Chapter 9

2798 Words
"Ayoko po umalis . Mas okay nako dito .. dito nalang po ako " sabi ko at itinuloy ang pagkain . Mas okay dito masarap pa pagkain tapos di pa malamok pag gabi dahil may electicfan tapos may pa midnight snacks sila kapag si SPO2 Valdez at SPO2 ford ang kasama ko pag gabi Napailing ang pulis "but red hindi naman pwede na mag stay ka pa dito kapag na pyansahan ka na . Kaya kailangan mo ng umalis" wika pa nito Tila kumunot naman ang nuo ng dalawang kasama nya sa kulungan ay lumapit sa kanya "hoy gaga .. laya ka na pala eh ! Bakit nandito ka pa ? " "Mas okay na ko dito .. bakit masaya naman dito ah" sabi ko kaya napaawang ng bibig ang dalawa " gaga ka edi kung ayaw mo kame nalang lalaya .. ateng pulis pwede bang samin nalang yung pyansa nya tutal gusto naman nya dito eh " wika ni mirna Umiling naman ang pulis ."hindi pwede yun .. kaya red kailangan mo ng umalis .. may nag pyansa na sayo eh " Kumunot ang nuo ko at hindi napigilinan na mapamura sa isipan . Sino ba kasi yang pyansa ng pyansa sakin ?! Wala namang bumibisita sakin pero may nag papyansa . Leche yun kung sino man sya .. nauudlot yung pagbabakasyon ko dito sa kulungan kaka pyansa nya "Sino po ba kasi yung bwisit na pyansa ng pyansa sakin Ms.Valdez ? Wala naman po kasi akong kilalang pwedeng mag pyansa sakin .. sigurado po ba kayo na para sakin yung pyansa na yun?" Kunot nuong tanong ko bago napatingin sa pulis na ngumisi lang sakin . Tumingin pa sya kay SPO2 Ford na nakakunot ang nuo "eh ayaw magpakilala eh . Hayaan mo na ..nako be nice to him at umuwi ka na " "Naku red baka isa sa mga costumer mo o kaya naman isa sa mga lalakeng nahalina sa alindog mo.. ayaw lang magpakilala .. " wika ni gina "Oo nga baka isa sa mga nakatable mo o kaya nanguwi sayo.. nice red" asar pa ni mirna kaya sinamaan ko sila ng tingin . Mga letcheng to . "SPO2 Valdez yung kaso ko po ba hindi ganun ka tindi ? Di po ba ako pwedeng makulong nalang habang buhay ?' Tanong ko kaya nagsitawanan sila maliban syempre kay Ford na mukang estatwa ... Gwapong estatwa Ba may nakabakat na malaking BowRat Hahaha "Naku red hindi no .. kaya nga pwede ka ng umuwi kasi napyansahan ka na nga " Napabungong hininga ako . Nakakainis naman ... naeenjoy ko pa naman dito . KJ talaga yung nag pyansa sakin eh Paksyet ! Tumingin uli ako sa mga pulis "Kapag pinatay ko po ba tong dalawang kasama ko dito pwede napo ba akong makulong ng pang habang buhay ?" Halos masamid ang dalawang kumakain . Maski nga sila Valdes, Santos at Gomez ay nanlaki ang mata ngunit bigla ding napangisi . "Hmm pwede .. pag pinatay mo sila habang buhay ka ng makukulong " Lumapad ang ngiti ko at kinuha ang tinidor bago tumingin sa dalawa na nanlalaki ang mata sakin . Lumayo sila at kinalampag ang rehas at nagsisigaw uli para palayain na sila . Itinaas ko ang tinidor at tumingin ng masama sa kanila "Oh my god ! Tulungan nyo naman kame !" "Help help ! Red don't do this" Wika pa nila at itinaas ko pa lalo ang tinidor . Nag "i'll kill you sign " pa ako kaya mas lalo silang nagpanic . Tapos ng halos hindi na maipinta ang mukha nila ay napatawa ako "Hahaha joke lang .. ayokong masira ang manicure ko " sabi ko bago tinapos na ang pagkain Napatingin uli ako sa mga pulis na natatawa at nakatingin sa dalawa . Maya maya may dumating na foreigner upang pyansahan si Gina at Mirna kaya ayun abot tenga ang ngiti ng mga gaga . Sinamaan ko lang sila ng tingin at bumalik sa sulok kung asan ako naka puwesto Mas okay to walang maiingay sa paligid solo ko lang ang rehas .. I love this place talaga . Maggagabi na at magisa nalang ako sa selda . Nasa labas naman si SPO2 enriquez at mendez na kapalitan ng mga pulis na nandito kanina . Oo nga pala si SPO2 Ford ay nandito padin at mukang pa-out nadin . Ibinalot ko ang mga palad ko payakap sa aking katawan ng maramdaman uli ang panlalamig . Syet naman kasi mahuhuli na nga ako ni dagul .. kasagsagan pa ng sayaw ko buti nalang pala ay kahit papano ay naka shorts ako .. Napaangat ako ng tingin ng mardaman ko na may nakatingin sa akin Pero wala naman ... Para tuloy akong kinilabutan .. Hinimas ko uli ang aking balikat at niyakap ang aking mga binti para atleast mainitan ang katawan ko . "Ano na Ford aalis ka na ba ? Maaga pa mission mo bukas di ka pa ba uuwi ?" Tanong ng isang pulis kaya hindi ko napigilan na tumingin sa dereksyon nila . Muli pang nagtama ang tingin namin ni Ford pero agad din syang umiwas Nako type ata ako nito ni pogi eh . Kanina pa sipat ng sipat . Siguro may hidden desire na sya sakin kuyari pa Wika nya sa kanyang sarili . Bago napangiti Ngunit biglang nawala ang kanyang ngiti ng biglang maramdaman ang presensya ni SPO2 Ford sa harap nya . Napatikhim sya at umiwas ng tingin Naku lagot ..mukang napansin nya ata na minamanyak ko sya sa utak ko ah . Pilit kong tinuon ang pansin ko sa ibang bagay tumingin tingin ako sa paligid ko at magisa lang ako sa selda pilit hindi pinapansin ang presensya ng poging pulis na to kahit humahalimuyak ang pabango nitong tila nagtatravel na sa kaibuturan ko . "Iara" rinig nya ang baritonong boses nito na tila humaplos sa kanyang sistema . Ang ganda nh boses talaga ng hinayupak na to. dapat pala lagi syang nagsasalita .. yang mga ganyang boses dapat hindi yan binuburo "Iara" wika nito kaya napatingin sya sa binata . Nagtama ang kanilang mga mata at matiim syang tinititigan nito . " Iara " Kumunot ang nuo nito at itinuro ang sarili na tila tinatanong kung sya ba ang kinakausap nya Napabuntong hininga ang pulis at napapisil sa kanyang sentido "Ako ba yung kinakausap mo ?" Tanong ko sa kanya Tumango naman sya "sino pa ba ? Eh ikaw kang ang tao dyan " Aba malay ko ba kung yung butiki ang kausap nya .. nakaka bigla lang at sa halos ilang beses na akong pabalik balik dito sa presinto ay ngayun nalang ako pinansin nito "Malay ko ba... hmm anong kailangan mo ?" Pagtataray nito sa kanya .. Nanatili lang blanko ang tingin nito sa kanya Saglit pa itong natahimik ngunit muli itong nagsalita "Hindi ka pa ba uuwi .. malaya ka na nagtatyaga ka pa dyan sa loob" aniya kaya napakunot ang nuo nito . Wow concerned ang peg ni sungit .. mukang umabot ata sa utak nya yung daplis ng bala "Hindi" "Bakit hindi ?" Napataas ang kanyang kilay .. "Kasi ayoko " "Bakit ayaw mo ?" "Kasi ayoko .. gusto ko dito .. mas okay ako dito " Napamewang ang pulis at sumandig sa rehas ... "Bakit mas okay dyan ? ... marami kayang daga at ipis dito pag gabi" wika pa nito kaya napaikot ng mata ang dalaga . "Kainin ko pa sila .. saka teka bakit ka ba nangengealam .. himala ata na pinansin mo ko ah " aniya kaya napangisi ang binata . "Kaya siguro lagi kang nagpapansin kasi hindi kita pinapansin"ngisi nito bago tumingin uli sa kanya "Kapal mo din no ?" Sagot ko sa kanyan . . Kapal din ng apog ng lalakeng to .. oo inaamin ko na napopogian at lagi ko syang timitingnan pero para magpapansin ? Malabo no ! "Sabihin mong hindi ?" Sinamaan ko sya ng tingin .. napakayabang nito ! Sus .. "Baka ikaw .. kaya siguro hindi mo ako pinapansin kasi may gusto ka sakin no?" Asar kong sabi sa kanya kaya inilapit nya ang mukha sa rehas . Nag smirk ito at tumingin sa mga mata ko . Nailang tuloy ako bigla . Makatitig kasi parang kakainin ako eh . "Baka ikaw ang may gusto sakin Ms.Red?" Tanong nito kaya inirapan ko sya . "Kapal nito .. at pano mo naman nasabi yun ha SPO2 sungit?" Ngisi ang ginanti nito at inilapit pa lalo ang sarili sa rehas "Akala mo ba hindi ko napapansin yung mga titig mo sakin ?? Lalo na kapag tinitignan mo yung umbok sa pantalon ko " Nanlaki ang mata ko Pano nya yun nalaman ?! Syet! Nahuli nya ba ako na lagi kong tinitingnan ang kargada nya . Jusko nakakahiya naman ! "Hindi no !!" Teka parang napaka indenial yata nung pagkakasigaw ko ah? Mapaghahalataan ako nito eh . Ngumisi sya " deny pa .. lagi kong nahuhuli ang mga tingin mo miss .. ano ba ? Gusto mo bang makita para hindi ka na ma curious?" "Pwede ba ?... Ay este pwede ba tigilan mo ko ?? Wala akong alam sa mga sinasabi mo " Lumapad ang ngiti nito . "Sabi mo eh ... hmmm so pano mauna na ako .. sure ka bang ayaw mong umuwi ?" Tanong nito kaya inirapan ko lang sya . "Hindi .. umalis ka na nga" wika ko sa kanya kaya tumango sya . Napatingin pa sya sa suot ko kaya tinakpan ko uli ang dibdib ko . Umiling sya bago akmang aalis na ng biglang may pumasok na pulis at may bitbit na tatlong lalake na walang pangitaas na damit "Nahuli namin tong tatlo na nagnanakaw ng cable ng kuryente doon malapit sa palengke" sabi ng mga pulis na rumoronda "Sige ipasok nyo na sa selda yang mga yan !" Wika ng pulis na nakatokang magbantay . Kaya ng marinig ko ang kalansing ng susi para buksan ang selda kung nasan ako ay tila nanlamig lalo ang katawan ko .shet ! Don't tell me isasama nila yang mga sangano na yan dito sa loob . .? Kinabahan ang buong katawan ko dyusko !! Wag naman ganto lord ! "Teka bakit isasama nyo yang tatlo dyan ?" Para akong napabuntong hininga ng biglang tumutol si Ford . . "Eh sir sira po kasi yung sarahan ng kabilang selda kaya dyan na muna sila panaamantala kasama si Ms.Red" Ng sabihin iyon ng bantay ay parang Tinakasan nanaman ako ng sariling lakas . Seryoso ??! Isasama nila sakin yang mga yan !! Napatingin ako kay Ford na nakatingin lang sakin .. Help me papi ! Please wag kang papayag na itatabi sakin yang mga yan ! Pero si kumag imbis na kumontra wala ng sinabi Tumingin lang sakin at tumalikod No !!! Papi please help me .. babawiin ko na mha sinabi ko kanina .. basta please iligtas mo ko dito ! "Wow pare ... okay din naman pala na makulong tayo .. hindi naman nila sinabi na may buyutipull gurl na makakasama natin ngayung gabi " Oh s**t ayan na ang mga talangka ! Pilit kong di pansinin ang tatlong tukmol na to dahil ayoko kong makapatay ng wala sa oras . "Pare ang sungit ni miss oh .. sayang ang kiniss kinis mo pa naman .. pwede bang pa kiss?" Sabi naman ng isang bungal na bilang na ang buhok sa ulo nito . Hindi ko nalang sila pinansin bagkus mas ipinalibot ko nalang ang mga kamay ko sa aking katawan dahil sumisipat sipat sila . Di bale ng matulog ako ng nakaupo .. o kaya naman hindi nalang ako matutulog . "Miss buyutipull ..mukang nilalamig ka ata ... gusto mo bang painitin namin yang sexy body mo ??" Diyos ko lord ! Maawa ko kayo sakin ! Alam kong napakarami kong kamalian na nagawa sa mundong ito ! Alam ko na nagkasala ako sa inyo .. hindi nadin po ako nagsisimba o nangungumpisal sa inyo .. pero kailangan ko ang tulong nyo . Parang awa nyo na ilayo mo po ako sa mga demonyo at amoy demonyo na mga to! Panatilihin nyo po akong ligtas sa mga kumag na to .. pangako magpapakabait nako . Hindi ko na duduraan yung mga drinks ng costumer na nambabastos sakin .. hindi ko na din po lalagyan ng vetchin yung mga alak ng mga mahahalay na costumers ko .. hindi ko na po puputulan ng kaligayahan yung dating ex ko pag nakita ko sya at higit sa lahat hindi ko na po pagnanasahan ang napaka kisig na katawan ni SPO2 Ford ! Kaya parang awa nyo na  iligtas nyo po ako dito " ui miss sexy .. baka naman gusto mong tabihan ka namin dyan.. mukang malungkot ka eh " Rinig ko pang sabi ng isa .. Subukan mo lang na lumapit i kakame hame wave ko yang mukha mo ! Hindi ko nalang sila tinignan at ipinikit ko nalang ang mga mata ko at nanalangin Mas isiniksik ko ang sarili ko sa dulo ng tila manahimik ang lahat pakiramdam ko may mga matang naka masid sakin . Lord parang awa nyo na magpapakabait na talaga ako please maawa kayo sakin . Gusto ko pang mabuhay . .magmahal magkaroon ng pamilya at mga anak kaya sana naman po wag nyo kong pababayaan Magdadasal pa sana ako ng may biglang humawak sa kamay ko at hinila ako patayo. Napasigaw ako sa pagaakalang hinaharass nako nung tatlong manyak pero pag dilat ko ay poging manyang ang bumungad saking mga mata . Hindi ako nakaimik ng makita si SPO2 Ford na hawak hawak ang kamay ko ay hinila ako palabas ng selda Napatingin lang ako sa seryosong pero pogi nyang mukha habang  inaalis nya ang jacket nyang suot at itinakip sa katawan ko . Maingat nyang inialangat ang zipper ng jacket kaya tila nag init ang buong katawan ko ng matapat ang mainit nyang kamay sa aking balat .. na kahit hindi ito dumadampi ay ramdam na ramdam ko ang init nun lalo na ng tumapat ang daliri nya sa bandang dibdib ko habang inaayos ang pagkaka zipper ng jacket . Nagtama pa ang mga tingin namin  bago Iniyakap ang bisig nya sa akin at iginaya ako palabas ng presinto . Sa sobrang gulat ko ay halos hindi ako makapag salita .. sya naman nanantiling tikom ang bibig bago ikinabit ang helmet sakin . "Sakay " "huh ??" "Sakay sabi eh " wika nya pa Para naman akong natakot sa tono ng pananalita nya kaya dali dali akong sumakay sa likod ng motor nya   Sinimulan na nyang buhayin ang makina . "Saan kita ihahatid ?" "Sa puso mo " "Saan kita ihahatid ? Asan ang bahay mo?" Tanong nya kaya napabuntong hininga ako . "Hmm dyan lang .. " wika ko pero lumingon sya sakin "Saan nga . Ihahatid na kita " San nya ko ihahatid eh wala naman akong bahay .. " dyan nga lang ... sa tabi tabi " Kung babalik ako dun sa club for sure wala na din akong babalikan . Kung hindi wala na ang mga gamit ko ay naka lock na iyon . "Saan nga !" Inis na wika nya kaya naoabalikwas ako . "Hmm dyan nga lang .. basta kung san tayo abutin" Palusot ko nalang pero nakita ko na nagtangis ang kanyang bagang "Ibabalik kita doon sa loob para magdamag kang pag pyestahan doon o sasabihin mo sakin kung asan ka nakatira " "Oi wag mo naman ako ibalik dun.. saka nalang pag wala na sila ." Napailing sya "kung ayaw mo edi sabihin mo kung asan ka nakatira ?" Napabuntong hininga ako . E wala ngang mapuntahan eh   . "Wala eh " "Anong wala ...?" Tanong nya kaya napatingin ako sa kanya . "Wala akong bahay kaya dyan mo nalang ako ibaba" sabi ko Napailing lang sya at nagbuntong hininga . bigla naman akong napakapit sa bewang nya ng bigla nyang paandarin ng mabilis ang motor Tila kinabahan ako Bakit ?? Hindi ba sya naniniwala ?? Kaya parang gusto nya nalang ako mahulog sa motor ? "Oi teka naman sungit ! Dahan dahan ka naman .. san mo ba ako dadalhin ah ?"  " sa bahay ko . " mabilis na sagot nito kaya nanlaki ang mata ko . Anong sa bahay! Syet di kaya may balak talaga sakin tong kumag na to ! "Ano !! Hindi  ! Diyan mo nalang ako ibaba . " Pero hindi nya ako pinansin bagkus mabilis na pinaandar ang motor . "Di ba sabi ko wala kang bahay ?? Kaya sa ayaw mo at sa gusto doon ka muna sa bahay ko " Tangina yung matris ko mukang mawawarak na ! Him? So lalake "Him?"tanong ko kaya medyo nanlaki ang mata ng pulis . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD