CHAPTER ELEVEN Jacques “MABILIS ka namang mag-type, Ariella?” Nilingon ko si Ma’am Crissy na katatapos lang um-order ng merienda para sa amin at sa mga darating. “Yes, Ma’am.” “Good, ikaw na lang iyong mag-type no’ng mga isasagot nila pero gagamit din naman ako ng recorder para sa magiging interview natin sa kanila.” Minasdan ko ang paligid at nakagat ko ang labi sa mga alaalang nagsusumiksik sa isip ko. Of all places, dito pa talaga? “Ang relaxing ng place ano?” ani Ma’am Crissy sa amin ni Sir Rey. “Masasarap din pagkain dito, medyo mapapaubo ka nga lang sa presyo. Paborito talaga dito ni Jacques Mercado, last year no’ng in-interview din namin siya nila Janelle dito rin siya nakipag-meet up ‘eh.” “Oh? Baka may sentimental value ‘tong place.” “Baka nga, dito siguro first date n