthew ang kanyang bibig. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ng binata. Saka siya isinandal sa pader at tinitigan. "Bakit ba kapag nagugulat ka napakaingay mo lalo na kapag natataranta ka" anas ng binata. Lumunok lunok si Tenten. Hindi siya makasagot dahil nakatakip parin ang palad nito sa bibig niya. "At bakit lagi kang nagugulat sa akin ha? saka ano nga ulit yung sinabi mo sa akin noong nakaraang araw? ano nga ulit yun?" Tanong nito sa kanya. Namula siya di malaman ang gagawin o sasabihin nang wala siyang maisip ay kinagat nalang niya ang palad ng binatan. "Oouuchhh!!!" Sigaw ni Matthew. Agad siyang lumayo sa binata. "Sorry napakaimahinasyon mo kasi saka saka nabibingi ka na" aniya at kumaripas na siya ng takbo. "Tenten!!" Pasigaw na tawag ni Matthew sa dalaga ngunit tuloy tuloy lang sa pagtakbo ang binata. Sukat doon ay lumabas ang pawis ni Tenten ang kaninang tamlay niya ay napalitan ng kaba sa dibdib. "Anong nangyari sayo?" maang na tanong ni Grace sa pinsan. Bigla siyang napalingon kay Grace. "Wala...wala nagjogging lang ako kaya ako humahangos!" Bulalas niya sa pinsan. "O bakit namumutla ka?" Tanong nito. Lumunok muna siya. "Kasi may multo yata dito laging nanggugulat" sagot niya. Ngumiti si Grace. "Linya ko yan Ten...sino sa kanila?" Panunukso nito. Namula si Tenten. " Anong sino? sira!" Pagkakaila niya dito. "Hay Tenten lagi mong tandaan iisa ang ating dugo kaya alam ko ang takbo ng utak mo" panghuhuli ni Grace sa binata. "Manigas ka! wala akong sasabihin" dilat na sabi ni Tenten saka iniwan si Grace. Natatawang sinundan ni Grace ng tingin ang pinsan. Maya maya pa ay nagsi alisan na ang mga may trabaho at naiwan na naman silang magtitita. Mukhang good babies ang mga alaga niya ngayon nagkukulay lang ng coloring book ang dalawa palibhasa kasi teacher ang mama ng dalawa. Humikab siya na nasundan pa ng tatlong hikab namataan niya si Rhoda at tinawag. "Rhoda pasuyo naman pakitingnan lang sandali itong kambal iidlip lang ako sandali medyo masama kasi pakiramdam ko kanina pa" wika niya kay Rhoda. "Sige sige at nang makapagpanghinga ka" sang-ayon nito at inakay ang kambal. Hindi na niya napigil ang kanyang mata at pumikit na siya. Nasa ganoong ayos si Tenten ng madatnan ito ni Matthew. Mahimbing natutulog sa sofa nakashorts lang ito at nakat-shirt ng puti na manipis. Kitang kita ni Matthew kung papaano tumaas bumaba ang malulusog na dibdib ng dalaga at ang makinis nitong hita. Gumalawa ang dalaga. Nakita ang pusod nito ng gumalaw. Napalunok si Matthew napakaganda ng curly eyelashes nito aniya habanh si Grace ang ganda din ng mahahaba nitong pilik mata. Pagkaisip kay Grace ay agad niyang binawi ang tingin kay Tenten. Saktong sumalubong si Zia sa kanya sinenyasan niya itong huwag maingay tumango ang bata. Nilapitan niya ito at kinarga saka hinalikan sa noo. Lumapit sila kay Tenten na natutulog kinalabit ni Zia ang ilong nito hindi gumalaw ang dalaga. Kinalabit ulit ito ni Zia umungol lang si Tenten. Muli na namang kinalabit ito ng bata. "Hmmmm.. ano ba Rhoda inaantok pa ako bahala ka muna sa kambal talagang masama ang pakiramdam ko" wika nito habang nakapapikit. Matamang pinagmasdan ni Matthew ang dalaga. Saka niya dinama ng kanyang palad ang noo ng dalaga medyo mainit nga ito. Binulungan niya si Zia na bumalik kay Rhoda agad namang zumunod ang bata. Muli niyang pinagmasdan si Tenten saka walang sabi sabing binuhat niya ito. Gulantang ang daLaga nang maramdamang may bumuhat sa kanya. Agad siyang nagmulat at nanlaki ang kanyang mga mata ng makilala niya kung sino iyun. Sisigaw sana siya ng pandilatan siya mg binata. "Pag sumigaw ka hahalikan kita" sabi ng binata. Namula.siya at agad niyang tinakpan ang knyang bibig. Ngumisi naman si Matthew. "Shut your mouth or else my lips will shut it" banta ulit nito. Tinakpan narin niya pati ang kanyang mata para di niya makita ang binata. Pinahiga siya nito sa kama at kinumutan. "There dito ka matulog at hindi sa sofa para di ka masilipan" wika ng binata. Nanlaki ang mga mata ni Tenten. "Sinilipan mo ako? anong nakita mo ha? mamboboso!" Inis na sagot niya sa binata. Ngumisi ang binata na tumingin kay Tenten. Namula ang dalaga. "Wanna bet?" Nakakalokong tanong ng binata. Dahil walang masabi ang dalaga ay nagtalukbong nalang siya ng kumot sa buo niyang katawan. Tumatawa naman si Matthew na lumabas ng silid nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD