Boss, bakit kailangan niyong pumunta sa lugar na ito. Maliit na bar lang naman ito.” Wika nang isang lalaki sa binata nang pumasok sila sa isang bar. Naupo ang binata sa pinakasulok na upuan at walang masyadong ilaw pero sapat pa rin para makita niya ang tumutugtog sa stage. Napatingin ang binata asa dalagang naglakad papasok sa stage at nagsimulang tumugtog. Nakatitig lang siya sa dalaga hanggang sa matapos ang performance nito.
Nang lumabas si Ashira at Melina sa dressing room. Nakapagpalit na ulit nang damit si Ashira. Wala na ang rockstar Image na si Carli. Ang kasama ni Melina ngayon ay ang prim and proper na college student na si Ashira. Nang lumabas nang club ang dalaga saka naman tumayo ang binata saka lumabas. Inutusan nito ang isa sa mga bodyguard niya na pasekretong sundan ang dalaga at siguraduhing makakakauwi ito nang maayos.
Hindi alam ni Ashira na lahat nang ginagawa niya ay alam nang binata. Simula nang mag trabaho ito convenience store hanggang sa pagiging mystery singer nito sa club Athena. Tuwing may performance si Ashira sa club parating nandoon ang binata at pinapanood siya. Lahat nang iyon ay pasekretong ginagawa nang binata.
“Davin.” Gulat na wika nang dalaga nang dumating sa mansion at makita ang Binatang nasa comedor kasama ang matandang ama nito.
“Ashira Hija dumating kana pala. Halika saluhan mo na kami.” Wika nang matanda sa kanya. Hindi naman kumibo ang dalaga saka naglakad patungo sa isang bakanteng upuan. Hindi naman siya tinapunan nang tingin nang binata patuloy lang ito na kumain.
Gaya nang dati. Para pa rin siyang isang hangin na hindi nito nakikita. Hindi na sa mansion nakatira ang binata at hindi rin ito madalas na dumalaw. Pero kapag nandoon naman ito sa mansion kahit ayaw niya itong makita talagang pinagtatakpo sila. Sa laki nang mansion parati parin silang nagkakasalubong.
“Kahit na ipinakita mo na sa iba ang kaya mong gawin. Hindi parin tayo nakakasigurong walang kakalaban saiyo. You are young and they will think you are vulnerable and an easy target.” Wika nang matanda sa binata.
“Then I’ll just show them that I am not.” Wika pa nang binata.
“Alam mo ang mundong ginagalawan natin.” Wika pa nang matanda. “Others are also pressuring me to let you get married. Probably one of their daughters to solidify your claim as the head.” Dagdag pa nito.
“Gusto lang nilang may hawak sila sa grupo.” Wika pa nang binata. Tahimik lang ang dalaga habang pinakikinggan ang usapan nang mag-ama alam niyang wala namang ibang pag-uusapan ang dalawa kundi ang tungkol sa mga business nila at ang mafia group nito. Kamakailan lang nang si Davin ang gawing head nang Penumbra. Marami ang natuwa pero mas marami ang hindi nagustuhan ang desisyon nang matanda dahil sa tingin nang iba bata pa si Davin para sa role na iyon. Though, napatunayan na nang binata kung anong kaya niyang gawin. He is even ruthless kumpara sa ama nito. Which is also the reason kung bakit ayaw nang mga ito sa kanya. Dahil alam nilang kumpara sa dating head mas nakakatakot na kalaban ang binata. He is unpredictable and cunning.
“I think it’s time that you introduce her to them.” Wika nang matanda saka tumingin kay Ashira bigla namang natigilan ang dalaga nang ibglang lumingon sa kanya ang matanda hindi niya maintindihana ng sinasabi nitong ipakilala siya. Bigla namang huminto si Davin sa pagkain saka tumingin sa dalaga. Bago bumaling sa ama niya.
“I will do that.” Wika nito. Hindi naman kumibo ang dalaga. Gusto niyang magtanong kung anong ibig sabihin nang mag-ama pero tila biglang umurong ang dila niya. Kapag nasa harap siya nang dalawa. Kahit na hindi naman siya pinakikitaan nang masama nang mga ito hindi niya maiwasang hindi matakot dito. Alam niya kung anong klase nang trabaho meron ang mag-ama.
Simula nang dumating siya sa bahay na ito noong labing tatlong taong gulang siya. Kahit na wala pa siyang naiitindihan sa nangyayari. Hindi naman maitatanggi na kakaiba ang mga ito. Hindi sila ang isang regular na businessman. Bagay na napatunayan niya noong gabing ginawa siyang collateral nang ama niya sa isang underground fight. Ang mundong ginagalawan nang mag-ama ay mundong hindi siya dapat mapunta. Sa mansion, labas pasok ang mga Businessman na alam niyang miyembro din nang mundong ginagalawan nang mag-ama. Minsan mula sa bintana nang silid niya nakikita niya na hating gabi umaalis ang mag-ama kasama ang Tauhan nang mga ito umaga na kung umuwi ang mga ito at ilan sa mga kasamahan nang mga ito umuusing duguan.
Ang makita ang mga ganoong eksena ay lalong nagbibigay sa kanya nang matinding takot. Hindi niya alam kung hanggang kailan magiging mabait sa kanya ang mga Ito. Kahit pa sabihin kinupkop siya nang matanda at itinuring isang anak sa halip na isang pambayad utang.
“Boss.” Wika nang isang lalaking naka black suit na pumasok sa komedor saka lumapit kay Davin at may ibinulong dito. Napatingin naman ang matanda sa binata. Maging ang dalaga ay napatingin din sa binata at sa bagong dating.
“They never learn, do they?” wika nang binata. “Mauna na akong umalis.” Wika nang binata sa ama niya.
“Sige. Susunod na rin ako.” Wika pa nito. Tumayo naman si Davin mula sa kinauupuan saka bumaling kay Ashira.
“Tapos ka nang kumain?” Tanong nito sa dalaga nang mapansing huminto na ito sa pagkain.
“A-Oo.” Alangang wika nang dalaga.
“Good. Tumayo kana at sasama ka sa ‘kin.” Wika pa nang binata.
“Huh?” Gulat na wika nang dalaga.
“Don’t huh me. Tumayo kana diyan.” Wika nang binata sa kanya.
Kahit kailan wala talagang ka lambing-lambing ang tigreng ‘to. Inis na wika nang dalaga saka tumayo. Kahit pa noong una hindi na niya gusto ang ugali nang binata. He would usually call her dumb, Stupid at kung ano-ano pa. Ito lang siguro ang taong Tumatawag sa kanya nang ganoon. He is arrogant and stubborn. Iyon ang description niya sa binata.
“Let’s go. I don’t have time to stall.” Wika nang binata saka tumalikod at mabilis na lumabas nang komedor.
“Go Hija.” Wika nang matanda.
“Yes. Sir.” Wika naman nang dalaga saka tumayo at sumunod sa binata. Sinundan niya ang binata hanggang sa labas nang mansion kung saan may naghihintay sa kanilang mga sasakyan. Isa sa mga tauhan nang binata ay binuksa ang pinto nang isang Van.
“Get in.” Wika nang binata sa kanya habang nasa nakabukas na pinto. Kahit nag tataka hindi naman tumutol si Ashira at sumakay sa sasakyan. Kahit naman mag wala siya sa pagtutol wala rin siyang magagawa.
Nang makapasok siya sa sasakyan. Saka naman pumasok si Davin at tumabi sa kanya. Nang makaupo na ang dalawa saka naman isiniara nang tauhan ni Davin ang pinto saka pumasok sa passenger’s seat. Saka naman pina-andar ang sasakyan nang Driver. Napatingin si Ashira sa binata gusto niyang magtanong kung saan sila pupunta pero ayaw lumubas nang boses niya sa lalamunan.
