CHAPTER TWELVE Flowers “THANK you so much, Nang!” “Ikaw na bata ka naku po! Huwag na huwag mo na ulit gagawin ‘to. Hindi mo ako pinatulog kagabi sa pag-aalala sa ‘yo.” “Sorry Nang, nagkayayaan kasi sa office at hindi naman ako nakatanggi. Medyo nakainom ako kaya doon na ako nagpalipas ng gabi sa officemate ko—” “Wala namang kaso ‘yon ‘nak, pero ano ba naman iyong i-text mo ako?” Kinagat ko ang labi at sinimangutan si Dmitri na hindi man lang itinago ang pagtawa sa tabi ko. “Na-lowbat po kasi iyong battery ng phone ko, Nang. Sorry na talaga, please don’t tell this to Daddy hmmm?” “Oo na at ako rin naman ang mapapagalitan! Siguraduhin mong uuwi ka mamaya Ariella Trinity. Gusto mo bang ipahatid ko ang baon mo kay Boy?” Umiling ako at inunahan sa paglabas ng elevator si Dmitri. “Hind