Chapter 25 M A L Z I A Tatlong linggo ng lumipas simula nang mahulog ako mula sa hagdan. Naging maayos narin ang pakiramdam ko at nawala na ang sakit na aking nararamdaman mula sa aking balakang. Naging mas maingat saakin ang mga tauhan ni Vaughn. Halos sa mga ilang linggong nakalipas ay hindi nila ako pinapayagang gawin ang isang bagay na walang pahintulot mula kay Ms. Beth o kaya maging kay Vaugh kaya labis ako na nabuburyo at walang magawa. Habang si Vaughn naman ay mas naging mailap saakin, malaki parin ang pagtataka ko dahil simula nang makabalik kami ay nagbago ang pagtrato niya saakin. Laging mainitin ang ulo nito at kung minsan ay hindi ako nito pinapansin. Pagka-umaga naman ay hindi ko siya naabutan. Madalas din niya akong hindi pansinin kaya naman labis akong nanlulumo