Chapter 3

4593 Words
"Chandria!!!!!!! Chandria gising!!! Lumabas ka dyang bata ka!harapin mo ako !!" "Chandriaaa!!!!" Napabalikwas ako ng tayo ng marinig ko ang tili ng baboy "Chandriaaaa lumabas ka dyan!!" Ay este yung sigaw ni aleng mercy pala ..kinusot ko ang mga mata ko at napakamot sa ulo "Syet naman naantok pa ko eh" rumaket pa kasi ako kagabi at nagkataong madaming costumer sa club dahil weekends kaya antok na antok pa ang katawang lupa ko "Chandria!!!!" "Eto na po !!! Sandali !!!" Binuksan ko ang pinto at agad na bumunhad sakin ang nakabusangot na mukha ni aleng mercy habang umuusok pa ang ilong nito "Aleng mercy naman .. ang aga aga" "Tanghali na chandria kanina pa ako tawag ng tawag dito ! Ilang araw na akong pabalik balik dito pero lagi kang wala !" Napabuntong hininga ako "kasi po aleng mercy may trabaho po ako 24/7 ano po ba sadya nyo kasi naantok pa po ako eh" Pumamewang ito "abay niloloko mo ba ako?? Nandito ako para singilin ka ng upa ..abay chandria mag aanim na buwan na utang mo !" Biglang nanlaki ang mata ko "Po !!!? Ano po sinasabi mo po ?? Anong anim na buwan eh itong buwan pa lang ako hindi nakakabayad ah ? Aleng mercy baka nananaginip po kayo . Matulog muna po kayo baka bangungut lang po to " Lalong umusok ang ilong nito "hindi ako binabangungot at totoong anim na buwan na ang utang mo sa upa" "That's impossible aleng mercy . Hindi po ako pumapalya sa pag bibigay ng sampung libo kay james pambayad sa upa at bills .. ano pong sinasabi nyo na hindi nagbabayad?" "wag mo kong nilolokong bata ka ah ? Anim na buwan na ang utang mo at sa tuwing maniningil ako kay james ay lagi nya akong binubukas" Imposible !!! "Ay tanginang james yun!!! Gago yun ah!" Napailing ako .. hindi ako pumapalya sa pagbabayad ang walanghiyang james na yun hindi ibinabayad yung pera ko Nimal talaga yung hitad na yun! "Aleng mercy nagkakamali po kayo .. nagbabayad po ako iniaabot ko kay james ang bayad hindi nya lang ibinabayad sa iyo". "Kung ganun asan si james ? Asan ang bayad nyo sa upa !abay kung kailangang pitpitin ang itlog ng isang yun maibalik nya lang ang bayad sa upa !" "Kaso aleng mercy wala na po si james eh" . "ano ?? Patay na si james ?" Naku wag .! Dahil gusto ko ako papatay sa kanya ! "Hindi po .. break na po kame kaya hindi na po sya dito nakatira" "Abay kahit ba break na kayo kailangan mong magbayad chandria ! Hala asan ang bayad dali !" Inihain nito ang kamay nya "magbabayad ka o papalayasan kita !" "Aleng mercy have mercy on me .. maawa po kayo wala po akong pambayad ...sa ngayun .. kaya sana wag mo naman po akong palayasin" "Abay chandria ! Naghahanap buhay din ako .. kung pagbibigyan kita ako naman ang magugutom ! Marami akong pinapalamon kaya kailangan mong magbayad ng utang.. o hala asan na .. ilabas mo ang pera" Napailing ako at lumuhod sa harap nya "aleng mercy parang awa nyo na .. wag ganto ..dito na ko lumaki ito lang ang bahay ko .. wag nyo naman po akong palayasin ng ganto .. magbabayad ako pinapangako ko pero hindi po muna ngayun" Napabuntong hininga ang matandang babae at napailing "o sige ! Pero bibigyan lang kita hangang bukas! Kapag wala ka pading maibigay pasensyahan na tayo pero wala akong magagawa kundi ilabas ang gamit mo at palayasin ka" Napatayo ako "maraming salamat po . Maraming maraming salamat ! Pangako bukas pagdating na pagdating ko magbabayad ako" Suminghal ito " siguraduhin mo lang" wika pa nito bago tuluyang umalis .. Kailangan akong makahanap ng paraan .. kahit hindi buo .. kahit kalahati lang basta may maibayad ako ... syet naman Nangigigil ako sa james na yun! Gago yun ! Anim na buwan ang na utang ! 60 k yun ! Saan ako kukuha ng 60k!? Bwisit talaga sya ! Sana kung tulog pa yun bangungutin sana o kaya naman kapag naglalakad sya madapa sya at tumama yung ulo nya sa cemento bwisit sya!!! ××× "Base sa tao natin sa loob doon gaganapin sa club ang transaction ng dalawang grupo kaya kailangang magingat mamaya para walang inosenteng tao ang madamay . Base din sa mga impormasyon na ibinigay sakin ay kumuha ng pribadong silid ang mga ito para hindi mapansin ang mga illegal na gawain nila kaya i expect na natin na may mga tao sila na magbabantay sa loob at labas ng club" "Kayo doon kayo mag mamatyag sa labas .. Kayo SPO2 Ford doon kayo sa loob mag babantay.. bantayan nyo ang mga tao na maglalabas masok sa loob At kapag nagbigay na kame ng hudyat kailangang mahuli ang lahat ng tao na nasa loob ng silid na yun ." Tumango ang mga pulis at napatingin uli sa chart na nasa harap nila " ito ang mga litrato ng mga lead natin behind this group .. pero bukod pa dun meron pang pumuprotekta sa kanila kaya kailangan nating maging maingat . hindi tayo pwedeng matakasan uli ng grupo na to.. masyado na silang maraming napurwisyo ng dahil sa mga ilegal na gawain nila kaya inaasahan ko na magiging matagumpay ang setup mamaya" "Yes sir !" "Good aasahan ko kayo" ××××  "Tangina!!! Tangina talaga !!!" "Wow lutong nun ah .. anyare be bat parang daig mo pa ang bulay na nabitin .. ? Durog na durog na yang puto mo dyan oh kung ayaw mo akin nalang" Napatingin ako kay marga na nagmamakeup dahil sya na ang sasalang sa stage isa sya sa mga GRO dito sa club at isa nadin sa mga nauna kong naging ka close .. iba kasi sya ..hindi plastik at hindi malandi . May pinaglalaban lang talaga kaya kumagat sa gantong gawain . "Kasi yung walang hiyang ex ko be hindi pala nagbabayad ng upa tangina lang kasi hindi naman ako pumapalya sa pagbibigay tapos tinatakbo pala nya" . Napailing ito bago ngumisi "sakit sa ulo talaga yang mga ex na yan . Dapat sa mga yan pag may ginawang masama matik na natetegi pag nakikipaghiwalay eh" naglagay ito ng maskara at inayos pa ang pagkakakulot ng buhok "pag nakita mo bayagan mo hangang sa maging baog yung gago" "Talaga ! Hindi lang mabaog ! Bubugukin ko pa yung betlog nya .. babasagin ko para wala na talagang silbi" "Haha .. so ano na ?? Anong balak mo ngayun?" Sinubo ko ang puto at ininom ang beer na ibinigay nya . "Kailangan kong maghanap ng pambayad .. kahit kalahati lang .. syet be papalayasin na ako pag hindi pa nakapagbayad sa kanya" Tumingin ito sa akin "60k kamo ??" Tumango ako "60k .. kung magpapatakeout ka sa mayamang gurang mabilis lang yang 60k mo .. pero kung wala kang makitang mayamang gurang pwede yan pa take out ka dalwang beses doon sa may pera .. magingat ka ..maraming mukha lang mayaman pero butas ang bulsa kaya dapat mamili ka ng mabuti" kindat nito sakin kaya sinimangutan ko sya . "Marga naman alam mo naman na hindi ako nagpapatakeout . Waitress lang pinasok ko dito at di ako magpopokpok .. at isa pa . .." napatingin ako sa paligid ko bago bumulong sa kanya "virgin pa ko" Nanlaki ang mata nya "ay tangina ibenta mo na yan ! Mabilis lang yang 70k gaga! Use your brains and use your keps incase of emergency baka sobra sobra pa makuha mo lalo na pag gipit ka parang pag may sunog lang yan eh imbis na break the glass . Break the Hymen in case of emergency" Umiling