Chapter 2

3554 Words
"Buwiset ! Aggghhhh!" Sigaw ng dalaga ng tuluyan nyang maibaba sa hagdan ang sofa na kanina nya pa hinahatak . Nakasuot sya ng face mask at gloves at halata sa mukha nya ang pagkairita . Pabagsak pa nya itong itinulak sa tabi ng basurahan kung saan tambak ang isang damakmak na basura sa kanilang lugar "Punyatera ! Ang bigat naman pala nito !" Buntong hininga nya bago ipinagpag ang kanyang mga kamay "Oh Chandria ! Okay pa yang couch mo ah ?sayang naman akin nalang " wika ni Matmat na nakatira sa boarding house sa tapat ng apartment na tinitiran nya . "Nako kuya matmat ! Makakakuha ka lang ng kung ano anong sakit pag kinuha mo to " natawa lang ang binata Pinagpag nya uli ang kanyang kamay bago itinangal ang gloves na suot nya at itinapon din sa basurahan .. Pinagmasdan nya uli ang lumang couch . Kaya pala ang bilis maluma . Nimal talaga yung gagong yun .. Napailing sya . Hindi ko na dapat iniisip ang kumag na yun manigas sya kasama ng junjun nyang mukang kamias ! Pwe ! Naglakad sya pa punta sa tindahan sa gilid . "Ang ganda ng umaga ko ngayun ah kasi nandito ka na " "Wow ganda mo naman ngayun chanria .." "Mukang ngayun ka lang ata namin nakita uli chandria " Sunod sunod na bati ng mga kapitbahay ko na mahilig tumambay kala aleng Seny . "Haay .. ang aga aga nasira araw ko makaalis na nga peste!" Inis na wika nya kaya napakamot ang tatlo sa kanilang ulo . "Grabe ka naman chandria marunong lang kameng maka apreciate ng maganda .. lalong lalo na pag sa umaga ..diba tol?" Wika ni Max kaya nagtanguan ang dalawang kasama nya . "Oo nga .. saka namiss ka lang namin chanchan" pa cute naman nung isa . Pilit na ngumiti si chandria sa tatlo at napatingin ito sa diaryo na hawak nung isa . "Hmm binabasa mo ba yan ?" Tanong nito at umiling yung lalake . "Pwedeng akin nalang?" "Oo naman chan chan ...ikaw pa ba ?" Masayang wika nito at inabot ang diaryo kay chandria . Inikot ito ang diaryo "ah.. so maganda ang araw nyo diba?" Ngisi ni chandria kaya malapat ang ngiti ng tatlo na tumango sa kanya . "Ahh.. maganda pala ah ..." itinaas nya ang kanyang kamay na may hawak na diaryo at pinaghahampas ang ulo ng tatlo "Aray aray !" "Maganda pala ah ! Sige sirain natin ! Ano ! Ha?!" Inis na wika nya hinampas hampas uli ang tatlo at halos dumikit ang diaryo sa mga balat nila dahil wala silang mga pangitaas na damit . "Aray tama na tama na ..sakit !" "Ouch ui !!" Sinasalag nila bawat hampas ko sa kanila . Kahit kelan talaga tong mga manyak na to nakakagigil ! Masama na nga ang gising ko dadagdagan pa nilang mga kumag sila "Mga pesteng to ! Maghanap nga kayo ng trabaho hindi yung tambay kayo ng tambay mga kingina nyo ! " "Grabe ka naman chandria ... ang init ng ulo mo .. " "Sige na aalis na kame .. ..pero pag nakahanap na ba kame ng trabaho sasagutin mo na ang isa saamin ?" Tanong nung isa at itinaas baba ang kanyang kilay . "Oo nga .. ganyan pa naman yung mga tipo ko .. yung hard to get at masungit .. magaling daw kasi pag ganun --" Hinampas uli sila ni Chandria ."at hindi talaga kayo titigil .. !!" "Ui masakit tama na aalis na nga kame !" Wika nila habang nakatakip sa kanilang katawan . "Mga nimal kayo ! Sa susunod hindi lang dyaryo ang dadampi sa balat nyo .. sa susunod magdadala nako ng takip ng lata at puputulan ko kayo !" Inis na wika nito habang pinangdidilatan ang tatlo . Nanlaki naman ang mata ng tatlo at kumaripas ng takbo . "Haay buwiset talaga... !" Singhal nya at Umupo sa kahoy na upuan sa tapat ng tindahan "Mukhang badtrip na badtrip ah " Napatingin sya sa loob ng tindahan at nakita nya si Glenda . "Ui glenda .. ikaw pala bantay .. nasan si aleng Minerva .. magbabayad kasi ako ng utang eh .nandyan ba sya ?" Tanong ko sa kanya .. Alam ko kasi may utang pako dito na 200 nung isang araw babayaran ko na baka lumaki pa . Mahirap na .. Utang nalang ata sa kanya ang forever . . "Ay may sakit si nanay matindi ubo nya pero nandito naman yung listahan i checheck ko nalang " masayang wika ni glenda na anak ng mayari ng tindahan . Bumunot si chandria ng 200 sa kanyang wallet at dumungaw uli sa maliit na bintana . "Bale 1,568 ateng " wika nito bago ipinakita ang listahan sa kanya . Halos manlaki naman yung mata ko. 1,568 ! Saan nangaling iyon ! Ano yun may interest ?? ! "Ay ateng 1,750 pala . Hindi ko pa na sama yung nasa likod ng listahan " "Ano !! 1750!? .. teka bakit ?? Pano eh 200 lang utang ko dito ah?" .. Pano ako nagka utang ng ganun kalake . Umiling lang si glenda "eto ate yung listahan oh .. " pinakita nya sakin yung notebook kung saan nakalista ang mga utang ko at nanlaki ang mata ko ng makita "Malboro lights -50 / james Red horse -150 /james Pancit canton -56/ james Gin -90/james Corned beef -130 /james Empi -250 /james ---put--" "Pusang gala ! Ang kapal talaga ang lalakeng yun !" Nangagalaiting wika ko . Napailing lang si glenda . "Ayaw na nga pautangin ni nanay eh kasi diba hangang 500 lang ang limit mo ate ? Haay kaso minsan nagwawala talaga yun " wika nya pa . "Sana hinampas nyo ng bote yung bungo nya kingina sya ! Kapal talaga ! Pag nakita ko yun papatayin ko talaga yun eh . " bumunot ako ng dalawang libo sa bulsa ko at ibinigay kay glenda . "Dagdagan mo na ng 4 red horse saka dalawang cracklings yung malaki " wika ko at tumango sya . Ibinigay nya sakin ang sukli at ang mga pinamili ko bago bumalik na sa apartment ko . May iilan pang sumisipol sa akin Yung iba naman ang sama ng tingin sakin . May iilan pang bumubulong pero hindi ko sila pinapansin baka basagin ko lang tong hawak kong bote sa kanila . Sa bungad ng pinto ng hagdanan may mga nag lalampungan .. nakita ko pang tiningnan ako ng lalake pero inirapan ko lang sya . Umakyat ako ng hagdan at nakita ko ang ilang mga kapit bahay ko . Isa kasi itong maliit na building na hangang tatlong palapag . Isa itong hotel na ngayun ay ginawang apartment na pinapaupahan ng may ari ang bawat kuwarto . May iilang nagaaway Yung iba naman naghahalikan sa bungad ng pinto . May nakakasalubong pa ako na lalake na mukang uuwi palang . Umakyat ako sa 3rd floor nasa dulo kasi ang appartment ko kaya may ilang pintuan pa akong madadaanan . Ilag ang mga tao na building na to . Yung mga kapitbahay namin na banal banalan ang sabi nila makasalanan ang building na to .. dito na ako pinanganak at dito nadin ako lumaki .. na sa pag laki ko nasanay nako sa takbo at paraan ng buhay ng mga nakatira dito .. Tahimik ang 3rd floor at mukhang tulog pa ang mga kapitbahay ko .. Halos ng mga kapitbahay ko lalo na dito sa 3rd floor ay mga kasabayan ko ng lumaki .. at katulad ng mga magulang din nila ay ganun din ang kinahinatnatan ng buhay nila .. Nung mga bata kame .lahat ng bata na anak ng mga katrabaho ni nanay ay kalaro ko na kapag papasok ang mga nanay namin ay naiiwan kame sa landlady habang sila ay magtatrabaho naman sa club .. .  Na sa umagang gigising kame tulog naman sila minsan nga hindi pa sila nakakapag palit ng damit at maabutan nalang na kung ano ang ityura nila pagalis nung gabi ganun padin pagising nila sa umaga .. mas hagard nga lang . Andami kong katanungan noon Minsan kasi magigising ako na may katabi si nanay na lalake ... hindi ko naman kilala .. halos lingo lingo ata ay may iniuuwi sya . Lagi kong tinatanong sa kanya na yun ba ang tatay ko pero ang lagi nyang sagot "hindi mo sila tatay ... pera sila at kailangan sila ni nanay para mabuhay ka " Tinanong ko noon .. Anong meron sa lalake ? Bakit ang daming pera ni nanay ?  Na kasing dami ng lalake nya ang pera nya .. Bakit ? Pano ? Ano bang ginagawa nila ? Tinanong ko sya isang beses .."nay ..anong ginagawa nyo bakit binibigyan nila kayo ng pera?" Minsan hindi ako sinasagot ni nanay pero nung isang beses na nahuli ko syang nakapatong sa lalakeng inuwi nya tinanong ko uli sya at  sinabi nya "Naglalaro kame .. pero yung laro namin hindi pang bata kaya wag mong gagawin " wika nya pa Nagtaka ako .. Mas lalo akong naguluhan . Naglalaro lang sila ? Tapos bibigyan na sya ng pera ?? Ganun lang kadali yun ? Gusto ko din nun parang hindi naman pala mahirap ... maglalaro lang naman pala eh .. tapos may pera ka na .. Nuong bata ako sinabi ko sa sarili ko gusto ko pag tanda ko maging katulad ako ni nanay .. Kasi ang ganda ganda nya  . Ang sexy sexy nya .. lagi ko syang pinag mamasdan sa tuwing magmamakeup Yung paraan ng pag lagay nya ng pulang lipstick , yung pag aapply nya ng itim na likido sa linya ng kanyang mga mata .. ang pag pilantik ng mga pilikmata nya sa tuwing kukulutin nya ito . Ang pag dampi ng mapusyaw na pulbura na nagbibigay ng kulay sa kanyang mga pisngi .. Ang pagladlad nya ng maitiim at mahaba nyang buhok Pinagmamasdan ko sya sa tuwing isusuot nya ang makikinang na damit Na teternohan nya din ng makikinang na hikaw at pulseras na mukhang mamahalin . Kung paano sya mag suot ng sapatos na mataas ang mga takong na nung minsang isinukat ko ay halos matumba na ako .. Pinagmasdan ko si nanay kung paano nya tingnan ang kanyang ityura sa salamin ng may tindig habang naglalagay sya ng mamahaling pabango na iniregalo sa kanya .. Pinagmasdan ko ang kagandahan ni nanay na lagi kong nakikita tuwing magdidilim na .. Sunod sunod na papasok sa aming bahay ang mga katrabaho nya upang sunduin sya . Na saglit pa silang titingin ng magkakasama sa malaking salamin at kung minsan ay magdadagdag pa sila ng kolorete sa mga mukha nila.. Magtatawanan at magpupurihan kung sino ang pinakamaganda .. Ang gaganda nila .. nakakasilaw ang mapuputi nilang balat .. na sumasabay sa kinang ng mga mata ko ang kinang ng mga suot nilang damit Sabay lalapit sakin si nanay at sasabihing . "Magtatrabaho na si nanay para satin .. wag na wag kang aalis at ilolock mo ang pinto . Wag na wag kang magbubukas kahit na may kumatok pa . maliwanag ba ?" Yan ang lagi nyang bilin bago sya umalis at yan din lagi ang aking sinusunod . Na kahit may kumatok pag gabi at sinasabi na kilala nila ang nanay ko ay hindi ko sila pinapapasok . Yung Pagmamasdan ko silang lumabas sabay sabay sa bahay. . "Gusto kong maging katulad nila" Yan ang sinabi ko noon Syempre Sino bang ayaw ? Maganda ka lagi .. Laging magagandang damit at makikinang na alahas ang isusuot mo Tapos makikipag laro ka lang pala Tapos ang laki ng kikitain mo .. Lumaki akong yan ang nasa isip ko pero kasabay ng paglaki ko ay ang pag mulat ng isipan ko .. Unti unti kong naintindihan ang ginagawa ni nanay . Ang klase ng kalakaran na kanyang pinasok . Na hindi lang pala simpleng jack en poy o kaya bahay bahayan ang laro na tinutukoy ni nanay .. Kundi  paglalaro ng apoy na nakakapaso .. Laro ng laman na nakakawala ng halaga bilang tao . Unti unti akong namulat sa ginagawa ni nanay pero lahat yun tinangap ko .. Sino ba naman ako para hindi tangapin ang nanay ko . Anak nya lang ako At ang trabaho na nya ang nagpakain at bumuhay samin . "Ohh baby that's hot" Napakunot ang kanyang nuo ng biglang bumukas ang pinto bago ang unit nya may lumabas na lalake doon at tila isinasara pa ang pantalon nito . Humalik sya sa babaeng nasa pinto at umalis nadin "Ingat honey! Uwi ka maaga ah ?? Alam mo na ! " sigaw ng kapitbahay nyang si Simang Napailing aya at nginisian ito bago naglakad .napatingin naman sa kanya ito "Oi chandria ! Himala at nakita kita ! Wow mukang ang aga nyan ah ! Sali ako " wika nya ng makita ang redhorse na hawak ko . Pumasok ako sa unit at agad naman syang sumunod . "Wow ang linis ng bahay ah .  