Chapter 20

3255 Words
Henry's POV Oh F*uck! Ang sakit ng ulo ko! Sabi ko kasi hindi ako mag iinom at titikim ng babae eh! Pero kasi naman si Caleb! And that asshole! Hindi daw titikim ng babae pero nung hinalikan ni maureen, ayun at napunta sa kwarto. Nagdrive na ko papuntang campus late na kasi ako kaya pag uwi ko kanina, naligo, kumain tapos umalis ng bahay. Dahil late na ko may isa akong tatawagan na makakatulong sakin para malaman ko kung ano ng nangyayari.. well! Isa lang naman ang number meron ako eh. Calling Nicole... Himala! Antagal sumagot, sobrang busy na ba? Nakailang ring pa bago nya sagutin.. [Hello po Sir. Bakit po?] Sagot nya sa bilang linya Nagtaka naman ako sa boses nya... Parang may iba.. alam kong malambing na may pagkasiga ang boses nito pero ngayon matamlay na parang pagod. "Ahm.. Hi, asa school ka na ba Nicole?" Tanong ko sa kanya Of course nasa campus na t- [Wala pa po sir. Nasa byahe pa po. Late na po kasi ako nagising. Bakit po? Wala pa po kayo sa campus nuh? Hehehe] sabi nya na pilit pinapasigla ang boses. May kakaiba talaga sa kanya ngayon. Wala pa sya sa campus? Isa sya sa mga ayaw ng nalelate tapos late sya ngayon.. kakaiba! "Ah. Ou eh. Kaya nga tinatawagan kita kasi mag mtatanong sana ako kung ano na nangyayari. Hehehe. Anyway! Okay ka lang na? Parang may iba sa boses mo?" Di ko na napigilang hindi mag tanong [Ah. Sabi po ni Alas, nagdadatingan na daw po ung mga Candidate for Poster Making Contest. Tas nag aayos na po for 2nd elimination ng Dance Troupe po.] Sagot nya pero hindi nya pinansin ung isa kong tanong "Ah ganon ba? Okay. Thank you. Goodluck pala sa 2nd round nyo sa Band." Sabi ko sa kanya Nagthank you lang sya tapos binaba ko na, nabbother tuloy ako. Hindi naman ganto tong batang to. Binilisan ko na lang un pagmamaneho para makarating agad ng campus, pagkapark ko ng sasakyan ko pumunta agad ako ng Auditorium para sa poster making contest na gaganapin dito. Hinanap naman ng mata ko ung mga alaga ko. Nakita ko si Ace na nag aasikaso ng mga gagamitin ng bawat kasali. "Ace. Asan ung iba?" Tanong ko sa kanya ng makalapit ako "Andyan na pala kayo Sir eh. Kanina pa kayo hinahanap ni Kuya James, andun po sila sa may likod ng stage." Sabi nya kaya humakbang na ko pero bago un "Dumating na ba si Nicole?" Tanong ko sa kanya, close kasi sila eh. Umiling naman sya "Hindi pa nga sir eh. Tinawagan ko kanina sabi nasa byahe pa lang po eh." "Ah. Okay. Salamat." Sabi ko na lang at umalis na Nagpunta ko ng likod ng stage ng Audi. Nakita ko sila James na nag uusap usap "Hi Guys! Sorry.. late ako may ginawa lang." Bati ko sa kanila "Sir Henry! Thank you at dumating ka na po." Sabi nya at parang sobrang pasalamat na dumating na ko. "Sorry talaga. May ginawa lang talaga ako kaya nalate. Okay? Nasan na tayo sa pinag uusapan nyo?" Tanong ko sa kanila "Paliwanag nyo na kay Sir ung gagawin nya. Pupunta lang ako ng gym para sa Dance Troupe Competition." Sabi naman ni James "Wala pa ba si Nicole dun?" Tanong ni Jasmine "Wala pa raw eh. Sya ang incharge sa mga judge ngayon eh" sabi naman ni james na kinocontact ata si Nicole "Kuya James.." sabay sabay kaming napalingon sa nagsalita at sabay sabay din kaming nagulat. Si Nicole, maga ang mata at parang walang tulog, di lang pala sa phone malamya ung boses nya mas pa sa personal. "Anong nangyari sayo?" Tanong ni Jasmine na papalapit sa kanya. Yan din ang tanong namin.. Anong nangyari sa kanya? Para syang umiyak ng mgadamag. "Wala po.. puyat lang kaya late na ko. Hanap nyo daw po ako sabi ni Alas." Malamya pero sweet pa ding boses. "Nics!!" Sigaw ni Ace na papalapit sa kanya "Sinong may gawa sayo nito? Anong ginawa nila sayo? Sabihin mo?! Babalikan natin un?!" Sigaw ni Ace kay Nicole What?! Don't tell me she got rap- "Tarantado! Anong sinasabi mo?" Inis na sabi ni Nicole na binatukan pa si Ace I didn't know if i will laugh or worry kasi naman tong batang to. "Aba! Malay ko naman kasi?! Mukha kang ginahasa na nabitin!" He said to Nicole Di ko na napigilang hindi tumawa kasi... Anong ginahasa tapos nabitin? May ganun ba? This dumbass kiddo! "Wala kang kwenta kausap! Lubayan mo ako Alas ah! Masakit ang ulo ko baka iumpog ko yang ulo po sa pader!" Iritableng sabi ni Nicole Tawa pa din kami ng tawa dahil sa dalawang to pero mga worried pa din dahil kay Nicole. Especially Kinaaadman Council, they know Nicole, she's not the type of person na malelate sa lalo na sa mga event. She responsible in time and sa mga task na binibigay sa kanya. "Maniniwala na sana ako kaso ang sweet pa din ng boses mo ih.. para kang kumakanta" asar ni Ace sa kanya tapos pisil sa pisngi nya Meron kaya tong relasyong dalawa? I wonder. "Francine, anong meron sa dalawang yan?" Tanong ko dun sa isa sa mga alaga ko. "Sino po? Si Ace at Nicole po ba? Ay wala pong relasyon yang dalawang yan. Ganyan lang po si Ace kay Nicole. Di ko din po alam pero pagtinatanong namin sya kung type nya si Nicole, ang sagot nya samin hindi. Natutuwa lang daw po sya kay Nicole para daw po kasing masarap kasama." Paliwanag nya sakin Napa'oww' naman ako at tumango. Well. Masarap naman talaga kasama si Nicole pati ung mga kaibigan nya, para kasing wala silang problema at ang saya saya nila. "Lubayan mo ko! Sisipain kita.... Waaaah! Alas nga! Kuya James oh! Punta na nga ako dun sa DTC! Talipandas kang Alas ka!" Rinig ko namang sabi ni Nicole na nagpapapadyak pa. Ayan! Bumabalik na ng unti ung boses at ung sigla nya. Kasi ung mata nya medyo ganun pa din... "Ou na. Hindi na! Kumain ka na ba? Kain tayo! Gutom na ko! Libre ko!" Yaya nya kay Nicole na nagliwanag bigla ang mga mukha Hahatakin na sana nya si Nicole kaso nga lang... "Hep! Madaming gagawing yang si Nicole! Mamaya na kumain o mabuti pa, bumili ka ng pagkain nating lahat... Ikaw? Mamaya na tayo mag uusap, sige at pumunta na sa designated station nyo.." pigil ni Jasmine sa kanila Napanguso naman ung dalawa at nagtinginan.. "Bumili ka na lang dun... Fries at ice cream sakin ah! Samahan mo na din ng burger at drinks! Salamat ng madami Alas! Pinasaya mo ang umaga kong walang tulog! Hahahaha. Bye! Punta na ko dun, naghuhumirantado na si Kuya Louie sa GC ih!" Nakangiting sabi naman ni Nicole na tumalikod na at nag umpisang mag lakad. Nakangiti sya at pilit pinapasaya ung boses nya pero Hindi... Hindi totoo... Ano kayang meron? Naputol ang pag iisip ko ng magring ang phone ko. NagExcuse lang ako sa kanila at lumayo saglit pago sagutin. "Hello tol? Bakit?" Bungad ko kay Caleb [Tol? Anong maganda brand ng guitar?] Tanong nya Ha? Bakit ako tinatanong nya about dito? Atska para kanino ang gitara? Hindi naman to mahilig sa gitara. "G*go! Bakit ako ang tinatanong mo nyan? Si Miggy ang tawagan mo! Wala akong alam dyan." Sabi ko sa kanya na natatawa tawa pa. [I aready call him 10 times pero ang gago! Hindi sumasagot! Nalunod na naman ata kay Sofia] sabi nya na inis na inis Isa pa tong si Miggy! Hindi pa hiwalayan si Sofia. Alam ng iniiputan sya sa ulo.. Hay naku! Buti pa ko isa lang ang pinagpapantasyahan ko ngayon. Basta makagraduate lang sya. Lagot ka sakin. "Hay naku! Sige mamaya, magtatanong ako sa kakilala ko kung anong magandang brand. Teka? Pambabae o panlalaki? Ay bahala na nga! Kanino mo ba ibibigay?" Tanong ko sa kanya Bumuntong hinga muna sya ska nagsalita [Sa ex ko. She loves guitar.] Sabi nya. Mahal na mahal nya ung ex nya... Nakwento nya friend daw ng sister nya ung ex nya.. "Ex na bakit bibigyan mo pa? Iniwan ka na eh sige magtatanong ako dito." Sabi ko at binaba na ung tawag. Sino ba pwedeng pagtanungan.. Habang mag iisip ako, dumaan bigla si Ace sa harap ko. Ah! Alam ko na kung sino?! Lumabas ako ng Auditorium at pumubta ng Gym. Pagpasok ko ng GYM nakita ko naman ang pakay ko. Si Nicole! Nicole's POV "Nics!" Tawag sakin ng kung sino. Agad ko naman nilingon at pagtingin ko si Sir Henry pala. Bakit na naman kaya? "Bakit Sir?" Tanong ko sa kanya ng makalapit sya sakin "May tatanong sana ko. Hehehe. Ikaw lang naisip kong pagtanungan eh." Sabi nya at nagkakamot pa ng batok "Ano po ba un? Basta masasagot ko po. Okay lang." Sagot ko naman at tumingin tingin sa paligid "Anong brand ang maganda sa Guitar?" Tanong nya sakin "Hindi para sakin ah. My friend asking me if ano raw, eh wala naman akong alam sa ganyan kaya naisip kong magtanong sayo." Paliwanag pa nya Okay lang naman ah hahaha. Pero magkano ba budget? "Ahm. Wala naman pong budget budget diba?" Tanong ko at umiling naman sya. "Ibanez or Gibson po, ayun po. Magaganda na un. High class guitars na.. may mga pera na ung bumibili nun.." sagot ko naman Totoo naman un. Pangarap kong magkaroon ng kahit Ovation lang na Acoustic guitar kasi magandang klase na din un. Bibili na lang ako nun pag nagkatrabaho ma at okay na kami ni mama.. "Oww.. Ikaw ba? Anong gitara ang gusto mo?" Tanong ni Sir sakin "Bakit Sir? Bibigyan nyo ko? Hahahahahaha" sabi ko at ikinatawa namin pareho "Bibigyan kita, kung sasabihin mo bakit ganyan ang mata mo at boses mo? Deal?" Sabi nya at napatahimik naman ako Bakit? BKit pinaalala na naman... Nagbabadya na naman ung luha ko. Putik! Huminga muna ko ng malalim bago sinagot si Sir Henry. "Hala sir! Madaya, puyat lang naman ako ih.." sabi ko sa kanya na ikinatawa lang nya. "Edi walang gitara. Hahahaha. Ano ulit un?" Tanong nya na natatawa tawa pa. Sumimangot naman ako "Daya! Ibanez po or Gibson..." Sabi ko ng nakanguso "Okay. Noted! Salamat. Hahaha. Cheer up! Mas maganda ka pag nakangiti." Sabi ni Sir at nagpaalam na. Pagkaalis ni Sir Henry, pinagpatuloy ko na lang ung ginagawa kong pag aasikaso, mamaya may final practice pa kami for 2nd round. Kailangan kong magfocus ngayon.. kasalanan ko naman kung bakit ako walang tulog at maga ang mata. Hay! Paano naman ako makakapag focus, namimiss ko na si Daniel... Minsan napapatingin ako sa cellphone ko kung may text tas maalala ko, hindi na nga pala sya mag tetext kasi nakipagbreak ako sa kanya. Naramdaman kong may tumulo sa pisngi ko kaya napa iling ako.. sabi ko focus ih! Walang iiyak!! Agad kong pinahid un at nag asikaso na ulit. Nakita ko naman si Kim kaya pinuntahan ko sya at sinabihan ng Goodluck ang group nya. Magtatanong pa sana sya kaya lang need ko na din umalis dahil madami nga akong gagawin.. Naging busy ako buong DTC kasi ako ang nakaatas sa mga Judge na mag aasikaso pati sa computation ng scoring. Kaya kahit hirap na hirap akong gawing maayos ang pagkatao ko.. wala akong magawa kundi kumilos... Dumating ang hapon at kailangan ko ng umalis para pumunta kila kuya myk dun kasi ung last practice namin... Nagpaalam naman ako kila ate jas at kuya james na aalis na. Nagtanong pa muna sila sakin kung okay lang ako or kung anong problema sinagot ko lang sila ng 'okay lang po ako' at 'wala naman po, puyat lang talaga' kaya hinayaan na nila Di ko naman pwedeng sabihin na kaya ako nagkakaganto dahil nakipagbreak ako sa jowa ko. Wala naman silang alam na in a relationship ako. So akin na lang to. naglakad na ko papuntang parking dahil dun ako susunduin ni And- "Nics!" Agad kong nilingon ung tumawag sakin at nakita ko si Andrew na tumatakbo. "Oh? Anong problema mo? Akala ko sa parking tayo magkikita. Tara na!" Sabi ko sa kanya na tulala sa mukha ko "Okay ka lang? Parang galing ka sa iyak?" Tanong naman nya sakin Maga pa din ba mata ko? Kanina pa to ah... O baka may bakas bakas pa. "Ha? Puyat ako sira! Tara na." At nauna nang naglakad papauntang parking "Wait! Kain muna tayo! Bili tayo pagkain sa Cafeteria! Sige! Please..." Sabi nya sabay hila sakin, wala naman akong nagawa kaya sumama na lang ako. "Kakain ko lang talaga! Pero sige na. Bilisan natin ah! 5pm ang calltime ng BOTB.." paalala ko sa kanya "Ou. Nagugutom lang talaga ako.. Hehehe" sabi nya kaya nagtuloy na kami Bumili lang ako ng juice at softdrinks naman sa kanya, sabi nya nagugutom na sya? Bakit walang pagkain? Nagtetext lang sya sa phone nya tapos niyaya na ko pumunta ng parking. Bahala nga sya.. basta ako busog naman. Wala din ako sa wisyo makipagdeskusyon, namimiss ko na talaga si Daniel... Tama naman naging desisyon ko nuh? Paano kung nabigla na naman ako sa pakikipaghiwalay.. Hay! Yaan na nga! Kailangan kong panindigan to! Pag graduate na ko at pwede na! Ako mismo makikipagbalikan sa kanya... Un ay kung ako pa din ang mahal nya... Pagdating namin ng parking lot, nagpapalinga linga si Andrew, parang hindi mapakali... "Hoy! Drew? Anyare sayo? May humahabol ba sayo bakit para kang natatae dyan?" Tanong ko sa kanya sabay hampas pa sa balikat nya "Ha? Wala? Anong natatae! Sira! Tara na nga." Sabi nya at hinila na naman ako papuntang motor nya. Binigyan nya lang ako ng helmet tapos pagkastart nya ng motor pinasakay na din nya ko. Mabilis lang kaming nakarating kila kuya myk, tinignan lang ako naman ako nila Kuya Myk, Marky at Jacob... Anong problema ng mga to? "Kaya mo ba?" Tanong ni marky sakin. "Hm? Ou naman. Tara na kuya. Practice na tayo." Yaya ko sa kanila habang inaayos ung gitara ko Nagtinginan naman sila at ska lumapit sakin, nabigla pa ko ng yakapin nila ko... Sa di ko alam na pakiramdam.. bigla na lang akong naluha at di nakayanan na pigilan ung luha ko... Antagal namin sa ganung posisyon bago nila ko pakawalan.. "Dito lang kami kung gusto mo ng kausap." Tapik sakin ni Jacob "Salamat. Pero okay lang ako." Sabi ko at pinunasan ang luha ko Tinignan nila si Andrew at tinanguan. "Nakita ko ung boyfriend mo na may kasamang babae kanina sa parking kaya kita hinila papuntang cafeteria." Sabi nya at nakayuko pa. Sino? Si Daniel? May kasamang babae? Agad? Hindi naman ganun un? Baka si danica un. Tama! Si danica un, hindi naman ganun si daniel! Mahal nya ko sabi nya.. "Baka kapatid nya un. Si danica ung best friend ko. Ou tama! Si Danica un..." Sabi ko sa kanila at pangungumbinsi din sa sarili ko. Inakbayan ako ni Marky at pinunasan ang pisngi. What? Umiiyak na ko.. ganun ganun lang... "Tama na yan... Wag ka na umiyak... Baka nga kapatid nya lang un... Tara practice na tayo." Sabi nya at ginulo ang buhok ko. Nagtinginan muna sila kuya myk at andrew tapos tumango. "Kaya mo ba talaga? Okay lang naman kung hindi na tayo makakasali sa Final Round. Mas mahalaga ung pahinga mo." Nag aalalang sabi ni Kuya Myk sakin Hindi pwede to. Andaking naapektuhan dahil sa ginawa ko. Kailangang magfocus! "Opo kuya. Kaya ko. Atska ung nakita ni Andrew baka kapatid nya lang un... Hehe. Atska kung may kasama man sya na ibang babae, yaan mo na.. wala na rin naman kami." Sabi ko at ilitinuloy ang pag aayos ng gitara ko.. Di na sila kumibo kaya hindi na ko kumibo ulit pero ramdam ko ung mata nila ba nakatingin sakin. Smooth ung naging last practice namin kaya nagligpit kami at pupunta na ulit ng campus, kay kuya myk na kami sumakay lahat at iniwan nila ung mga kotse at motor nila dun. Pagdating namin deretso kaming Auditorium, dahil dun gaganapin ung 2nd round. Di ko sure kung may mga manunuod pero sabi baka daw. Nang makapasok kami. Nagulat kaming lahat kasi may mga tao sa loob at madami! "Mukhang natunugan talaga ng mga estudyante na ngayon ung 2nd round ah.." sabi ni jacob. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad at dumeretso sa backstage. Akbay akbay ako ni Kuya Mykel at nasa gilid ko naman si marky. "Adhika! Goodluck! See you sa Finals" Sabi ni Kiya Raf na nag aayos na din "Oy tol! Goodluck din sa Revel! Sige pag magkita tayo" sabi ni kuya myk at nakipag apir pa. "ADHIKA BAND!" Sigaw ni Alas na nagpapalinga linga pa hinahanap ata kami. "Ingay! Dito Alas!" Sigaw ko pabalik sa kanya Sinamaan naman nya ko ng tingin at lumapit "Kotongan kita dyan ih!" Amba nya sakin . "Dun ung pwesto nyo Nics sa kabila. Tapos palagay na lang ako nito sa mga damit nyo para makilala kayo ng Judge." Turo nya sa may left side at bigay na din ng sticker na may pangalan namin na nakalagay. Nagpunta naman kami dun at inayos na ung mga instrument namin maliban kay Marky at andrew kasi ang gagamitin nila na instrument ay ung sa school. "Kaya mo talaga?" Sabi ni marky ng umupo sya sa tabi ko Inangat ko muna sya ng tingin at ngumiti, ngiting hindi aabot sa mata. "Kaya ko. Don't worry... Salamat." Sabi ko at tinapik pa ung balikat nya "Welcome. I can be your shoulder to cry on... Pero di ako pwedeng maging rebound ah! Hahahahaha" sabi nya at tumatawa tawa pa Kapal nento! Hahahahaha. Natawa na din ako sa sinabi nya. "Ang kapal marky! Sobra! Hahahahaha. Hindi ko gawaing un... Atska! Okay lang talaga ako. Di naman sya ang nakipagbreak, ako naman kaya dapat kayanin ko to." Sabi ko at ngumiti sa kanya, nginitian nya din ako at nag finger exercise na. Ganun na din ang ginawa ko at tinitipa tipa ung gitara ko.. Lumapit sakin si Alas na may dalang choco-choco. "Oh? Kainin mo yan pagkatapos ng performance nyo ah! That's your favorite, diba? It comfort you. Goodluck Nics!" Sabi nya at tinapik ako sa balikat ska umalis Napangiti naman ako, paborito ko nga to. Ang sarap kaya! Pero tama! Mamaya ko na kakainin baka mamalat ako. Nag umpisa na ang Battle at nauna ang TLC, sunod ang Revel, tapos ang Lightbulb at huli kami. Di ko alam kung sinong judge ngayon kasi nakalimutan kong itanong kay Alas, sana mababait! Nung kami na ang magpeperform, tinapik lang ng mga kuya at ate ko sa KC at SC ang balikat ko kahit ung other bands naggGoodluck samin. Pansamantalang nawala sa isip ko si Daniel dahil sa Battle. Salamat na din kung ganun.. "And for are last Band. To perform the song Leader of The Band and it's a very speacial request because it's requested by our beloved Benefactor, Owner of our School and President/CEO of Monticlaro Enterprise Mr. Miguel Monticlaro." Sabi ng Emcee Nagulat naman kami at biglang kinabahan... What? Si Mr. Monticlaro ung nagrequest ng song?! Anak ng!! "Putik na yan! Kung kanina kinakabahan ako lalo na ngayon!" Sabi ni Andrew na ikinatawa namin "Relax! Kahit ano pang kalabasan ng 2nd round, masaya na dapat tayo kasi umabot tayo dito." Sabi ni kuya myk na nginitian kami "Let's give around of applause for Adhika Band!" Sigaw ng Emcee Pumasok naman na kami at pumusisyon.. Ang ingay! 2nd round pa lang to pero grabe na ung mga estudyante... "Let's go!" Sabi ni kuya myk at nag umpisa na nga kaming tumugtog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD