Unwanted

2865 Words
Mama! Papa! Ayoko Dito. Huwag niyo ‘ko iwan dito. Pangako. Magiging masunurin ako sa inyo. Kahit ano gagawin ko. Basta huwag niyo lang akong ibingay sa kanila.” Wika nang isang batang babae habang umiiyak sabay habol sa isang babae at lalaki na papalabas sa gate nang malaking bahay. Nang mahabok niya ang kanyang mama agad siyang yumakap sa bewang nito para pigilan ito. Bigla namang huminto ang babae. Pero hindi ito humarap sa kanya bagkus ay buong lakas nitong tinanggal ang kamay nang anak na nakayakap sa kanya saka itinulak ang batang babae dahilan para mapaupo sa damuhan Puno nang pagtatakang napatingin ang batang babae sa ina niya habang patuloy ang pagdaloy nang luha sa mga mata. Mula naman sa terasa nang bahay nakatayo ang isang binata habang nakatingin sa kanila. “Huwag ka nang susunod sa amin. Dito kana titira simula ngayon. Huwag din matigas ang ulo mo kung ayaw mong samain sakin.” Wika nang papa niya. Bago muling tumalikod at inakay ang mama niya papalayo. Walang ibang nagawa ang batang babae kundi ang umiyak. Sa pinto naman nang bahay nakatayo ang isang lalaking nakasuit na napanood ang nangyari. Habang sa terrace ay nakatayo ang isang binatilyong nakasuot nang suit at nakatunghay sa kanila. “Hey!” isang mahinang tapik sa pisngi ang gumising sa dalaga. Nang magmulat siya nang mata ang gwapong mukha nang binata ang dumungaw sa kanya na nakatungkay sa mukha niya. “Are you okay?” masuyong tanong nito sabay pahid sa luha niyang tumulo sa pisngi niya. “You’re even in your sleep. Another bad dream?” tanong nito na labis ang pag-aalala sa kanya. Ilang sandali siyang nakatingin sa mukha nang binata bago marealize na nakatunghay ito sa kanya. Nang pagtanto niya iyon. Bahagya niyang itinulak ang binata at naupo. Saka pinahid ang luha sa mata. “Anong ginagawa mo dito?” tanong nang dalaga. “Narinig kong sumisigaw ka. Akala ko kung ano nang nangyari saiyo. Baka isipin nang mga tao dito kung anong nangyayari saiyo.” Wika nang binata. Hindi naman umimik ang dalaga. Dinalaw ulit siya nang masamang panaginip na iyon. It happened sever years ago. At hanggang sa mga sandaling ito, dinadalaw parin siya nang mga masasamang alaala. “Bad dream?” tanong nang binata. Nang hindi sumagot ang dalaga. Hindi na muling nagtanong ang binata dahil sa mukha palang nito nababasa na niya ang sagot sa tanong niya. Simula nang dumating ito sa bahay nila halos gabi-gabi ito kung bangungutin. Akala niya nitong mga nakaraang taon, tumigil na ang mga masasamang panaginip na iyon. Pero mukhang hindi. “Why?” tanong nang binata nang napansing nakatingin sa kanya ang dalaga. “Kelan ka pa bumalik?” tanong nang dalaga habang nakatingin sa binatang katayo sa kama niya. Habang nakatingin siya sa binata hindi niya maiwasang hindi humanga dito. Kahit noon pa, parati itong neat tingnan ang there was never a time na hindi niya ito nakitang nakasuot nang suit nainaamin naman niyang bagay na bagay sa binata. He is so handsome habang nakasuot nang suit. A dignified businessman, iyon niya ilarawan ang binata. Simula nang una niyang nakilala ang binata 10 years ago parati itong nakasuot nang suit. Sabagay, it is to be expected sa isang businessman. “Kagabi lang. hindi na tayo nag abot dahil tulog kana nang dumating ako. May kukunin lang akong mga gamit at aalis din ako agad.” Wika pa nang binata. “Nandito na rin naman ako. Samahan mo na akong mag breakfast.” Wika nito sa kanya. Lalo namang napatingin ang dalaga sa binata. He would normally just ignore her. Pero bakit parang kakaiba ito ngayon? May nangyari ba sa trabaho nito. “Well, nevermind.” Biglang wika nang binata habang nakatingin sa mukha niya. “Hindi ko gustong mawalan nang gana early in the morning. Just get up at magbihis kana else you will be late.” Wika nito saka tumalikod at naglakad patungo sa pinto na hindi hinintay ang sagot niya. Narinig niyang isinara nang binata ang pinto dahilan para mapagtanto niyang iniwan na siya nito. Napaawang ang labi nang dalaga dahil sa gulat saka inis na binato nang unan ang nakasarang pinto. Bigla namang napabuntong hininga ang dalaga saka tumayo kahit naman mainis siya sa binata wala din namang magbabago. Naglakad siya patungo sa pinto saka kinuha ang unan na itinapon niya. Napahawak siya nang mahigpit sa unan. Sa isip niya kung may magagawa lang siya para sa sarili niya. Kung kaya lang niya matagalan na niyang iniwan ang lugar na ito.  **** Noong 17th birthday niya. Naisipan ni Ashira na puntahan ang mga magulang niya humingi nang permiso sa kanila na gusto na niyang bumalik sa poder nila. Hindi siya nagpaalam kay Daniel na aalis siya. Tumanggi din siyang mag celebrate sila nang birthday niya. Dahil mas gusto niyang makasama ang pamilya niya. Limang taon n amula nang huli niyang makita ang mga magulang niya. At hindi rin naging maganda ang paghihiwalay nila. Pero wala naman siyang pakiaalam kung ipinagtabuyan siya nang mga ito. Ang gusto lang niya ngayon ay ang makabalik sa poder nila. Bigla siyang napahinto sa paglalakad. Nasa parehong lugar parin ang bahay nila. Habnag nakatingin siya sa bahay nila. Napansin niyang maraming tao doon at tila may kasiyahan. Agad din niyang napansin ang Mama niya nag se-serve nang pagkain at inumin sa mga bisita. Nakita din niya ang ama niya at ang nakakatandang kapatid niya nasa isang mesa na masayang nakikipag-inuman sa mga bisita nila. Bigla siyang napangiti nang isiping, naghanda ang mga ito sa kaarawan niya. Pinigil niya ang luhang gustong bumagsak sa mata niya dahil sa labis na saya. Masaya siyang naglakad papalapit sa Bahay nila. “Ma.” Mahinang sambit ni Ashira.  Narinig naman nang babae ang tawag niya at napahinto. Para itong natuka nang ahas nang makita siya. Isang matamis na ngiti naman ang sumilay sa labi niya nang makita ang mukha nang mama niya. Kahit na medyo nangyayat ito at halatang-halata na ang wrinkles sa mukha nakikita parin niya ang maganda nitong mukha. Ang mukha nang mama niya na matagal niyang pinangulilaan. Nang mapansin nang mga bisita ang mama niya na huminto napatingin ang mga ito sa kanya. Maging ang Kuya niya at ang Papa niya ay napahinto din. Napantingin ito sa kanya at sa mga dala niya. Bakas din sa mukha nang mga ito ang gulat nang makita siya sa lugar na iyon. Hindi naman yun nakakapagtaka. Sinong hindi magugulat kung may isang estranghero ang biglang lilitaw sa labas nang bahay niyo. “Aba! Kakaiba yata ‘tong bisita niyo Lydia. Romeo. Mukhang galing sa mayamang pamilya.” Wika nang lalaking katabi nang kuya niya. Sa isip niya. Hindi ba siya nakilala nang mga ito? Sabagay sampung taong gulang lang siya nang umalis sa lugar na ito at pitong taon na ang lumipas. Malaki na rin ang panigbago niya Maging ang kanyang pananamit. “Ashira?” gulat na wika nang ama niya na biglang tumayo nang makilala siya. “Si Ashira yan?” Gulat na wika nang kuya niya saka tumingin sa kanya. “Tingnan mo nga naman. Hindi siya ang uhuging batang kilala ko.” Wika nito. “Ano namang ginagawa mo dito?” tanong nito. BIgla siyang nasaktan sa trato nang kuya niya sa kanya. Hindi ba ito masayang bumalik siya? “Anong ginagawa mo dito? Alam ba nila na nandito ka?” tanong nang mama niya saka binitiwan ang dalang tray nang pagkain saka lumapit sa dalaga at inakay ito papalayo. “Mabuti pang bumalik kana, baka hanapin ka nang bago mong pamilya.” Wika pa nito sa kanya. “Hindi ka bagay dito hindi kana dapat nagpunta pa dito.” Wika nito sa kanya. Sa tono nang pananalita nang mama niya para iyong mga punyal na tumatarak sa puso niya. Nilakasan niya ang loob niya na pumunta sa bahay nila kahit hindi niya alam kung anong magiging reaksyon nang mga magulang niya. Gusto lang naman niyang makasama ang mga ito.   “Mama.” Anas nang dalaga. “Hindi ba kayo masayang bumalik ako? Limang taon narin. Hindi niyo pa ba ako kukunin?” tanong nang dalaga na tila nagmamakaawa. “May mga dala nga pala ako.” Wika pa nang dalaga saka napatingin sa mga bisita sa bahay nila. “Naalala niyo ba kung anong araw ngayon? Alam niyo ang saya ko dahil kahit malayo tayo sa isa’t-isa hindi niyo nakalimutan ang birthday ko.” Wika ni Ashira saka hinawakan ang braso nang mama niya. Napantingin naman ang ginang sa kamay niya saka bumaling sa mukha niya. “Hindi kana dapat bumalik dito.” Wika nang mama niya dahilan naman para lalong matigilan ang dalaga saka marahang tinanggal ang kamay sa braso nang mama niya. Dati hindi niya maintindihan kung bakit ipinamigay siya nang mama at papa niya sa pamilyang iyon. Ngayon naman lalo siyang naguguluhan. Bakit ayaw sa kanya nang mga ito. “Mama. Bubuksan ko na ba ang mga regalo ko.” Wika nang isang batang babae na lumabas sa bahay na may dalang isang regalo. Biglang napatingin si Ashira sa batang papalapit sa kanila. Saka siya tumingin sa mama niya. “Kaarawan niya?” tanong ni Ashira maririnig ang garagal na boses ni Ashira at ang panginginig noon. Pinaghalong hiya at lungkot ang nararamdaman niya. At awa sa sarili bakit ang bilis siyang makalimutan nang pamilya niya.   “Mama sino siya?” Tanong nang batang babae habang nakatingin kay Ashira. Nasa mga mata nito ang labis na pagtataka. “Shiny. Doon ka muna sa loob bubuksan natin ang regalo mo mamaya.” Wika nang mama niya saka lumapit sa batang babae. “May kausap pa si Mama. Doon ka muna kay Kuya Alfred mo.” Wika nito. “Sige po.” Wika nito saka tumingin sa kanya bago tumalikod at naglakad papasok tungo sa bahay nila. Inihatid naman nang tingin ni Ashira ang batang babae. Habang nakatingin siya dito hindi niya maiwasang hindi maikumpara ang sarili niya. Noong nasa poder pa siya nang mga magulang wala siyang alaala na nagpaparty ang mga magulang niya sa kaarawan niya. Hindi naman niya akalaing kapareho pa niya nang birthday ang batang lumapit sa kanila. “Kaarawan din niya?” Tanong ni Ashira na pinipigilan ang luhang gustong pumatak sa mata niya. Parang may tumarak na punyal sa dibdib niya nang mapagtantong hindi para sa kanya ang kaarawang iyon. “Pang pitong na taon niyang kaarawan.” Wika nang mama niya. “Bumalik kana sa mansion. Hindi magandang nandito ka.” Wika pa nito sa kanya saka bahagya siyang itinulak dahilan naman para lalong sumikip ang dibdib niya dahil sa lantarang pagtataboy nang mama niya sa kanya. “Huwag niyo naman akong ipagtulakan gaya nang dati. Anak niyo rin naman ako. Masama bang hingin ko na bumalik sa poder niyo?” mahinahong wika ni Ashira habang pinipigilan parin ang mga luhang kanina pa nagbabadyang pumatak. “Hindi na kami ang pamilya mo. Alam mo kung paano magalit ang ama mo. Bumalik kana.” Wika pa nito saka muling itinulak ang dalaga Masakit para sa kanya ang ginawang iyon nang mama niya. Biglang bumalik sa alaala niya ang araw na itinulak siya nito nang humabol siya sa dito. “Hindi na ako babalik doon. Kunin niyo na ulit ako.” Halos magmakaawang wika ni Ashira sa ina saka muling hinawakan ang kamay nito. “Kahit maghirap ako. Kahit mahirap ang buhay okay lang. Hindi ko kailangan nang magandang bahay dito lang ako sa inyo.” Wika nang dalaga na muling hinawakan ang braso nang mama niya. “Bakit ba ang hirap mong umintindi. Gusto mo bang magalit ako saiyo.” Asik nang mama niya saka inagaw ang braso nito. “Natapos mo bang bayaran ang utang?” tanong nang papa niya na biglang naglakad papalapit sa kanila nang mama niya. Agad siyang napatingin sa Papa niya. “Huwag mo akong ipahiya at bumalik ka na sa mansion. Huwag kang umiyak at mag-inarte. Tingnan mo, kung hindi ka nakatira sa mansion saan ka pupulutin? Maswerte ka at sa mansion kita ibinigay.” Wika nang papa niya na tila utang na loob pa niya na nakatira siya ngayon sa mga taong hindi niya kaano-ano. “Kung may Malaki kang ipon na sasapat sa mga bayarin namin, baka magbago pa ang isip ko at kunin kita ulit.” Wika pa nang papa niya. “Hindi ko alam kung Malaki na ang ipon ko. Pero ----” wika nang dalaga saka inilabas ang bankbook niya na nasa bag niya. Hindi paman niya naibibigay iyon sa papa niya bigla nito kinuha ang bank book sa kamay niya saka binuksan. Halos manlaki ang mata nito nang makita ang laman noon. “May silbi ka rin naman pala. Habang nasa mansion.” Wika nito saka ngumiti at tumalikod. “Hindi pa ito sapat para mabayaran ang sampong milyong utang. Pero pwede na ‘to.” “Pa!” habol ni Ashira ngunit bigla siyang pinigilan nang mama niya. “Lydia ano pang hinihintay mo. Dalhin mo yang anak mo dito. Maraming gusto makilala siya.” Wikan ang lalaki na hindi lumingin sa kanila at naglakad patungo sa kumpulan mukhang masaya ito dahil sa perang tinanggap. Napangiti naman si Ashira saka tumingin sa mama niya. “Tayo na.” wika nito saka kinuha ang mga dalaga niya. Lumawak naman ang ngiti nang dalaga saka sumunod sa mama niya. Nang makalapit sila. Agad siyang kinumusta nang mga bisita nang magulang niya. Lahat hindi makapaniwalang siya ang batang Ashira nakilala nila.  Malaki ang pinagbago niya Sinasabi nang mga ito na dalagang dalaga na siya. Lahat nagtatanong kung saan siya nagpunta nang nakaraang pitong taon. Ang sagot lang nang papa niya nag trabaho siya. Mula sa kasiyahan sa party sa labas nang bahay nang pamilya ni Ashira may isang itim na sasakyan ang nasa di kalayuan sa loob nito ang isang Binatang nakasuit at nakatingin sa kanila. “Let’s go back.” Wika nito sa driver. Matapos tingnan ang kumpulan habang abala ang dalaga sa pakikipag-usap sa mga bisita.  **** Habang nasa isang silid nakatingin ang isang binata sa arena sa ibaba. Puno nang tao ang loob nang arena habang naghihintay na magsimula ang isang Match. Ang Arena na ito ay hindi isang basketball arena or boxing arena. Arena ito para sa iang illegal underground boxing. Hindi rin ito isang ordinaryong boxing. It’s a death match, magiging winnr kalang kung hindi na makakabangon ang kalaban mo. And mostly, ang nasa loob nang arenang iyon ay mga mayayamang tao, Gang, Mafia at iba pang personalidad. Habang nasa silid at pinapanood ang mga taong nagsisidatingan. Biglang nahagip nang mata nang lalaki ang isang Dalaga kasama nang isang middle-aged man at isang binata. Mababakas sa mukha nito ang takot. Sinundan niya nang tingin ang mga ito. Nakita niya ang dalawa na lumapit sa isang lalaking nakasuot nang suit kung saan naman tiningnan nito ang dalaga at hinawakan pa ang mukha saka napangiti. “What do we have for today’s match?” tanong nang binata habang nakatingin parain sa dalaga at sa businessman.  Isang lalaking naka suit naman ang lumapit sa binata. “Gusto ni Mister Valdez na makabawi sa talo niya noong nakaraan.” Wika nito sa binata. “Meron pa ba siyang perang pwede ipusta? Lahat nang ari-arian niya naubos na.” wika nito nakatingin parin sa dalaga na hindi komportable sa tingin nang lalaking businessman. “Hindi pera boss.” Wika nito saka tumingin din sa businessman na kanina pa tinitingnan nang binata. “Ang anak niya ang gusto niya gawing collateral ngayon. Pero gusto niya ang boxing king ang lalaban para sa kanya.” Wika nito. “Is he that desperate na makabawi sa talo niya?” tanong nang binata. “Wala na rin namang mawawala sa kanya.” Sagot nito. “Sinabi mong anak niya? Pero alam nang lahat na wala siyang anak.” Wika nang binata. “He just registered a girl as his daughter kaya pumayag ang konseho nang match na luamaban para sa kanya ang boxing king.” Wika nito. Hindi naman sumagot ang binata hindi rin Nawala ang tingin niya sa businessman at sa dalaga. Inakbayan nito ang dalaga patungo sa isang upuan sa harap nang ring.  Pumasok sa ring ang tinaguriang boxing King. Ito ang undefeated fighter nang underground boxing. Lahat nang mga businessman gusto siyang kunin para maging pambato nila sa mga match kaya lang mataas ang bayad nang fighter ang may mga pera lang na kayang bayaran siya ang pwedeng magamit ang boxing king sa laban. At nang gabing iyon dahil sa Isang dalaga ang dinala nang businessman. Nagawa nitong makumbinse ang konseho nang laro na lumaban para sa kanya ang champion. Sa unang dalawang laban, panalo ang businessman at halatang masayang-masaya dahil sa malaking perang napanalunan niya. Kapag nanalo pa ito sa susunod na laban matitiyak na ang 50 milyon na halagang mapapasakanya. Naka-flash din sa screen ang malaking halaga. Nabigla naman ang lahat nang biglang may mag bid nang 100 milyon para talunin ang boxing champion. Lahat napaawang ang labi dahil sa Nakita. Wala pang naglalakas nang loob na kalabanin ang underground champion. Lahat din nagaanticipate kung sino ang may lakas nang loob na labanan ang undefeated fighter. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD