Sandy
"WELL, MY LITTLE SANDY IS now a lady..." nagningning ang mata ng ama nilang may singkwenta na ang edad, but was still lean and looks as if he was always smiling.
Masuwerte siya at kahit ang pagpapanganak sa kanya ang siyang sanhi ng pagkamatay ng ina niya ay minahal parin siya ng ama, maybe, it was one of the reasons Belle hated her sometimes, maybe she blamed her secretly for their mother's death...
She gave a snort. Hindi siya kumportbale sa suot, at kahit anong pilit ng yaya Sally nila na heels ang suotin niya ay nagpumilit parin siya sa Chuck Taylors. "Whatever dad, I'll gonna do this so you'll not gonna push me to have that debut two years later!"
Napataas ang dalawang palad ng ama niya, "Okay, okay, you win!"
Napalabas na si Belle mula sa entrada, "Sandy, you must promise me to behave infront of Martin, okay?!" taas ng isang kilay ng kapatid. Napangiti lang siya ulit, flashing her teeth.
"Pipilitin ko," aniya at pabirong nag-curtsy sa harap nito na ikina-rolyo ng eyeballs ng kaharap. "I called, he's gonna be here after two more minutes." Sa hindi niya maintindihang dahilan ng minsang mapabisita si Toby sa kanila sa isang dinner at madulas ito sa plano nito sa ate niya tungkol kay Tristan ay mabilis pa sa isang segundo ng matawagan nito ang kasintahan nito.
Para iwas-hassle daw ay si Miguel na lang ang escort niya. Nagkatinginan sila noon ni Toby, may naalala...tungkol sa ate niya at kay Tristan na kuya ni Toby...
SHE SLID IN MARTIN'S SILVER BENZ, pinagsarhan siya nito ng pinto at pagkaa'y napakaway na siya sa ama at sa yaya at sa hindi ngumingiting si Belle. Isang minuto pa'y naka-upo narin ang lalaki. His Burberry perfume scented his car.
Hindi niya maalala kung naisakay na ba siya nito sa kotse nito, maybe, in some distant past ay nangyari na iyon, nasa backseat nga lang siya at hinatid siya ng dalawa sa dentist upang bunutin ang nananakit na niyang ngipin. Hindi maganda ang track record niya sa kasintahan ng ate niya, hindi nga niya alam kung anong enkantasyon ang ginamit ni Belle upang mapapayag ang lalaki.
Ilang pagkakataong ipinakita na niya dito ang kamalditahan niya at panlalamig. Ewan ba niya, hindi naman talaga kasi niya maiwaksi ang impresyon na dala ng ala-alang iyon sa isip niya. Awkward naman ata kung talagang mag-wa-warm up siya ng husto dito. Minsan nga, sa isang dinner party ay halos mabilaukan ito ng ikwento niya ang alamat ng punong mangga na ginawa-gawa lang niya.
Sinabi niyang may nakatira talagang batang babaeng engkanto sa puno na nasa gilid ng kwarto lang niya. Sinabi niyang nakita na niya iyon minsan o ikalawang beses ata. Sinabi niyang huwag ng mag-alala ang papa niya, dahil matagal na niyang hindi nakikita ang engkanto.
Napasulyap siya dito, hindi na nakakapanibago sa kanya ang pagsuot nito ng tuxedo at slacks, she could visualize him too in some distant past, wearing the same attire. Minsan, bumibisita rin ito sa bahay na naka-business suit pa mula sa trabaho. Siyam na taon ang alam niyang pagitan nila, so he might as well be twenty-five this year.
Twenty-five. The same sandy black hair na animo'y hindi na kelangan ng suklay, it was always left tousled. The same tanned complexion, alpha-male handsome features, deep brown eyes. The same civil, cold and refined demeanor, towards her of course. Maraming nagsasabing naka-jackpot ang kapatid niya, ngunit hindi siya kasali doon.
For her, he was always the man who urinated under her mango tree!
"Hey, I have a gift for you..." lingon nito sa kanya mula sa pagdukot sa bulsa ng slacks nito Inabot niya iyon, napilitang buksan iyon upang hindi ito ma-offend. Nagsimula na nitong paandarin ang makina, and he waved outside too bago tuluyang itaas ang mga bintana. Binuksan niya iyon, isang butterfly necklace in encrusted purple stones.
"Oh, it looks that it fits what you're wearing, purple. Your birthday is Feb right? That stone is your gemstone."
Napangiti siya, napasulyap ng sandali dito, "Thanks," inilagay muli iyon sa box. "And yup, I know that my gemstone is amethyst."
"Aside from healing and power, it's a stone you should wear to overcome fears..." Katahimikan. Napasulyap siya sa labas ng tinted na bintana, nilakbay ang mata sa nakikita sa labas, sa street lights at mga buildings. Walang kamalay-malay siyang napasipol.
"Wa-wait-"napatigil siya ng magsalita itong muli, "I know this old feel-good song," sa pagkamangha niya ay nagsimula narin itong sumipol sabay sa kanya.
She halted her whistle and stared at him in surprise, pinanood niya ang pagsipol nito ng ilan pang segundo bago ito mapalingon sa kanya at sa pagkapahiya ay napatigil rin. Isinipol niya lamang ang isang lumang kanta na nasa playlist ni Toby, yung 'Don't Worry, Be Happy' ni Bobby Mcferrin.
Nagpakawala ito ng munting tawa, "I love whistling, I guess. Your sister hated it, I mean, hindi daw akma sa dating ko-"napatawa ito, "I mean I don't know what that means. Anyway, at your age, eer, you have crushes right?" He laughed. Sumingkit ang mata ni Sandy, sa unang pagkakataon ay nadinig niya ang authentic na tawa nito ng malapitan. It sounded good.
"Cru-crush?" ulit niya. Ano to? Is this some tactic upang maging feeling close ito sa kanya?! "I don't have one."
"Come on kiddo, I know you have this angst. But surely, boys would want to dance with you. Wa-wala man lang bang nag-aya sayo sa ball?" Huh'? is he some joke? Tinatawag niya ako ngayong 'kiddo'? At para saan ang tanong, insulto ba yun o talagang napilitan lang ito ng ate niyang escortan siya?!
"Wala." Matipid niyang sagot, "They're afraid of me, kalahati sa kanila, natanggalan ko na ng ipin nung elementary. I guess, you think that being my possible brother-in-law allows you to meddle with my fancy affairs, but Mr. Palanca, you're not..." sarcastic niyang usal.
Sa gulat niya, biglang naapakan nito ang pedal ng break. She ended up being almost thrown up infront of the shields sa lakas ng impact. Napalingon sa kanya ang si Martin.
"I'm trying to be nice here, Sa-Sandy. But I guess upto now, sa hindi ko maintindihang dahilan ay ayaw mo sa akin. Why? You don't want me for your sister? A-ano? May mali ba sa akin? Matagal ko ng napapansin ang pakikitungo mo. For my peace of mind, I want to ask you now and here directly, why do I feel that you hate me?"
She was left breathless, madiin na napasuri ang malalalim na matang iyon ng lalaki, and she felt being unsheated. Feeling niya, biglang nag-init ng paunti-unti ang mga pisngi niya, her heart started to drum in an erratic way. Magaganda ang mga malalalim na matang iyon.
"Hey, kiddo..." pukaw sa kanya ng nasa likod ng manibela ng mapansing nakamaang parin siya.
I-winiggle niya ang ulo. Nababaliw na ata siya! Epekto lang ito ng Full Moon sa kalendaryo! Pinadyak niya ang Chuck Taylors niya, "Whatever! Ma-la-late nako! Bilisan mo na! Dali!" maktol niya sa panggigigil. Inirolyo lang niya ang mata matapos, at ibinalik ang tanaw sa labas ng kotse.
Of course, imposibleng maging crush niya ang kasintahan ng ate niya gaano man ito kagwapo daw kuno!
********************************
Martin
THIS LITTLE CHUNK OF SOUL is surely a mystery. She is one stubborn girl, kaibang-kaiba sa ate nito who was feminine at iba ang aura, this one, surely, he can't tame that easily. The dance started, at kanina ng isayaw ito ng bestfriend nito, ay nakasalampak na nakatunganga lang ito sa gilid, eyeing everyone with her shrewd eyes.
"Uuwi na ko, ihatid mo nako, Mr. Palanca," anito na animo'y inuutusan siya. Naging mariin ang tingin niya. He's intelligent and all, at sa korporasyon nila, who manages many business platforms and partners, halos dumapa ang mga tauhan niya upang sumunod sa isang salita niya, he was not CEO for now, but he surely would become one someday, at tinutunghayan siya ng may paghanga ng lahat.
Okay, one last shot. He'll try to be nice, really nice.
"I think, you should enjoy. I can wait, girls should enjoy their Seniors ball," nagpalingon-lingon siya sa paligid.
"Well, I'm not enjoying. Kaya, tara na," kibit-balikat ng dalaga. Napatayo ito, hinarap siya at isinundot ang isang daliri sa balikat niya. "Hoy, tara na..."
Jeez! Kung hindi lang talaga niya ito magiging sister-in-law ay baka kanina pa niya ito pinaluhod sa asin hawak-hawak ang dambuhalang pile ng mga libro!
"You should have a real dance, considering na hindi ka daw mag de-debut?" iplinaster niya ang isang ngiti kahit gusto naman talaga niyang kutusin ang kaharap.
Napangiti ang kaharap. "Eh, sa ayoko nga!" pinalaki nito ang mata nito. Ah! A young tigress roaring cutely. Sa halip ay nagpakawala siya ng munting tawa at hinila ang balikat ng dalaga. Gusto niya itong turuan ng basic GMRC, mukhang dapat noon pa lang ay in-undergo na niya ito ng training, noong naaamoy niyang may kakaibang trip nga ito!
"I'll teach you how to dance the right way, see?" marahan niyang inabot ang palad ng dalaga, pagka'y dinantayan rin ng walang malisya ang bewang nito. Her body was too delicate and young, her features has not blossomed fully yet. Alam niyang kelangan pa nito ng sapat taon upang matawag na ganap na dalaga.
Sandy's beauty was different from Belle, perhaps not sweeter but her features was somehow stoic and rough, but she had this own brand of beauty, catchy and lively. Maputi rin ito ngunit ini-neutralize ng tanned tones nito, mahaba ang tuwid nitong buhok.
She was lean at alam mong hindi basta-bastang hihingi ng tulong mula sa male specie.
*************************************
Sandy
HINDI NA SIYA NAKA-ALPAS PA NG ihatak ng kaharap ang palad niya sa balikat nito. "This is how you should dance..." ini-instruksyunan siya.
Napalingo-lingo siya, at nakita niya ang inggit na mga titig ng mga naroon malapit sa kanila. Gusto niya sanang i-anunsiyo sa loudspeakers kung saan umaandar ang hindi naman swak sa eksenang mellow song na ang kasayaw niya ngayon ay 'brother-in-law' niya!
"Yo-you should call me, kuya..." anito at pagka'y itwinirl siya. "Okay, you step like this. One, two..." iginiya siya nito.
She snorted at sa halip ay malakas na inapakan ang sapatos ng lalaki! Nanlaki ang mata nito at pagka'y pinigil ang isang impit na sigaw. "Ooops!" she mouthed, not in the slightest sorry.
Alam niyang peke na ngayon ang ngiti ng kaharap. Ngunit sa gulat niya, mas humigpit ang pagkakahawak nito sa bewang niya at mas inilapit nito ang pagitan nila, gusto niyang tampalin ang pisnging gusto na namang mag-init!
Gaaah! Sandy you can't blush over you're possible brother-in-law! Scold niya sa sarili. Then suddenly, the music switched at napahinga siya ng maluwag.
Isang minuto pa, everyone around them started to dance wildly under an upbeat tune. She started to dance wildly too, to let him feel that he was an outcast in that ocean of free-spirited youths!
Sa halip, ay nagulat siya ng tanggalin nito ang coat nito, poloshirt ang naiwan, but he did not dance.
"Sandy!" sigaw nito para sumabay sa malakas na tugtog, "Inihabilin ka ng ate at daddy mo kiddo'. Come on, I think this is the time we should go home now-"
Natawa siya sa reaksiyon nito. Sa halip, may kuminang sa bumbunan niya, lumusot siya sa dagat ng mga nagsasayawang kabataan, napalakad siya ng ilang hakbang at ngi-ngiting ngiting siniguradong hindi na siya nito nakikita.
Catch me if you can ang laro niya.
Napangiti siya, she might as well teach him some lessons too, that she's not a 'kiddo' he can easily command to!
Napalakad pa siya ng ilang hakbang, ilang hakbang pa ng mabunggo ang mukha niya sa isang bulto, mataas ito kaya't sa dibdib nito napamudmod ang mukha niya. Mainit iyon, matigas at mabango. Naitaas niya ang mukha.
"Not a nice joke, kiddo!" bumulaga sa kanya ang mukha ni Martin, napa-'tsk' ito at sa iring niya ay malakas na hinablot ang balikat niya. "I have some office work tomorrow little tigress, kaya't umuwi na tayo!" nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at mukhang kakainin siya ng buhay.
"Di umuwi kang mag-isa mo!" kahol niya, bilang ganti, kinaladkad na siya nito, malakas naman siya, but she was surprised by his streghth. Ilang ulit niyang kinalas ang mga kamay nito sa balikat niya hanggang hindi niya namalayang nasa labas na sila ng Benz nito. Binuksan nito ang kotse at kasama ng coat nito ay iniitsa siya nito sa loob.
She ended up barking and calling him names! Pumasok na rin ito ng kotse at pina-andar na ang makina.
"You know what? I should have been good to you! But in this small nick of time, you've shown me how disrespectful you are! Take note of this, dahil ipaparating ko ito sa ate mo at kay tito!" naningkit ito, "Tell me, Sandy, why do you act so indifferently infront of me?!"
She stared at him stubbornly, nag-aagaw ang pag-iinit ng pisngi niya at ang mabigat na damdaming iyon sa dibdib niya. Truth is, she can't really fathom herself too...
Nang una niya itong makita noon sa family dinner, her little heart skipped a beat, recognizing him, seeing him full view in the light. Wala naman siyang crush sa batch nila, she had never blushed over someone, or felt butterflies in her stomach whenever one appears. Kamaikailan lang, just recently when she was feeling all guilty, whimsy.
Nang sabihin ng ate niya na pumayag ang ate niyang maging escort niya ito, hindi niya alam kung maiihi ba siya nun o ano, pinilit lang niyang mag-appear na normal.
Hell, ito na ba yung tinutukoy ni Toby na 'crush'?
"I-I don't know. Hindi naman sa hindi kita gusto," Malay nga ba niya?! "But I can't somehow respect you, it's weird, ah teka mali!" agaw niya. Napakunot ang lalaki.
"I-it's because you peed under my tree four years ago and I saw that thing!" itinuro niya ang gitna ng slacks nito. Huli na ang lahat, bago pa man niya matutop ang bibig at mabawi ang daliri ay nalaglag na ang panga ng lalaki. "I-it was you?!" maang nito.
Napapikit siya. She balled her palms into little fists. Gusto niyang tumakas ng mabilis sa kotseng iyon. Ito na ata ang panahon ng pagtatapos ng mundo.
"Damn..." rinig niyang mahinang usal nito. "So it was you, t-that's why you feel awkward, that's why you feel that way?" kastigo nito.
Napatango siya. Was it? Ang totoo, ang tanging naaalala lang naman niya sa gabing iyon ay yung napahulog na siya, her little eyes grew large upon seeing that stranger, napakaripas siya ng takbo, ang buong akala'y susundan siya nito at hahabulin.
"All right," singhap nito, "Sa-sandy, whatever you saw, whatever happened, it was three years ago, and I'm sorry." Napabuga ito, animo'y natinik at nabunutan na, "It was you and...Damn, that's just so small, let's forget about it. It's all in the past. O-okay ba?"
Napabuka siya ng mata, "O-okay..." reply niya.
"Ca-can we be friends now?" paniningkit at paninigurado nito. "Hindi mo na ba ako aawayin?"
She sighed, and in the end, she nodded.