Chapter- 4

1683 Words
Sobra ang pagkainis ni Marcus dahil hindi man lang niya nakita si Caithlyn, talagang tinataguan siya nito. Ang isa pang nakakapagbigay sa kaniya ng isipin ay ang mga pinsan nito na parang balewala ang presensya niya sa mga ito. Hindi ba siya kilala ng mga Montemayor? O baka naman talagang sinasadyang hindi siya pansinin, samantalang kilala siya sa business world na kinabibilangan rin ng mga ito. O mas tamang sabihin na mas mayaman pa nga siya at sikat kumpara sa mga Montemayor. “Hey! Kung si Ms. Caithlyn Montemayor, ang pakay mo ay wala siya rito. Kaya maaari ka nang umalis dahil hindi ka welcome dito.” “At sino ka naman para pagsalitaan ako ng ganyan, hindi mo yata ako kilala?” inis niyang sagot dito. “Yeah, tama ka hindi talaga kita kilala at wala akong plano na kilalanin ka Mr. Ortega.” “Gano’n?” kahit ang totoo ay gusto na niya itong sapakin at bigyan ng leksyon. “Anong nangyayari dito, Jason?” “Ikaw pala pinsan Jam at huwag mong pansinin ang narinig mo dahil wala lang yon, tara na doon tayo sa likurang bahagi at naroon silang lahat.” akmang tatalikuran siya ng dalawa kaya’t hindi na siya nakapagpigil pa at biglang hinablot ang nagngangalang Jam. “Asshole! Nasaan si Caithlyn?” pigil na pigil ni Marcus ang sarili upang hindi masuntok ang lalaking kaharap. “Bakit mo siya hinanahanap, ano ka ba niya?” nakaramdam agad ng inis si Jam sa lalaking bigla na lang humila sa kaniya. “Sabihin mo sa akin kung nasaan siya, alam kong alam mo ang kaniyang kinaroroonan!” konti na lang at sasabog na siya sa tinitimping galit, hindi niya makakalimutan ang mukha ng lalaking ito. “Bitawan mo nga ako!” at malakas pa siya nitong itinulak. Kaya’t ang kanina pang natitirang pagpipigil ni Marcus ay mabilis na kumawala at binigyan niya ito ng malakas na suntok. “s**t! Ayos ka lang ba pinsan?” “Ayos lang ako Jason, kaya tumabi ka riyan at pagbibigyan ko muna ang gusto nang lalaking ito.” “Sigurado ka ba pinsan?” “Oo, para tayong hindi Montemayor, kung basta lang aatras sa laban.” Saka mabilis na pinakawalan ang magkakasunod na suntok at sipa. Subalit paisa isa lang siya kung makatama, gusto sana niyang punteryahin ang mukha nito ngunit mukhang bihasa sa pakikipag laban ang kaniyang katunggali. Few minutes later…. “Sa susunod na magkita tayo ay sisiguruhin kong manghihiram ka ng mukha s a aso!” sabay talikod ni Marcus at tuloy tuloy na naglakad palayo. Samantala ay mabilis na nilapitan ni Jason ang pinsan upang daluhan ito dahil nahihirapang makatayo. “Ikaw naman kasi bakit hindi mo ako pinayagan na tulungan ka, ayan tuloy at nagalusan ang gwapo mong mukha,” biro na lang niya sa pinsang nahihirapang maglakad. At pagdating nila sa likurang bahagi ng mansyon ay agad na sinalubong sila ng mga pinsan at kapatid. “Sinong may kagagawan niyan sayo Jam?” galit na boses ng kuya Colt niya ang agad niyang narinig. “W-wala ito malayo sa bituka,” ika na lang niya sa kapatid nang hindi na ito mag-usisa pa. Subalit nagkamali siya dahil ang pinsang si Jason, ang binalingan at kinausap nito. Kaya ang ginawa niya ay sinikap na lumayo sa kapatid na panganay at tinungo ang karamihan. Ngunit inulan pa rin siya ng tanong, talagang Montemayor nga dahil hindi titigil hanggang hindi siya magpapaliwanag kaya sinabi na lang niya ang totoo. “Si Marcus Ortega, ang kapatid ni Gianne na mortal enemy ni JM.” Singit ng kararating na si Charles. “Kung gano’n ay bakit siya naririto at ano ang pakay niya sa mga Montemayor?” “Hindi sa atin pinsan, kundi kay Princess Caithlyn.” “Gano’n ba? Bakit boyfriend ba ni Prencess ang lalaking ‘yon? “Yon ang hindi natin alam.” - Samantala ay sa isang pribadong klinika dumiretso si Marcus, upang ipagamot ang mga tinamong suntok sa gilid ng kilay pati na sa labi. Kung sana nakita man lang niya si Caithlyn ay hindi niya masyadong iindahin ang pananakit ng mga sugat. Subalit kahit anino ng dalaga ay hindi man lang niya nasulyapan. At sa isiping iniiwasan siya nito ay nagdulot ng sakit sa kaniyang kalooban. Tila isa iyong karayom na unti unting tumutusok sa kaibuturan ng kaniyang puso dahil sa kaalamang balewala siya dito. “Are you okay Mr. Ortega?” “Y-yeah,” kung hindi pa siya kinausap ng doktor ay hindi siya babalik sa realidad sa lalim ng kaniyang iniisip. Kaya matapos ibigay sa kaniya ang ilang mga gamot na dapat niyang inumin ay agad na nagpaalam siya. Pagdating niya sa bahay ay pabagsak na humiga sa ibabaw ng malapad niyang kama habang ginawang unan ang magkabilang kamay. Nakatitig lang siya sa kisame at iniisip kung ano ang pinakamaganda niyang gawin upang makita at makausap niya si Caithlyn. Subalit nabaling ang isipan niya nang tumunog ang doorbell kaya’t napipilitang bumangon upang magtungo sa pintuan at alamin kung sino ang kaniyang bisita. “Dude, kanina pa ako tumatawag sa cell phone mo ay hindi ka sumasagot?” “Pasensya ka na pare, nakatulog kasi ako kaya hindi ko narinig ang tawag mo.” pagdadahilan na lang niya sa kaibigan. “Kumusta naman ang babaeng kinababaliwan mo?” “Saan mo naman napulot ang ganyang kwento, parang hindi mo ako kilala para mabaliw sa isang babae lang.” “Kaya naman pala sumugod ka sa teritoryo ng mga Montemayor at nagawa mo pang makipagsuntukan, iyan ba ang hindi nababaliw?” “Nagkataon lang na napapunta ako roon, hindi ako sumugod doon para sa kaalaman mo, pare.” subalit tinawanan lang siya ng kaibigan na lalo pa yata niyang ikinainis. “By the way dude, may balita ako na alam kong ikababaliw mo pag iyong nakita.” “Ano ba yon?” hindi na siya makapaghintay sa iba pang sasabihin ng kaibigan. “Buksan mo ang kahit alin mang social media, at makikita mo na nagkalat ang larawan ni Caithlyn kasama ng isang matikas na lalaki.” Halos mabitawan niya ang remote sa pagmamadali na mabuksan ang tv. Subalit wala naman siyang nakita na kagaya ng sinasabi ng kaibigan niya. “Ako ba ay pinagluluko mo?” “Hindi ah! Akina nga ang remote control,” at siya naman ay hindi na makapaghintay pa. “Ayan oh, hindi ba at siya ang babaeng yon?” Nang makita ang video clip ng dalaga na palabas ito ng isang hotel ay agad na tumayo at hinagilap ang kaniyang jacket. “Oh, saan ka pupunta dude?” “Sa hotel at maiwan ka rito dahil hindi ka maaaring sumama.” mas mabuti nang wala itong alam tungkol sa kanilang dalawa ng dalaga. Dahil once na maabutan niya roon si Caithlyn ay baka hindi niya mapigilan ang sarili ay dalhin niya ito sa ibabaw ng kama. “Ilang araw na ang video clip na ‘yon dude, sa palagay mo ba ay naroon pa sa hotel ang babaeng ‘yon?” “Caithlyn ang pangalan niya kaya huwag mo siyang igaya sa ibang babae lang!” Angil niya sa kaibigan na nagawa pa siyang pagtawanan. “Masyado ka ng obvious dude sa pagka in love sa kaniya, pati sarili mo ay nakakalimutan mo na yata?” “Hindi ako in love pare, may sarili akong dahilan kaya hindi maaaring mawala siya sa paningin ko.” “Alam ko naman ‘yon dude, kaya lang baka sa ginagawa mong ‘yan ay ikaw rin ang masaktan sa bandang huli.” “Hindi iyon mangyayari, nakalimutan mo na yata kung sino ako?” “Fine! Basta hindi ako nagkulang sa pagpapaalaala sayo, dude.” Sa halip na sumagot ay tinalikuran niya ang kaibigan at tuloy tuloy na lumabas ng bahay. Pagkasakay pa lamang sa kaniyang sport car ay agad na pinasibad iyon palayo. At habang nagmamaneho ay hindi maiwasang isipin ang sinabi ng kaibigan. In love na nga ba talaga siya kay Caithlyn? Dahil kung hindi ay bakit nakakaramdam siya ng sakit na makitang may ibang lalaking kasama ito. Pero hindi siya dapat mahulog sa dalaga, kailangan niya ito para makapaghigante kay JM Montemayor. Isa pa napakaraming babae para sa isang Montemayor lang siya magkagusto, no way! Makalipas ang halos dalawampung minuto ay nasa harapan siya ng pintuang tinutuluyan ng dalaga. Agad na nag doorbell at hindi naman nagtagal ay bumukas iyon, ngunit natigil siya sa gagawing pagpasok ng isang lalaki ang bumungad sa kaniyang paningin. At hindi ito basta lalaki lang dahil matanda at maputi na ang buhok. Magsasalita na sana siya ng isa pang matanda ang palapit sa kanila. Marahil ay asawa ito ng ginoo ayon sa itsura nito. Kaya sa halip ay humingi na lang siya ng paumanhin sa ginawang pang-iisturbo niya sa mga ito. Pagkarating sa kaniyang sasakyan ay pansamantalang naupo muna doon at nanatiling naka patay ang makina. Pagbaling niya sa kabilang side ay tila namalikmata siya sa nakikita. Si Caithlyn ang babaeng nakatayo roon at may kausap na isang matangkad na lalaki. Ang pagkakataong iyon ay hindi na niya mapapalampas pa kaya’t nagmamadaling bumaba at malaki ang hakbang na nakalapit agad sa mga ito. “Baby, kanina pa ako naririto kaya halika na.” “What are you talking about?” kunot noo na sagot nito sa kaniya at hindi niya ito hahayaang makagawa ng alibi para makaiwas sa kaniya. Kaya naman mabilis ang kilos na hinapit sa baywang ang hindi nakakibong babae. “Mister, maiwan ka muna namin ng girlfriend ko dahil may mahalaga kaming lakad ngayon,” saka niya mabilis na hinila palayo ito at hindi hinayaang makapagprotesta. Si Caithlyn ay hindi makahuma sa mga nangyayari, at kung hindi pa umandar ang sasakyan ay saka pa lamang siya bumalik sa realidad. “Ano ba ang drama mo Mr. Ortega? At anong girlfriend ang pinagsasabi mo?” “Bakit sino ba ang lalaking ‘yon? Isa pa girlfriend naman talaga kita, hindi ba at magkaibigan naman talaga tayo? Kaya lang ay ikaw itong umiiwas yata na makita ako huh!” “You’re impossible!”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD