✿♡ TATE DE LUNA ♡✿ HINDI ko akalain na may gano’ng side si Xyrus. Ang cute niyang magtampo. Palihim akong natutuwa dahil mukha siyang teenager sa gano’ng side niya. At pakiramdam ko, habang tumatagal na magkasama kami, mas lalo pa akong maraming madi-discover sa ugali niya na hindi ko nakita noon kay Glenn. Napaka-opposite nila. Si Glenn kasi ay never nagtampo dahil lang sa wala akong oras sa kaniya. Napaka-understanding niya lalo na at ang mas madalas ko noon pinagkakaabalahan ay trabaho. Naiintindihan niya ako kaya ni minsan ay hindi naging issue sa ‘min ang oras. ‘Tsaka, bumabawi naman ako sa kaniya noon kapag day-off ko. Sa kaniya lahat ng oras ko. Pero itong si Xyrus, hindi pa nga kami magkarelasyon, may pagtatampo na agad. Hindi sa naiinis ako. Actually, I find it cute. Para siya