Cresia's POV
Iniwasan kong maupo sa harapan kahit may bakante akong nakita roon na upuan. Naiilang ako sa bago naming subject teacher dahil sa naging pag-uusap namin kayabmas pinili ko na maupo sa lugar kung saan ay hindi ko siya masyadong natatanaw.
Diring-diri daw ako sa kaniya?
Gusto kong mahiya sa sinabi niyang iyon. Hindi niya hawak ang takbo ng utak ko ng mga oras na iyon. Tsaka medyo blurry sa akin ang mga kaganapan ng mga oras na iyon na kaya hindi ko rin tanda kung ano ba ang dahilan kung bakit ganoon ang tingin niya.
Hindi. Hindi ako ganoon. Kahit gaano kayaman ang pamilya namin never akong nakaramdam ng ganoon sa ibang tao lalo na kung mahirap. Baka noong mga oras na iyon ay wala ako sa mood. Oh kaya naman ay sinumpong ako ng pagiging maldita ko.
Oo, tama . Ganoon na nga siguro. Baka may nakita akong kapintasan sa kaniya ng mga oras na iyon kaya ganoon.
Asar lang. Hindi ko man lang naitama ang sinabi niya dahil may tumawag sa kaniya sa labas. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon at humanap agad ng pwedeng pag-upuan. Nakahanap naman ako sa bandang gitna. Hindi ko kilala ang mga magiging kaupo ko dahil konti lang naman ang kilala ko sa mga kaklase ko pero mukhang friendly naman ang dalawang babae. Kilala nila ako base sa ngiti sa mga labi ngunit ako, hindi ko sila kilala lalo na ang ibang kaklase ko dahil hindi naman ako masyadong nakikihalubilo sa iba. Madalas si Cindy at ang iba pang anak ng mga kaibigan ni daddy ang mga kasama ko.
“Hi, I’m Marian.” Pakilala ng isa na halatang tuwang-tuwa na sa kanila ako lumapit para makiupo.
“Hello,” sabi ko sabay ngiti ko sa kaniya.
“Hello, I’m Carla.” Turan naman ng isa.
“Glad to meet you, I’m Cresia.” Sagot ko, sabay turo sa gitna nilang dalawa. “May I sit between the two of you?”
“Sure!” They merrily said. Ako naman ay napangiti lang sabay upo. Nakipag-usap pa ako saglit sa kanila at nalaman ko na matagal na pala nilang gustong lumapit sa akin at makipagkaibigan. Nahihiya lang daw sila dahil madalas tahimik lang daw at ilan lang ang kinakausap. Katwiran ko naman, hindi kasi ako masyadong nakikipaglapit sa iba dahil akala ng karamihan suplada ako porke mayaman ang pamilya ko. Isa pa, nahihiya ako baka kasi mamaya, ayaw naman pa lang makipagkaibigan ng iba sa akin.
“Naku! Maraming gustong makipagkaibigan sa ‘yo, Cresia. Lalo na iyong mga kaklase natin na may gusto sa iyo. Sa girls, mangilan-ngilan lang dahil alam mo naman iyong iba, insecure sa ganda mo,” bulong ng isa na sinadyang sa akin lang iparinig dahil baka marinig nga naman ng ibang babae at mainis pa sila sa mga kausap ko at gawin pang issue ng iba. Ito ang iniiwasan ko, ayaw ko na magkaroon ng away because of me. Kaya, hindi ako nakikipaglapit sa iba dahil isa ito sa dahilan.
Tumahimik kami nang matapos makipag-usap si Sir sa co-teacher niya na malamang ay may sinabing importante.
Medyo nakaramdam ako ng panlalamig nang makita kong tila hinahanap niya ako sa lupon ng mga kaklase ko. Nagyuko ako ng ulo nang magtama ang aming paningin. I saw him smirk. Ako naman ay nakararamdam ng iritasyon. Bakit pakiramdam ko, hindi ako kumportable na maging guro ang isang ‘to. Nahihiya kasi ako sa inasal ko kay Sir
Hindi ko naman sinasadya na maging ganoon ang trato ko sa kaniya ng gabing iyon. Siya na rin ang nagsabi na naiintindihan niya kung bakit ganoon ang naging akto ko. Pero nahihiya pa rin ako. Actually hindi naman ako palaging ganoon makitungo sa ibang tao, may oras lang na umaandar ang pagkasuplada pero hindi ako matapobre. Baka ganoon lang ang tingin niya pero hindi ako ganoon baka sabi ko nga siguro wala ako sa mood o kaya naman ay mainit ang aking ulo kaya ganoon ko na lang siya tingnan. Pero hindi naman ako ganoon, hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na maging matapobre sa kapwa ko lalo na ang pandirihan ang estado ng ibang tao.
Malapit sa puso ng mga magulang ko ang mga taong tinutulungan nila. Ganoon na rin sa amin na mga anak nila na always present kapag may charity kaming dinadaluhan.
Natapos ang klase ni Sir na hindi na ako lumingon muli sa gawi niya. Hanggang sa mag-dismiss siya ay hindi man lang ako nag-abala na tapunan siya ng tingin. Ramdam ko na nakatingin siya sa bawat galaw ko, who cares. Wala akong pakialam sa kaniya. If he likes me, then thank you. Pero asahan niya na wala siyang mapapala sa akin. Isa pa, teacher ko siya. He must know his limitations towards liking his student.
Pumasok ako sa ibang klase ko kasama ang bago kong kakilala na sina Marian at Carla, weird. Naisip ko, kapangalan nila iyong mga sikat na aktres at personality sa tv na talaga nga namang batikan na sa pag-arte.
Anyways, nang matapos ang klase ko sa subject na sumunod kay Sir—uh nakalimutan ko pa lang itanong kung ano ang pangalan niya. Hindi bale, wala naman akong pakialam. Tsaka, malalaman ko rin mamaya dahil siya ang panghuling klase ko sa hapon. Pareho kasi sila ng tinuturo ni Mrs. Manalaktak dahil siya ang nag-turnover sa mga klaseng iniwan ni Ma'am.
Mag-isa kong pumunta ng canteen nang magkaroon kami ng vacant. Hihintayin ko sana si Cindy at ang iba pa naming mga kaibigan ngunit nagkataon na hindi kami pare-pareho ng oras ng vacant sa umaga. Sa hapon kami pareho ng schedule kaya mamaya ay makakasama ko sila sa paborito naming tambayan.
Hindi ko alam kung saan banda naroon sina Marian at Carla, pero parang narinig ko na uuwi yata si Carla sa apartment niya samantalang si Marian ay sasabay sa kaniyang kapatid sa pagkain.
Ako, heto... mag-isa rito sa sulok at kumakain.
Nakapokus kang ako sa plato ko dahil ayaw na ayaw kong nadi-distract sa pagkain.
Pero maya-maya lang ay---
"Pwede ba akong makiupo rito, Ms. Cojuangco? Pwede ba akong sumabay sa pagkain mo?" Anang isang baritonong tinig na kilalang-kilala ko.
"Huh?" I reacted na hindi na masyadong nagulat nang makita ko na si Sir nga ito. Hinanda ko na ang mga palusot na sasabihin ko para lang hindi siya makasabay sa pagkain ngunit bigla akong nawala sa aking sarili.
"O-Okay lang, Sir." Medyo nautal pa ako dahil napatitig ako sa ngiti niyang nakakasilaw, take note...may dimple pala siya sa ibabang parte ng makabilaang labi niya. Bakit ngayon ko lang yata napansin? Weakness ko ang dimples kaya patay na patay ako kay Kuya Wind dahil may malalalim siyang dimples sa pisngi.
Pero hindi dapat ako nagpadala sa mga biloy na iyon. Weakness ko ito pero hindi ito dahilan para umoo agad ako at marahuyo sa mga ito. I will remind to myself na hindi dapat ako magkagusto sa iba dahil may mahal na ako. Pero, hindi tama ang pagkagusto na nadarama ko kay Kuya. Lalo na kay Sir kung sakaling---ay!
"Napakalandi mo Cresia!" Kastigo ko sa aking sarili.
Bakit ganito ang mga tumatakbo sa isipan ko?!
Hindi ako 'to!
Kaya naman agad kong pinagalitan ang sarili ko sa isip ko at umayos ng upo.
"Pero wala na po bang bakanteng upuan, Sir? Ayaw ko po kasi ng issue. Baka mamaya, pag-tsismisan pa tayo rito kaya mas maiging humanap ka na lang ng iba, Sir."
"Lalapitan ba naman kita kung mayroon?" Sabi naman niya dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kaniya.
Nilingon ko si Sir na may dalang tray ng pagkain at maluwag na nakangiti sa akin. I ignored his smile kahit na naaakit akong tumitig. Agad naman umikot ang paningin ko para tumingin sa ibang table na sinasabi niyang occupied lahat.
Tama siya, wala ngang bakante.
"O-Okay, Sir. Share na lang po tayo." Wala akong nagawa kun 'di ang sumang-ayon sa huli.
"Thank you, Cresia. You make my day." He said na naging dahilan para mabulunan ako sa kakasubo ko lang na pagkain at tila nangamatis ako sa sobrang pula ng mukha ko. He is obvious that he is hitting on me! Ano ba naman si Sir, hindi man lang magpreno sa mga moves niya. Alam naman siguro niya na mali ang landiin ang estudyante niya!
"Easy, easy!" Tawa ng guro. "Huwag mo naman ipakita na masyado kang kinikilig sa akin, ikaw din...mamaya mahulog ako sa iyo." Dugtong niya dahilan para mas lalo akong mabulunan.
Ang feeling huh?
Ang kapal ng fezlak!
Kumuha agad ng tubig si Sir at inabot sa akin. Agad ko naman. itong ininom at saka nakairap na nagpasalamat sa kaniya.
"Salamat, Sir. Pero hindi mangyayari iyang sinasabi mo. May mahal na akong iba at isa pa, hindi kita type. Hindi ako pumapatol sa gurang," sabi ko kahit na ang totoo mas matanda pa yata sa kaniya si Kuya.
"Awtsu! Gurang?" nanlalaki ang mga mata na sabi ni Sir. Tinuro pa niya ang kaniyang sarili na gulat na gulat.
"Yes, Sir. You're too old for me. Sige maiwan na kita. Nawalan na ako ng ganang kumain." And with that iniwan ko siya na nakanganga.