Chapter 8

4729 Words
"Wala pang 24 hours nakakulong ka nanaman" Napairap sya ng isara ni Ford ang pinto ng rehas kung nasaan sya ngayun itinaas nya pa ang kanyang kamay bago itinapat sa mukha ni ford ang middle finger nya . "f**k you sagad !" "Talagang isasagad ko . Gusto mo ba ?" Biglang namula ang pisngi nya lalo na ng tumitig ito sa mga mata nya kahit nananatiling blangko ang mukha nito . "Bastos!!" Gawin mo hindi puro ka salita bwisit ka! mababayagan talaga kita eh Napailing nalang ito bago bumalik sa lamesa kung saan nandun si SPO2 Mendez na nagsusulat ng records nya . "Red !!! Tangina red hindi umubra yung beauty ko kay mayor ! Tinutukan pa ako ng baril ni mayora .. syet bes talagang desidido silang sampahan ka ng kaso ng derederetyo" "Eh tangina pala sila eh ! Napaka manyak nung anak nila dapat hindi ko lang pala binasag yung bote sa ulo nya eh ! Dapat pinasok ko  din sa pwet nya nimal sya!" "Ikaw naman kasi bhe dapat hindi ka muna ng paka dragon .. yan tuloy napala mo ngayun binabalak ka pang ipa banned sa lahat ng club .. sa lahat pa kasi ng babangain mo yung anak pa ni mayor! Red naman eh" So ako pa ang may kasalanan ngayun?! Ako na nga ang minanyak ako pa ang agrabyado? Abay kung alam ko lang talaga na magkakaganito dapat tinuluyan ko na sya "Red wag kang magalala .. nakapag bigay naman ng statement si ford at nakita nya ang nangyari . Nilabag din naman nung lalakeng yun ang karatapan mo dahil binastos ka at sakop padin nun ang karapatan mo  kahit na sa club ka nagtatrabaho.. buti nalang talaga nandun si ford" Ani ni SPO2 Santos "So ano pong ibig sabihin nun mam? Makakalaya na po ba ang kaibigan ko" "Hindi padin . Desidido ang kampo ni mayor na ipakulong ka talaga pero dahil sa nauna ang anak nila at binastos ka ay bumaba ang sintensya mo ng 2 lingong pagkakakulong nalang " Nanlaki ang mata ko "2 weeks po !!" Tumango ito "yun lang ang kaya kong gawin .. masyadong napuruhan ang anak ni mayor kaya wala kang magagawa kundi magstay dito ng 2 weeks .. atleast dito magiging ligtas ka .. pinipilit kasi ni mayor na ilipat ka sa kabilang presinto" Napabuntong hininga nalang ako bago napatingin kay simang "sige salamat po mam santos" "Walang anuman .. pag may kailangan ka tawagin mo nalang si ford sya daw duduty ngayun" Napasimangot ako .. Bat sya pa ! Baka rapin ako nyan .. Di pa ko ready ayoko dito gusto ko sa malambot na kama "Sige po salamat po" "Red ..  ikaw kasi eh .. bakit kasi--" "Manahimik ka na nga simang .. kanina ka pa sisi ng sisi .. eh wala na eh ! Nandito na ako iniistres mo pa ko  pag ako nainis sayo huhugutin ko yang matris mo at ipapalit ko dyang sa utak mo nimal ka din eh" "Sorry na pala ... so ano na gagawin mo ngayun" "Natural bubukaka dito hangang makawala ako ano magagawa ko" "Bhe saside line ka ba dito? Sino costumer mo si ford?" . Eh kung gagapangin ako nyan bakit hindi baka bumukaka talaga ako kaso nako napaka imposible ng isang yan .. pakiramdam ko talaga bading yan eh . "Tantanan mo ko simang ah ?.. pag ako napuno sayo di lang matris mo dusulutin ko .. isasama ko na yang kidney mo... haay .. sa ngayun kunin mo muna yung mga pera ko ..lahat ng kinita ko tapos ibayad mo kay dagul atleast makawas man lang ako at hindi sya magalala na hindi ko sya tatakbuhan" . "Sige kung yan ang gusto mo ... basta bhe dadalaw dadalawin bhe ah ??" Tumango ako "sige na .. umalis ka na baka hinahanap ka na sa club" "Sige p**e . .. ingat ka dyan ah ?? Pag ginapang ka ni ford sipain mo ah ?" Napatingin ako kay ford na umiiling nalang . "Sige na .." Nung araw na