Chapter 01
Maximillian 'Max' Pietro Lambordi is the charismatic billionaire entrepreneur behind the Lambordi Industries, a conglomerate specializing in luxury transportation. With a keen eye for business and a passion for engineering, Max inherited his family's fortune and expanded it into a global empire known for its exquisite cars, helicopters, and yachts.
At the age of 27 isa na siyang multibillionaire na may company sa iba't ibang bahagi ng bansa.
"Hey Lambo, pahiram naman ng isa sa mga yacht mo. Mga one week lang bahayaran kita kahit magkano basta hindi lang makarating sa fiancee ko."
May umakbay kay Max na lalaki at sa likuran nito ang dalawang babae na halos lumuwa ang mga dibdib dahil sa hapit ng mga suot nito na damit.
Agad siya siniko ng lalaki sinabihan ng back off.
"Muntikan ka ng mapatay ng tinatawag mo fiancee last week at hindi ka pa nadala."
Sinabi ng lalaki na hindi siya nito naiintindihan at nag-cross arm. Gusot ang mukha nito at may hindi makapaniwalang expression.
"Your girlfriend is pretty sexy and hot, why don't you just stick with one woman instead of looking for someone else?"
Sabat naman ng isang lalaki na nakaupo sa billiard table at mag hawak na kopita.
"Why should I stick to one woman when I can hold and take five? If only she were like other women? Wild and not boring in bed, then maybe we would get along, right?"
Tumawa iyong nakaupo sa sofa at sinabi na ibig sabihin lang 'non hindi gumagana ang charm ng kaibigan sa sarili nitong fiancee.
"How come na kaya mo magkama ng limang babae at the same time pero hindi mo mabitbit sarili mong fiancee?"
Nanatili nakapokerface si Max at sinabi na huwag niya idamay ang business niya sa mga kalokohan ng lalaki.
"Max! Ikaw na lang pag-asa ko! Hindi niya agad ako matatrack sa gitna ng dagat at sigurado hindi mo ako maituturo!"
Halos lumuhod ang lalaki sa harapan ni Max na nakasandal sa railing at nakapokerface sa bestfriend.
"Sinabi mo din yan kay Chen last month and dahil sa iyo isang buong palapag ng hotel ang under renovation after pasabugin iyon ng girlfriend mo."
Kasalukuyang nagpipigil ng tawa iyong guy na nakaupo sa billiard table dahil nandoon din siya sa hotel na iyon 'nong nangyari ang insidente.
"Bakit kasi hindi mo na lang tanggapin ang kapalaran mo na magkaroon ng girlfriend na bulldozer?"
Nagkatuwaan ang mga lalaki na nasa loob ng silid. Napabuga naman ng hangin iyong lalaki na nakaupo sa harap ng coffee table na nasa veranda din kasama ni Max.
"Can you please stop slandering my sister infront of me? She's my sister."
Salubong ang kilay ng lalaki at tiningnan iyong guy na nasa harapan ni Max na agad napatalon.
"What the heck kanina ka pa diyan, Nicastro?"
Napataas ng kilay ang lalaki at sinabi na ilang oras na siya nandoon at nagbabasa ng books.
"This is hilarious," ani ng lalaki na nasa sofa na kanina pa tawa ng tawa.
Napahilot na lang sa sentido si Max dahil sa ingay ng mga kaibigan niya sa loob ng club. Pumunta siya doon para mag relax tapos nakalimutan niya na sa mga oras na iyon nandoon din ang mga barkada niya.
"Anyway, bababa ba kayo mamaya? May mga bago daw item sa auction at mas rare daw iyon compare sa nilabas last week," ani ni Tao Jun Chen, tagapagmana ng mga Chen na kasalukuyang may napatayong maraming hotel at restaurant sa iba't ibang bahagi ng bansa. Pumapang-apat sa pinakamayamang pamilya sa buong bansa. Wala ng alam si Max bukod doon since hindi din naman siya interesado sa business ng mga kaibigan niya.
"Nicastro, bababa ka ba mamaya? Gusto mo i-check? Naghahanap ka ng magandang gift sa pinakamamahal mong asawa hindi ba?" tanong ni Atlas Declan Reed. Isang mga sikat na actor and actress ang ina at ama. Karamihan sa nga talent agency na nasa loob ng bansa nila at labas ng bansa pagmamay-ari ng mga Reed. After mag-resign ng ama ni Declan as an actor sa pagkakaalam ni Max naging isa naman itong director at bawat drama na gawa nito agad naghihi-hit.
Artista si Declan at isa din na model. Sumunod sa mga yapak ng parents niya— hindi sure ni Max pero alam niya gusto ni Declan maging doctor at napilitan lang ito pasukin ang entertainment industry dahil sa pamilya niya. Anyway, madalas niya nakikita pagmumukha ni Declan sa mga billboard at magazine. Walang sino hindi nakakakilala sa lalaki at sa pamilya nito.
"Lahat ng accessories sa auction eye catching. Ayaw ni Anais ng nagi-stand out at masyado mahal," ani ni Castor Pietro 'Peri' Nicastro na kasalukuyang nakapako ang tingin sa books.
Ito ang pinakabata sa kanila at masasabi ni Max na pinakamatino— hindi nga nila alam paano nila ito naging kasama sa grupo kung hindi nagbiblend personality nito sa kanila.
Masyado ito soft hearted, tahimik tapos mabait pero kahit ganoon hindi nila ito makanti kahit siya. Ayaw niya mapunta sa bad side nito at bakit?
Isang ex notorious mafia boss ang ama ni Peri at ini-spoil ito ng uncle nito na isang kilala din na mafia boss sa italy na pumalit sa ama nito.
Sa pagkakaalam niya half sa mga body guard na nasa club na iyon ay pinadala ng uncle ni Peri para bantayan ang buong lugar dahil madalas doon tumatambay si Peri kapag wala ang asawa nito at nasa business trip.
Malaking tulong din ang impluwensya ng mga Nicastro para sa proteksyon nilang lima like— marami nagdadalawang isip na kantiin sila dahil kay Peri kaya naman kahit mukha itong nag-iisang rabbit sa den ng mga wolves na katulad nila hindi nila ito makagat sa leeg.
"As far as i know bumili ka ng ring na nasa 900 billion. Anong nangyari sa singsing na binili mo?" tanong ni Sebastian 'Bastian' Volkov kay Peri. Bigla bumagsak ang balikat ng lalaki.
"Pustahan inaway siya ng asawa niya after niya sabihin na mura lang iyong singsing."
Tinawanan nila si Peri. Nagkibit-balikat si Max dahil sa pagkakaalala niya may sariling business ang asawa ni Peri. May sarili itong jewelry shop. Nag-invest silang apat doon since mabilis na nagboom ang business na iyon ng asawa ni Peri at malaki share nila dahil nga kaibigan sila ni Peri.
May free items din sila everymonth kaya alagang-alaga nila little rabbit nila sa grupo.
"How about tulungan na lang kita mag-request sa may ari ng auction. Sabihin mo naiisip mo na gift."
Inakbayan ni Sebastian Volkov habang nakaupo sa coffee table at inakbayan si Peri.
"Pwede ba iyon?"
Nakaangat ng tingin si Peri kay Sebastian. Napa-pokerfacr si Max at agad na sinuntok ang ulo ng bestfriend.
"Aww!"
"Layuan mo si Peri."
Hinablot ni Max ang kwelyo ng kaibigan at tinulak papunta kay Declan na tumawa lang after madrama na dumapa si Sebastian sa billiard table.
Hindi naman lingid sa kaalaman nila na may koneksyon si Sebastian sa underground at ilang illegal transactions. Madali lang iyon kay Sebastian at alam naman nila na nagbibiro lang ito kanina na kakausapin nila ang master since ito din nagbigay sa kanila ng warning na huwag mai-involve sa underground but—
"Pwede ba talaga mag-request?" tanong ni Peri hawak ang sariling labi at nakatingin kay Sebastian.
Napasapo si Max sa noo. Hindi marunong tumanggap ng joke si Peri at binibigyan ng false hope ito ni Sebastian.
"May ari ng isa sa napakalaking jewelry shop ang asawa mo Peri— bakit puro jewelries ang binibigay mo? Mostly sa mga sikat ngayon na accessories kayo ang supplier," tanong ni Max at nilingon si Peri. Inosente siya sinagot ni Peri sinabi na mahilig sa jewelry ang asawa.
"Ang point doon lahat na ng klase ng jewelry meron siya at nakikita niya. Sigurado familiar din siya sa binili mo na singsing na may worth na hundred billion," sabat ni Jun. Napakamot sa ulo si Peri.
"How about vacation na lang? Rent mo isa sa mga private yacht ko?" ani ni Max. Napa-what the f**k si Sebastian at nagreklamo sinabi na napaka-unfair ni Max.
"Umaabot ng hundred billion ang isang yacht Volkov at siguradong hindi magdadalawang isip si miss Nicastro pasabugin ang yacht ko kapag nakita ka," ani ni Max. Nagpapadyak si Sebastian sinabi na kaya niya magbayad kahit magkano.
Hawak ni Peri ang baba habang iniisip ang about sa vacation gift na sinuggest ni Max habang ang ilan sa lalaki ay pinanonood si Max na naiirita at pinipigilan ang sarili sapukin ang bestfriend at si Sebastian na nagmamaktol na parang bata.
Ganoon sila sa loob ng silid kapag sila-sila lang but— pagbukas ng pinto agad na nagbago ang atmosphere sa buong paligid. Bigla bumagsak ang temperatura at lahat sila napatingin sa pinto.
Agad na napasinghap ang staff at yumuko. Iniimporma sila nito na malapit na magsimula ang auction.