Cresia's POV
“Saan tayo, Miss?” Tanong ng driver sa akin nang nakasakay na ako sa passenger seat. Halos magmadali ako sa pagpara ng masasakyan kanina masundan lang agad ang sasakyan ni Kuya Wind.
Luckily, mabilis lang akong nakakuha ng sasakyan at heto na nga, pasusundan ko na sa matandang driver ang BMW ni kuya na malamang ay minamaneho ng isa sa mga bodyguard niya.
Halos lahat naman kami ay maraming bantay. Tinakasan ko lang iyong sa akin kaya wala akong kasama ni isa. I’m sure my parents would frantically scream to death when they found out that I was not at home. Ang alam kasi nila ay nasa kwarto lang ako at maagang natulog. Ang hindi nila alam, lumabas ako at kasabwat ko ang dati kong nanny na si Aling Flor sa paglabas ko ng mansion. Dumaan kami sa mga kanto ng mansion na hindi abot ng cctv. Kabisado ko ang mga blind spot ng cctv kaya I’m sure hindi mapapahamak si Aling Flor. Ipapahamak ko ba naman siya? Alam ko kung paano magbigay ng parusa ang aking ama kaya walang nangingimi na gumawa ng kalokohan kahit sino sa mga tauhan ni Daddy. Kaya kung mahuli man kami ni Aling Flor kanina, ako ang sasalo lahat ng galit ng mga magulang ko at labas na siya roon.
Isa pa, alam kong hindi magagawang pagbuhatan ng kamay ni Daddy ang matanda. Bukod sa siya ang pinagkakatiwalaan doon sa mansion. Siya rin ang pinakamatagal na naging kasambahay namin simula nang mamatay ang ina ng matanda na siyang dating mayordoma roon sa bahay.
Hindi ko na raw iyon naabutan sabi ni Mommy dahil ang anak pa lang yata nila noon ni Daddy ay sina Kuya Wind at Ate Rain. Tapos nagbubuntis pa lang si Mommy sa Kuya Cloud at Sunny ko naman. Nagtataka nga ako kung bakit ako lang ang naiiba ang pangalan sa kanila. Lahat sila ay ipinangalan sa panahon samantalang ako ay sa sinaunang pangalan ng mga babae noon ipinangalan. Pakiramdam ko kasi ay galing ako sa panahon ni Maria Clarang pinong-pino dahil sa pangalan ko. Kabaliktaran pa naman niya ako ng ugali dahil hindi ako mahinhin, hindi ako dalagang Pilipina na kumilos. Heto nga at gagawa ako ng hindi maganda na malamang pandidirihan ng lahat kung may makaalam man. Hindi ako liberated na babae ngunit may alam naman ako sa mga makamundong gawain ngunit hindi ko iyon gagawin para lang sumunod sa uso. Hindi ibig sabihin na uso ay susunod na ako sa kung ano ang in. Pero parang kinain ko rin ang sinabi ko dahil titikman ko mamaya sa unang pagkakataon ang biyaya ni Adan sa aming mga anak ni Eba. Sabi nila masakit sa una ngunit masarap na raw kalaunan. Sana nga, baka hindi ko kayanin ang sakit lalo na at iningatan ako ng aking mga magulang simula noong bata pa lamang ako.
Maganda naman ang Maria Lukresia na pangalan. Pero hindi ko pa rin trip kaya sa palayaw na lang ako nagpapatawag which is Cresia dahil naiilang ako kapag sa buong pangalan ako tinawag. Si Daddy lang ang mahilig tawagin ako ng ganito dahil gandang-ganda raw siya sa pangalan ko which is si Mommy daw ang nagpangalan sa akin.
Nagtataka man kung bakit ako lang ang naiiba sa pangalan ng aking mga kapatid, hindi na lang ako nagtanong pa dahil baka isipin nina Daddy at Mommy na pinagdududahan ko ang aking pagkatao. Baka kung ano pa ang isipin nila lalo na at ayaw na ayaw ng mga ito na nasasaktan ang aming mga damdamin. Sila ang unang masasaktan kaya minsan nagdadalawang-isip ako na ituloy ang balak ko. Pero mahal ko si kuya, pero mahal ko rin sina Daddy at Mommy.
