✧XYRUS GLEO MENDEZ✧ KATABI ko si Cess sa upuan at kaharap naman namin ang dalawang co-professor ko sa SU. Mag-asawa sila. Si Prof Anna at Prof Ben. Wala na akong choice, kailangan ko nang sabihin sa kanila na may asawa na rin ako dahil doon sa picture na sinend ng isa pang co-professor namin sa group chat. Saglit kong tinawagan kanina si Prof. Sarah para direktang alamin kung saan niya nakuha ang picture na sinend niya sa group chat. Ang sabi niya, anak niya raw ang nakakita no’n. Nagpunta raw ang anak niya sa studio para magpakuha ng two by two ID picture, at doon daw nito nakita ang mga pictures namin ni Cess. Ang picture na nakita ng anak niya ay ‘yong ibinilin ko sa photographer na ilagay sa malaking frame na magsisilbi sanang pang-display ko sa bahay kapag naroon si papa o ang pa