Chapter 24 M A L Z I A Napalimpungatan ko ako nang maramdaman kong kumirot ang aking balakang at naramdaman ko ang sinag ng araw mula sa aking mukha. Nang makadilat ako ay unang bumungad saakin ang isang malaking bintana na napapaligiran ng ibon at paru-paro. Mukhang maganda ang araw ngayon sapagka't napansin ko hindi ganoon nakakapaso ang tama saakin ng araw o sadyang nakabukas lang aircon kaya hindi mainit saaking mata at balat ang araw. Babangon na marapat ako nang napansin kong asa kwarto ako. Sino nagdala saakin dito? Paano ako napunta dito? Napakunot ang aking noo at pinakiramdam ang kama at pinagmasdan ang paligid. Tama nga ako at nasa kwarto ako. Pero sino naman nagbuhat saakin papunta dito sa itaas? Malamang ay baka si Harry dahil hindi pa naman nakakauwi si Vaughn