Friends

1022 Words
Napadpad sa Japan sila Meran at Kimy matapos maka graduate ng college. Naging performer sila sa restobar ng Mamang Elsa ni Kimy, bunsong kapatid ng Daddy Leo nya. Malakas ang kita ng restobar ni Mamang Elsa. Palaging puno at may pumipila pang customer sa labas. Sa limang buwan nilang pagtatrabaho may nakasama pa silang dalawang performer na naging kaibigan din nila. ? Lovely Ferer.... Gusto kitang makasama. But how? You keep pushing me away. ? Maxim Arvilla... Mali bang gawin na magstay ka beside him gayong alam mong he needed you the most? ? Meran Chi.... Kung magbigay motibo akala mo naman ay may Me and You. ? Kimy Bamashi... I'm tired of landian..I'm now craving for seryosohan. Friends are like stars You cant always see them but they will always be their for you! "Hoy Bff, bago tayo umuwi ng Pinas daan muna tayong Australia ha!" "Ano? At bakit naman ha, anong gagawin natin dun?" Namula biglang pisngi ni Kimy at tila kinikilig pa ito habang nagpapaliwanag sa kaibigan. "Eh kasi magme meet kami dun ni Robert sa Tasmania." "Robert? Yung ka chat mo?" "Yeah! Kaya sige na Bff, samahan mo na ako please! Wag kang mag alala sa gastos kasi sagot na lahat yun ni fafa Robert." Makakatanggi ba si Meran kay Kimy eh malaki ang utang na loob nya dito, kung tutuusin maliit na bagay lang naman palagi ang hinihiling nito sa kanya, saka libre naman nito palagi at nag eenjoy din sya. Traveling kaya ang isa sa mga hobby nya, chossy pa ba sya eh Australia ang destinasyon nila, kaya isang malutong na "YES" ang sagot nya na ikinatuwa ni Kimy, sa sobrang tuwa nga nito naihampas pa sa kanya ang hawak nitong song book na tumama sa dibdib nya. "Araayy! Letche! Kimy, ang sakit nun ha!" Pinandilatan nya ng mga mata si Kimy na kaagad nag peace sign sa kanya. "Sorry, sorry na bff, na excite lang ako sa sagot mo, buti na lang original yang boobs mo kung kagaya lang yan sakin malamang malaking problema ang kahaharapin ko." "Sige, retoke kapa more.. dika na lang kasi makontento kung anong pinagkaloob sayo eh!" "Sus, nasasabi mo lang yan kasi biniyayaan ka ng kagandahang mula ulo hanggang paa. Eh samantalang ako maraming kulang kaya kelangan ko si Doc. Mapagbigay." "Doc. Mapagbigay?" "Sino pa ba? Eh di si thank you Doc.. Naman! ang slow mo." Si Meran naman ang manghahampas ngayon ng songbook kay Kimy. Medyo malaki at mabigat yun kaya dalawang kamay nyang kinuha at akmang ihahampas na sa kaibigan ng bigla na lang itong tumakbo palayo sa kanya. "Waahh... Meran, wag ka namang ganyan sakin, malaki laki ng naipuhunan ko sa mga investment kong ito kaya please lang wag mong sirain ahuhuy..." "Manang mana ka talaga sa Nanay mong retokada!" Inis na sigaw pa ni Meran sa kanya na patungo ng exit door. "Malamang! Like mother like daughter nga diba! chunga lang? hahaha." Humarap pa sya kay Meran saka bumelat belat.. Gustong gusto nya talagang asarin ito, may pagkapikon man ito madali namang magbago ang mood at balik na naman ito sa ugaling malambing. Nagpalipas lang sya ng ilang minuto sa labas ng restobar saka bumalik na rin sa loob ng mainip. Sure naman syang nag cool down ng bulkang Meran kaya pwede na sya ulit magpakita dito.. Pagkapasok pa lang nya sa loob ay nakita na nya kaagad si Meran nakatulala hawak pa nito ang cellphone kaya sigurado syang tumawag na naman ito sa Pinas. tinampal tampal nyang pisngi ng kaibigan para matauhan ito. "Bff, ok ka lang ba?" Napakurap kurap si Meran bago bumaling ng tingin sa kanya. Nakita ni Kimy ang pag ngiti ng mala malditang kaibigan, alam nyang may binabalak itong masama sa kanya. Akma na syang dedestansya dito ng bigla na lang sinunggaban ni Meran ang magkabilang pisngi nya at kinurot yun. Kahit na anong gawin nyang paraan makawala lang sa kaibigan wa epek pa rin, sa higpit ng pagkakapisil nito sa magkabilang pisngi nya malabong matakasan nya pa ito. "Meran! araayy.. naman tama na bff please! masakit na eh huhu... sorry naa..." Himas himas nyang magkabilang pisngi saka pinahid nyang mga mata na naluluha. ramdam pa nyang sakit at hapdi. Napalabi syang sinulyapan si Meran na nakapamewang sa kanyang harapan. "Siguro naman magtatanda kana bruhilda ka! Hanggang ngayon masakit pang dibdib ko sa ginawa mo." "Nag sorry na nga ako diba! So, move on na tayo pwede!" Umirap si Meran sa kanya na ikinangiti na lang nya. "Syanga pala Bff, konti lang dalhin mong damit sa Australia ha! Kasi magsho shopping din tayo dun." "Panung mga bagahe natin bibitbitin din ba natin yun pa Australia?" "Naman... Ako ng bahala dun no worries, basta mag ready kana lang, susulitin natin ang Australia vacation tour natin." At sa ganun lang balik na naman ang sigla nilang dalawa.. "Okay... Gogogo...!" Napapalakpak pang sigaw ni Meran na sinabayan naman nya ng pagtalon talon.. "Yeah! Excited nakoo..." At sumapit ng araw na pinakahihintay nya. Sobrang excited nya na biglang naglaho ng pagdating nila sa Australia ay nakatanggap sya ng tawag mula kay Robert. Pinapupunta sila sa isang Island at nangangahulugan yun na sasakay sila sa ferry. 'My God! Masama ito, baka hindi ko kayanin..' Palibhasa hindi sya sanay sumakay sa ganung transportation kaya nagsusuka na sya't nahihilo. Hindi naman malaman ni Meran kung anong uunahin nyang gagawin sa nakikitang kalagayan nya ngayon. "Kimy, kaya mo pa ba ha? Kasi naman sinabi ko na sayo na wag na tayong tumuloy sumige ka pa rin." "Ungghh... Gwark... Hah.. Hah.." Napahigpit ang pagkakahawak nya sa plastik ng walang tigil ang kanyang pagsuka. "Sige hindi na kita pagagalitan, isuka mo lang yan Bff pero paka sure lang naisho shoot mo sa plastic lahat ha! hay anuba naman itong kaparusahan na ibinigay ni Lord sakin? Anubang dapat kong gawin?" Nanghihina na napasandal na lang sya't napapikit ng kanyang mga mata. Alam nya na malapit na syang bumigay ayaw nya lang ipahalata sa kaibigan kasi ayaw na nyang madagdagan pang pag aalala nito. "Kimyyy!" Huling naalala nyang sigaw ni Meran bago sya bumulagta sa lapag ng barko at nawalan ng malay. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD