Cresia's POV
“Huh?” Reaksyon mula sa guro na kunot-noo na nakatingin sa akin.
Nahihiya na ngumiti ako sa kaniya ng alanganin. Paano, kung makatingin naman kasi ako sa kaniya ay parang nakakita ako ng multo sa reaksyon ko kanina. Nanlalaki ang aking mga mata sa gulat at umawang ang mga labi ko. Mabuti na lang at mabilis kong na-compose ang sarili ko at tumikhim.
“E-Ehem,” I said, clearing my throat then pa-cute na ngumiti ako sa kaniya na madalas kong gawin sa mga teacher kong lalaki para hindi sila magalit sa akin kapag late ako sa klase nila. Effective naman sa kanila ngunit tila wala naman itong epekto sa guro na kaharap ko at tinaasan pa ako ng kilay. Tapos ngumiti siya na parang ngisi ang dating sa akin. Napapahiyang kinagat ko ang aking labi. As if he was telling me na late na nga ako, tapos pagpapa-cute pa ang inaatupag ko.
I’m doomed!
Hindi ko pa rin inalis ang tingin sa kaniya kahit pahiya ako. Inaalala ko kasi kung saan ko siya unang nakita. He looked familiar to me. I don't know where I saw him first. But I think, nakita ko na talaga siya kung saan. I cannot recall where it was but I am sure, nakita ko na siya.
Bakit kasi hindi ko maalala?
Ito ang problema sa akin minsan. kapag hindi importanteng tao o bagay ay nakakalimutan ko agad. Gaya ng mga nakilala ko lang sa outing, sa mga salo-salo na dinaluhan namin ng aking pamilya, at sa mga lugar na saglit akong namasyal at tumira.
Sa mga bagay naman, madalas kong makalimutan ang paggawa ng assignments at projects ko. Kaya minsan, ang ginagawa ko ay nag-t-take down ako sa notes ko para in case may makalimutan ako sa mga assignments ko ay maalala ko. Nag-a-alarm din ako sa cellphone ko para in case may makalimutan ako, i-re-remind ako ng cellphone ko para matandaan ko ang mga dapat kong gawin.
Pero balik ako kay Sir—. Ang alam ko, nakatitigan ko na talaga siya somewhere else. Nag-isip ako. Medyo blurry, medyo madilim. Pero ang mga matang iyon, titig na titig ako sa mga iyon.
“Do I look familiar to you, Miss Cojuangco? The way you looked at me, as if we knew each other.” The teacher said to me that it makes me blink my eyes. Hindi na yata nakatiis at talagang binulalas na niya ang iniisip ko lang kanina.
"Ahmmn..." Tangi kong nasabi. I am not sure. Baka nagkakamali lang ako sw sapantaha ko.
Tinaasan na naman niya ako ng kilay as if he was about to question me many things pero umurong ang dila niya at mas pinili na lang na manahimik na lang. Pahiya na umiwas ako ng tingin. Hindi na yata nakatiis na magtanong sa akin dahil siguro na-c-curious na yata siya sa pagkakatulala ko sa kaniyang mukha. Oh baka, nawewerduhan na siya dahil sa paraan ko ng pagtitig. As if he was a specimen in my microscope that I needed to be examined.
Paano naman kasi, kung tingnan ko siya ay parang matagal ko na siyang kilala. Na parang magkakilala kami na matagal na hindi nagkita.
“Am I right? That's why you're staring at me as if you saw me somewhere else?” He added when he didn't hear a word from me.
“Uhmn…sort of, Sir. Hindi kasi ako matandain sa mga tao. Pero, parang nagkita na po tayo.”
Tumawa ang guro. Iyong paraan niya ng pagtawa ay parang pangmaginoo. Hindi nakakainsulto at hindi rin overreacting. Basta parang ganoon ang dating sa akin.
“Ang bata-bata mo pa ulyanin ka na,” tudyo niya sa akin dahilan para mapaawang na naman ang mga labi ko.
Ibig sabihin, nagkita na talaga kami? Tama nga ako! Natatandaan niya ito kaya heto at ganito siya magsalita.
“P-Pasensiya na, Sir. Hindi ko talaga maalala kung saan kita unang nakita. But I am sure that we have already seen each other. Hindi lang talaga ako matandain sa mga tao, lalo na kapag hindi ko naman kilala at close sa akin iyong tao.” Paliwanag ko para malaman niya ang side ko. Baka sabihin niya na suplada ako porke mayaman ang angkan namin. Isa pa, ito naman ang totoo. Sabi ko nga, sakit ko na ‘to na hindi ko na maalis sa sistema ko.
“Exactly, we already saw each other, Miss Cojuangco.” Sang-ayon niya sa sinabi. Litong kumunot ang noo ko.
Really? Saan naman kaya?
Bakit hindi ko matandaan?
“T-Talaga, Sir? Saan po?” I exclaimed unbelievably. Mahina lang naman ang pagkakabulalas ko sapat lang para kaming dalawa lang ang makarinig.
May mga tsismosa kasi na nakatingin sa amin na pilit na sumasagap ang mga atenna nila kung ano ang pinag-uusapan namin ng bagong guro. Sorry na lang sila dahil wala silang maririnig at masasagap na tsismis sa amin. Wala naman silang dapat itsismis sa amin ni sir. We are just talking, pwede nilang isipin na sinesermunan ako ni sir sa pagpasok ko ng klase niya ng late. Oo, ganoon na nga. Alam naman ng lahat na hindi ako flirt na klase ng babae dahil never akong lumapit sa mga ito.
I only love one man and it's only my kuya.
“I won't tell you. I’m sure maalala mo rin lalo na at araw-araw naman tayong magkikita sa umaga sa pagpasok mo sa klase ko.” Turan niya dahilan para mapasimangot ako.
Pa-mysterious effect ang loko. Akala naman niya ay interesado ako sa kaniya. Never, duh?
Huwag siyang feeling!
I know this kind of move. Hindi na iba sa akin ito dahil ganito ang paraan ng iba para makuha ang attention ng babae. Aaminin ko, he caught me there. Pero hindi ako magsasayang ng oras ko para lang alalahanin kung saan kami unang nagkita. Sabi ko nga, hindi siya importanteng tao para matandaan ko.
“Pasok na, naiistorbo mo na ang ang pagtuturo ko.” Turan niya nang wala siyang makuhang salita sa akin.
"O-Opo, pasensiya na po...sir. Hindi na po talaga mauulit." Tugon ko at agad na tumalima sa sinabi niya.
Biglang umayos ng upo ang mga kaklase ko nang makita nila kami ni sir na tapos na sa pag-uusap. Pasimpleng kumaway pa sa akin ang ilan na kilala ako pero ako, hindi ko naman sila kilala. Sa mukha oo, pero sa pangalan ay hindi ko tanda.
"Next time, keep in mind that you should come up early to school. Hindi na kita papapasukin kapag late ka kahit isang minuto," bilin nito dahilan para matigilan ako sa paghakbang at tumingin ulit sa gawi niya.
"Y-Yes, Sir. Sorry po ulit."
"Matatandaan mo naman siguro iyan at hindi makakalimutan. Kaysa sa mukhang 'to na nakalimutan mo agad," wika niya dahilan para mapanganga ako.
Parang galit siya sa paraan ng pagkakasabi niya. Eh sa hindi ko nga matandaan na nagkita na kami. Hindi naman siguro siya kasama sa mga lalaking nanliligaw sa akin dati na hindi ko hinayang makalapit at makaporma.
Kahit gaano pa siya kagandang lalaki, hindi sapat na dahilan iyon para tandaan ko siya.
Walang ibang gwapo sa akin kun 'di si Kuya Wind lang.
And speaking of that man, isa pa siya sa prinoproblema ko mamaya. Sisiputin ko ba o hindi?
Excited ako at gusto ko siyang makita. Pero natatakot naman akong mas lumalim pa ang atraksyon na nadarama ko para sa kaniya. Baka hindi ako makaahon at mas mabuting kalimutan ko na lang siya.
Kaya naman nakapagpasya ako na hindi ko siya sisiputin. Maaga ang uwian namin mamaya dahil alas kwatro y media ang retira namin sa huling subject ko.
Bahala siyang mamuti ang mga mata niya kakahintay sa àkin. Sinaktan niya ako sa mga salita niya noon at hindi man lang inalo. Naalala ko na hindi man lang niya ako hinabol para ihatid ako sa mansion. Kaya naman naisip ko na gawin na lang ang tama at tumuwid ng landas.
"Sabagay, paano mo nga naman ako matatandaan? Lasing na lasing ka ng gabing iyon habang pinagsisilbihan kita." Sabi ni Sir dahilan para malaglag ang panga ko at balikan ko siya ng tingin.
"P-Pinagsislbihan?" Nauutal na sabi ko ng pabulong. Agad na nilingon ko ang mga kaklase ko baka narinig nila ang sinabi ni Sir. Mukhang wala naman nakapansin at patuloy lang sila sa pagbabasa sa aralin na nasa mga libro nila. Pero tingin ko, nakikiramdam ang mga ito.
"Oo, hindi mo ba naalala? Sa bar, kung saan ay parang diring-diri ka sa akin," anito sabay tawa.
Natutop ko naman ang bibig ko nang may maalala ako sa isip ko na ganitong eksena. Hindi ko naman nais maging ganoon. Lasing lang ako kaya ganoon ang akto ko.
Siya ba iyon? Bakit parang ang layo naman yata niya sa lalaking nakita ko roon? Maayos ang porma niya ngayon, samantalang iyon magulo ang buhok.
"Gandang-ganda pa naman ako sa iyo noon kahit mukha kang heartbroken. Hindi ko alam na mas maganda ka pala sa umaga, Cresia..."
Siya nga iyong barista sa bar!
Kaya pala, kaya pala pamilyar siya. Akala ko kung ano na.
Feeling ang isang 'to.
Kala mo naman, huh?