“Come on! Minsan lang naman ako nandito!” pagpupumilit ni Seyer habang hila-hila ako sa labas. Lalong lumulubog ang sandals ko sa buhangin dahil sa paghila niya. “I’m not in the mood. Ikaw na lang. Panonoorin na lang kita.” “What? Are you a lifeguard? Marunong akong lumangoy. Gusto ko lang na may makasama.” I pulled my arm from him and crossed them over my chest. Busangot kong tinanaw ang di-kalayuang dagat. “Or let’s use the jet ski?” suhestiyon niya nang lapitan iyon na nakatali malapit sa bamboo fences. Muli akong umiling. “Dad was worried when I told him I’d try it. Sa susunod na lang siguro.” Umiiling siyang lumapit sa akin na nakapamewang. Suot ang beach short at sleeveless white sando. Ako naman ay plain white sleeveless dress with my hair tied behind me. “May problema ba?