Nakatulog si Nica sa pagbabantay kay Lee. Nakahilig ito sa tabi ni Lee it nakahawak ang kanyang kamay sa kamay nito. Madilim, mahirap, at nakakapagod. Iyan ang nararamdaman ni Lee ngayon, Hindi nya maintindihan kung bakit pero gusto ng katawan nyang bumangon na sakanyang pagkakatulog. Hirap na hirap syang buksan ang kanyang mga mata. Dahan dahan nya itong iminulat, sobrang sakit ng mga iyon na ultimo malamlam na liwanag na nanggagaling sa lampshade ay nagdudulot ng nagliliyab na sakit sa mga mata nya. Iniikot nya ang kanyang paningin at nakita ang mga aparato na nakakakabit sakanya, pinipilit nyang bumangon pero tila hinang hina sya. Masakit ang likod nya. Ng ikikilos na sana nya ang kanyang kanang kamay ay saka nya napansin na may natulog sakanyang tabi. Inaninag nya ang mukha nito. Nap