Kaya lang mas sinunod ko ang bulong ng puso ko at isip. Handa naman na ako sa kung ano man ang mga masasakit na salitang ibabato nila sa akin. Handa na akong masaktan at mabigo ko sila.
“Sundan lang po ninyo ang itim na sasakyan na iyan sa harapan natin, Kuya. Kapag nagawa mo iyon, I will double my fare to you.” Sabi ko sabay ladlad sa harapan niya ng isang libo. Hindi ko kasi alam kung saan banda ang condo ni kuya kaya kailangan ko ang tulong ng matanda.
Nangislap naman ang mga mata ng matanda. Tila nawala ang pagod nito nang makita ang hawak ko. Siguro matumal ang biyahe niya maghapon kaya siguro tuwang-tuwa ito nang makita ang kulay asul na pera na tuwid na tuwid na niladlad ko para makita ito ng matanda ng maigi.
“Walang problema, Miss. Madali lang natin masusundan iyan dahil hindi traffic,” paniniyak nito sa akin dahilan para dagdagan ko pa ang hawak kong polymer banknotes. Mas lalong nangislap ang mga mata ng matanda. Naawa ako kaya dinagdagan ko pa ng isa. Allowance ko ito actually para sa isang linggo pero heto at nagawa kong ibigay sa matanda para makita ang kasiyahan sa mga mata nito. Nakikita ko kasi na mabuti at responsableng ama ang matanda kaya naisipan ko pang dagdagan. Baka mamaya ay marami itong pinapakain na bibig at mga anak na pinag-aaral. Malaking tulong na ang tatlong libo para pambili ng bigas, ulam, at baon ng mga bata. Sa mahal ng mga bilihin dahil sa inflation rate, I’m sure magpapasalamat ng sobra ang matanda sa akin.
Kinalakihan ko ang pagiging matulungin ng mga magulang ko simula nang magkaisip ako. Saksi ako sa mga batang binihisan at pinag-aral nila sa charity na sila mismo ang nagpapatakbo, mga foundation na binibigyan nila ng budget every month para sa allowance, pagkain, damit, at pambili ng kung ano-ano pang gamit na need ng mga bata at matatanda na inaaruga ng foundation na kung saan ay aktibo sila sa pagtulong simula nang maitatag ang mga ito.
I am very proud of my parents. Napakabait na magulang nina Daddy at Mommy kaya kapag naiisip ko na na-fall ako kay Kuya Wind at balak ko siyang akitin ngayong gabi ay parang tinutubuan ako ng konsensiya lalo na ngayon na ako pa ang gagawa ng paraan para mahawakan ko siya sa leeg at hindi siya makasal sa kaniyang fiancée.
I heard they are getting married soon. Binalita ito ni Kuya Wind sa kanila nang nakaraang linggo habang kausap niya sa video call ang babae. Lahat ay masaya, lahat ay nagdiriwang, at lahat ay excited para kay kuya. Ako lang yata ang parang namatayan, pinilit ko lag makihalubilo at makitawa sa kanila para hindi nila ako kwestyunin kung mapansin man nila ang mood ko. Kaya lang ay hindi ko kayang makipagplastikan lalo na nang buhatin ako ni kuya at isayaw sa ere dahil sa labis niyang kasiyahan. Kaya naman nag-excuse ako na magbabanyo lang ako pero hindi na ako bumalik. Para hindi nila mapansin ang nararamdaman ko at reaksyon ng aking mukha.
Sa balitang ito na ako sobrang nataranta. Umiyak ako nang umiyak sa kwarto ko at hindi lumabas maghapon. Sobra akong nasaktan dahil wala na yatang maging akin ang lalaking aking pinapangarap.
Pagkatapos ng last shoot ng babae roon sa Barcelona ay paplanuhin na nila ang kanilang kasal. Kaya heto ako, sisirain ang planong iyon bago mangyari para hindi matuloy ang kasal ni kuya kay Dorina.
“Kung ganoon, sundan na po natin bago pa mawala sa paningin natin.” Sabi ko sa driver nang bumalik na ako sa kasalukuyan. Natagalan yata ako sa pagmumumuni
“Masusunod, Miss.”
“Salamat po.”
Pinasundan ko sa driver ng taxi ang sinasakyan ni Kuya Wind na BMW na maangas na pumarada sa gitna ng kalsada. Halos magkakasunod lang silang umalis ng kaniyang mga kaibigan kaya malaya akong nakasunod sa kaniya nang maghiwa-hiwalay sila ng mga landas. Mahirap na kapag nakita ako ni Kuya Harvey o kung sino man sa kambal na kasama ni Kuya. Malalagot ako dahil alam kong isusumbong nila ako kay Kuya Wind o kaya ay sa mga magulang ko na walang kaalam-alam na narito ako sa labas at gumagawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal ng aking lalaking pinakamamahal.
Alam ko na patungo ito sa kaniyang condo dahil doon siya madalas maglagi ngayon simula nang i-turn over sa kaniya ni Daddy ang ilang hawak niyang negosyo dahil unti-unti ng nag-re-retire sa trabaho niya si Daddy. Gusto na lang nitong makasama si Mommy palagi at magpunta sa mga lugar na gusto nilang puntahan.
Naaawa tuloy ako kay kuya. Mabigat ang mga pasanin niya sa kaniyang mga balikat dahil siya ang panganay. Walang ibang pagkakatiwalaan si Daddy sa mga negosyo namin lalo na ang agency na siyang pinakanegosyo namin kun ‘di siya. Dating secret agent si Kuya kaya alam niya kung paano patakbuhin ang ganitong klase ng negosyo. Mas lumawak pa kasi ang expansion nito at alam kong hindi na gusto ni Kuya na ma-pressure pa si Daddy kaya wala si
yang choice kun ‘di ang kusang tanggapin ito.
Sa sobrang pagiging abala ni Kuya Wind sa mga trabahong ipinasa ni Daddy sa kaniya ay nakakalimutan na niya akong sunduin at ihatid mismo sa paaralan ko. Nasanay ako sa ganoon dahil iisang way lang naman kami ng pinupuntahan tuwing umaga. Kaya lang, simula nang tambakan siya ng mga sagkaterbang papeles ni Daddy ay dumalang na ang pag-uwi niya sa bahay and worst, wala ng naghahatid sa akin sa school. Iyong driver na lang na si Mang Gusting na dating driver ni Ate noong nakatira pa siya rito sa mansion ang siyang naghahatid sa akin. Nakakalungkot tuloy ang pumasok ng HNU ng mag-isa. Nakakalungkot talaga at nakakainis bitiwan ang mga nakasanayan na. So Kuya kasi, sinanay niya ako. Miss na miss ko na siya kaya heto, lalandiin ko siya para hindi na siya makawala sa mga kamay ko.
"Heto na po ang bayad ko, Kuya. Ibili mo po niyo ng bigas, ulam, at baon ng mga anak ninyo 'yan. Regalo ko po sa inyo dahil mabait at masipag po kayong tatay," maluwag ang ngiti na sabi ko sa matandang lalaki nang tumigil na kami sa tapat ng building na pag-aari ng pamilya ng kaibigan kong si Cindy.
"M-Maraming salamat, hija. Malaking tulong ito lalo na at wala akong masyadong kita buong maghapon. Pambili rin ito ng gamot ng asawa ko at gaya ng sabi mo, pambili ng bigas at baon ng mga bata sa eskwela." Parang maluha-luha pang sabi ng matandang lalaki nang matanggap nito ang pera at bilangin kung ilan ito.
"Walang ano man po, Kuya. Pero hala po! Kawawa naman po kayo. May sakit pa po pala ang asawa niyo."
"Oo, Miss. Ganiyan talaga ang buhay. Mahirap pero laban lang. Kailangan kumayod nang husto para makatapos sa pag-aaral ang mga bata."
Gusto kong maiyak sa nakikita kong reaksyon ng matanda. Kaya naman kinuha ko ang pangalan niya at address, isasangguni ko ito kay Daddy para matulungan ang pamilya ng lalaki na nalaman kong Cesar pala ang pangalan.
Three thousand pesos lahat ang binigay ko sa matanda. Dagdagan ko pa sana kaya lang ay wala na akong cash. Need ko pa mag-withdraw eh ang layo ng ATM machine rito tapos gabi na, nakakatakot dahil baka ma-holdap ako.
Ito iyong bilin ni Aling Flor sa akin kanina lalo na at wala akong kasama. Good thing, mabait ang driver na sinakyan ko kaya panatag ang loob ko hanggang makarating ako sa kinaroroonan ni Kuya. Ang problema na lang ay kung papapasukin ba ako sa loob tapos hindi ko naman alam ang numero ng unit niya.
"Tawagan ko nga si Cindy," bulong ko sa aking sarili nang maglakad na ako patungo sa lobby ng building.
In-dial ko agad ang numero niya na agad naman niyang sinagot.
"Hello, Maria Lucre---"
"Cresia nga kasi!" Agad kong putol sa panunundyo ng aking kaibigan.
"Oo na, Ms. Lukring!" pang-aasar pa nito na hindi ko na masyadong pinatulan.
"I need your help, asaaaappppp!" Walang ligoy na sabi ko sa kaniya dahilan para matawa si Cindy.
"What help? Bakit sa akin? Sa akin pa talaga?" Hindi makapaniwalang saad nito. Good thing hindi pa natutulog ang lukaret na 'to kaya naman laking tuwa ko nang sagutin niya agad ang tawag ko.
"Kasi kaibigan mo ako kaya dapat tulungan mo ako." Ito ang sinabi ko na madalas ko rin sabihin sa kaniya kapag may inuungot ako sa kaniya.
"I know, what I mean is may parents ka naman na pwede mong lapitan." She told me.
"Emergency ito, Cindy. Si Kuya kasi lasing, andito ako sa lobby ng building na pag-aari ninyo at pinuntahan ko siya para asikasuhin," turan ko na hindi na magpaligoy-ligoy pa. Ang dami kasi niyang sinasabi. Mamaya mabisto ako na wala sa bahay at mapurnada pa ang gagawin ko.
"Ay! Bakit kasi hindi mo agad sinabi?"
"Ikaw itong maraming sinasabi."
"What do you want from me, then?"
"Pahingi ng card ng room ni Kuya at kung saan siya banda tumutuloy para maasikaso ko siya."
"Bakit ikaw ang mag-aasikaso? Nasaan ba ang fiancée niya?"
Medyo kinabahan ako sa tanong no Cindy kaya hindi agad ako nakasagot.
"Nasa Barcelona pa at ako ang inutusan ni Ate Dorina para tingnan saglit ang kuya ko. Bakit ba ang dami mong tanong?" Pinakaswal ko ang boses ko kahit gusto ko ng pumiyol dahil sa kaba na aking nadarama.
"Masama ba?"
"Hindi naman."
"Iyon naman pala eh, nagtatanong lang naman ako. Tsaka ikaw? Anong alam mo sa ganiyan? Bakit hindi na lang ang Mommy mo ang mag-asikaso sa kapatid mo."
"Wala sila, may event na pinuntahan." Pagsisinungaling ko. Patong-patong na ang mga kasalana ko. Biyaheng langit pa ba ako nito?
"Ah, okay. Sige, tatawagan ko ang front desk at sasabihin ang request mo." Sa huli ay sabi ni Cindy na sobrang ikinatuwa ko.
"Thank you so much. I'll hang up now. Wait ko na lang text mo, bye."
"Okay, bye."
Medyo natagalan ako sa paghihintay sa lobby nang bigla akong tawagin ng front desk.
"Miss, andito na po ang duplicate cad key ng kapatid mo." Inabot sa akin ng babae ang card ng condo ni Kuya Wind na agad ko naman tinanggap at tinago sa bag ko.
"Thank you, Miss."
"Welcome, Ma'am."
Ang lawak ng ngiti ko nang pumasok na ako sa elevator.
Heto na iyon, wala ng atrasan pa!
This is it!