Napahinto sa pagsubo ng itlog si Kimy ng pumasok sa kusina ang mayordoma nilang si Nana Yna.
"Bebe Kimy, ipinapatawag ka ni Sir Leo sa library."
Umarko agad ang kilay nya sa narinig "Why?" sumubo sya't nginuya ng sabay ang bacon, hotdog at itlog.
"Naku! Bebe, ang hula ko ay tungkol na naman ito sa school nyo, kasi, may notice na dumating kanina, itatago ko sana para hindi malaman ng Daddy mo, eh ang kaso nakita nya ako habang kausap ko ang kartero, kaya no choice ako, Bebe Kimy, naibigay ko sa kanya bigla, lam mo na.. mahirap galitin ang Leon baka masakmal ako bigla hihi."
Napangiti na lang si Kimy saka tumayo na para puntahan ang Ama sa library.
"Isa lang ang tanong ko, dami mo ng sinabi... Hayy Nana Yna, bawas bawasan ang kadadaldal... baka maubusan ka ng laway hahaha."
"Dyaskeng bata ka... wala kang galang sakin kuuu..."
Nakurot na sya sa tagiliran ng mayordoma nila bago pa sya nakatakbo palayo dito. Para na itong Nanay nya dahil simulang pagkapanganak pa lang sa kanya ay ito ng nag alaga at nagpalaki sa kanya. Ito rin ang kumukunsinti at nagproprotekta sa lahat ng ginagawa nyang kalokohan. Kumbaga eh, sanggang dikit silang dalawa.
"Lab kita Nana Yna..." Sabi pa nya sa matanda habang papalayo at nagfa flying kiss dito.
Napahinto sya sa harap ng pintuan ng kanilang library. Mula dun ay dinig na dinig nyang pag uusap ng kanyang mga magulang, hindi muna sya pumasok nanatili lang syang nakatayo dun at nakinig.
"Paano na ngayon yan, Leo? Anong gagawin natin ha? Saang skwelahan na naman natin ee enroll yang anak mo?"
Boses ng kanyang Mommy na halatang stress na ito. Pero napakamalumanay pa rin kung magsalita.
"Anuba naman yan, Agatha? Pati ba naman tungkol dyan ako pang mag aasikaso? May business trip ako sa Europe kaya ikaw ng bahala sa bagay na yan."
Walang kagana gana naman ang tono ng boses ng kanyang Daddy. Sabagay mas gusto nyang Ama, kasi kahit kelan di ito nakialam sa kanya, sunod pa ngang luho nya dito. At mas mabait ito kesa sa kanyang Ina na over protective at metekulusa.
"Stressed nako sa anak mong yan Leo ha! Bakit hindi na lang kaya natin sya ipadala sa probinsya kasama si Nana Yna? Tutal close naman ang dalawang yun diba? Saka baka magtino na yang si Kimy kapag nabago ng kapaligiran nito, ano sa tingin mo Leo?"
"Ikaw na ngang bahala Agatha, marami pa akong aasikasuhin, lalo na ngayong magbubukas tayo ng limang hotel abroad, kaya sige na, ayusin mo na yan ngayon para hindi kana ma stress, kasi baka sa susunod na pagkikita natin may bago na naman dyan sa hitsura mo."
Napahagikhik sya sa huling sinabi ng Daddy nya, bigla nyang naisip na siguro may nabago na naman sa mukha ng kanyang Mommy kaya ganun ang reaksyon ng Ama.
"Bakit, hindi mo ba nagustuhan ang bagong hitsura ko? Anlaki kaya ng nagastos ko sa bagong mukha kong ito."
Napabuga na lang ng hangin si Kimy, saka umalis sa lugar na yun. Dumeretso na sya sa kanyang silid at pahilatang humiga sa kama, deretso lang ang kanyang tingin na nakatutok sa chandelier. Alam nyang sa ilang saglit lang ay papasok ng kanyang Ina sa kwarto kasama si Nana Yna kaya nag umpisa na syang magbilang.
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Apat....
Lim -"
Biglang bumukas ang pinto at narinig nyang kanyang Ina na walang tigil kakabilin kay Nana Yna..
"Basta! Nana Yna, ikaw ng bahala sa Anak ko! Ipinagkakatiwala ko sayo ang ikabubuti nya."
"Makakaasa ka sakin, Agatha, ako ng bahala kay Bebe Kimy."
"Good, pahatid na lang kayo kay Tonyo, magpapadala ako ng pera every month. Maraming salamat, Nana Yna."
Nakikinig lang si Kimy sa usapan ng dalawa, hindi nya ugaling sumabat o makisali sa usapan ng mga ito. Para sa kanya kasi, ang pakikipag usap sa kanyang Ina ay isang pagsasayang lang ng kanyang laway.. Useless lang ang kanyang effort sa kanyang mga magulang. Kaya para san pa kung makikipag usap sya sa mga ito? Tinatamad na napatayo sya sa kama at naglakad palabas ng kwarto. Pero napahinto sya sa paglalakad ng tawagin sya ng kanyang Ina.
"Kimy, sweetheart, san ka pupunta?"
Pumihit sya paharap sa kanyang Ina at seryosong tumingin dito. "Sa garden, bakit bawal rin bang pumunta ako dun?" Nakataas ng kilay nya ngayon habang papalapit sa kanya si Agatha.
"Oh, of course nonono, sweetheart, you can go anywhere you want to go." Hinaplos pa ni Agatha ang nakataas na kilay ng Anak para pumantay ito, saka masuyong nginitian.
"Mom, bakit ganyan po ang kilay nyo?" May pagtatakang sabi ni Kimy sa kanyang Ina na kaagad napahimas sa sariling kilay nito.
"Huh! why?" Bumakas kaagad ang pag aalala sa muka ni Agatha.
"Hindi pantay, saka ang dami mo ng wrinkles... Ewww... at ano yang sa nuo mo Mom, pimples? So big ha."
Gustong mapabunghalit ng tawa ni Kimy ng makita ang pagkataranta ng kanyang Ina, tila hindi nito malaman kung anong unang sasalatin sa mukha. Sa sobrang pagka beauty conscious nito may sarili na itong dermatologist na nag aalaga sa kutis nito.
"Nooo... I need to see my doctor... Nana Yna kayo ng bahala sa lahat.. I have to gooo... My face.. Uhh Graciousness..."
Halos takbuhin na ni Agatha ang pinto para lang makaalis kaagad papuntang doctor nito. Ng tuluyan na itong makalabas, napabaling ang tingin ni Kimy kay Nana Yna at ng magtagpo ang mga mata nila sabay silang napabunghalit ng tawa. Ilang minuto rin silang nagtawanan bago nahimasmasan.
"Ikaw talagang bata ka, napakapilya mo sayong Ina."
Kinindatan lang ni Kimy si Nana Yna na pailing iling na tinungo ang damitan nya saka naglabas ng maleta. Tumulong na rin sya sa pag aayos ng kanyang mga gamit para makaalis na kaagad sila.
'Buti na lang effective yung ginawa q sa school, kung hindi gumana yun, eh di sana hindi ako makakalaya sa skwelahang inaayawan ko na umpisa pa lang. Good job Kimy...'
Mesteryoso syang napangiti habang isa isang sinasalpak sa kanyang maleta ang mga kakailanganing gamit nya sa pagtira sa probinsya. Kung anuman ang mga binabalak nyang gawin dun, tanging sya lang ang nakakaalam nun, na kahit kay Nana Yna ayaw nya ishare, kasi nga, secret lang nya yun, period.
?MahikaNiAyana