✧XYRUS GLEO MENDEZ✧ HINDI pa sana ako lalabas mula sa kinukublihan ko. Hindi pa sana ako lalapit at makikinig lang sa usapan nilang dalawa, pero hindi ako nakatiis nang magwala si Tate. Um-e-echo sa buong bahay ang pag-iyak niya at pagsigaw and it’s breaking my entire fvcking heart. Agad ko silang nilapitan at tinulungan ko si Marie dahil nakaluhod na siya sa harap ni Tate habang kinakalma ito. Pareho silang nasa sahig. “Xyrus, please help!” Kahit hindi niya sabihin ay talagang tutulong ako. Lumuhod din ako sa harap ni Tate, sa kabilang side niya at hinawakan ko siya sa mga braso. Para magawa ko ‘yon ay bahagyang lumayo si Marie at hinayaan na lamang ako. Hindi pa rin tumitigil si Tate sa pagwawala niya kaya pilit ko siyang itinayo, kinabig ko siya sa katawan ko at naupo ako sa couch.