Sandy
Continuation...
NAPAUPO SIYA, HINDI NAPIGILAN ANG PANGINGINIG. He was grim, animo'y nabigla rin.Hindi niya napigilan ang biglaang pagpatak ng luha niya. Animo'y may binasag si Martin sa pagkatao niya.
"Buong buhay ko, ang pakiramdam ko, minamahal ako ng mga taong mahal ko, pero lahat yun may kapalit! Si-si Toby, pumayag siya sa minsang baliw na relasyon para masigurado niyang mahal niya si Moon, si papa, ti-tinanggap niya ko, mahal niya ko, pero sa huli, humingi parin siya ng kapalit sakin! Mabuti pa nga si Belle eh', alam kong hindi niya ko mahal kaya't wala siyang hinihinging sukli sakin...Pe-pero ikaw, i-ikaw Martin...Nangako ka..." napatingin siya sa mata nito...
"Hindi mo na nga ko mahal, pero kailangan ko paring suklian yun, ng sarili ko...Kailangan kong ibigay kahit wala ng natitira sakin!"
Napatayo siya agad, it had only been a year. Araw-araw,tuwing gabi,hinihintay niya itong umuwi at sumisilip siya sa bintana kahit pa hindi niya ito sinasalubong, tuwing umaga masaya na siyang nakikita ang mukha nitong minsang wala pang ligo. She accepted his petty challenges tulad ng pagluluto, attending some events, pagpunta sa mama nito...She was young but a capable wife...at lihim sa kanya yung panalangin na sana naman mapagtuunan siya nito ng pansin lampas pa sa paghihiganting nakaglue sa cells ng utak nito.
Her tears stung her eyes uncontrollably, hangga't mapalabas na siya ng bahay hindi alam kung saan pupunta.
THREE DAYS AFTER
HINDI SIYA MAKABANGON SA KAMA, pinilit niyang ibuka ang mga talukap ng mata ngunit ng mapadilat na siya, napapikit siyang muli. Hindi niya malaman kung aparisyon bang masasabi ang nakita niya kanina sa gilid niya, it was Martin. Naramdaman niya ang hapdi, ng igalaw niya ang kamay sa kanan, may benda ng nakaplaster sa gilid ng kilay niya. Hindi rin niya maramdaman ang kaliwang braso niya, it was casted, and it hung in a bandage sling.
"This is crazy. That night I was doing judo with you, then you have this ourburst. Then, in the middle of the night after calling your phone endless, because I was going to sort of apologize to you, Douglas called me and said your car hit an accident in a drag racing stint!"
"I never knew, that you do drag racing too, do you know how dangerous could it be?! Judo, I can tolerate that with you. At ano, talaga bang galit ka talaga sakin para dumiretso dun matapos ng away natin?!" she can feel the gnashing, the straining of his neck muscles.
"I do all sports, from A to Z," matipid niyang sagot, sanay na rin sa sugat at mga pasa, and breaking some leg was nothing for her. Ang puso niya ang mahina, which is ironic. "Tsaka dati ko na tong ginagawa, when I was in college I joined a few, for fun. Ng malaman ni papa, binawalan na niya ako."
"So, you're not gonna be able to teach some of your classes, right? Pa-pati ako?" tanong nito.
Ang tanga nito, gusto niya itong untugin!
"May mga assistant ako Martin, huwag kang mag-alala. And how dare you ask me to teach you, when you perfectly know it! Hindi ka pa ba natututo?!" Ibinuka niya ang mga mata at natagpuang walang pagkainis sa mukhang iyon, sa halip, seryoso iyon, kalamado at may kuminang na kung ano sa mga matang iyon. Was it softness, pag-aalala?
"Y-you must have a job to attend to..." tanging dagdag niya, nagtatanong ang mga mata kung bakit nasa gilid niya ito ngayon.
"Look, I'm sorry..." anito, short but to her surprise, it sounded genuine. Teka, padadala ba siya ng ganun kabilis? Sorry? One word, tapos, tapos na?! Her heart throbbed, naaalala pa niya ang paglalapastangan nito sa labi niya mga ilang araw na ang nakalipas...
The longest kiss they have shared so far mula ng huling napakabilis nitong halik sa kanya sa resort may isang taon na ang nakakalipas.
Baka pinapalambot na naman siya nito...
********************
Martin
THAT SORRY WAS SINCERE. Alam iyon ni Martin, he did not quite expect it, and it was supposed to be 'just' a word, but he aired it with sincerity.
Totoong nag-alala siya ng gabing iyon, at halos liparin niya ang hospital kung saan ito naisugod!
Sa totoo lang, he was until now, secretly pre-occupied by his kiss to her.
It left him wanting, the kiss was supposed to be just a test for his feelings and to test her too.
Pero mukhang nadale ata siya, kung may nasisigurado man siya, iyon ay ang nabitin siya at may kaunti sa kaibuturan ng dibdib niya na nadismaya...pero alam niyang mali...it's just that gusto niyang makuha ang response nito. Gusto niyang ma-test at madama rin kung may tumutubo naring emosyon sa parte ng babae, dahil ang alam niya, he was feeling funny habang tumatagal ang mga araw at kasama niya ito. Oh, only if she wasn't too young, ngunit alam niyang kelangan niyang tuparin ang naipangako rin niya...At kaya niyang maghintay, na malaya naring maibibigay ng dalaga hindi lang ang kung anong hinihingi niya ngunit alam niyang gusto narin niyang kasama ang puso nito...
Napalingon siya ng lumuwa mula sa pintuan ang katiwala nila Sandy na si Yaya Sally. May bitbit na basket ng prutas. "Yaya, ba't andito kayo? Nalaman ba ni papa ang tu-tungkol sakin?"
Lihim siyang napangiti ng matunugan ang kaunting pag-aalala na tumakas mula kay Sandy. Mabait na anak ang babae, malapit ito sa ama, noon pa ay pansin na niya. Binagtas ni Yaya Sally may singkwenta na ang edad ang kama at nilatag ang prutas sa side-table. "Alam na niya, bibisitahin ka nun mamaya. Tinawagan ako nitong si Martin, pinabili ako ng prutas sa daan."
Napalapit ito kay Sandy, hinaplos ng saglit ang buhok. "Ni ke tong batang to oh! Naghahanap talaga ng disgrasya, akala ko pag kasal ka na, matitigil na itong pagbisita ko sa hospital ah!"
Napatingin siya sa matanda, "Maraming beses na hong na-ospital si Sandy?" Hindi hilig ni Belle ang magkwento tungkol sa kapatid noon sa kanya, when she did, puros reklamo iyon tungkol sa kapatid. Napatayo siya, inabot ang isang platito sa gilid at unconsciously, inabot ang isang mansanas, hiniwa iyon.
"Kay dami na!" ngisi ng matanda, naging malapit rin siya dito, at kahit nagulat ito sa naging pangyayari, mukhang tanggap narin siya nito para kay Sandy. "Matigas ang ulo! Tapos, madalas ring mabalian noon dahil sa sports. Tsaka noong Grade three, sa kakaakyat sa mangga, ayun nahulog!"
Natigilan siya sa paghiwa, sabay silang nagkatitigan ni Sandy. Animo'y may parehong naalala, hindi alam ng isa't-isa kung ngingiti o ano...His hands gingerly left the plate at sa halip ay inabot ang isang hiwa ng mansanas kay Sandy.
Her confession to him when she was sixteen in that car, was embarrassing and funny...
But thinking about it right now again, carried an another different note in him...Dahil asawa na niya ito... At naisip niya, si Sandy pala ang una niyang nakilala kesa kay Belle...Ito ang una niyang nakita noon?
Sandy
"HOY! SANDY, ABUTIN MO NA yang binibigay ng asawa mo!" tudyo ni Yaya Sally habang nakatitig siya sa inabot nitong mansanas. She gingerly fetched the slice in his fingers, dahilan upang magdikit ng kaunti ang balat sa mga daliri nila. Mahiwagang nag-flash ito ng ngiti, she wanted to roll her eyes! Alam niyang uma-akting lang naman ito dahil andito si Yaya Sally.
"You have to rest for over a month, yan ang payo ng doktor," anito.
She felt relieved, kung ganoon, maraming dahilan pa siya upang ma-delay ang deal nila ng isa pang buwan...At sa isang buwan ang birthday niya, therefore, she'll be turning twenty-five...gosh.
KINALAUNAN, PANAY KWENTO SI YAYA SALLY KAY Martin, paminsan-minsan ay napapatitig siya dito na itinataliwas niya pag napapadpad ang sulyap nito sa kanya, takot siyang mahuli, ibinubuhos na lang niya ang lahat sa pagpapak niya ng mansanas. Pero mukhang ayun, nahuli na siya, hindi naman kasi siya sanay na nakikitang maaliwalas ang mukha nito, at tawa ng tawa ito sa mga jokes ni Yaya Sally. Narinig na niya itong tumawa noon, at magandang pakinggan ang tawa nito, yung feeling mo mahahawa ka. Mukhang enjoy na enjoy ang loko! Hmp!
Naghapunan na at nagpaalam na ang yaya niya, napauwi dahil tumawag ang papa niya, nag-sorry dahil bukas na daw ito makakabisita, umandar ang altapresyon bigla.
Sinabi niyang huwag na lang, dahil discharge na rin siya bukas at kelangan lang ingatan yung may bali niyang balikat ng bisitahin sila ulit ng doktor. Ngingiti-ngiti pa ang doktor ng kausapin sila ni Miguel, may side comment pang ang 'sweet' daw ng asawa niya, kinuwento ata ng mga nurses na halos isang araw ng naka-glue ang puwet ni Miguel sa silya sa gilid niya!
Buti na lang, right-handed siya at kanan yung naka-sling, kaya't hindi umabot sa puntong kelangan pa siya nitong subuan. Pero alerto naman itong nag-aabot ng tubig o kung ano. Kulang na lang talaga, iisipin na niyang sinapian ito, o baka may bipolar disease!
Tahimik na sila, nasa couch na ito at naka-recline, may binubuklat na libro habang nakatuon naman ang tingin niya sa telebisyon. Silence crept in, napansin niya ang pag-angat nito ng tingin. He cleared his throat. "Naalala ko lang, yu-yung sinabi mo tungkol sa relasyon mo sa kaibigan mo. I was just thinking if I heared it right...Na pumasok siya sa relasyon niyo, para sa ano nga ulit yun?"
Napalingon siya dito, halatang nasorpresa sa tanong. Patay! "I-it was just a quick virtual relationship, nothing more, experimental." Eh' ang totoo, ikaw naman ang dahilan nun! "Nagulat nga sina papa, pero, yun na ang huli," ibinalik niya ang tutok sa telebisyon.
"Hmmm...So you're telling me you never had a real boyfriend? Wa-wala kang naging crush o nanligaw sayo?" gulat nitong turan.
Wala. Tsaka, ikaw na yung crush ko noh nung nagdalaga ako at college. Ang kulit mo! "Wa-wala. Tsaka, hindi ako nagka-interes sa mga manliligaw, ba-bakit?" anas niya, hindi alam kung mahihiya, pero ano bang pake nito dun? Ba't nag-aala-Boy Abunda ito ngayon?!
"That means, if we don't count your so-called relationship with your bestfriend as one, then you never really had a boyfriend, di-diretso kang nag-asawa," konklusyon nito, not even sounding apologetic!
"Wow, wow..." tango niya, "Ang talino mo rin ano!" irap niya.
Napatawa itong bigla sa gulat niya, eyeing her amusingly. Sa panggigigil ay iflinip niya ang remote at ng mamataan ang isang channel kung saan kasalukuyang may zombie na humahabol ng tao ay itinigil niya doon.
Isang segundo pa, kinakagat na ng zombie ang leeg ng taong yun, spurting blood everywhere habang sumisigaw ang tao. Horror pala yun! Sa gitna niya ay narinig niya ang pagbagsak ng isang libro, napabalikwas si Miguel, still eyeing the screen, napatayo ito at napatakbo sa gilid niya. Inagaw ang remote at inilipat ang channel. He was grim, tinanaw niya ang mukha nito at hindi nakatakas sa kanya ang pamumutla nito. Ngak!
"I-I can't tolerate horror movies..." anas nito, pinipilit na ikalma ang klarong-klaro namang pagpa-panic kanina! He stood stiff, yung parang pinipigil na maihi.
"Yo-you're afraid of horror movies?!" halos hindi siya makapaniwala. Someone as manly as Miguel...biglaang lumisan ang isang amused na tawa mula sa kanya. Nakita niya ang paglukot ng mukha nito.
"I-I witnessed a m******e when I was young, ka-kaibigan ko..." anito, seryoso ang mukha, mababa ang tono. Natigil ang pagnganga ng bunganga niya sa hangin.
"Ta-talaga?" aniya, she suddenly felt apologetic, napayuko siya, "I'mean, I'm sorry...I didn't know..."
"Yes, you should be sorry," anito. Natahimik siya.
Napangisi ito. "I'm really sorry," dagdag niya. Mas lumaki ang ngisi nito, sa isang segundo pa'y ito naman ang tumatawa.
"Oh, I get it!" muntik na siyang mapalukso, at gigil na hinablot ang unan sa likod niya gamit ang kanan. He was fooling her, malakas niyang iniitsa sa mukha nito ng unan na mabilis nitong nahuli. Iniitsa nitong muli sa kanya ang unan which crumpled her hair.
"Hoy! Nananadya ka na ha! Masuwerte ka, isang kamay lang ang gamit ko!" Hinagis niyang muli ang unan.Ibinalik nito sa kanya ang unan.This time, she was calmed down, nagsimula na siyang tumawa, at sa animo'y hindi malamang dahilan mas lumusog na rin ang tawa ni Martin.
In a crazy way, they were laughing like little children at huli na bago mapansin nila iyon, at nakangangang mapatigil. They stared in each other's eyes, naalala ang nangyaring iyon may ilang taon na ang nakakaraan...
**************
Ilang taon na ang nakakalipas..
Martin
"BAKIT MO BRINEAK-AN SI ATE?! ANO, NAG-AWAY BA KAYO?" sunod ng sunod sa parking lot ang bultong iyon ng naka-uniporme pa.
Hinuli siya nito habang palabas na siya ng opisina. Kanina pa ito nagungulit.
"Ba't mo ba gustong malaman Sandy?" angil niya sa dalagang ilang araw ng umuukopa sa isip niya.
Tuwing naghihintay siya sa mga bahay ng Valencia sa pag-aayos ni Belle ay laging nadadatnan niya ang bulto mula sa eskwelahan nito, pawisan ito mura sa sports na nilalaro, okey na ang pakikitungo nito sa kanya, nag-uusap na sila at lagi niya itong kinakamusta.
He wondered if she ever got a boyfriend.
He wondered if it was crazy or normal to have this little crush over your sister-in-law...
Okay, he's crazy!
"Pumunta ka sa eighteenth birthday ko, invited ka-"anas ng dalaga at ng iabot sa kanya ang card ay mabilis na napatalikod.
That night, nakita ni Martin si Sandy sa punong iyon na kahalikan si Toby. Umalis siya, hindi alam kung ba't nanlumo sa nakita. Matapos ng isang buwan ay nakipagbalikan siya kay Belle, and he forgot that night and how he felt. He continued his life.