"On behalf of Newark Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice evening!" Nakasunod lang si NIca na naglalakad kay Mason, hindi nya malaman kung tama ba na makitira sya doon sa bahay nila dahil for sure makikita nya si Lee kahit pa hindi sila dun nakatira ng asawa nya bibisita naman iyon for sure. Matapos nyang palakihin mag isa ang anak nya nakakalungkot lang na makikita nya si Lee na masaya sa sarili nitong pamilya. Nakaramdam ng poot si Nica pero naiwaglit nya rin iyon. Ayaw nyang nagtatanim ng sama ng loob hanggat maari. Nasa loob na ng sasakyan ng marinig na magsalita si Mason, magkatabi sila ni Nica sa Backseat. "I just hope this works." Mahinang bulong ni