CHAPTER FOURTEEN Baguio Trip SERYOSO pa rin ang mukha ni Dmitri habang inaalalayan niya akong bumaba sa helicopter na sumundo sa amin sa hotel na tinutuluyan niya para dalhin kami sa airport. Pagsakay namin sa private plane na pagmamay-ari niya ay wala pa rin siyang imik. Mukhang badtrip na badtrip talaga siya sa nangyari kanina. Wala akong ideya sa mga pinagsasabi nila pero nahuhulaan kong sangkot ako roon. “What happened?” hindi na nakatiis kong tanong sa kanya at kinuha ang kamay niyang namumula. Hinila niya iyon at umiling. “Nothing.” “Nothing? You punched them for nothing?” taas-kilay kong tanong sa kanya. Umismid siya. “I punched them because they deserved it. They’re talking lewd things about you.” “I see. Thanks for that. You should have told me para sinampal ko rin s