CHAPTER FIFTEEN Baguio Trip HINDI ako mapakali sa kinauupuan ko habang bumibiyahe ang kotse na maghahatid daw sa amin sa kinaroroonan ni Teacher Dianne. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko at ang panlalamig ng mga kamay ko sa kaba. “Are you okay?” Mula sa pagtitig sa tanawin sa labas ay nilingon ko si Dmitri na nakataas ang kilay sa akin ngunit nakikita ang concern sa mga mata. Tumango ako kahit malayo sa salitang okay ang nararamdaman ko. “M-malapit na ba tayo?” He looked at his phone and nodded. “Five minutes.” Nakagat ko ang labi at tumango-tango. “You look tense, marami tayong napag-usapan kanina pero may isang bagay kang hindi naikwento. Your relationship with your teacher. Clearly, hindi lang ito simpleng reunion sa grade school teacher mo.” Napayuko ako at nilaro ang m