FIVE YEARS LATER
Sandy
"BO-BOSS! TAMA NA!" kapos na paghinga at pagpilipit ng boses ni binata na nakukulong sa diin ng bisig niya ang leeg. Kasalukuyan silang nasa tatami mat ngayon, at ang kawawang lalaki'y pansin na hapong-hapo na.
Iwinakli ni Sandy ang pagkakadiin ng bisig sa leeg ng binata. Suwabe siyang napatayo at inabot ang iniitsang water bottle at bimpo ni Douglas, ang kanyang assistant, na mukhang rumetiro na sa pag-e-extra sa mga action movies ni Fernando Poe noon, mukha itong goon. Nakatalikod pa si Sandy ngunit dinig pa niya ang paghingal ng ka-sparring.
"Ang hina naman nitong recruit mo, Douglas. Mukhang matatalo pa ito ng mga estudyante ko ha?" Nilingon ng dalagang may dalawampung-isang taon na ngayon ang binatilyong may labignsiyam na nagpupunas rin ng pawis. At twenty-one and at a very young woman's age ika nga, binansagan na siya ng mga kakilala bilang the 'It' girl pagdating sa larangan ng kung anu-anong klaseng sports.
"Boss. Maganda naman ang sparring niyo, medyo nadale niyo lang sa huli, aminin na natin boss, na mahirap naman talaga kayong patumbahin," komento ni Douglas na nakangiti na ngayon at tinulungan ng akayin ang binatilyo. Napatango-tango ang dalaga.
"Oh sige, ano ngang pangalan mo?" kunot ng noo ni Sandy na pinupunasan na ngayon ang toned na bisig, tinanggal na niya ang tali ng mahaba niyang buhok. Her hair fell down in an instant, it was shiny black.
"Winston, boss." Ngisi ng binata na kintal ang pagkamangha kay Sandy.
"Okay, hindi na rin masama. You can start tomorrow-"tango niya na hindi parin iniiba ang ekspresyon ng mukha, "Magiging assistant kita sa...judo class ko bukas, lately, I'll see you through Taekwondo, hanggang Saturday iyan, lalo na't Summer yan kaya't puno ang nagpa-sign-up ngayon."
Matapos ng kolehiyo niya, ay napagdesisyunan niyang isabuhay ang center ng yumaong tito Glen niya, kaisa-isang kapatid ng ama niya ng ibenta na sana ng asawa nito noon ang building at lote na kinatatayuan ng center ngayon. Humiram siya ng puhonan sa daddy niya.
Noong kapanahunan ng kolehiyo niya, mas umigting ang training niya sa taekwondo under the training of her tito, at nakakuha pa siya ng mga medalya sa National games. Nagsimula narin siyang kumolekta ng certificates sa judo noon. Sa ilang buwan na pagbubukas ng fitness shop ay may mangilan-ngilan narin silang nakukuhang customer. Mukhang napakasuwerte niya at kaga-gradweyt pa lang ay may derechong business venture na siya na swak na swak sa abilidad niya at passion.
Sandaliang nagpaalam ang hi-nire niyang assistant instructor sa judo, manganganak kasi ang asawa nito kaya kinailangan niyang maghanap ng proxy nito. Isa pa, busy rin siya sa pagtulong sa paghahanda ng kasalan ng ate niya.
Matapos ng limang taong on-and-off relation ng dalawa ay nagpropose na nga si Martin sa kapatid niya, matapos mamatay si Tito George sa sakit ng puso at matapos mailipat na ang mana kay Martin.
Now, Martin bosses the multimillion corporation of the Palanca's kung saan nakikisawsaw lamang ang kompanya nila. Soon, Belle would be the wife of a multimillion business tycoon, they'll have a family at tuluyan na siyang hindi nito pagtutuunan ng pansin, which is the best she thought.
Tatahakin na sana ng dalaga ang kuwarto kung saan naroon ang maliit niyang office ng biglang tumunog ang cellphone niya. Napakunot siya ng mabasa ang pangalan ng caller.
***************************
Martin
HINDI MAPAKALI SI MARTIN, HAWAK-HAWAK ang halatang nilukot na papel sa kamay. "Hello. Sandy? Yes, it's me."
Papasok na sana siya ng opisina ng matagpuan ang sulat-kamay ni Belle na nakapatong sa breakfast table niya. Hindi sumagot ang nasa kabilang linya. Nagtanong pa ito kung bakit daw siya nito ini-istorbo at yun lang ang itatanong niya!
"Hell!" sigaw niya sa cellphone, "you don't know? Your sister just backed off from the wedding! Sinulatan niya ko, in her handwriting she told me that she's going to wherever, whatever!"