Mukang nag general cleaning ka ah.. o teka asan yung sofa mo ? " masayang wika nito kaya inirapan ko sya . "Tinapon ko na .. sira na " ngumisi ito at lumapit sakin . Binuksan ko naman ang redhorse bago sumalampak sa sahig at binuksan ang tv "Naks .. sira?? Baka lagi nyong ginagamit ?? Naku ah .. mukang inaraw araw nyo kaya nasira eh .. kung minsan pa nga ay rinig na rinig dun sa kabila yung mga ungol ko kaya minsan naiingit kame ni honey .. kayo kasi minsan hinaan nyo din " Sinamaan ko sya ng tingin .  Tapos kinuha nya pa yung isang red horse at tinunga iyon "Gaga .. buti sana ako yun kasi hindi " sagot ko sa kanya bago tinunga ang alak . "Anong hindi ikaw .. don't tell me si james yung tumitili na parang babae kapag nag chuchukchakan chemes kayo?" Inirapan ko sya "Akala ko ba ikaw ang pinaka chismosa dito ? Ikaw ang katabi ko ng unit pero huli ka na sa balita ..eh mas alam pa nung mga tao doon sa kanto yung ngyari eh ." Kumunot ang nuo nya . "Ha ?? Ano bang nangyari ?? Eh kasi naman kakauwi lang kame ni honey ko dinala nya ako sa tagaytay .. alam muna ..malamig doon kaya talagang hindi nya ako tinigilan " "Yuck kadiri ka .. ! Teka bakit nandito ka ba? Naligo ka na ba ? Amoy clorox ka pa ! " inis na wika ko sa kanya pero tinawanan nya lang ako . "Gagang to .. pa virgin ? Saka nakaligo nako .. kaso kasi ito si honeybunch ko umisa nanaman bago umalis .. you know naman .. mahal ko kaya ayun hindi ako nakahindi " Yuck honey bunch .. ang baduy . Umirap ako sa kanya "Teka ano na ba ang ngyari ikwento mo na kasi ." Pamimilit nya sakin Tinunga ko uli yung alak at tumingin sa kanya "ayun ang gago ..akala ko naghahanap ng trabaho yun pala ibang babae ang tinatrabaho .. kung hindi pa nagsara yung club na pinapasukan ko at hindi ako umuwi ng maaga hindi ko pa mahuhuli yung gagong yun !" Natahimik si simang pero biglang natawa"Oh my god !! So hindi ikaw yung madalas naming naririnig na umuungol ?? Yung tipong umaabot ng hallway yung sigaw ?" Kumunot ang nuo ko . Yuck kadiri "Hindi no !! Hindi naman ako parang baka umungol ! " "Tangina bes akala ko ikaw yun ! Hahaha kaya nga usap usapan ka dito sa apartment eh .. pinagpupustahan ka pa nga minsan kung ilang Oh God o Oh f**k yung sasabihin mo hahahah" Nanlaki yung mata ko .. syet ! Kaya ba lagi akong pinagtitinginan sa tuwing dadaan ako sa hall way ! O syet hindi pwede !! Mapapatay ko talaga yung james na yun pag nakita ko syang hayop sya .! Napagkaman pa ako yung bakang ka s*x nya Syet talaga ! "Oi tangina hindi ako yun ah ! .. lagi akong nasa trabaho ! Saka teka ..! Wala naman nangyayari samin ni james kaya imposible na ako yung naririnig nyo " inis kong wika sa kanya . Oo totoo yun .  Walang nagyayari samin ni james .. nag mamake out lang kame .. minsan dry s*x pero kapag higit na doon  hindi ko na talaga kaya .. kaya nga hindi nadin ako nagtataka na may ibang babae sya . Nasaktan lang ako na mahuli ko pa sila sa akto . Parang ang laking sampal sakin yun tapos dito pa sa bahay ko . Tapos sa couch ko pa . Syet talaga . "Wow maniwala ? Walang nangyayari sa inyo ni james??" Panguusisa nya . Sinamaan ko sya ng tingin "wala nga .." Kumunot ang nuo nya at tumunga ng alak "wala talaga ?? Parang ang imposible naman ?" "Wala nga kulit !" "As in ??! ! Tatlong taon kayo walang nangyari sa inyo !?" Sinamaan ko lang sya ng tingin "Omg ! Seryoso as in wala? Ano? Touchy touchy ? Oral ? Kinain ka nya ? Anal-" "Yuck !! Kadiri ka !!! .. muka lang akong malibog pero intact pa hymen ko  at kahit anong butas sa buong katawan  ko gaga to ! " Nanlaki ang mata nya Bakit ?? Muka bang laspag na ko Buwiset to ihampas ko talaga bote sa ulo nito . "Omg seryoso kahit pa noon na ... " "Oo nga ! Kulit .! Silipin mo pa gusto mo ?!" Inis na wika ko sa kanya bago bumukaka "Ay syet ! Okay na naniniwala nako sayo .. hindi lang ako makapaniwala .. akala ko talaga may nangyari na sa inyo " Tumunga ako uli ng alak .bago kumain ng chichirya .kumuha din sya at napailing . "Kaya ka ba naglalasing ngayun kasi hurt ka sa kanya ??" Umiling sya uli "nako te mga lalakeng yan mga gago talaga yang mga yan .. nako kaya wag kang naglalasing o kaya naman iiyak para sa kanila .. lalake lang yan malayo sa bituka "  Na hurt oo umiyak oo pero saglit lang .. ayoko naman na maging misserable kaka isip sa kanya kung bakit nya ko pinagpalit Ano yun iiyakan ko sya .tapos sya pala nageenjoy . Baka ng may pinapapak yun ngayun eh . "Hindi naman .. mas na heartbroken pa nga ako sa tinapon kong couch ..mahal kaya nun" Parang gusto ko na ngang kunin nlang uli eh Kaso amoy zonrox talaga baka magkasakit ako Wag nalang . "Alam ko naman na malayo sa bituka .. hindi ko naman sya ikanamatay . Okay nga yun atleast nabawasan ang gastusin ko " Tama tama .. ngayun yung utang ko nalang doon sa mga loan sharks yung poproblemahin ko . Konting push nalang yun at malaya nako ng tuluyan . "Tama tama .. atleast hindi ka na bading ngayun .. babae ka na talaga " wika nito kaya inirapan ko sya . . Bakla talaga ? Anong sinasabi nito ? "Anong bakla eh hindi naman ako nagpapa-" "Gaga hindi yun ang ibig kong sabihin .. lakas mo kasing maka bading ..imbis na yung lalake ang gumagastos sayo ikaw ang gumagastos sa mga lalake .. kundi ka din kasi gaga nagpakatanga ka dyan sa lalakeng yan wala naman pala nagyayari sa inyo .. kaloka ka .. nako te diba nung magkatrabaho pa tayo noon madaming gustong gumarahe sayo na mayayaman .. kaso wala eh . Choosy mo " Sinamaan ko sya ng tingin "Teka nga .. diba sabi mo nagsara yung bar kung saan ka pumapasok bilang waitress .. ?? Ibig sabihin kailangan mo ng trabaho ?? " Napahinto ako sa paginom Bago tinaasan ko sya ng kilay . "Simang ayaw ko ng mag GRO.. tapos nako dyan ..matagal ko ng tinigil yan at higit sa lahat ayokong magpokpok alam ko yung mga ngitiang ganyan .." Natawa si simang . "Gaga .. hindi naman .. grabe ka .. i rerecomenda sana kita doon sa club na pinagtatrabahuan ko . Nangangailangan din kasi sila ng waitress baka nman gusto mo?" Hinatak ko ang buhok nya "gaga ka din bat di mo sinabi agad ? Push nako dyan... anytime magsstart nako .. kailangan ko talaga ng pera bes eh . 50k pa utang ko dun kay daddy yow" sabi ko kaya bako kumain ng chips. Gusto ko na talagang matapos na yung utang ko sa kanya para naman mabawasan na ang trabaho ko at masabi ko ng tao ako . Halos wala na kasi akong tulog kakatrabaho . "Good sige sasabihin ko dun sa may ari ng bar ..pero be .. hiring din sila ng GRO baka gusto mo .. " hinampas ko sya . Gagang to sinabi ko na ngang tapos nako dun eh "Joke lang naman .. haha .. pero baka lang gusto mo nga .. mabilis lang yang 50K mo .baka nga sobra sobra pa makuha mo eh tyak pag sinabi mong virgin ka madami mangliligaw sayo teng--aray !!" "Gaga ka tingin mo sa virginity ko candy ??!! Ibibigay ko lang to sa lalakeng magpapatibok ng puso ko no" Napailing si simang .. "nako tignan natin kapag kumalam na ang sikmura mo " "Never mangyayari yun itaga mo pa dyan sa kepyas mo " nakangising wika ko kaya natawa din sya . Ipinagtama namin ang bote ng alak bago sabay tumunga . 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD