I was lonely back then. I was depressed. I felt like I was being jailed in hell even if it is my own home, even if I am with my own family. Yes, for almost five years I felt like my life was a living hell, I even am a suicidal too. My parents drowned me in the ocean of sad thoughts like I was not good enough in whatever things that I do, that no matter how high I soar, I couldn’t still be an achiever. It was sad, actually. I hardly did my best for them to appreciate me and even I masqueraded myself as someone I thought is good enough for them yet I still end up to being a disappointment. In every ways they looked at me portrays that I am a failure.
I felt like I am nothing. I felt like my achievements were unappreciated, that they’re just void, that they meant nothing for them. And that was sad. I cried every night because that was all I think was the best thing to do - letting myself feel the pain until it hurts no more. And it was effective. I became numb for emotions, became immune, though there were still chances that their words could still strike me right into my chest as if it was a real knife. I am bleeding inside. But those happenings in my life droves me to strive for more and I am thankful for that. I am thankful in ways my parents hurt me, even if they are not aware doing that. I am thankful to those people who didn’t believe in me. If not because of them, I won’t be me now.
'Kadaming plastik! Wala man lang akong makitang orig... Oh wait a minute.. Da who ang magandang dilag na yun?.'
Tutok ang mga matang sinundan nya ng tingin ang isang dalagang seryoso ang mukhang umupo sa unahang hilira ng mga upuan sa loob ng silid aralan nila..
'Hmm.. alone ang style ni girl huh!'
Marami syang nakilala sa bagong skwelahan nya ngayon, sa isang buwang lumipas wala syang naging kaibigan kahit na isa. Lahat kasi ng nakakadaupang palad nya kung hindi mapagsamantala, manggagamit.. In short mga plastik. Pero sa kanyang pag mamatyag at pagmamasid sa paligid isa lang ang bukod tanging nakakuha ng interes nya, at kapag interasado sya sa isang bagay lalo na sa tao binibigyan nya talaga ng extra effort ito para magtagumpay syang makuhang ninanais nya. Dahil nga sa interesado sya sa kaklase nyang maganda pina imbistigahan nya ito sa imbestigador ng kanilang pamilya..
'Meran Chi? Hmm.. gusto ko syang maging bff, pero napaka mailap naman nya. Ano kayang da moves na gagamitin ko para maabot ko sya?'
Ng makita ni Kimy na lumabas ng classroom nila si Meran. Dali dali nyang niligpit ang kanyang gamit saka sinundan nya ito.
'Grabe.. ang bilis namang maglakad ng Meran Chi na yun.. Di bale alam ko na naman kung saan ang tambayan nito kaya dun na lang ako dederetso.'
Napahinto sya sa paglalakad ng masagi sya ng isang estudyanteng tumatakbo patungo sa gym ng school. At dahil nga sa isa syang dakilang usesera at chismosa napasunod din sya sa mga studyanteng nagtatakbuhan patungo dun. Sa bukana pa lang sya papasok ng gym ay naririnig na nyang ingay ng mga studyante dun. Nakipagsiksikan pa sya para lang makita kung sino ang nag aaway sa pinakagitna ng gym. Tamang tama naman na pagsapit nya sa gitna may tumilapong katawan sa kanyang paanan.
"s**t! hayop ka talaga Brix.. uhh" pinipilit makatayo ni Anthony kahit na sargo ang dugo sa bibig at ilong nito.
"Anthony!.. Bakit ka nakikipag away? Lam mo bang makakasira yun sa career mo? Nakakainis ka naman eh." Awat ng isang babae kay Anthony na parang manhid na dahil sa natamong mga sugat nito.
"Anuna Anthony, hanggang dyan kana lang ba? Eh, lampa ka naman pala. Dika talaga nababagay kay Meran kasi mahina ka."
"Brix... Enough! Hindi worth it ang Meran na yun para lang magpatayan kayong dalawa."
Nagpanting ang tenga ni Kimy dahil sa naring. Susugurin na sana nyang hitad na nanlait kay Meran ng biglang sinugod ni Anthony si Brix. Halos nagpapatayan ng dalawa sa malalakas na suntok at sipa, walang nagpapatalo. Sa dami ng dugong nakakalat sa lapag nakaramdam ng pagkahilo si Kimy. Dali dali syang lumabas ng gym at tinungo ang lugar na alam nya kung saan naglalagi si Meran.
"Meran, naku! Meran, magmadali ka't awatin sila Anthony at Brix. Nag aaway na naman yung dalawang syota mo."
Pawis na pawis at namumutlang napasandal sa pader si Kimy.. Pinagmasdan nya si Meran na tinapunan lang sya ng tingin at ngayon ay tuloy lang sa pagkain. Kumunot ang kanyang nuo ng makita ang pagkain nito.
"Ano ba yang ulam mo girl, chichiria talaga? Mabubusog kaba nyan saka may lasa ba yan kapag kinain mong kasabay ng kanin?"
Natutop nyang bibig ng maisip nyang mga binitawang salita kay Meran, baka na offend ito kaya ni hindi man lang ito natinag sa pagkain.
"Lam mo Meran, kahit na snob ka gusto pa rin kitang maging friend. Kaya lang ayaw mo sakin, bakit kaya, sa anong dahilan ba? ha, Meran?"
Napalabi na lang si Kimy ng hindi man lang sya pinansin ni Meran habang nagliligpit ito ng mga kinainan, at ng tumayo na ito at humakbang paalis napayuko na lang siya. For the first time sa buhay nya ngayon lang sya naitsapwera ng ibang tao.. Kung mga magulang lang nyang gumawa nito sa kanya.. Ayos lang, kasi sanay na sya, pero iba pa rin talaga kapag ang gusto nya ay ne reject lang sya. 'Ansakit pucha! Kaya ayokong makipaglapit sa mga alien eh! Masyadong mailap.. Amp.'
Bumuka ang kanyang bibig para sana magpaalam, pero iba ang nasabi nya.. "Nandito lang ako kapag kelangan mo ng isang kaibigan Meran. Hindi ako katulad nila, hindi ako judgmental." Napakagat labi na lang sya dahil sa katabilan ng kanyang dila. 'Nak ka ng nanay mong retokada Kimy! Sige, pa! ipush mo pang sarili mo sa kanya, kahit dika nya feel.. Chunga ka talaga hmp!'
"Tara na baka malate pa tayo sa P.E. masermunan tayo ni Miss G."
Napaangat sya ng tingin kay Meran ng marinig ang sinabi nito. ' Huh! Nagtagumpay ako?.. Yeees.. ang saya saya ko naman...' Hinabol nya ito at sumabay sa malalaking hakbang nito.
"Eh Meran, panu cla Anthony at Brix, dimu ba sila aawating dalawa? Aba'y baka magpatayan ng dalawang yun."
Hinihingal pang sabi ni Kimy habang sumasabay sa bawat paghakbang ni Meran. Palibhasa malaking bolas ito kaya di nakakapagtakang malalaki ang mga hakbang, habang sya naman ay medyo may kaliitan kaya maliliit lang ang nagagawang hakbang. 'Hmp.. Magda diet na talaga ako, saka mag e exercise para maging kasing sexy at ganda nya ako! Konting tangos ng ilong pa at saka padagdag ng dibdib pwede na kaming maging boombastic ladies hihi...'
"Priority kong pamilya ko hindi sila, kaya wala akong pakelam kung magpatayan man sila, hindi ko na kasalanan yun kasi wala naman akong koneksyon sa kanila."
"Ang taray, haba ng hair mo girl. Mantakin mo yun pinag aagawan ka ng dalawang fafalicious na yun. Sheett.. kung sakin magkamali ang kahit isa lang sa kanila, wala ng ligaw ligaw sunggab agad. Harharhar."
Tila may dumaang anghel sa pagitan nilang dalawa ng makita at marinig nyang malakas na pagtawa ni Meran.
"Lalo kang gumaganda kapag ganyang tumatawa ka Meran, first time kitang nakitang ganyan."
Napatigil sa pagtawa si Meran ng marinig ang sinabi ni Kimy. Nabaling ang tingin nito sa katabi na nagniningning ang mga matang nakatitig sa kanya. Malalaki ang hakbang na naglakad palayo si Meran kay Kimy na tila nanigas na dun sa kinatatayuan. At ng maalimpungatan mula sa pagpapantasya, lakad takbo ang ginawa ni Kimy maabutan lang si Meran na paliko ng papunta sa classroom nila.
"Meran! Hoy, Meran, hintayin mo naman ako plis! Kala ko ba magkaibigan na tayo? At diba yung magkaibigan hindi nag iiwanan? So, ano 'to ba't moko iniiwan ha?"
Napatigil sya sa paghabol kay Meran ng madaanan ang isang grupo ng kababaehang nagchi chismisan.
"Sino ba yung Meran na yun? Supermodel ba yun at pinag aagawan ng dalawang hunk?"
"Kainggit ang beauty nya ha! Mantakin mong dalawang popular sa school na'to ang halos magpatayan ng dahil sa kanya."
"Gusto kong makilala yang Meran na yan ha, ayokong maagawan ng titulo bilang campus girl ng school na'to nuh! Kaya hanapin nyu sya at iharap sakin tatalupan ko ng buhay ang hitad na yun."
Di nya napigilang sumabat sa usapan ng mga ito. "Hay naku! Mga feeling beautiful, wag nyu ng asaming makilala pa si Meran, dahil yang mga kagandahang pinagmamalaki nyu wala pa yan sa kalingkingan ng ganda ni Meran hohoho... mga assuming."
"At sino ka namang epal ka ha? Papalag kaba samin eh ang dami namin tapos nag iisa ka lang. Ay, tanga lang ang drama mo bhe? Dimo kami kakayaning lahat."
'Patay! kang dabyana ka! huhu'. Nasabi na lang nya ng mapansing napapalibutan na sya ng limang studyanteng babae. may biglang tumulak sa kanya kaya na out balance sya't bumagsak paupo sa semento. Napapikit na lang ng kanyang mga mata si Kimy ng makita ang sabay sabay na pagsugod ng mga ito sa kanya. Ng maramdaman nyang may humawak sa kamay nya't tinulungan syang makatayo. Napadilat bigla ang kanyang mga mata ng marinig ang boses ni Meran.
"Ayos ka lang ba Kimy?" Nag aalalang tanong nito sa kanya. ngiting ngiti naman sya ng tuluyan ng makatayo at bigla nya itong niyakap.
"Salamat Meran, magkaibigan na nga tayooo... Ang saya saya at ang swerte swerte ko naman."
"Aha! Ikaw yung Meran?"
Narinig nilang sabi nung isang studyante na makapal ang lipstick at nakatikwas ang mga daliring nakaturo kay Meran. Umugong ang bulong bulungan, kaagad nyang napansin ang isang studyanteng pasugod kay Meran na akmang sasampalin nito ang kaibigan ng maagap namang nahawakan ni Meran ang braso nito saka malakas na ibinalya palayo sa kanila.
"Hah! Hindi kaylanman magpapaapi at magpapatalo ang isang Meran, dahil hindi ako pinanganak para lang saktan ng kung sino man."
'Whoa! Buti na lang friend na kita girl.. swerte ko naman sayo!' Nangingiting bulong ni Kimy habang pinanonood ang masayang kaganapan.
"Ah ganun, tingnan natin kung hanggang saan aabot yang kaangasan mo samin, Girls!"
Nakita ni Kimy ng kumuyom ang dalawang kamao ni Meran handang handa na itong makipaglaban. 'Geezz.. Masama na ito..' Yung biglang lapit nya kay Meran sabay hawak sa pulsuhan nito hinila nya ito palayo sa lugar na yun. hingal na hingal sya habang tumatakbo. Panay pang lingon nya sa kanilang likuran at ng makita nyang wala namang humahabol sa kanila kusa na rin syang huminto sabay napaupo sa semento.
"Grabe ang hingal mo may hika kaba?"
Nag aalalang tanong ni Meran sa kanya.. lawit ang kanyang dila habang habol ang hininga. Naluluha pa nga sya dahil sa sobrang pagod.
"Hah.. Hah.. Wa.. la ah. Ganito lang talaga ako kapag tumakbo ng ma..bilis hah.."
"Tsk, eh bakit mo ba ako hinila palayo sa mga hitad na yun ha? Sayang sana naturuan natin ng leksyon ang mga mahadirang yun."
Pinandilatan nya ng mga mata si Meran. Konti na lang ang hingal nya, nakabawi na sya ng lakas.
"Hello, baka nakakalimutan mo Meran, yung Scholarship mo! Gusto mo na bang mag goodbye sa school na ito, ha?"
Natutop bigla ni Meran ang bibig, alam na alam ni Kimy na pinaghirapan nitong scholarship na yun dahil sa kagustuhan nitong makapagtapos ng pag aaral.. Nagtama ang mga mata nila nababasa nya sa mga mata nito ang malabis na pag aalala. Unti unting gumuhit ang isang matamis na ngiti sa labi ni Meran. bigla syang kinabig at niyakap ng mahigpit nito, nasorpresa naman si Kimy sa ginawa nito.
"Salamat Kimy, sige, mula ngayon magkaibigan na tayo."
"Talaga! Bff na tayo Meran?"
Hindi sya makapaniwala na sa pangyayaring yun magiging kaibigan na nyang isang Meran Chi.
"Bakit ayaw mo ba?" Narinig nyang sabi ni Meran na nagpahinto saglit sa sayang nararamdaman nya.
"Anong ayaw ka dyan? Ako pa ba maging choosy? letche! Di bagay sakin ang mag inarte ahahaha."
Natawa na rin si Meran hindi dahil sa sinabi ni Kimy kundi dahil sa hitsura nito.. Namumulang mga mata na may luhang nagbabadyang bumagsak. Ang ilong nitong may katangusan na namumula na rin. Higit sa lahat ang labi nitong pulang pula sa lip tint. Para itong barbie doll sa kanyang paningin.
"Lord, thank you!" sigaw ni Meran na nakatingala pa sa langit.
"Praise the Lord!" Sigaw naman nya na nakataas pang dalawang braso paturo sa kalangitan.
Sabay pa silang napatingin sa isa't isa na nakangiti at nagkindatan. Sa ganun lang tila nagkakaintindihang sabay silang sumigaw ng...
"Amen!'
?MahikaNiAyana