umalis si simang ay hindi na sya bumalik .. hinintay ko sya pero wala eh namuti lang ang mata ko kakahintay pero wala .. tinakbuhan ako ni gaga .. ng makalaya ako hinanap ko sya pero hindi ko sya makita wala nadin sya kala aleng mercy at tinakbo ang pera ko kasama ang jowa nya Ni singko wala ako sa bulsa .. pati mga gamit ko dinala nyang hitad Para akong timang ni isang damit wala man lang syang iniwan sakin Pati panty ko tinangay nya . Sa mga unang araw na hinahanap ko si simang kung saan saan ako napadpad nagawa ko pang natulog sa kalye dahil wala naman akong matitirhan .. hinanap ko si ana pero nung pumunta ako sa tindahan ni Mr.Chua ay sirado na ito ang sabi ng mga nanduon ay namatay na daw si Mr.Chua .. isa pa yun .. nung nalaman ko na pumanaw na yung matanda hindi ko napigilan na malungkot kasi tangina ang bait bait nun eh .. dapat yung mga taong tokis at manloloko ang mga namamatay hindi yung mga tao na katulad nya .. Wala akong nagawa kundi bumalik sa club at naging masaya ako kasi may kaibigan padin ako na katulad ni marga sya ang nagpahiram sakin ng mga damit ngunit hindi padin naging madali dahil na ban ako sa ibang bar at tanging ang club puff lang ang tumangap sakin .. sa isang kundisyon kailangan kong mag maskara at hindi na gumamit ng apoy sa pagsasayaw . Ng dahil kasi sa insidente sa anak ni mayor ay nagkanda leche leche na ang lahat .. Akala ko madali lang pero tangina pakiramdamam ko ilang araw nalang ang itatagal ko dahil pinaghahanap na ako ni dagul wala nang natitirang palugit ko para makapagbayad nako patay ako ! Kaya nagtatago nalang ako sa kanya .. hindi ako paphuli ng buhay sa isang yun .. di bale ng mamatay na ako . "Red ... hinahanap ka na ng ka table mo" wika sakin ni marga bago tinitigan ako "bhe babalaan lang kita .. wag ka ng mang vevetsyin ng costumer o kaya mananabunot ng asawa ng costumer o kaya naman lagyan ng langam ang bayag ng mga costumer mo .. bhe awa nalang .. ayoko ng makulong ka please lang" Napairap ako .. bakit ba ? Bagay lang yun sa mga malilibog na manyak no "K fine .. wag kang magalala  . Hindi na langam ang ilalagay ko . Alupihan na o kaya kukunin ko yung alimango sa kusina para tuluyan ng maputol ang etits nila mga animal sila ang babadbreath naman nila" Napahalakhak sya "gaga ! O sya ano puntahan mo na doon red ah !?" "Oo na sige na " kinuha ko ang vetyin sa bag ko bago inipit sa bra ko Mas maganda na kung handa atleast pag alam ko ng nilalasing na nila ako uunahan ko na sila . "Ay oo nga pala red .. may balita ako na nangangailangan pa ng bagong dancer doon sa Club Zen eh nerekomenda kita doon sa kaibigan ko" Nanlaki ang mata ko "talaga be !!!?? Oo go ako dyan !! Alam ko kung saan yun ..napuntahan ko na yun dati doon din si mama sumasayaw ! Buhay pa pala yung club na yun" "Bhe binabalaan kita ah ? Hindi simpleng bar yun  .lahat ng bawal nanduon kaya please .. behave .. hindi kita mababantayan doon" Lumapad ang ngiti ko "don't worry bhe .. napaka goodgirl ko kaya" "Tangina yan ang pinaka matinding kasinungalingan na narinig ko sa talambuhay ko ! Syet mas matindi pa yan sa sinabing hindi kita lolokohin ng ex ko" "Hahahaha f**k you keps!" Good girl kaya ako .. Promise ! Hope you die .. . . . "What the f**k red ?! Nagreklamo yung costumer mo !! Hinagisan mo daw ng watusi yung etits nya ?" Napangisi ako bago napatingin kay monika na hindi din makapaniwala sa pinagkakalat ni gina sa labas "Eh sabi nya gusto nya daw magpaputok eh.. buti nalang may watusi pa ako nakuha ko nung chinese newyear ng nadaan ako sa chinatown.. eh malay ko ba na ibang pagpapaputok pala ang gusto nya" Napahalakhak ito kaya napailing nalang ako . Si monika ang new found friend ko dito sa club na pinagpasukan sakin ni marga .. bago palang ako dito pero si monika feeling close na kaya eto FC nadin ako sa kanya "Grabe ka girl ! Buti hindi nagsampa ng kaso this time ?" "Pasalamat sya hindi goodbye philippines o yolanda ang inihagis ko sa etits nya nimal sya .. napaka bastos nun .. kakaupo ko lang sa tabi nya gusto agad na isubo ko sya .. tangina nya!  Virgin pa nga lang ang kamay ko tapos gusto nya isubo ko sya ?! Kapal nya" "Seryoso ? Never ka pang naghandjob before ?" Napangiwi ako "yuck!!!" "Ay tangina .! Virgin ka pa ?!" "Ssshhhh wag kang maingay gaga !" Bigla syang napatahimik at lumapit sakin "Seryoso ?? As in ?? Vergin pa yang kepyas mo ?!" Tumango ako bago ibinuga yung usok mula sa sigarilyo na hinihithit ko "wag kang maingay pag pinagkalat mo ipapasok ko tong yosi dyan sa ilong mo" "Hahah bruha .. pero bakit ??" "Anong bakit ? Kailangan may dahilan ?" Kinurot nya ang tagiliran ko "gaga i mean hindi lang ako makapaniwala .. i mean is .. syempre sa nature ng trabaho natin be .. never ka pang nagpa take out as in ?" "Never .. sasayaw lang ako tapos table lang tapos pag nilalasing na ako ng katable ko uunahan ko na sila .. vevetyinin ko sila o kaya naman babayagan" "Ay tangina nakakatakot ka pala talaga ! .. pero bes ayaw mo ba ma try man lang .?" Kumunot ang nuo ko "matry yung ano ?" "Gaga edi s*x ? Masarap kaya try mo lang isang beses" "Gaga ! Pag sinubukan mo sunod sunod na yan .. tantanan mo ko monika .. kahit ganto ako naniniwala padin ako sa s*x after kasal bhe " "Ay tangina ! Seryoso ka ba ?" "Oo naman no ! Medyo bastos lang ako pero virgin pa lahat ng butas ng katawan ko saka naniniwala padin ako sa forever saka sa maginoo" "Wala ng maginoo ngayun Puro bastos na ang mga tao sa mundo" "Edi maginoon na medyo bastos pwede nadin tutal bastos din naman ako okay yun edi magsabong kame .. pero basta responsable din no alanganamang magbastudan lang kame magkangkangan kame maghapon tapos yung mga anak namin walang makain ayaw ko naman ng ganun" "Edi maghanap ka na ng lalakeng maginoo na medyo bastos bhe " Biglang may sumingit na imahe sa utak ko .. isang lalake pa naman ang nakikilala ko na maginoo pero medyo bastos .. type ko pa "Nakahanap nako be" Nanlaki ang mata nya bago nagsindi din ng yosi "abay bihagin na yan !" "Kaso hindi ako type eh" Oo hindi na kasi ako pinapansin ng lokong yun .. mukang nagsasawa na sakin kasi lagi akong nasa presinto . "Ano di ka type ? Tangina red dami nagkakandarapa sayo dyan yun lang di mo pa mabingwit .. sayawan mo kasi gaga" "Sumayaw na nga ako sa harap nya eh .. napatigas ko na nga etits nya kaso wala eh .. matigas ang katauhan nun literal di nya ata type katulad kong babae" "Ay Be pag napatigas may effect! Derederetyohin mo na sus bandang huli lalambot at mahuhulog din sayo yun gaga" "Ayoko nga ng malambot gusto ko matigas" Binato nya ako ng tissue "gaga hindi etits yung sinasabi ko . Oo etits nya yung napatigas mo pero yung lalambot na sinasabi ko ay yung puso nya gaga .. yung totoo virgin ka pa ba talaga ? Eh parang nasundot ka na ng isang yun eh " "Gusto ko nga eh " buntong hininga ko bago hinithit ang sigarilyo .. sinamaan ko naman sya ng tingin ng mas lumakas ang tawa nya . "Anong nangyari sa s*x after kasal na sinasabi mo ? Parang nagbago ata? " "syempre may exemption be .. pag sa kanya okay lang .. kaso nga malabo nga ang isang yun nako ." Napailing sya bago tinangal ang jacket nya dahil sumenyas na sa kanya yung mama sang na nasa likod ng stage "o sya ako na sasalang .. ikaw pagkatapos ko diba ?" Ilang beer din ang ininom ko bago ako sumalang sa stage at kagaya ng nakagawian ay lunok proud at dignidad nanaman ang ginawa ko suot ang kulay pula na pares na makintab na at bra at shorts ay muling pinainit ko ang entablado sa pamamagitan ng kembot at pitik ng katawan ko . Buti nalang nakainom ako kahit papano ay napapadali dahil lumalakas ang loob ko .. Dinala ko padin ang alyas kong Red sa club zen dahil ayaw ko ng magisip ng pangalan mas madali na makilala nila akong red kesa sa ano pa mang alyas mahirap din kasing magtago sa katauhan ng iba para lang maipamukha mo sa kanila na malakas ka . Napahawak ako sa bakal na poste at pinaikot ang binti ko . Para akong sawa na nakadikit at kinikiskis ang katawan sa malamig na bakal habang nakatingin sa mga manyak na halos tumulo na ang laway . Pero halos mahapit ang hininga ko ng makita ko ang isang bulto na nakatayo sa gilid .. malapad ang ngisi nito at sa tindig nito ay parang ilang sandali nalang ay hihilain ka na nya sa impyerno "Ay tangina si dagul!" Ng mapansin nya na nakita ko na sya ay dali dali syang lumapit sakin at hinila ako pababa ng stage . "Ikaw pokpok ka !! Antagal mo kong pinaghanap sayo !!! Nasan na ang pera ha !!" Sigaw nito kaya halos magulat ang mga tao sa loob ng club .. lumapit ang mga bouncer pero wala ding nagawa sa laki ni dagul na isang wasiwas lang sa kanila "Dagul magbabayad naman ako eh ! Kaso si simang kasi tinakbo ang pera ko!" "Wag kang mag dahilan !!! Ngayung wala kang pambayad kailangan mong sumunod sa usapan !! Hahahaa akin ka na ngayun red !!" Umiling ako at nagpipiglas sa kanya pero walang silbi dahil mahigpit ang pagkakakapit nya sa akin pero hindi ako susuko ! Kaya kinagat ko ang pisngi nya kaya halos mapahiyaw sya at nabitawan ako "Tangina ang pait!! Pwe!!" Dali dali akong tumakbo papunta sa hallway ng mga vip room pinagbubuksan ang mga pinto para maghanap ng lugar na matataguan at halos lahat ng mapasukan ko ay nagkakangkangan "Ay tangina!" Sigaw ko bago lumabas ng kwarto kung saan parang naging makasalanan lalo ang mata ko Tumakbo ako sa dulo at halos mapasigaw ako ng makita si dagul na galit na galit at nangigigil na mahabol ako . Feeling ko tuloy yumayanig ang sahig dahil sa takbo nya "tangina habulin mo ko kingina ka ! Pero ingat baka gumulong ka !" Tinawanan ko sya kasi halos hinahapo na sya bago naghanap uli ng silid na matataguan pero syet yung iba naka lock . "Red !!! Lagot ka sakin pag nahuli kita !!!" Nanlaki ang mata ko ng makita uli sa likod ko si dagul "ay tangina buhay ka pa !" Tumakbo ako palabas ng hallway at yun nalang ang hiyaw ko ng may bumungad na armadong lalake sa harap ko "raid to !! Itaaas ang mga kamay !!" Napahinto si dagul at tumakbo sa kabilang daanan habang parang mga daga naman ang mga tao na nagsilabasan sa mga private rooms ng isa isang itumba ng pulis ang mga pinto . "Itaas mo ang kamay mo at wag ng magtangkang manlaban!" Napatingin ako sa boses ng lalake na nasa likod ko at halos manlaki ang mata ko ng makita si ford yun .. tila nagulat din ito ng nakita ako kaya naibaba nya ang baril . Napatingin ako kay dagul na sumisipat pa sakin habang tumatakas kaya bumalik ang pansin ko kay ford at dali daling lumapit sa kanya "Tangina hulihin mo na ako awa nalang ! Hulihin mo na ako bilis ..hindi ako manlalaban ..sayong sayo na ako alisin mo lang ako sa lugar na to" inagaw ko pa sa kanya ang posas at ako mismo ang nagsuot nun sa kamay ko . "Ikaw ay hinuhuli sa salang-" "Ay tangina narinig ko na yan ilang beses na .. dali na umalis na tayo dito" pero bago pa man sya makaimik ay derederetyo na akong lumabas at dumertyo sa mobil. ---- "Kamukha mo si Paraluman Nung tayo ay bata pa At ang galing galing mong sumayaw Mapa boogie man o cha cha" Akala ko okay na .. ang saya saya pa natin noon ... Wala tayong problema .. "Ngunit ang paborito Ay ang pagsayaw mo ng El Bimbo Nakakaindak, nakakaaliw Nakakatindig balahibo Pagkaggaling sa eskwela Ay dideretso na sa inyo At buong maghapon ay tinuturuan mo ako" Hindi ko naman alam na hahantong sa ganito ang lahat .. Na magagawa mo sakin to "Magkahawak ang ating kamay At walang kamalaymalay Na tinuruan mo ang puso ko Na umibig ng tunay" "Nanini--" "Pakawalan nyo ako ! Oh mY god ! I hate this place ! Come on ! Pakawalan nyo ako"sigaw ng isang babae habang kinakalampag nito ang rehas ng kulungan kung nasan sila ngayun . Nak ng tokneneng naman oh !! Nag sesenti ako ang ganda ganda nung kanta eh .. ayun na luluha ba ko babagsak na luha ko eh ! "Get me out of here !! Babayaran ko kayo ? Magkano ba ang kailangan nyo?" Sigaw pa nito habang nagwawala . Halos matapilok pa ito sa taas ng heels na suot habang ang damit nito ay tila kita na ang kanyang kaluluwa May isang pulis ang lumapit habang may hawak pa itong kape . Tiningnan nya ang dalawang babae na halos luluwa na ang dibdib at kulang nalang ay maghubad sa harapan nila . "Hey you ! Mr.Pulis man! What do you want? You need money ?? Ano ?? You want my body ?? I can give you s*x if you want! Palabasin mo lang ako dito" sigaw pa nito "Oo nga you want our body ?  ? Tell us ! We can do it sa locker or dyan sa table o kaya naman dito nalang sa loob ..basta pakawalan mo lang kame ." Napailing sya bago bumaluktot nalang sa sulok at nakabalot ang kanyang bisig sa katawan nya .hindi nalang nya pinansin ang mga kasama Dahil baiinis lang sya at naudlot ang kanyang pag sesenti . Hinagod hagod nalang nya ang balikat dahil nilalamig na din sya .. Dahil bukod sa sementong inuupuan ay isang makintab na kulay pulang bra na may mga beads at maikling shorts ang suot nya .. wala syang stocking dahil natural na makinis ang kanyang mga binti habang nasa kabilang gilid naman nya ang heels na kanina pa nya hinubad.. Muli syang napatingin sa mga kasama na inilalabas pa ang mga kamay sa labas ng rehas na tila nagmamakaawa pa sa pulis na nagbabantay sa kanila . Pag minamalas ka nga naman talaga oh ! Nagkahulihan kasi kanina sa club na pinapasukan nya kaya ito ang bagsak nya . Rehas . Nasa kulungan nanaman sya . Napailing sya .. Kung hindi lang sa gagong yun wala ako dito eh ! Pag nakita ko talaga yun puputulan ko yun ! Bwisit sya ! Ibinigay ko sa kanya mga pangangailangan nyang animal sya .. para na akong bakla sa kanya na halos lumuwa na ang wallet ko maibigay ko lang ang pangangailangan nya  tapos gagawin nya sakin yun ! Sayang naman yung siopao na lagi kong pinapasalubong tuwing paguwi ko yun pala ibang putahe naman ang kinakain nya ! "Hey mamang pulis ! Sige na oh pakawalan mo na kame parang awa mo na .. mababait naman kame eh .. hindi ka ba naawa sa kagandahan namin ? Hindi bagay samin na nandito kame sa loob samantalang pwede naman tayong magpakasaya dyan sa labas " ulit ng isang babae na maiksi ang buhok . Napailing ang pulis na nakatanaw sa kanila "tsk tsk tsk .. kung mababait kayo bakit kayo nandyan sa loob ?" Aniya bago sinimsim ang kape na hawak nito "Di nyo nalang gayahin si Ms.Red tahimik lang oh " sabi ng pulis bago napatingin sa gawi nya . Napatingin naman ang dalawang babae sa kanya at sinamaan sya ng tingin "Red ! Tulungan mo naman kame dito dapat magingay ka din para palabasin nila tayo .. dali na ." Aya nito sa kanya kaso blankong ngiti lang ang ginanti nito . "No thanks .. okay lang ako " Para ano pa .. ? Para gumaya sa kanila ? Para ialok ang katawan ko at makalaya dito? Wag nalang .. mas okay nga dito eh . May libreng tulugan . Libreng pagkain May palikuran at tissue At isa pa hindi ako matatagpuan nung mga walang hiyang humahabol sakin Kaya dito nalang ako . Tutal sanay naman ako dito eh . "Haay red .. so hard to get ka talaga .. kung ako lang ikaw malamang mayaman na ko .. sa dami ng costumer na gustong maguwi sayo malamang nakahiga na ko sa isang damakmak na salapi ngayun" malanding wika pa ng isang kasama nito .. Actually kasama ko . Yung mahabang buhok sya si Gina . Yung isa naman si Mirna Mga kasama ko sila sa trabaho . Mga dancer sila sa club na pinapasukan ko Pero hindi naman kame close dahil bago palang yung raket ko sa kanila .kaso eto sa minamalas pangatlong araw ko palang sa club na pinapasukan namin naraid na agad . Wala eh .. nakabuntot ata sakin ang malas... Kaya halos ... pang 6 ko ng balik dito . Ay hindi .. 8 pala O pang sampong beses na yata . Di ko na mabilang pero wala namang kaso yun enjoy naman dito sa loob . This place is perfect Matuturing ko na tong vacation house Or retirement house .. Mas okay na ko dito kesa sa maduming kalsada o matulog kung saan saan Pailing iling lang ang pulis na kanina pa kinakausap ng dalawa . Ngunit hindi sila nito pinansin at umupo lang sa upuan . Sya si SPO 2 Gomez sya ang incharged sa files and report dito maya maya ata walang ginawa ito kundi uminom ng kape pero mabait yan kahit na mukang yakusa ang peg nya "O kumain na kayo ng dinner .. masarap yan kaya ubusin nyo " Napatingin naman sya sa isang babaeng pulis ito si SPO2 Santos sa women protection desk naman ang hawak nya .sya din ang madalas na nagpapakain ng mga nakakulong dito Binuksan nito ang rehas at iniabot samin ang mga pagkain na nakalagay sa tray . Simpleng kanin na may ginisang upo at GG ang laman nito pero para sakin fiesta na yan no ! Kesa naman kumain nanaman ako ng pagpag pag wala talaga akong raket . Kaya ng makuha ko ang tray ay parang naglaway ang bibig ko kasi mainit init pa yung kanin . Kinuha ko ang kutyara at tinidor bago sinimulang kumain "Yuck ! Wag kind of food is this!? I dont eat gulay kaya and fish ! " reklamo ng kasama nya na si Gina Napa ngisi naman ako .. Kung makapag salita tong mga to kala mo malinis mga kinakain nila.. if I know kung ano ano o sino sino ang mga sinusubong marurumi ng dalawang to .. Hindi nalang sila magpasalamat at pinapakain kame dito . "Wala ba kayong porkchop dyan ?" Tanong naman ni mirna Tumaas ang kilay ni SPO2 Santos "Porkchop? Baka gusto nyong chopchopin ko kayo arte arte nyo paduguin ko kaya ngusu nyo para natural ng mamula" inis na wika nito kaya nanahimik ang dalawa . . Hindi ko naman naiwasan ang mapangisi Mabait naman si SPO2 Santos wag mo lang susungitan kasi may pagka dragon yan "Buti pato si Red eh ... di nyo gayahin para gumanda naman kayo kahit konte " Asar na wika pa ng babaeng pulis Itinuloy ko ang pagkain ko Grabe sarap talaga Sana may pa extra rice sila . Nasa kalagitnaan na ko ng pagkain ng makitang bumukas uli ang pinto ng presinto at niluwa doon ang dalawa pang pulis . ..ang babaeng pulis din na si SPO2 Valdes at isang Pulis na si SPO2 Ford "Oh nandito na pala kayo . Kamusta misyon nyo ?" tanong ni Santos kay Valdes matapos nitong ilagay ang box ng dunkin donuts sa mesa "Matinik yung druglord na hinahabol namin . Ayun natakasan kame .. muntik pa nga itong mabaril si Ford buti nadaplisan lang .. " aniya kaya napatingin ako kay SPO Ford na may bandage ang kaliwang braso nito Napatingin ako sa mukha nito at Hindi ko naman inaasahan na magtatama ang mga tingin namin kaya agad akong umiwas at muling kumain . Muli pa akong sumulyap sa kanya at buti nalang hindi na sya nakatingin sakin .. Hmm pogi sana tong lalakeng to kaso napaka sungit di ko nga alam kung san kumukuha ng kasungitan to .. daig pa yung babaeng may PMS at hindi nadidiligan kung makapag sungit eh . Sa lahat ng pulis na nandito sya lang ang hindi kumakausap sakin ..hindi naman ako badbreath .. hindi naman ako nakakatakot kaya di ko alam kung bakit ilag na yang isang yan Hindi naman sya ganyan sakin dati .  Hmm baka na pipi o kaya naman sya na yung badbreath kaya hindi sya masyadong nagsasalita . Muli nyang tinignan ang binata at muling nagtama ang mga tingin nila kaya inirapan nya ito Pwes .. kung masungit sya .. mas masungit ako no .. Umiwas ng tingin ito sa kanya pero patuloy padin nyang pinagmasdan ang binata . Pogi talaga to .. sayang Crush ko pa naman na sya .. Napaka hard to get nga lang .. Yung mga mata nya ang ganda ganda makalaglag panty pag tiningnan ka .. siguro kung ngumiti yan di lang panty ko ang malalaglag kundi pati matris ko pa. Haha Tapos yung mga labi nya parang napaka edible .. parang ang sarap kagat kagatin .. parang ang lambot lambot .. ano kayang lasa nyan? Bumaba ang tingin nya sa katawan nito at napakagat labi Tapos yung katawan nya ang kisig kisig yung tipong parang puputok na yung uniform nya any moment tapos tatambad agad sa mga mata ko yung pumuputok nyang pandesal na kulang nalang palamanan ko ng mayonaise .. o kaya kanin nalang kailangan ko ay mabubusog na ako . Ilan kaya pandesal nito ? Bumaba ang tingin nya sa baba nito at natuon ang pansin sa bandang gitna ng hita nito . Hindi lang abs ang bumabakat pati ang batuta bakat na bakat . Naku ilang inch kaya yan ? 8 ? 9 ? 10 ? Gad ! Napalunok sya bago napainom ng tubig Parang ngayun lang ako natauhan na malaki yan nun nanigas ... Naku yan ba yung inupuan ko ? Naramdaman nya ang pamumula ng pisngi nya . Pano kaya gumalaw ang isang to sa romansahan .. is he lame or is he good ? Baka naman pading lang yung umbok doon sa gitna ng pantalon nya .baka naman nilalagyan nya ng nirolyong medyas katulad ng mga macho dancer doon sa bar para magmukang malaki . Napatawa sya at tiningnan muli ang mukha nito Nakaunot at masama ang tingin sa kanya kaya bumalik sya sa pagsubo ng pakain nya Maya maya nakita nyang bumulong ito kay Valdez kaya napatingin din ito sa kanya Naku patay ! Baka patayin nako ng mga to kasi nahuli ako ni ford na nakatingin sa naka bakat na Bow Rat nya . Kung saan saan kasi napupunta ang tingin ko .. pero hindi nyo naman ako masisisi malay ko ba kung puro pading lang yan tapos 4 inch thumb pala ang peg . "Red....bakit nandito ka pa?" Nakataas na kilay ni SPO2 Valdez sa kanya kaya tiningnan nya ito . Uminom pa sya ng tubig bago sumagot "Po ?? Bakit ? Dapat po ba na patay na ako ?" Tanong ko kaya natawa ang pulis . "Bruhang to .. ang tanong ko kung bakit ka pa nandito eh dapat kahapon ka pa laya .. may nagpyansa sayo kahapon pa kaya dapat unuwi ka na " wika pa nito kaya napailing din ang mga kasama nyang pulis "Haay nako ayaw umalis ng isang yan . Same as before " wika ni SPO2 Santos .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD