Napatingin ako sa katabi ko na nakaub ob na naman sa desk at mukhang walang balak makinig sa prof. Paano kaya pag nalaman niya ang tungkol sa misyon ko? Magbago kaya siya sakin? "I-Ice." bulong ko sa kanya. Agad naman siyang tumunghay. "What?" sabi niya pero hindi sa malamig na tono kundi sa malumanay na paraan. Napangiti ako, sakin lang siya ganyan. "W-wala lang hehe." "Tss." sabi niya at umub ob ulit. Antukin talaga! Nakinig na lang ulit ako sa prof kahit ang utak ko ay na kay Ice. Naramdaman kong kumalam ang sikmura ko. Hindi pa pala ako nakain nang lunch. "Ano ba yan? Gutom na ko." mahinang bulong ko. Nagulat ako nang biglang tumunghay si Ice. "You're hungry?" malamig na tanong nito. "H-hindi naman masyado, keri ko naman---" di ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla