Sandy DALAWANG LINGGO NA MULA NG MA-DISCHARGE SA OSPITAL SI SANDY, nasa sling parin ang balikat niya, pero unti-unti ay naigagalaw na niya ang katawan at wala na siyang mga pasa. Napababa siya ng hagdan, sa kalagitnaan ng gabi ay bigla siyang nauhaw. Binagtas niya ang daan patungong kusina, at binuksan ang ref para sa isang pitsel ng tubig. Sa pagbukas niya ng ref, mabilis na kinuha niya ang pitsel upang hindi siya maipit dahil isang kamay lang ang gamit niya. Kinuha na nga niya ang pitsel at napatalikod, she bended at sa pagtataka ay hindi naman tumama sa gilid niya ang gilid ng ref. Napalingon siya at sa pagkagitla ay biglang naibuhos ang laman ng pitsel sa pagmumukha ng gumulat sa kanya. "Hell!" napapikit si Martin, at ng umilag siya ay biglang naisirado ang hawak na handle ng ref. I