Natahimik ang nasa kabilang linya, ilang segundo at sinigawan rin siya nito. Hindi daw nito alam ang pinagsasambulat niya!
"Well!" hindi niya napigil ang pagbugso ng damdamin, lalo na't kausap niya si Sandy ngayon. "Your family better find Belle quickly, or something unfavorable would happen!" madilim niyang usal.
Isang segundo pa matapos ang call ay napadausdos na siya sa kusina, nahanap siya ng isang katiwala na napasigaw kaya't natagpuan rin siya ng mommy niya. He rasped heavily, sa galit. He knew Belle would do it again, cheat him over some other guy, she did it, several times but she was the only resort he could have.
Theirs, was a hopeless case.
*********************
Sandy
HALOS MAGLIPARAN ANG MGA gabundok na damit at mga papel sa kwartong iyon, nasa likod niya si Yaya Sally, nagpaliwanag na nakita daw nito si Belle kaninang pumapanhik sa hagdan, may dala daw na maliit na bagahe, tinanong ng katiwala ang sabi'y may iilang gamit daw na ihahatid sa mga Palanca.
There was no trace of any valuable materials anymore in that posh-pink room. Wala na ang passport nito at iilang papeles, wala na rin ang alam niyang koleksyon nito ng alahas, nor her sister's favorite dresses, wala narin. Napasalampak siya sa kamang iyon, dinadatalan na ng kaba...Naaalala niya ang binanggit ni Martin sa kanya...Hanapin nila si Belle, or else...They owed a lot from the Palanca's, alam niyang sa pagkakataong iyon ay napakadelikado ng posisyon nila! May maselang kondisyon rin ang ama nila.
Paano nagawang tumakas ni Belle sa mismong kasal nito?! Hindi ba nito mahal si Lucas? She should have cancelled it if she was having jitters! O baka naman may karelasyon itong iba?! Pero ang gawin nito ito sa kanila ng papa niya...
"PAPA, PAPA, MAHAHANAP NATIN SI ate, maniwala ka. Magi-guilty rin siya, tatawagan niya si Martin!" dalawang araw ng nakaratay ang ama niya sa kama, hindi nga napigil at kelangan na niyang ipagtapat sa ama ang naganap. Inatake ito ng altapresyon.
"Paano na lang kung umakyat ako sa langit? A-anak, wala akong mukhang maihaharap kay George, sa pagtulong niya sa pamilya natin, sa pagbibigay sa akin ng isa sanang napakamabuting mamanugangin, ng isang anak sanang lalaki sa katauhan ni Martin...Paano ko ipapaliwanag iyon sa kaibigan ko..." lugmok na hingap ng ama na napasira na ng mata. Pinagmasdan niya ang ama, he was a good man, a man of tradition, a man who keeps his promises and values friendship. Pakiramdam niya, wala siyang magawa, upang pagaanin man ng lang kahit kaunti ang dinaramdam nito sa pagkasira ng isang kasunduan sa matalik na kaibigan.
ILANG TAO NA ANG kinontak niya, maging ang modeling agency at agent ng ate niya, pati si Lace ay walang kaide-ideya sa lokasyon ng kapatid. Kinontak niya si Toby sa Amerika kung saan nag-aaral ng pagdi-direktor, humingi siya ng tulong, ang tanging nai-offer nito ay kumpirmahin kung may kinalaman ang kuya nito sa sitwasyon, and in her amazement, may isang linggo narin daw na nagpaalam si Tristan mula sa mga tauhan nito sa farm sa Cebu na magbabakasyon muna. Walang ring nakakaalam sa lokasyon nito. Did her sister ran away with Tristan? Paminsan-minsan ay umuuwi si Tristan sa subdivision nila. Might have been na nagkaroon ng kontak ang ate niya at kuya ni Toby ng patago? Sure as hell, it could be possible.
"NO," WIGGLE NG ULO NI SANDY, nilakasan niya ang speed ng padometer, she was almost breathless. ''But it connected. Maaaring si Tristan nga ang tumakas kay ate, why does Belle have to ran away and copy the dramas? Kung sabihin na lang kaya niya ang totoo?! Hell!"
"Tristan?" bungad sa kanya ng isang boses na halos magpalukso sa kanya. Muntik na siyang mawalan ng balanse at mahulog ng bigla siyang mapakapit sa head ng machine. Si Martin iyon, wearing a sweatshirt and a short, pawisan rin ito, humihingal.
"I finally got you, stubborn," madilim na usal ng nasa gilid na niya ngayon, itinurn-off nito ang machine niya, "kung saang-saang gym ako nagpunta, pati training center mo pinuntahan ko. Let's talk."
She did not budge. Takot siyang makipag-usap dito, baka kung anong ibalita nito sa kanya. "Hinahanap ko pa siya..." tanging tugon niya.
It did not escape her sight, Martin was more leaner, sa pagdaan ng panahon ay hindi nakaiwas sa panunuri niya ang animo'y dumaragdag ditong kung anong charisma, maybe it comes with age, he was manlier, more matured, his eyes twinkled deeper. Iniiwas niya ang tingin, at mukhang sa pagdaan nga ng panahon, mukhang andoon parin ang pamilyar na pakiramdam niya para dito! God!
I-o-on sana niyang muli ang machine ng biglang pigilan ng palad nito ang kamay niya. She felt delightful warmth crept in suddenly in her kaya't maliksi pa sa kidlat ng maiwaksi niya ang kamay niya. "What do you want? Iniwan ka ng ate ko, kaya't pansamantalang tapos na rin siguro ang ugnayan natin!" Pinalaki niya ang mata niya.
"Exactly!" gigil na tugon ng lalaki, "Ang pamilya ko at ako ang inagrabyado kaya't siguro naman ay mas excited dapat ang pamilyang nang-agrabyado upang kausapin ang panig namin!"
SHE SIPPED THE COFFEE, sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaupo sila sa isang maliit na mesa ngayon, like they were friends again, chatting over something. Ngunit batid ng isa't-isang may nagbago na. Three years ago, when she was eighteen, something happened under her mango tree again, something that could change what was between them. As if, that mango tree held a spell, to change them through peculiar events, na sa huli ay mas mainam na lang na kalimutan.
"Alam mo ang tungkol dito at hindi mo man lang sinabi sa akin?"
"It's not that you would want to know-"tinitigan niya ang ibinigay ditong lumang sulat ng ate niya, "Malay ko ba? You have already five years, imagine? Five years of relationship! Marahil ay mahal ka na ng kapatid ko. Now, talking about this Tristan-"
"The elder brother of your ex-boyfriend-"segway ni Martin, hindi niya alam kung para saan pa yun dahil may kumintal na malokong kinang sa matang iyon.
Shockingly, yes, when, she was eighteen, niligawan siya ng bestfriend at sinagot niya si Toby. Buti na lang, napagtanto nilang ginawa nilang pareho iyon sa maling motibasyon, they broke up peacefully and tried to save of what remained of their almost fifteen years of cool friendship. They did. But that event brought her more than her dose of heartaches, na gusto na niyang kalimutan.
"Toby is my bestfriend!" she hissed, talking in defensive at hindi alam kong bakit kelangan niyang maging defensive in the first place at magmalinis dito.
"As you see, this was my final blow for loving your sister," mapait na turan ng kausap. She eyed him now with sincerity. Alam niyang mahirap para dito ang naganap, lalo na't nasaksihan niya lahat ng pag-aaruga at pagbibigay nito ng lahat sa kapatid niya.
"Kung hindi man magpakita si Belle, then, you have nothing left to do than cancel the wedding..." usal lang niya, hindi alam kung bakit may parte sa kany ang nag-udyok na dapat nga magdiwang siya.This guy, afterall, was never meant to be her brother-in-law, and maybe something else? Mabilis niyang pinagalitan ang utak niya.
"And what?!" sa gulat niya ay malakas na kahol nito, "Consider this as nothing?! Patuloy ang buhay ko? Patulay na makikinabang ang kompanya niyo sa amin?!" halos lumabas ang ugat nito sa bugso ng galit, "This is not as easy as you think kiddo!"
"Yes I know, and don't you call me kiddo!" tagaktak ng pawis niya. She hated it, ang tawagin siya nitong 'kiddo'. It felt like she was just a child under his eyes and nothing more. Nothing more? Bakit?
Sa gulat niya ay nag-iba ang ekspresyon sa mukhang iyon ni Martin. He eyed her intently na animo'y sinusuri siya ng maigi. "Do you know how much I've cashed out for this wedding Sa-Sandy? All is set up, invitations sent out. Press invited. Sa tingin ko-" lumalim ang mata nito, "Pag hindi dumating si Belle sa araw ng kasal namin, maaari kong masira at masipa ang kompanya niyo sa isang puwing lang. I'll gonna do that!"
"Pano kung hindi talaga siya dumating?!" naiinis na hamon niya.
"If not, then the last option would be to turn my supposed to be sister-in-law as my wife..." suwabe nitong pahayag, "as a replacement..."
Napamaang siya, suddenly, amazement and horror crossed her face. "N-no Martin Palanca, you can't do that..." angil niya.
"Yes, I can, little sweetheart..." madilim nitong usal.