Matapos ang ilang minutong biyahe huminto ang sasakyan nila. Bumaba ang lalaking nasa passenger’s seat saka binuksan ang pinto. Saka naman lumabas si Davin. Sinabi naman nito sa dalaga na lumabas. Nang makalabas sila. Takang napatingin si Ashira sa establishimento kung saan sila huminto. Isang Fashion boutique ang pinuntahan nila.
“Let’s get in.” wika ni Davin saka nagpatiunang pumasok. Hindi naman kumibo si Ashira at sumunod sa binata.
“Davin.” Masiglang wika nang isang babae nang makitang pumasok ang Binata saka nag mamadaling lumapit dito at nakipagbeso. Napatingin lang si Ashira sa babae. Matangkad ito at Maganda. Kung titingnan para itong isang super model. Napansin din niya ang fabric tape measure na naka lagay sa leeg nito. Hindi rin naka ligtas sa mga mata ni Ashira ang malambing na tono nang boses nito habang nakikipag-usap kay Davin.
“Himala yata at nadalaw ka dito. Kailangan mo nang bagong suit?” tanong nito sa binata saka tiningnan ang binata mula ulo hanggang paa. “I know exactly what you need.” Wika nito sa kanya saka hinawakan ang braso nang binata.
“It’s not for me.” Wika nang binata saka pasimpleng tinanggal ang kamay nang babae sa braso niya saka lumingon sa dalagang nasa likod niya. Hindi naman nakaligtas kay Anica ang biglang pagtaas nang kilay nang dalaga nang makita siya.
“She is?” takang wika nito kay Davin. “Hindi mo pwedeng sabihin sa ‘kin na kapatid mo siya dahil alam kung nag-iisang anak ka. Kung may pinsan ka man she wouldn’t look like this.” Wika nito saka bumaling nang tingin sa kanya.
Lihim na napaawang ang labi nang dalaga nang marinig ang sinabi nang babae. Ano namang problema sa itsura ko? Reklamo nang isip nang dalaga saka napatingin sa binata. Walang reaksyon sa mukha nito dahilan para lalo siyang mainis.
“Can you find something that will fit her?” tanong nang binata sa dalaga.
“I am a fashion designer. Not a miracle worker.” Wika nito sa binata. Dahilan para lalong mapaawang ang labi nang dalaga dahil sa hindi makapaniwala sa mga naririnig parang harap-harapan nitong sinasabi na wala nang pag-asa ang mahanapan siya nang damit. Or to change her image. Medyo nasaktan siya sa sinabi nito. Wala naman siyang pakiaalam sa kung anong isuot niya. Hindi rin naman niya kailangang mag-ayos para mapansin nang iba. Hindi ito ang priority niya. She can wear Pants, skirts o kahit anong pwedeng isuot. Hind niya iniisip ang susuutin sa kung anong okasyon dahil iyon ang prioridad niya.
Napacross ang kamay nang babae saka naglakad papalapit sa kanya. Pinasadahan siya nito nang tingin mula ulo hanggang paa saka naglakad paikot sa kanya dahilan naman para lalong ma concious ang dalaga dahil sa mga tingin nito idagdag pa dito ang tingin ni Davin sa kanya. Maya-maya ay napatingin ito sa suot na wristwatch.
“I don’t have much time. Can you do something?” tanong nang binata na may boses nang pagkabagot.
“Fine.” Wika nito saka huminto sa paglalakad. “I’ll find something suitable for her.” Wika nang babae saka hinawakan ang kamay nang dalaga saka inakay ito patungo sa isang dressing room. Nang makapasok ang dalawa sa dressing room. Naupo naman ang binata sa isang Sofa na nandoon habang hinihintay ang paglabas nang dalaga.
“Ready?” tanong nang babae matapos ang halos thirty minutes na pananatili nito sa loob nang Dressing room.
“Bakit ang tagal?” Sagot nang binata saka tumingin sa babae. Inis namang napangiti ang babae.
“You are asking me to look for something that would fit her right? Huwag kang masyadong apurado. Hindi naman ako magician. Kung nagmamadali ka naman pala sana nag punta ka dito nang maaga.” Reklamo nang babae.
“All right!” wika nang binata. “Where is she. We’re late.” Nang binata.
“Here she comes.” Wika nito saka hinila ang kurtinang nakatabing sa sa dress room. Napatitig nang mataman ang binata sa dalagang tumambad sa harap niya. She looks different.
“Finding something that would suit her will take time. Kaya ito nalang pinasuot ko sa kanya. The way I see it. This dress fits perfectly with your mafia aura.”
sa kanya. The way I see it. This dress fits perfectly with your mafia aura.”
Bakit ganyan siya makatingin? Masama ba ang itsura ko? Tanong nang dalaga habang nakatingin sa Binatang nakatingin sa kanya. Nakasuot siya nang isang halter neck short gown. Ang Skirt nito ay may shades nang Itim at pula. Habang sa itaas na bahagi mula bewang hanggang sa leeg ay may mga crystal beads.
“What can you say? Inayos ko na rin an buhok niya. And nilagyan ko na rin nang simpleng make up. She has a beautiful face hindi kailangan nang makapal na make up.” Wika nang babae.
Did she just compliment me? Tanong nang dalaga. Pero nasa binata parin ang atensyon niya dahil hindi ito nagsasalita. Napa igtad siya nang biglang itong tumayo sa kinauupuan.
“Wala na tayong oras para magpalit, right? I think that would do.” Wika nang binata saka nagpatiunang lumabas.
“That’s it?” Takang wika nang babae.
“You did well for a short notice task. You really have the skill no doubt.” Wika nang binata na huminto sa pinto saka nilingon sila. “You. Huwag kang basta tumayo diyan. We are late.” Wika nito saka bumaling sa dalaga.
“O-Oo.” Nagkukumahog na wika nang dalaga na naglakad papalapit sa binata muntik pa siyang madapa dahil sa suot niyang sandals na mataas ang heels Mabuti at agad siyang sinalo nang babae.
“He is very hard to please, hindi ba?” Wika nito sa kanya at tinulungan siyang tumayo nang maayos. Simpleng ngiti lang ang tinugon nang dalaga. “Go. Baka pag nainis yan pasabugin pa nito ang boutique ko.” Wika nito sa kanya. Simple namang tumango ang dalaga saka naglakad papalapit sa binata.
Nang makalabas sila sa boutique nasa labas nang sasakyan ang mga tauhan ni Davin at naghihintay sa kanila. Pinagbuksan naman nang isang dalawa nang pinto. Pinauna ni Davin ang dalaga na sumakay bago siya sumakay sasasakyan.
Nang muling huminto ang sasakyan nila. Sa isang malaking hotel sila dinala nang mga tauhan ni Davin. Nang lumabas sila sa kotse biglang natigilan si Ashira dahil nalula siya sa Nakita. Napakaraming mga lalaking nakasuot nang itim na suit sa paligid maging sa may pinto ay nakahilira ang mga ito. Takang napatingin si Ashira sa Binatang nasa tabi niya. Wala siyang ideya sa kung ano ‘tong pinasok niya ngayon.
“Let’s get going.” Wika nang binata saka kinuha ang isang kamay nang dalaga saka inilagay sa braso nito. Taka pang napatingin ang dalaga dahil sa biglang ginawa nang binata at bukod doon hindi niya alam kung bakit biglang tila may dumaloy na kuryente sa katawan niya mula sa kamay na hinawakan nang binata or dala lang iyon nang kaba niya nang mga sandaling iyon at pagkalito sa nangyayari.
Hinayaan ni Ashira na akayin siya nang binata papasok sa hotel. Habang naglalakad sila patungo sa pinto. Lahat nang mga lalaking madaan nila ay binati ang binata at nag bow pa dito. Pinagbuksan sila nang pinto nang lalaking nasa main door. Nang pumasok sila marami pang mga lalaki ang Nakita ni Ashira. Inakay naman siya nang binata patungo sa conference hall nang hotel kung saan nag hihintay ang iba pang mga lalaking nakasuit. Nandoon na rin ang ama nito na kausap ang ilang mga matatandang lalaki.
“Oh, They’re here.” Wika nang matandang lalaki nang makitang pumasok sa loob nang conference hall si Davin kasama ang dalaga. Lalo namang na lola ang dalaga nang mapansing tatlo lang silang babae sa loob nang conference hall. Ang dalawang babaeng nandoon, habang nakatingin si Ashira sa kanila. Iniisip nang dalaga na tila nasa late 30’s na ang dalawa. Parang wala lang sa mga ito na makipag-usap sa mga lalaki.
“So, the young tiger finally decided to show up.” Wika nang isang babae saka tumingin kay Davin saka napadako sa dalagang kasama nito. Gaya nang babae sa boutique pinasadahan din siya nang tingin nito mula ulo hanggang paa.
“May kasama ka yata.” May tono nang pagka-iritang wika nang babae.
“This is your first gathering as the new leader. I see you are with someone. You might want to introduce your guest.” Wika nang isang lalaki. Bigla namang napatingin sa kanila ang iba pang mga nandoon. Pakiramdam ni Ashira nanlalamig siya. Hindi lang dahil talagang malakas ang AC sa loob nang conference kundi dahil na rin sa mga tingin nang mga taong nandoon. Pakiramdam niya para siyang isang tupa na pumasok sa Den nang mga lion.
“Oh. This is Ashira.” Pakilala nang binata sa dalaga.
“Saang Clan naman siya nabibilang?” tanong nang isang matanda sa binata saka naglakad papalapit sa kanila may dala itong kopita na may lamang alak.
“Does it matter?” tanong nang binata.
“You are head of your Family now. And sooner or Later you will be the head of the entire Organization. Sapalagay ko naman dapat lang alam namin ang bawat taong nakakasalamuha natin. You know what I mean.” Wika pa nang matanda.
“Of course.” Wika nang binata na nahulaan ang gustong ipahiwatig nito. Sa tono nang matanda. Sinasabi nitong hindi sila magiging kampate kung sino-sino lang ang dadalhin niya sa gathering nila. This gathering is suppose to be a gathering kung saan ipapakilala siya bilang bagong head nang Penumbra and of course para ipakita sa lahat na nasa pareho linya nang business nil ana ang bagong head nang Penumbra ay hindi isang mahinang klase. Alam nang binata na hindi pa lahat nang mga leader ay naniniwala sa kakayahan niya. Ilan sa kanila, naghihintay lang na magkamali siya for them to strike. Or take that opportunity para pabagsakin ang pamilya nila.
“Davin has a good reason, kung bakit may kasama siya.” Wika nang ama nito. Napatingin naman si Ashira sa matanda. Napatingin naman ang lahat sa binata na naghihintay nang paliwanag nito.
“Let’s hear it.” Wika ang isa pang babae. “I am sure this reason is really good.” Madiing wika nito.
“She is my future wife.” Wika nang binata na dahilan para magulat ang lahat. Maging si Ashira ay nagulat din dahil sa sinabi nang binata dahil sa pagkagulat napatingin siya sa binata. Hindi niya alam kung anong nangyayari at kung bakit sinabi nitong magiging asawa siya nito. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Isa lang siyang pambayad utang bakit magiging asawa na siya nang lalaking pinakinainisan niya.