Chapter 21

1240 Words

"I love you so much Shenna." Para akong tanga na nakangiti sa kwarto ko. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkarinig ko pero malakas talaga ang pakiramdam ko eh. Feeling ko nagsabi siya ng I love you sakin. Napatingin ako sa orasan. Ten pm na, hindi ako makatulog. Ang saya kasi ng feeling ko. Napagdesisyunan ko na lumabas muna ng kwarto para uminom ng tubig. Kumuha ako ng tubig sa ref at uminom, pagkatapos ay hinugasan ko ang basong ginamit ko. Bigla kong naisip si Ice. Tulog na kaya siya? Agad akong umakyat sa hagdan at dumiretso sa kwarto ni Ice. Napatigil ako nang nasa tapat na ko ng kwarto ni Ice. Kakatukin ko ba? Baka natutulog na siya tapos magising siya? Huminga muna ako nang malalim at napagdesisyunang kumatok na lang. Nakasampung katok na yata ako pero walang nasagot.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD