Chapter 03
M A L Z I A
"You.."I whisper while staring his beautiful face. Napapikit ako upang piliting alalahanin ang mga bagay nung nakalipas ngunit wala akong ma-alala.
But his face is very familiar, like it wasn't the first time seeing him, parang ang tagal tagal ko na siyang kilala.
Mabilis ang t***k ng puso ko habang tinititigan ko ang mukha niya, nagbabaka-sakaling maalala ko siya ngunit kasabay ng mabilis na pagtibok ng aking dibdib ay naninikip rin ito.
Why do I feel hurt? Parang gusto tumulo ng luha ko.
Ang lungkot ng pakiramdam ko, was he connected to my past?
Dumilat na lang ako at bakas sa mukha niya ang pag-tataka, iniwas ko ang hawak niya sa aking baba at umayos ako ng tayo. Binigyan ko siya ng ngiti at muli ako nagsalita.
"Sorry I really have a poor memory, you look very familiar, baka guni-guni ko lang 'yon."mahinhin kong sagot. Habang maari ay ayaw ko magsalita dahil baka mahalata niyang kinakabahan ako at ayokong makikita niya iyon.
Nakita ko naman sa mga mata nito na pawang nagulat ito sa sagot ko, may mali ba akong nasabi?
"Hindi kita iiwan Vi."
"Promise?"
"Forever and ever tayo Vi!"
Bigla akong napapikit sa boses na mga naririnig ko.
Bakit ang sakit sakit ng ala-ala? Bakit parang nadudurog puso ko every time I hear that voice?
All I could feel is grief and sadness, halos naninikip ang dibdib ko sa tuwing may maririnig akong boses ng isang batang lalake. Who owns that voice? Why am I remembering something all of a sudden?
Napapikit na lamang ako dahil biglang pumintig sa sakit ang ulo ko, napayuko ako at napahawak sa sintido ko.
Everytime I'm remembering something, bigla na lang sumasakit ng malala ang ulo ko but this time the pain is different, it's unbearable.
Biglang nandilim ang paningin ko at nawala ako sa balanse.
_________________________________________
"Zizi, babalik ka ha?"
"Promise babalik ako, wala ngang iwanan diba?"
Nakaramdam ako nang panunuyo ng lalamunan kung kaya't napadilat ako at ang kaninang nanlalabong paningin ko ay luminaw, kasabay nito ang pamamanhid ng aking paa at mga kamay.
Nang maayos na ang aking paningin ay bimungad saakin ang ceiling na puno ng anghel, it was like a painting of Leonardo De Vinci, it was beautiful and full of stories.
Pinilit kong tumayo nang bigla akong narinig na boses.
"Don't force yourself, baka matumba ka."She said and I realized it was Vivian, Mr. Zhang's secretary.
Nanlaki naman ang mata ko nang maalala ko na may meeting dapat ako kay Mr. Zhang.
Heavenly mother of precious! I screwed the meeting up! Paano na ang kumpanya?
"Si Mr. Zhang!"I said at madali ako ng napatayo at napaayos ng damit at hinanap ang aking sapatos at ang aking gamit.
"What are you looking for?"a manly voice asked me and I unconsciously answered. "My shoes, can you please help me to find it?"I said without looking to the person who asked me.
Pag-lingon ko ay nabangga ang aking ulo ng isang malaking katawan.
Napa-angat ang tingin ko at nagkasalubong ang aming mata, at napagtanto ko na si Mr. Zhang na pala ang kaharap ko.
Napalaki ang mata ko at agad na inilayo ang katawan ko sakanya, bumilis ang t***k ng puso ko at kung kanina ay nagiging aligaga ako ay biglang kumalma ang aking sistema.
Nakita kong sinensyasan niya si Vivian na umalis at agad naman itong umalis sa aming paningin.
Pagkasara ng pinto ay yinuko ko ng kaunti ang aking ulo at nagbigay na pormal na pagbati.
"M-Mr. Z-Zhang, I-I really w-want to say sorry for what h-happened and..uhm"paputol kong batid habang nakayuko at nakatingin lamang sa lapag, mabilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba.
Pero hindi ko maiwasan mamangha sa kakisigan at kagwapuhan niya, I thought He will be around 40s but apparently, to my estimation, pawang mas matanda lang siya ng ilang taon sakin.
"How's your feeling?"he asked, halos walang emosyon ito nang tanungin ako. Nagulat ako nang bigla niya ako tanungin ng ganoong tanong.
Napalunok na lamang ako at nanatiling nakatingin sa lapag, kahit sino naman ay mag-aalala dahil hindi biro yung nangyari sakin kanina, but in my case, it's normal.
"I'm okay Mr. Zhang, thank you for the conce---"
"I'm not concern, you're actually wasting my time."he bluntly said. Napalunok naman ako sa sinabi niya, I was just being formal and respectful, it doesn't bother me wether he's concern or not, who the earth is he?
I remain calm and looked upon him, I gave him a smile and answered him back.
"Whatever you consider it Mr. Zhang, still I'm thankful."I said at nag bow. Hindi na ito umimik at tinalikuran ako, napansin ko na napaka laki pala ng kwartong pinagdalhan nila saakin at lihitimo ang ganda nito, It looks like a palace of a king. Very luxurious and elegant.
"Anyway Mr. Zhang can w-we s-start the real busine---"
Napatigil ako nang may biglang nag door-bell, napadako kami sa pintuan at nang bumukas ito ay may tray na dala dala ang service crew I think?
"Good evening Mr. Zhang."saad nito at nag bow, pumasok ito at inilapag ang pagkain nitong dala at lumabas na muli.
"M-Mr. Z----"
"Eat."utos niya nang hindi tumitingin saakin at nakapamulsa.
Napahinga ako ng malalim at muling binigyan ito nang kalmadong ekspresyon.
"i'm okay Let's dis---"
"Eat." Muli niyang sagot. Ngunit hindi na ako papayag, Hindi ko pwede sayangin ang chance na pinagkaloob sakin dahil kumpanya namin ang nakasalalay dito at hindi basta bastang simpleng usapan.
Napalunok ako at muling sumagot.
"But M---"
Sasagot pa sana ako nang matalim ang mata nitong tumingin saakin at halatang naiinis na siya sa pamimilit ko.
"Eat."madiin niyang saad at pamatay na titig ang ibinigay nito saakin. Napalunok naman ako at umupo sa upuan kung saan inilagay ang hinandang pagkain.
Napatikhim ako at napahinga ng malalim, I have to obey him in order for him to listen within my proposal.
Tahimik akong nagsimula kumain ng tahimik, kahit na masarap ang hinaing pagkain saakin ay hindi ko ma-enjoy dahil nakakaramdam ako ng tensyon at pagkailang.
Huminga ako ng malalim at nagpatuloy kumain, just do what he wants, para pakinggan ka nya Zia.
Habang kumakain ako ay napadako ang tingin ko sa gawi niya dahil bigla itong umupo sa harap ko at nagsindi ng sigarilyo, inusog ko naman ang plato ko at maging ang upuan ko para hindi ko maamoy ang usok ng sigarilyo.
"Mr. Zhang--"
"Marry me."matalim nito at seryoso nitong saad saakin. Bigla akong nakaramdam nang pagkabara sa aking lalamunan dahil sa sinabi niya.
"M-Marry?" I repeatedly asked. Para akong nabingi sa sinabi niya.
Huminga ito ng malalim at binigyan ako ng nakamamatay na titig.
Is he serious? Marriage is such a serious thing, hindi siya yung pag umayaw ka pwede mong takasan o takbuhan.
Marriage is a solemn sacrament, para ito sa dalawang taong nagmamahalan at hindi lang para sa conveniency o "deal."
"Why? Your dad didn't tell you?"he asked and gave me a devilish smirk. Bumuga siya ng usok at ipinihit to sa maliit na mangkok.
What do you mean dad didn't tell me?
"No.."mahina kong sabi. Para akong nanghihina sa sinabi niya, don't tell me dad wants me to marry the man in front of me?
"I'll take the company wether you agreed on it or not."he said. Napahinga ako ng malalim upang ihinahon ang sarili ko.
Tumayo ito at naglakad patungong glass window papuntang balkonahe, sumandal ito at nagpamulsa ito.
Sa kabila ng mapang windang nitong sinasabi ay hindi ko maakila ang gandang tindig nito, matangkad, makisig at lingunin talaga ng mga babae. Kahit ako ay mapapadako ang tingin sakanya dahil nakakabighani talaga ang itsura niya. Kung hindi ko siya kilala ay aakalain kong modelo siya.
"But, If you take my proposal then things wouldn't change, it's just that I'll be your father's boss but you can still have an access within your company."he explained while wearing a playful smile which gave annoyance to me.
Gusto ko siyang bigyan ng benefit of the doubt na baka mali ang sinasabi ng mga tao sakanya, na baka hindi naman siya ganoon kasama, pero sa pinapakita niya, how can he bear these things without feeling sorry?
I understand that he is a businessman and he only wants to win the game but he's too heartless and inconsiderate.
"M-Mr. Zhang, please take time to think about the deal you made, I don't think marriage is necessary to secure the assets you want to have, lets settle this--"I was trying to explain my side when he interrupted me for a millionth time.
"I have made my decision, take it or leave it."madiin niyang sabi. Napatigil ako sa sinabi niya at napatitig ako sa mata nito.
Seryoso ito at madilim, his eyes were gloomy as if he was in a dark place for a long time, I see an untamed monster.
Hindi ko inalis ang titig ko dito at ilang minuto ko rin ito tinitigan, parang nagtaka siya sa inasal ko kung kaya't muli ako nagsalita.
"With all due respect Mr. Zhang, you don't have to be ruthless and inconsiderate. Pwede naman nating pag-usapan 'to at pagkasunduan without acknowledging marriage as an option."I explained pero kalmado parin ako, hindi ako magagalit, malaki ang nilaan kong pasensya sakanya, ang kailangan ko ay may marating ang pagpunta at pakikipag-kita ko sakanya.
Lumapit ito saakin na agad naman ikinabilis nang t***k ng puso ko.
Napausog ako sa kinauupuan ko at yumukod ito at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
Halos maduling ako kung kaya't unti-unti kong nilalayo ang aking mukha hanggang sa napasandal andg ulo ko sa pader at halos manduling ako sa sobrang lapit ng mukha niya sakin.
"But apparently, you don't make rules, I am..."he whispered with his deep voice. He looked down on my lips and return his sight in my eyes.
Napalunok ako at halos nagrarambulan ang mga elemento sa aking tiyan. Bakit ko nararamdaman 'to? Why he makes me very nervous?
"Ruthless? Baby, This is way nothing compare to what I do to others, you're lucky enough to have my mercy." He whispered it and the next thing that shocked me is when he bit my earlobe.
I gritted my teeth and stood up, hindi ko na kaya ma binabastos niya ako ng ganito, as a man, he should learn how to respect woman and have some decency, his power and name doesn't give him validation to disrespect woman like that.
But I wouldn't show my annoyance, I will not let him to win the game that he wants me to play with.
Walang emosyon ko itong hinarap at nanatili akong mahinahon, sa kabila nang mga pinag-gagawa niya sakin, alam 'kong may karapatan ako na umalma at itulak siya pero it will just make things worse. I just need to deal with his monster.
"I also have conditions."Panimula ko. Narinig ko namang napangisi ito at umayos ng tayo.
"I want my father to still have his power in the company, decisions will still be up to him. "I said without pulling my eyes off his eyes.
"Second, all our properties will be remained in ours, and lastly..."
"I want a proper marriage, I have my dignity and respect within my family name."I explained. I just want to be rational, hindi porket naayon sakanya ay dapat siya lang susundin ko.
Napahinga ako ng malalim at bumaba unti unti ang aking tingin.
"If th-that's okay with you Mr. Zhang."I said softly.
Ganito na lang ba mangyayari sakin?
Sa buong buhay ko, kasal ang pinakahihintay ko.
when I was a child, I dreamed of marrying a prince.
But it turns out, I have no choice but to give up tht dream.
"Free yourself tomorrow, I'll be sending Vivian together with the wedding coordinator."he said casually. Napa-angat ang tingin ko at napatikhim ako.
I guess the answer is yes.
Huminga ako ng malalim at binigyan ko ito ng tipid na ngiti.
"I should leave Mr. Zhang, thank you for the hospitality and kindness." I whispered at tinalikuran ko na ito para lumabas ng kwarto.
Ngunit lalabas na sana ako nang bigla muli ito nagsalita.
"Go to left side, all my men are there to escort you and.."
"Its Vaughn."
Napatigil ako sa sinabi niya.
Vaughn.
His name is familiar.
Bumilis ang t***k ng puso ko at bigla itong nanikip.
Lumingon ako dito at binigyan ito nang tango.
"Zia."I said and gave him a small smile and left the room...and him.
Nang lumabas ako ay sinunod ko ang turo niya sakin at natanaw ko na ang mga tauhan niya.
Tonight, everything will change....
...TO BE CONTINUED.