Wala silang imikan habang nasa daan, hindi rin nagtangkang magsalita si Caithlyn. Ayaw niyang makipag-usap sa lalaking ito na parang may saltik sa utak.
“Baby, galit ka ba sa akin? Bakit mo ako iniiwasan o mas tamang sabihin na pinagtataguan mo ako?”
Sa halip na sumagot ay nagbaling siya ng mukha sa kabilang side at doon ay nilibang ang sarili sa mga nakikita. Dahil kung makikipag conversation siya sa lalaking ito na alam naman niyang nagpapanggap lang na mabait ay baka masapak niya ito. Kaya mas mabuting manahimik at huwag na lang niyang kausapin, ngunit halos mapasubasob ang kaniyang mukha nang biglang tapak nito ng preno.
“Ano ba? Papatayin mo ba ako?”
“Ayaw mo kasi akong kausapin eh, nagtatanong naman ako ng maayos sayo pero hindi mo ako pinapansin. Para namang ang laki ng kasalanan ko upang gawin mo sa akin ang ganito.”
“Ano ba kita? Ano ba tayo para sabihin mo sa akin ang mga katagang ganyan ay wala naman tayong relasyon huh!”
“Magkaibigan tayo baby, at hindi ka naman dating ganyan kaya nagtataka ako kung bakit bigla ka na lang nagbago. Samantalang masaya naman tayong dalawa, lagi pa nga tayong magkasamang kumakain. Pero ngayon hindi na kita mahagilap, please sabihin mo sa akin kung ano ang problema natin?”
“Walang problema busy lang ako sa trabaho,” saka siya sumandal at pumikit.
Samantala ay hindi makali si Marcus, ayaw niya ng ganito sila ni Caithlyn. Gusto niyang bumalik sila sa dati na masaya silang nag-uusap o nag aasaran. Kaya lang ang pakiramdam niya ngayon ay malabo nang bumalik pa sila sa dati at ayaw niya ng gano’n. At sa kawalang maisip na gawin ay hinila ito at mahigpit na niyakap. Sa totoo lang ay miss na miss na niya ang presensya ng dalaga, ang sweet smell nito ay hinahanap hanap ng kaniyang sistema.
“Bitawan mo nga ako!” sabay tulak niya sa binata ngunit hindi siya binitawan nito. Bagkus ay mas humigpit pa ang mga bisig sa kaniyang katawan.
“I miss you baby, please bumalik na tayo sa dati.”
“Ano bang sinasabi mo, wala naman tayong dati.”
“Meron baby,” sabay layo niya sa katawan nito at mabilis na hinalikan ito sa labi. Ramdam niya ang pagtulak nito sa kaniya palayo ngunit hindi siya nagpatinag. Hanggang naramdaman niya ang pagtugon nito sa halik niya at sa pagkakataong iyon ay mas pinalalim pa niya ang paghahangad dito. Binitawan lang niya ito para lumanghap ng hangin at muling inangkin ang mapupulang labi nito. At habang tumatagal ay para na siyang sasabog sa matinding pagnanasa kaya kung hindi pa siya bibitaw ay baka sa mismong loob ng sasakyan niya ay maangkin ito. Maingat na inilayo niya ang katawan sa dalaga at sumandal sabay pipikit dahil kaunti na lang ay huhulagpos na ang kaniyang pagpipigil.
Si Caithlyn ay hindi makatingin sa parte ng binata dahil pakiramdam niya ay anumang oras bibigay na siya. Kaya’t ang ginawa niya ay nanahimik na rin at pumikit, ngunit hindi nagtagal ay naramdaman niya ang haplos nito sa kaniyang pisngi. Gustong gusto na niyang magmulat ng mata ngunit baka ipagkanulo siya ng kaniyang mga mata at natatakot siyang makita ni Marcus ang nilalaman ng kaniyang puso. Hanggang nagkusa itong huminto at ini-start ang engine ng sasakyan.
“Baby, let’s go?”
“Ahm, saan tayo pupunta?” sabay dilat niya at bahagyang bumaling dito.
“Saan mo gustong magpunta tayo?”
“Ahm, kahit saan…I mean uuwi na ako sa bahay.”
“Sigurado ka ba na ayaw mong mamasyal muna tayo?”
“Wala namang magandang pasyalan dito, isa pa nagsasawa na ako sa mga lugar na malapit dahil lagi ko namang nakikita.”
“Kung okay lang sa’yo na lumipad tayo, I mean magtungo sa ibang bansa na hindi pa natin napupuntahan?”
“Kailan naman ‘yon at saang bansa?”
“Tonight, at ikaw na ang mag suggest kung saang bansa ang gusto mong puntahan natin?”
“O-okay, sige.”
“At habang nag-iisip ka kung saan ang location natin ay doon muna tayo sa bahay para makapag prepare na rin tayo ng mga gamit. O baka gusto mong ihatid muna kita sa bahay niyo?”
Hindi siya sumagot dahil sa mga pumapasok sa isipan.
“Huwag kang mag alala, pangako hindi ako gagawa ng bagay na ikakagalit mo.”
“S-sige, ikaw ang bahala.”
Habang nagmamaneho ay paminsan minsan niyang sinusulyapan ang dalaga na busy sa hawak nitong cell phone at nagsi-search. Minsan nagtataka rin siya sa sarili kung bakit sa dinamirami ng mga babae ay ang babaeng ito ang kumuha ng kaniyang atensyon. Samantalang kabikabila ang mga babaeng naggagandahan at handang maging taga aliw niya. Subalit ang isang ‘to ay kakaiba, aminado siyang malakas ang dating nito sa kaniya. Kakaiba rin ang presensyang hatid nito sa buong pagkatao niya na hindi kayang iwasan. Sa tuwina ay para siyang hinihigop nito palapit dito at hindi niya iyon kayang tanggihan. And he felt sorry for her dahil pinsan ito ng taong kinamumuhian niya, ang lalaking dahilan kung bakit mesirable ang buhay ng kaniyang kapatid.
“A-anong iniisip mo?”
“Oh, sorry baby may naalala lang ako.”
“Ah okay, kanina pa kasi tayo nakahinto at akala ko ay wala kang plano na bumaba.”
“Saan pala ang bansang pupuntahan natin?” pag-iiba niya ng topic nila.
“Hawaii, okay lang ba sa iyo ang lugar na iyon?”
“Sure baby, kahit saan basta magkasama tayong dalawa, come inside at doon tayo sa taas.”
Napatango na lang siya at sumunod na sa binata, pagdating nila sa loob ay halos mapanganga siya sa ganda ng tanawing bumungad sa kaniyang mga mata. Puro salamin ang palibot ng bahay kahit ang mga wall ay clear glass at kitang kita ang likurang bahagi ng bahay. Napakaganda ng pagkaka landscape, masasabi niyang perfect ang pagkakagawa ngunit isang bagay ang kumuha ng kaniyang atensyon. Ang hubad na babaeng nakatayo sa pinaka gitna habang bumubuhos ang tubig sa buong katawan nito. Kung pagmamasdan ay isa iyong buhay na nilalang na may perpektong katawan at may napakagandang mukha.
“Maganda ba baby?” muntik pa siyang mapasigaw sa pagkagulat at kasabay pa noon ay ang mga bisig nito na pumulupot sa kaniyang katawan.
“Y-yeah, she was perfect.”
“Kagaya mo baby, na may napakagandang mukha, katawan at kakaibang karisma na magugustohan ng kahit na sinong lalaki. Ngunit gusto kong malaman mo na akin ka lang at walang sinuman ang maaaring umagaw sayo.”
Nakaramdam siya ng kakaibang kilabot sa tinuran nito, ngunit mas pinili niyang manahimik at hayaan ito sa mga pinagsasabi. Kaya lang ay muntik na siyang mapasigaw ng maramdaman ang palad nito na nasa loob na ng kaniyang blouse.
“M-marcus…ahm.”
“Hahawakan ko lang baby, please?”
Hindi na siya nakatutol pa nang pisilin ng mainit nitong palad ang dunggot niya at tuluyang nagpaubaya. Kung anuman ang plano ng lalaking ito ay tuluyan na niyang nakalimutan at ang tangi niyang nagawa sa mga oras na iyon ay lumiyad at umungol dahil sa nakakabaliw na sarap.
“M-marcus… ohh!”
“Yes baby, tell me.”
Subalit hindi niya magawang magsalita pa, mas pinili na lang na pumikit at namnamin ang nakakapagpalimot na ligayang tanging si Marcus lang ang makapagbibigay.
“You are mine, Caithlyn Montemayor.”
Para namang walang naririnig at panay lang ang liyad, pagdaing at ungol na ngayon lang niya naranasan. Saka inihanda ang sarili sa lahat ng magaganap sa kanilang dalawa. Anuman ang kahinatnan ng lahat ay alam niyang hindi niya iyon pagsisihan. Ang tuluyang isinuko ang sarili sa isang Marcus Ortega.
“Natatakot ka ba, baby?”
“No, dahil nagtitiwala ako sa’yo.”
Nakaramdam siya ng kakaiba nang marinig ang katagang iyon ngunit hindi na siya maaaring umatras pa. Dahil ang pagkakataong ito ay matagal na niyang hinihintay, ang maangkin ng tuluyan ang dalaga.
“Don’t worry I’ll be gentle.”
Nakagat niya ang balikat nito ng tuluyang maging isa ang kanilang katawan, totoong napakasakit at tila hinati ang kaniyang katawan ng sumagad ito sa kaniyang kailaliman. At hindi napigilan ang pagdaloy ng luha sa kaniyang pisngi, ang hindi niya alam ay kung para saan ang luhang iyon.
Samantala ay kasiyahan ang pumuno sa puso ni Marcus ng masigurong siya ang unang lalaki sa buhay ng dalaga. Kakaiba ang kaligayahang kaniyang nararamdaman sa mga oras na iyon, at alam niya sa sarili na siya lang ang kaisa isang lalaki na nagmamay ari sa buong pagkatao ng isang Caithlyn Montemayor. At sisiguruhin niyang siya ang una at huling lalaki sa buhay nito.
Kinabukasan ay ilang beses pang nilasap nila ang ligaya sa piling ng isa’t-isa, at tumigil lang si Marcus ng makitang halos maubos na ang energy ng dalaga. Matapos kumutan ay iniwan niya ito at nagtungo siya sa kitchen, ngayon niya naramdaman ang sobrang gutom. Kaya nagpasya na magluto, at sa mabilis na kilos ay agad na naihanda ang tatlong putahe na planong lutuin. At sa unang pagkakataon ay ngayon lang siya nakaramdam ng kakuntentohan. Ngayon lang din siya tumatawang mag-isa, kaya kung may makakakita sa kaniya ay iisiping baka nababaliw na siya.