Chapter 21

2747 Words
++++++++++ Nicole's POV "Waaaaaaah!! Ang sakit na ng ulo ko!!!" Sigaw ni Kim paglabas ng prof namin "Ang ingay naman nito ni Kimberly! Mas lalong nakakasakit ng ulo ih!!" Sabi ni Calli 3rd day na ng Midterm week namin. Kaya ganyan na usapan nila... Masasakit na ang ulo at ung iba wala daw mga tulog.. Ako eto! Broken pa din pero pilit tinatago kasi kasalanan ko naman at wala namang ibang nakakaalam nung samin ni Daniel kaya tago lang din akong umiiyak. "Oh? Tulala ka na naman dyan?! Mamaya mo na isipin ung Kakantahin nyo sa Finals!" Sabi ni Kim sakin And yes! Nakapasok kami sa Finals di rin namin alam pero sobrang tuwa namin nung napasali kami tapos nilapitan pa kami ni Mr. Monticlaro at sinabihang nagustuhan nya ung pagkakanta namin... It's his wife favorite song kaya daw un ung naisip yang ipakanta... Sabi nya pa sigurado daw namatutuwa un pagnarinig ung kanta namin. Apat na araw na din akong nag iisip ng kantang isusulat. Ang Theme kasi ng Final Round ay gagawa ng kantang maalala ng banda namin sa mga susunod na panahon. Kung baga theme song ng banda. Mag brainstorming na lang kami bukas ata or mamaya... Hahahahaha. Ewan, mukhang busy silang apat ih. Kaya wala pa din kaming makitang pwedeng araw para mag usap usap Natigil ang pag iisip ko ng may prof na dumating. Nagtuloy na lang ang exam at nalaman namin na last day pala bukas ng exam dahil ung iba naman hindi na daw magpapamidterm deretso finals na. Hahahahahaha. Sarap! "Uwian na!" Sigaw ni Kenny at nakabag na ang loko! "Hoy! Group 4, may meeting tayo about dun sa research paper natin!! Sa friday na kami magmemeet nung Marketing Head! Kailang ko ng mga itatanong!" Sigaw ni Sandra sa mga kagrupo nyang tumatakas. Hahahahahaha Nice! Nakakuha din sya ng appointment sa Marketing Head ng ME Naglalakad na kami papuntang gate ng may humintong kotse sa gilid namin ni Kim. Akmang tatakbo na kami ng biglang sigaw si Danica.. "Hoy mga pashnea! Pasok! Bilis! Nagmamadali sila kuya!" Sigaw nya samin Nabato naman ako sa kinatatayuan ko ng nagbaba ng bintana ung nasa passenger seat. "Girls.. could you please faster.. may pupuntahan kasi kami ni Caleb ih." Sabi nung babae sa tabi ni Daniel Napatingin naman kami sa kanya at sa hindi ko gustong gawin, tumagos ung tingin ko kay Daniel pero hindi naman sya nakatingin sakin.. I miss you Babe! It's been 5 days since that night at ngayon ko lang sya nakita ulit! Binuksan naman ni Kim ung pinto at pumasok di ko alam kung papasok ba ko o hindi pero wala akong nagawa nung sumigaw si Danica. "Hoy! Pasok na!" Sigaw nya sakin "Ou. Eto na nga. Nanginginig pa." Sagot ko sa kanya Pero totoo un. Literal na nanginginig ako at pinipigilang tumingin kay Daniel. Nang makapasok na kaming lahat. Umusad na ung kotse. Tahimik lang, nakakapanibago kasi tahimik kami... Kadalasan laging maingay... Biglang tumikim si Ate Girl sa front seat at humarap samin.. "Hi. I'm Maureen, Caleb's Girlfriend.. Nice to meet you girls! Cute nyong tignan. Parang kami ng mga friends ko nung college." Sabi nya na parang wala namang paki alam ung mga kasama ko. Ako din naman nung una kaso... Ano daw sya ni Daniel? Girlfriend? Ang bilis! Eto ata ung babaeng nakita ni Andrew nung nakaraan ih.. Nagpakilala naman ung tatlo at nakipag usap, ako naman. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at nagmuni muni.. Ako ung pinagdududahan nya, tapos sya pala ung mabilis makakahanap ng kapalit! Ang galing! Sakit!!! Tagos! "Denzie Nicole Ferrer!" "Ano ba?!" Inis na sagot ko sa tumawag sakin Nagulat naman si Kim sa sagot ko pero mabilis din nawala. "Baka pwedeng sagutin mo ung phone mo kasi nakakahiya! Kanina pa nagriring?! Okay lang?" Sarcastic nyang sagot At dun ko lang narealize na may tumatawag sakin.. pagtingin ko si Marky, bakit kaya? Tumingin muna ko sa kanila pati sa harap.. tinitignan ko lang kung may paki sya.. pero