ako at hinila ang buhok nya "gaga! Ayoko nga no! Ibibigay ko lang to sa taong mahal ko at sa taong makakasama ko kung sakaling magunaw na ang mundo at di pa ako butas .. pakingshyet ka din no?" Napahalakhak ito at umiling "yan din sinabi ko noon .na ibinigay ko sa taong mahal ko . So yun binigay ko naman .. kaso wala akong napala .. narealized ko lang na nagsayang ako sa isang lalakeng gago na binuntis lang ako at tinakbuhan.. kaya kung ako sayo utak gamitin mo . Ako nga eh kung kaya ko lang maibalik ang nakaraan siguro ginamit ko nalang ang utak ko .. edi sana hindi ako naging batang ina pero hindi ko pinagsisihan ang baby ko dahil sya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko .. pero syempre hindi padin maalis yung pagsisisi na pano kaya kung yung utak ko ang ginamit ko kesa puso ... Siguro kung doon ko binigay yung virginity ko sa mayamang manliligaw ko noon siguro merong ama ang anak ko .. Edi sana hindi ganto ang trabaho ko. Hayahay ako at ihehelera ko sa harap ko ang mga tagapagsilbi at hihiga nalang ako sa dolyares ! Hahaha e kaso nagpakatanga si gaga .. eto puta padin ." "Wag ka namang ganyan be . Naiintindihan kita .. at alam ko naman na hindi mo din gunusto yan kundi lang dahil sa anak mo hindi mo papasukin yan" Buo na loob ko . . Ako mataas ang tingin ko sa mga babaeng katulad ni marga dahil alam ko na may mga dahilan sila kung bakit ganto ang pinasok nilang trabaho . Katulad ni nanay hindi naman nila gunusto ito .. pero hindi purkit ibig sabihin na napapakigiran ako ng babae na katulad nila at nangangailangan ako ng pera ay gagawin ko nadin ang ginagawa nila .. Ng namatay si nanay nangako ako sa sarili ako at sa kanya na hindi ko susundin ang yapak nya dahil yun ang huling kahilingan nya .. "Nako wag na nga tayo magdrama . Mahirap yung sasayaw ako na nagdadrama baka maging si sisa ako sa harap ng entablado" iling nito at naglagay ng lipstick "so kung hindi mo balak mag pa takeout mag ready ka nalang kasi kailangan mong mag entertain ng 60 katao para makakuha ka ng tip dyan sa pag wawaitress mo" Tumango ako "parang ganun na nga" "Oi teka diba ikaw hahawak doon sa VIP one ? Nako te .. malaki magbigay ng tip doon galingan mo mamaya wag kang tatanga tanga doon baka matapon mo yung beer matodas ka bigla ." Biro nya pa kaya sinamaan ko sya ng tingin .. "Oi puki ikaw na!" Napalingon kame kay mama Fen na nasa likod ng stage "O sige sasayaw nako .. ikaw goodluck dyan sa paglikom ng 60k mo" Tumango ako at hinampas pa ang matambok nyang pwet . "Be galingan mo ang giling" sigaw ko at bumalik sya may kinuha sya sa loob ng bra nya at inabot sakin Pag tingin ko 5 libo iyon "Oi gaga ano to ?" "Ambag ko na yan . Atleast nabawasan ka agad ng 5 na tao . 55 nalang bobolahin mo" Ibinalik ko sa kanya ang pera "ui be wag na kailangan to ng baby mo" "Sayo na yan . Papa take out ako mamaya kaya barya lang yan " kindat nito bago siniksik sa bra ko ang pera nya . Napabuntong hininga nalang ako bago ngumiti sa kanya "thank you be" Nag thumbs up lng sya at pumasok na sa stage . Haay ang bait talaga ni marga ..nakakahiya .. Ibinaba ko ang beer at isinuot uli ang apron at lumabas na .. Tama kailangan kong magtrabaho ng mabuti para naman makakuha ako ng maraming tip ngayung gabi . Jusko lord please guide me .at makalikom ako kahit 30 kiyaw ! Sana makabingwit ako ng Costumer na may malaking tip . "Oi red ..tignan mo nga yung costumer na yun o kanina pa tahimik yun . Dalin mo to sa kanya" wika ng manager namin na si beauty "Ano daw pangalan ?" "Mr.F daw eh ." Mr.F ?? Mr.Funny ? Mr.Fafa ? Mr.Fucker ? O Mr.Fera?. Tingin ko sa isang lalake na naka maskara . Kung sabagay lahat naman nakamaskara dahil sa theme ngayung gabi pero sa kanya kahit nakamaskara at madilim parang ang yummy yummy .. halatang pogi sya Dyan pa naman magaling ang radar ko .. sa mga pogi at macho "Kanina pa tahimik yun parang masyadong lonely " "magingat ka ..maraming mukha lang mayaman pero butas ang bulsa kaya dapat mamili ka ng mabuti" Napatingin ako kay beauty ng biglang naalala ang sinabi ni marga kanina . "Malaki ba tip nyan?" Tanong ko sa kanya bago inilagay sa tray ang beer "Haha dear ! Believe me ! Sa tindig nyang mukang di lang yung tip ang malaki sa kanya .. pati yung kahandaan isama mo pa ang betlog nya mukang lahat malaki .baka pag pinasok sayo sa bibig mo na lumabas" Napahalakhak ako .. Pasalamat ka boss kita kundi natampal na kitang bading ka . "Gaga ka boss . ..pero pera kailangan ko hindi lawit" irap ko kaya napahalakhak ito . "Red shot muna pampalakas ng loob" inabot sakin ni mark ang isang shot ng vodka at tinunga iyon "Mark penge pa may pagbibigyan ako na Very Important Fafa" Napailing ito at naglagay ng dalawa pang shot glass sa tray ko bago tumungo kay Mr.Fafa sa isang lamesa . "San mig light for Mr.F" Kindat ko sa lalakeng tahimik na nakaupo Tumingala ito sa akin at kinuha ang beer na ibinigay ko wala syang imik at hindi man lang ngumiti Okay lets start the pambobola ganto pa naman yung mga tipo ko yung mga pahard to get "Boss bago ka dito no?" Hindi ito sumagot kaya ibinaba ko ang shot ng vodka sa harap nya "masyadong pa chicks ang order mo eh .. sige na pa welcome drinks ko na sa yo yan" kumindat ako pero tiningnan nya lang ang drinks . "Wag na okay nako sa beer" Shet yung panty ko nalaglag ata .. Ang pogi ng boses syekwa! "Sige na .. treat ko na yan" hindi nya ako pinansin kaya umupo ako sa upuan na nasa harap nya ininom ko ang isang shot bago dinampot ang sa kanya "oh walang lason yan sige na tangapin mo na" tumingin lang sya at hindi ako sinagot .. Haay grabe naman sa pagka snob to ! "Okay fine akin nalang to" akmang iinumin ko na ang shot ng bigla nya itong ininom . "Okay na ba ??"tanong nya kaya lumapad ang ngiti ko.. "Yun naman ! Akala ko pa naman pa chicks ka eh" hindi nanaman sya nagsalita Okay masungit nga sya Pero kaya mo yan bibigay din yan "So Mr.F ngayun lang talaga kita nakita dito .. so anong meron may problema ka ba ?? Parang ang lungkot lungkot mo baka gusto mong may makausap .." tiningnan ko ang mata nya "nandito lang naman ako" bago humawak sa kamay nya Pero yung akala ko na makikisabay sya sa kalandian ko ay hindi pala dahil binawi nya ang kamay nya "miss baka may trabaho ka ? Pwede ba iwan mo muna ako?" Napataas ang kilay ko pero pinilit kong kumalma "don't worry mr.F pwede ka muna naman makipag kwentuhan sakin hangat wala pa yung nga guest ko doon sa VIP" Natigilan ito at tumingin sa akin "may guest ka sa VIP ?" Tumango ako "hmmm" "Anong VIP room?" Ngumiti ako "VIP1" Napangiti din sya bago tinunga ang beer nya "bakit wala pa ba sila kaya dito ka muna sakin ?? Ibig ba nun sabihin pwede muna kitang masolo?" Sabi nito bago tumingin sa mga mata ko Syet nalusaw na nanaman ako . Parang pati shorts ko natangal na sa titig nya . Pero kalma ! Hindi pwede . Hindi ako papatakeout "Wait magka intindihan muna tayo mr.F .. waitress ako dito hindi ako magpapakangkang sayo ha" nagulat ito sa sinabi ko kaya halos nabuga nya ang beer na iniinom "Ano!" "Oh wag ka magalit! Nagsasabi lang naman ako ng totoo .. di ako papatakeout .. usap lang tayo ah?" Napailing ito at pinunasan ang kanyang bibig . Inabutan ko pa sya ng tissue pero inagaw nya kang yun sakin . "Anong oras ba dadating yung guest mo?" Tumaas ang kilay ko .. Bakit pinapaalis nya na ba ako? "May idea ka ba kung sino sino sila ? Kung ilan sila at ano ang gagawin nila sa VIP ?" Bat interesado sya sa mga guest ko? "Teka ? Stalker ka ba ng mga guest ko?" Napahinto sya Kaya napailing ako "You know Mr.F wag mo na silang isipin .. ang pagusapan natin ay kung bakit nandito ka ngayun .. alam mo pwede mo saking ikuwento kung ano man yang problema mo ..makikinig ako sayo promise di kita huhusgahan" "Ano ba yang sinasabi mo" "Alam ko na !! Kaya ka nandito kasi broken hearted ka? Ano totoo no ?? Nakipag break ang jowa mo ngayun kaya ka naglalasing .. ano tama ako?" Kumunot ang nuo nito "ha ?! Anong sinasabi mo dyan?" Teka hindi ba ? Karaniwan kasi ganun yung problema kaya naglalasing eh . "Hmm mali ba ? Teka hulaan ko uli" umayos ako ng upo bago tumingin sa mata nya "hmm.. na busted ka ba" hindi sya sumagot kaya alam ko ng hindi yun ang dahilan ."namatayan ? Nanakawan ? Nasunugan ng bahay?? Natalo sa sugal ?" Umiling sya "natangal ka sa trabaho ? ?? Papalayasin ka na sa bahay mo?" Napailing ito kaya napaisip ako.uli "Alam ko na .! ano inagaw ng beastfriend mo ang jowa mo ? Tapos nalaman mo na may jowa pa yung jowa mo na jinowa ng bestfriend mo tapos hindi mo alam na pati yung bestfriend ng bestfriend mo ay jinowa nga jowa mo? Ano? Yun ba ?" Kumunot ang nuo nya bago umiling Napabuntong hininga ako at kinuha ang beer nya at tinunga iyon "Ano may aids ka ba?" Nanlaki ang mata nya bago inagaw sakin ang bote ng alak . "Ano ba sinasabi mo dyan?" "Hmmm kundi aids .. ano .. hmm may tulo ka ba ? Sabihin mo may antibiotic doon bibigyan kita" Napailing sya at nakita ko na napangisi sya ."baliw ka ba?" "Hindi ako baliw .. gaga lang.. saka bobo sa pagibig .. so ano na ano ba problema mo?" "Wala " "Tangina .anong wala !?" Feel ko na parang nagulat sya . "Imposible na wala kang problema .. may problema ka kaya ka naglalasing ! Tangina pagusapan natin to bro hindi pwede yung ganto!" "Miss ikaw ata ang may problema . Ikaw na ata ang lasing" . Natawa naman ako sa sinabi nya Lasing? "Hindi ako lasing no.. san mig lang to papano ako malalasing dito . Pero ano na bro .. ako naman ikaw lang iniisip ko . Ayoko na nasasaktan ang kaibigan ko" Napangisi ang lalake at tumingin sa kanya "kaibigan eh ngayon mo pa nga lang ako nakikilala" "Tangina kapag kinausap ko ng ganto katagal kaibigan ko na no. Kaya pasalamat ka .. tinuturing na kitang kaibigan" "Lasing ka na" Umiling si red bago nginitian ang lalake . "So ano na nga ba problema mo ? Baka makatulong ako" "Wala nga akong problema". "Hindi .. meron eh" akmang tutungain na nito ang alak pero inagaw ito sa kanya ng lalake "ahhhh... alam ko na problema mo" Tumawa ito ng malakas "Bakla ka" Nanlaki ang mata ng lalake "Bakla ka .. hindi matangap ng tatay mo na bakla ka kaya ka naglalasing ? Ano binugbog ka ba ? Gusto mo resbakan natin yung tatay mo?" "Hindi ako bakla at higit sa lahat wala akong tatay" Nalungkot ang mukha ni red "ako din eh walang tatay .. hayup kasi yung tatay ko binuntis lang yung nanay ko tapos nag iskapo na ang gago" iling na sabi nito "pero teka wag nating iniiba ang usapan ... ang topic natin dito ay ang problema mo" "Wala nga akong problema" "Ay tangina alam ko na !" Napailing nanaaman ang lalake "Pwede ba wag kang mag mura di bagay sayo" "Eh tangina anong pake mo first word ko kaya yan.. nasa tiyan palang ako ng nanay ko naririnig ko na yan . Hindi nya alam nung nag pt sya narinig ko na sabi nya na TANGINA BUNTIS AKO hangang sa maipanganak nya ko marinig ko sya na sumigaw na TANGINA ANG SAKIT! Tapos nung lumaki nako at tatawagin nya ko sasabihin nya sakin TANGINA ARIA UUWI KA O PAPALUIN KO PWET MO!" Tila hindi makapaniwala ang lalake sa sinabi nito at napailing nalang "Pero wag nating iniiba ang usapan .. kasi tangina alam ko na Mr.F !! Alam na alam ko na ang problema mo ! Syet nangyayari pala sa totoong buhay yun?" Kumunot ang nuo ng lalake "Ano?" "Alam ko na kung bakit ka naglalasing!" Natatawa pa na sabi nito "Bakit nga?" Sumeryoso si red at tumingin sa mata ng lalake "naibigay sa ibang babae ang Sperm mo ! Tangina napagkamalan kang sperm donor kasi naligaw ka ng clinic kaya yung sperm mo naisalin sa ibang babae at ngayun yung babae buntis na at triplets pa yung pinagbubuntis nya kaso ayaw mo panagutan kasi may fiancé ka na model sa new york na hindi mo naman alam na kinakangkang ng bestfriend nya ..eh dahil di mo nga alam yung pagtataksil nila kaya iniiwasan mo yung girl na nabuntis mo.. kaso naguguilty ka kasi gusto mong magkaanak kaya di mo sinasadya na aswangin yung babae nung nasa kubo kayo na ginusto mo naman kasi naiinlove ka sa kanya ! Na pabebe ka pa na kunyari ka pa eh ang tanga tanga mo kasi nagpapaloko ka lang doon sa fiance mong mukang boobs hindi mo alam na mas mahalaga yung nanay ng mga anak mo! Gago ka" Napailing ang lalake bago tumingin sa kanya "san galing yan? Ano ba yang sinasabi mo ? Anong sperm donor na sinasabi mo ha?" "Ganun yung nabasa ko sa w*****d eh . Tangina ganun din yung problema mo ! Ikaw ba yung lalake doon?" Hinampas ni red ang lamesa at tinaas ang kamay "kuya mark dalawang beer pa nga dito ! Tangina ang bigat ng problema ng lalakeng to" "Miss nagkakamali ka hindi-" "Shhh! Tahimik ! Maglalasing tayo ! Tangina kailangan iinom natin yang problema na to !" Hindi napigilan ng lalake na mapangisi dahil lasing na ang babae na nasa harap nya pero aaminin nya na naentertain sya Tinagal nito ang sumbrerong suot "Tangina ang init nito sino bang gago ang nakaisip nito?" "Miss lasing ka na talaga" Tinawanan lang sya ng babae "Di pa ko lasing " lumingon ito sa stage at nakita ang babae na sumasayaw "whoooo kaibigan ko yan ! Hoy violet ! Igiling mo pa beybe !ang sexy talaga ng kaibigan ko oh" napatingin sa kanila ang kaibigan nya na si marga o si violet at napailing nalang ito ng mapansin na lasing na nga si red . Maya maya ay lumapit ang manager nya at tinapik ang balikat ni red "Bakla ka kanina ka pa hinahanap doon sa VIP nandun na yung mga guest mo" bulong nito sa kanya bago napatingin sa lalake na kasama ni red "Mr.F pagpasensyahan nyo na to si red ganto talaga yan pag late na lumuluwag ang turnilyo" "Hindi ate beauty ... ang laki ng problema ni Mr.Fucker .. alam mo ba na napunta sa iba ang sperm ny" nanlaki ang mata ng lalake at umiling . "Naku pasensya na talaga sir" "It's okay .." Kinurot ni beauty ang tagiliran nya at iniabot ang tray "dali na pumunta ka na doon sa VIP" Akmang aalis na sila ng lumingon uli si red at bumalik sa harap ng lalake at inilahad ang kamay nya na ikinataka nito "Tip ko?" Napailing ang lalake at bumunot ng isang libo at inilagay sa kamay ni red "Isang libo lang?? Eh pambili ko lang ng lactacid to eh!" Napangisi ang lalake bago bumunot ng tatlong libo sa kanyang wallet Kaya napangiti si red "thanks Fafa !" Paalam nito bago inilagay ang pera sa loob ng kanyang bra . "Huy red .. kumalma ka nga . Gaga ka inumin mo to" tapik sa kanya ni marga at pinainom sya ng tubig "gaga ka nagpakalasing ka tatake out ka ng di oras nyang eh" "Nako ayusin mo yang kaibigan mo bangag nanaman" paalam ni beauty bago lumabas "Kalma be .. naku nandun na mga guest mo sa VIP .. gaga ka talaga isang costumer palang lasing ka na pano ang goal mo nyan?" Inilabas nito ang apat na libo kaya napailing si marga "not bad be ! Malaki laki nadin" ibinalik nya ang pera sa loob ng bra nya bago ininom uli ang tubig at tumayo . "O okay ka na ba ?" "Be 41k pa kulang kailangan kong umayos .. sige na wag ka ng magalala pupunta nako sa VIP baka maagawan pa ako" Tumango nalang si marga at hinayaan nalang si red na makapunta ito sa VIP . May ilan pang humarang sa kanya na bantay ng kwarto pero pinapasok din sya ng makita ang mga alak na dala nya . Pag pasok nya sa loob ay napansin nyang tahimik ang mga nanduon .. maayos ang mga damit nila na parang mga bigating tao habang nakaupo ang lahat sa mahabang mesa na tila nagkakaintindihan na sa paraan ng pagtititigan nila "Red ako na magdadala nyan doon . Medyo strict ang guest muka kang lasing be baka mabastos ka" sabi ni yellow kaya ibinigay sakin ang tissue "dalhin mo nalang to doon sa cr at walang tissue doon" Tumango ako at pumunta sa CR Para naman akong naiihi bigla nung makita ko yung inodoro "Wala naman siguro makakapansin na sa dito ako mag CCR diba ?" Ang ganda pa naman ng CR dito mas malinis pa sa kwarto ko . Na sa sobrang kintab ng sahig at ganda ng inidoro ay malamang uurong jebs mo . Ibinaba ko ang suot kong shorts kasama ang panty ko At ngayun ay bibinyagan ng maganda kong pwet ang inidoro na to "Ahhhh..... ang sarap ..." nakangiting sabi ko habang umiihi ××× "Clear boss inilabas na nila ang drugs . May ebidensya na tayo" Dahil sa sinabi ng tao namin sa loob ng VIP ay dali dali kameng pumasok at kagaya mg inaasahan namin ay tumambad sa harap namin ang bulto bultong drugs na nakabalot pa "Itaas nyo ang mga kamay nyo ! Walang gagalaw!" Sigaw ng kasama naming pulis bago tinutukan ng mga baril ang nasa silid . Sinubukan pang Manlaban ng iba pero dahil nadin sa takot ay wala na silang nagawa .. Andaming nagsitakbuhan na sibilyan sa sobrang takot lalo na ng makita ang mga baril na dala ng mga pulis at mga sindikato "Posasan na ang mga yan !" May lumapit na mga pulis sa mga armadong lalake na dinisarmagan sila "SPO2 Ford clear the area baka may makatakas" tumango ako at nilibot pa ang buong lugar hangang sa karating ko ang harap ng CR . "Aahhhhh...ang .. sarap". Napakunot ang nuo ko ng makarinig ng ungol mula sa cr . "Ford nawawala si Laurel" rinig nyang sigaw ni santos . Hinigpitan ko ang hawak sa baril ko malamang nandito si laurel sa loob ng banyo . Sinipa ko mg malakas ang pinto at humampas ito sa may dingding "Ahhhhhh!!!! Maawa po kayo " "Itaas mo ang kamay mo kung ayaw mong masaktan!" Sigaw ko pero halos manlaki ang mata ko ng hindi si laurel ang nakita ko . Kundi ang babaeng kausap ko kanina .. halata ang takot sa mga mata nito habang nakataas ang kamay pero halos mapalunok si Ford ng makita na nakababa ang pambaba nito. "Ay yung pekpek ko pala!" Sigaw ni Red ng Napansin nito na nakatingin ito sa ibaba nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD