Nagising ako dahil may naramdaman akong nakadagan sa baywang ko. Ang bango ah! Nakakapanibago. Amoy lalaki yata ang kwarto ko ngayon. Hmm! Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. Medyo blurred pa ang paningin ko. Nakakapagtaka, bakit black and white ang kwarto ko? Wait! Black and white?! Kinusot kusot ko ang mata ko. Napasinghap ako nang bumungad sakin ang gwapong mukha ni Ice. Bakit ako nandito sa kwarto niya?! Pinagsamantalahan niya ba ako?! Joke lang! Naalala ko naman na nalasing ako, pero hindi ko na matandaan yung kasunod na nangyari. Tumayo na lang ako sa kama ni Ice at nagpunta sa banyo. Naghilamos muna ako at nagmumog. Pagkatapos ay bumalik ulit ako sa kama at humiga sa tabi ni Ice. Tititigan ko lang siya saglit. Tinitigan ko na lang ng maigi ang mukha ni Ice. Mukha