parang wala... "Ky? Bakit?" Bungad ko sa kanya Hindi ko naman alam kung namamalik mata ba ko o totoo ung nakita ko. Sumulyap talaga si Daniel sakin nung sagutin ko ung tawag [San ka? Punta tayo kila myk. Meeting de abanse daw. Hahahaha] natatawang sabi nya pa. Di ko din maiwasang hindi matawa kasi narinig ko si kuya myk na minura si marky... "Hahaha. Meeting de abanse ang wala! Ngayon na ba? Asa byahe na ko pauwi." Sagot ko at tinignan naman ako ng tatlo [Baba ka na dyan! Daanan na lang kita. San ka na ba?] Sabi nya na pumasok na sa kotse nya. Narinig ko kasi ung pagsara "Wait! Ahm.. hindi ko alam to ky! Hahahaha. Basta medyo malapit pa lang to sa campus." Sabi ko nakinatawa naman mg kausap ko. Nawala naman sa isip kong masama pala ang loob ko. [Sige na! Ako na bahala! Kawawa ka namang bata! Hahahaha. Open mo lang phone mo ah! Bye!] Sabi nya at binaba na ang tawag. Nahihiya man ako magsalita pero ginawa ko pa din kasi kailangan.. "Ahm. Pwede po bang bumaba dito? Dito na lang po ako." Sabi ko ng nakayuko, naiilang kasi ako at nanunuyo ung lalamunan ko "San ka pupunta? Sinong susundo sayo dyan?" Tanong naman ni Danica "Kila kuya myk may meeting kami para sa Finals tas si..." Tumingin muna ko kay Daniel na nakatingin din pala sakin sa salamin tapos umiwas ng tingin "si marky." Dugtong ko "Dito ka na bumaba sa gasoline station. Sabihin ko na din dyan sa marky na andito ka para makita ka agad." Singit naman ni Daniel sa usapan namin ni Danica Nagulat pa ko pero dapat hindi kasi dapat normal lang.. di naman nila alam ung tungkol samin. 'hindi mo ba ko pipigilan at sasabihing ikaw na maghahatid sakin?' bulong ko sa sarili ko na agad ko din binawi kasi naalala ko andyan pala ung girlfriend nya. "Sige. Salamat." Sabi ko na lang Tinitignan naman ako ng tatlo pero nginitian ko lang sila.. kaya ko to.. malalagpasan ko din to. Tumabi na ung sasakyan ni Daniel at bumaba naman na ko. "Sigurado ka bang susunduin ka ni Marky? Kuya what if let's wait for marky para masure na madadaanan nya si Nicole." Suggest naman ni Danica "Cass. May pupuntahan kami ni maureen, ihahatid lang namin kayo. Panigurado naman na dadaan sya nung marky. Right?" Tanong sakin ng nakapoker face "But kuya paano kung may biglang dumating na bad guys tapos ma-" pinutol ko na ung sasabihin nya Mukha naman kasing ayaw talaga ni Daniel na makita ata ako o may mahalaga ata silang pupuntahan nung GIRLFRIEND nya. "Ikaw! Bawas bawasan mo ang panunuod ng mga telenovela ng hindi mo na iisipan yang mga yan. Okay lang ako dito. Tinext ko na din si marky. Ingat kayo pauwi." Sabi ko at bumaling kay Daniel "Salamat po ulit Kuya." Paalam ko at lumayo na ng unti Nakita ko humigpit ung hawak nya sa manibela at ska umalis.. kinawayan pa ko nung apat na babae.. ewan ko hindi ko naman kayang magalit dun sa maureen kasi wala naman syang alam, hindi ko din kayang magalit kay Daniel kasi wala naman syang kasalanan, ako ang nakipagbreak at hindi sya... Nung gabi na umalis sya, inaasahan, babalik sya at makikipag usap sakin o kahit tatawag man lang... Isa un sa dahilan kaya wala akong tulog. Gusto ko syang tawagan at magsorry pero para saan galit na sya sakin at wala ng kwenta un... Nakasunod lang ung tingin ko sa kotse nya at nakatulala.. Miss ko na sya ng sobra! OA na kung OA pero kahit 2 weeks pa lang kaming mag Boyfriend and Girlfriend... Binago na nya ung sistema ko... Ung mga ginagawa ko... At dahil sa nangyari madami din mababago katulad na lang ng ngayong insidente, wala ng long joyride, midnight talks, Midnight joyrides at iba pa... "Sya na naman iniisip mo nuh?" Nagulat ako sa nagsalita Si marky... Nasa tabi ko na pala. Di ko naramdaman nasa iba kasi isip ko ih. "Kasama ko sya kanina Marky." Sabi ko sa kanya at hindi napigilang hindi umiyak Bakit nasasabi ko kay Marky? Alam na nya ih.. nakwento ko na sa kanya after ng 2nd round nung saturday.. hindi nya ko tinigilan hanggang hindi ako nagkukwento kaya ayun... "Hayaan mo na. Mahal ka nun, sadyang nasaktan sya sa ginawa mo... Kahit naman ako at bigla kang makipagbreak sakin ng dahil lang dun, magagalit talaga ako... Kaya nasasaktan lang talaga sya... Hayaan mo at matatapos din yang sakit na yan..." Sabi nya sabay himas sa likod ko. Umiyak lang ako ng umiyak at hinayaan naman nya ko.. Ako na din mismo ang magyaya kay Marky na umalis dun. Di naman sya umangal at sumunod na lang din. Sumusulyap sulyap lang sya sakin sa buong byahe hanggang sa makarating kami kila kuya myk. "Pasok na tayo." Yaya ko sa kanya. "Mamaya na. Pahupain mo muna yang mata mo. Medyo maga eh. Baka masapak ako ni Myk pag nakita nya yan. Hahahaha" natatawang sabi nya Tinignan ko naman ung mata ko sa salamin at ou nga.. halatang galing iyak.. "Sorry... Naapektuhan ung mga priorities natin dahil sa arte ko. Ano ba yan?!" Sabi ko sa kanya at nagpulbo. "It's okay! Wala namang masama sa pagdadrama o pagiging broken.." sabi nya at tinapik ang balikat ko. "Salamat talaga marky. May nagawa ka ng kanta?" Tanong ko para maiba na ung usapan namin "Actually, wala pa talaga... Hahahaha. Wala ding maisip ung tatlo kaya nga magmemeeting de abanse daw tayo. Hahahaha" natatawang sabi nya Nakitawa na din ako at maya maya lang lumabas na kami para pumasok kila kuya myk Nag usap lang kami ng mga pwedeng concept ng songs and kung ano ung gusto naming iparating sa kanta na un... Habang nag uusap... May nabubuong kanta sa isip ko Kaya naman, sinisimulan kong isulat habang nag memeryenda at kwentuhan kami. Nang matapos ko.. ipinakita ko kay Jacob tas ang walang hiya! "Ay! Iba! Oh? Gawa ni Nicole! Ang cool!" Sabi nya at ibinigay sa tatlo to ng kanta "Ayos! Ou nga nuh?! Time of Our Life? Nice! Gusto ko yan..." Sabi ni Kuya Myk at sumang ayon naman ung iba at ginawan namin ng areglo Nakagawa naman kami ayun nga lang medyo may palyado pa kaya naman next week kami magpapractice ng todo todo at ipapolish ang dapat ipolish... Nagtatawanan na lang kami nung una kasi iba ung naiisip ko sa naiisip nila, di kami nagtatagpo pero nung umayos na... Unti na lang Umuwi na kami at this time si Jacob naman ang naghatid sakin. Nang makarating kami ng bahay, umalis din naman kaagad si Jacob. Magrereview pa din daw kasi sya. Pagpasok ko parang excited si mama na lumapit sakin. "Andito ka na anak! Sige na at magbihis ka na! Maghahanda na ko ng pagkain natin! Bilis!!" Nakangiting sabi nya at parang kinikilig pa Nagtaka naman ako kasi pag ganto at gabi na ko nauwi, kumakain muna kami bago ako magpalit ng damit. Weird.. "Kain muna tayo ma.. gutom na ko ih..." Sabi ko at papunta na sana ng kusina pero pinigil ako ni mama "Mamaya na! Hala sige at magpalit ka na dun. Bilis na." Sabi nya na tinutulak tulak pa ko. Cute! Parang bata si mama. "Ou na po ma. Wag nyo na ko itulak. Hahaha" sabi ko at humalik na lang sa pisngi nya at umakyat na Pagpasok ko ng kwarto, binuksan ko ung ilaw, inilapag ko ung gamit ko sa study table na tapat ng kama ko. Kumuha ng damit sa closet tapos nagpalit. Tumingin muna ko sa salamin pero agad nabaling ang tingin ko sa kama ko. May kakaiba sa kama ko. Sabi ko sa isip ko, kaya naman lumapit ako at Waaaaaaaaaah!!!!! "Waaaaaaaaaaaaaah!!!" Di ko mapigilang hindi sumigaw May gitara!!!!!! Pagbukas ko! s**t! Ang ganda! Gibson ung tatak putek!! Waaaaaaah! Pangarap ko lang magkaroon ng gantong gitara!!! Kinuha ko agad tapos ng tipa tipa, it's a electric acoustic guitar pero mas electric sya, light brown color... Can't explain! Nao'overwhelmed ako sa gitarang to!! Complete set! May small amplifier, strap, bag, pick, tuner, effects and other accessories... Tinignan ko maigi kasi di ako makapaniwalang may gitara dito... Sinampal sampal ko naman ung sarili ko para magising ako kung asa panaginip lang ako pero ang sakit lang... Soooooo totoo nga?! Gitara ko to?! Pero baka pinalagay lang. Hahahahaha Pagtingin ko sa pinto nakita ko si mama na nakangiti... "Ma?! Ikaw bumili nito? Ang mahal nito ah! San mo kinuha to?" Sunod sunod na tanong ko kay mama Hawak ko pa din ung gitara at tinitignan ko pa ulit! I still can't believe, i have this sooo gwapong gitara!!! "Ha? Sino ba nagsabi na ako bumili nyan? Pinalagay lang yan ng kapit bahay isusurprise daw ung anak nya." Nagkibitbalikat na sabi ni mama Agad naman nalusaw ung excitement ko.. sabi na hindi sakin to ih.. buti pa sya may gitara na ganto.. ganda! "HAHAHAHAHAHAHAHAHA" napatingin naman ako kay mama ng humagalpak sya ng tawa "Anong nakakatawa ma? Ahhh!! Pinagtatawanan mo ko nuh? Kasi sobramg excited ko kanina.. akala ko kasi sakin..." Sabi ki at ngumuso "Anak! Walang anak ung kapit bahay natin. Bukod dun bat naman ilalagay yan sa kwarto mo kung hindi iyo? Hahahahaha. Natatawa ako kasi biglang nagbago ung itsura mo.. ang cute mo anak! Ang ganda pa!" Sabi ni mama at tumatawa pa din Ay! Ang lakas ng trip nito ni mama! Di ko na tuloy alam kung totoong akin to! "Ma naman ih! Ung totoo... Kanino ba to?" Sabi ko at nagpapadyak pa. Binalik ko ung gitara kasi baka nga hindi talaga sakin.. magasgasan pa hahahah " Sayo nga! Dinala yan dito kanina nila Danica, Kim, at Krystal. Di mo ba nakita ung letter na andyan? Sabi nila may nilagay sila." Sabi ni mama na pumasok na ng tuluyan sa kwarto ko Hinanap ko naman ung letter na sabi nya at may nakita akong dalawang sulat, isang kulay purple na envelope at isang light blue na envelope.. Una kong kinuha ung light blue.. To: Nicole Nics! Accept this gift please... Kilala ka namin, once na binigay namin sayo to personal, alam namin may pilitan pang mangyayari kaya naman we give this to you the way na hindi ka na makakatanggi. Wala kaming gift sayo nung 18th birthday mo kasi ayaw mo naman kaya naisip namin dito na lang kami babawi. Gamitin mo yan sa Final Round ah! Gusto namin makita kung gaano ka kaangas na hawak yan! Go Girl! Labyu! Ps. Buong allowance ko nilagay ko dyan. Kaya gamitin mo! Okay? Choss! Hahahaha - kim Love, Dani, Kimmy and Tally Awww... Natouch naman ako! Naiiyak ako! Sobrang lab ko talaga tong tatlo na to. Kahit na si Tally na late na namin naging kasama, mahalaga na din sya samin... "Aantayin kita sa baba ah... Kain na tayo." Sabi ni mama ska lumabas. Tumango lang ako at tinignan ung pintong pinaglabasan nya.. Pinunasan ko muna ung luha ko ska kinuha ung isang sobre.. ung purple.. Binuksan ko un at naluha na naman.. Letter from Daniel. D.. Hi. I really don't know what to say baby... Can i still call you baby, even though you're not mine now? Anyway, please... Accept this gift from us... Pinag ipunan to ng tatlo para sayo. I know you will love this guitar, kasi ganon ka kaadik sa gitara. Hahaha. We know that you will take care of this guitar like your own kid... Kaya nga masarap kang bigyan ng mga bagay bagay kasi alam na aalalagaan mo. (Pero bakit ako hindi mo inalagaan?) Jk lang! I still can't believe that you're not mine again. I hope there still chance for us, i don't want to think na un na ung ending ng Love story natin kasi inuumpisahan pa nga lang natin tapos ending na agad? How rude, right? And of course pilit ko pa din iniintindi ung reason, why you decided to broke up with me.. Hay! Gusto kong magalit sayo dahil sa sinabi mong baka nagmadali ka lang at hindi mo talaga ako mahal pero mahal kita eh... Kaya iintindihin ko na lang at aantayin ka. Hehehe. Babe! Use this guitar on your Final Battle! Sabi nga nang tatlo 'Gusto naming makita kung gaano ka kaangas na gamit to.' Nakakalungkot lang na hindi ko makikita un. I have a flight to canada tomorrow for Business. Im sorry, D. Always remember that i'm always here for you... I love you! Smile always baby! Love, Daniel
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD