PATULOY lang kaming nagpagulong-gulong sa lupa ni Erza. Hanggang sa mapunta kami sa likod ng sasakyan. Hanggang sa bigla kaming nagkatinginan ng kaibigan ko.
"Mayroon ka bang kaaway, Aria?" tanong ka agad sa akin ng babae.
"Wala akong matandaan, saka pa ano ako magkakaroon ng kaaway, eh, ang bait-bait ko kaya," paingos na sabi ko sa aking kaibigan.
Magsalita pa sana ang babae, ngunit bigla akong napatingin sa likuran ni Erza. Nakita kong may tao roon. Kaya naman dali-dali kong kinuha ang malaking bato. At saktong labas nito sa pinagtataguan ay ubod lakas ko itong binato sa mukha.
Mayamaya pa'y nagulat kami nang may limang mga lalaki ang nagsulputan sa harapan namin. Habang nakatutok ang baril sa amin.
"Sino sa inyo si Aria Fuentebella?" tanong ng lalaki sa amin. Parihas kaming nagtingin ni Erza.
"Ako!" panabay na sabi namin ni Erza. Tumingin ako sa babae at nakaturo rin ito sa kanyang sarili at sinasabi na siya raw si Aria Fuentebella. Gusto ko tuloy matawa rito.
"Huwag ninyo kaming pinagloloko! Sino sa inyo si Aria Fuentebella?!" pasigaw na tanong ulit sa amin ng lalaki.
Hindi kami nagsalita, muli kaming nagkatinginan ni Erza. Hanggang sa mabilis na gumalaw ang mga katawan namin. Maliksi kaming tumalon pa punta sa likuran nila. Walang pagdadalawang isip na pinaghahampas namin sila sa mga batok nila. Inagat ko rin ang aking paa upang salubungin nang sipa ang mga kalaban na papalapit sa amin.
Halos mamalipit naman sila sa sakit dahil sa sikmura ko sila pinatamaan. Muli kong inangat ang aking kamao sabay suntok sa nguso nito.
Umikot ang mga mata ko sa buong paligid at hinanap ko si Erza, nakita kong nakikipaglaban ito sa dalawang lalaki. Lalapit sana ako para tulungan ng aking kaibigan ngunit may dalawang lalaki ang biglang sumulpot sa harapan ko.
"Aria Fuentebella, hindi ako puwedeng magkamali, ikaw 'yon!" galit na sabi ng lalaki sa akin.
Ngumunot ang noo ko. Ano kayang pakay nila sa akin? Hanggang sa seryoso akong tumingin sa kanila. Parang pamilyar ang mukha nito. Hindi ko lang matandaan kung saan ko ba ito unang nakita.
"Ano bang kailangan ninyo sa akin? Mukhang balak ninyo akong patayin?!" asar na tanong ko. Hindi ka agad nagsalita ang mga lalaki. Ngunit nakita kong nagsenyasan sila.
Hanggang sa itaas nito ang hawak ba baril at itinutok sa akin. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Walang takot na umangat ang aking paa sa lupa. Pagkatapos ay ubod lakas ko itong sinipa sa Manoy nito. Mabilis ko ring hinawakan ang leeg ng isang lalaki.
"Ano’ng nangyayari rito? Itigil ninyo iyan!" Sabay-sabay kaming napatingin sa mga pulis na dumating.
"Hulihin silang lahat! Lalo na ang dalawang babae na iyan!" sigaw ng pulis na dumating. Nagkatinginan tuloy kami ni Erza.
Hindi kami papayag na basta na lang nila kaming ikulong, nakakatiyak akong oras na madala nila kami sa prisento ay roon nila kami tatapusin. Kung hindi ako nagkakamali ay magkakakilala silang lahat, kasama na ang pulis.
"Ano’ng dahilan at ikukulong ninyo sila? Ganiyan na ba ang mga patakaran ng mga kapulisan ngayon dito? At basta na lang ikukulong ang isang tao, bakit kaya hindi muna ninyo tingnan sa cctv camera?!" Sabay-sabay kaming lumingon sa taong biglang dumating.
AWANG ang aking labi nang matandaan ko ito. Kahit nakatagilid ito sa akin at hindi tumitingin ay hindi ako puwedeng magkamali, ang lalaking ito ay ang naka-one night stand ko kagabi lamang.
Shit! Naglakbay rin ang mga mata ko sa katawan nito. At masasabi kong sobrang hot nitong tingnan. Siguro’y nasa 25 years old lang ang lalaki. Pero nakakahiya pa rin dahil may nangyari na samin. Inayos ko tuloy ang suot kong shades. Medyo tumungo rin ako upang hindi niya makilala.
"Engineer, P-Palmar," nauutal na sabi ng pulis na balak sana kaming hulihin ni Erza.
"Hindi man lang ba ninyo titingnan ang cctv camera? Upang alamin kung sino ang nauna sa kanila? Wala ba kayong mga paggalang sa mga babae?!" pagalit na tanong ng lalaking naka one night stand ko kagabi lang.
"Engineer, Palmar, nakuha na namin ang cctv camera at nakunan ang lahat ng mga pangyayari rito, pinadala ko na po sa 'yo, Engineer!" biglang sabi ng lalaking dumating. Hindi ito isang pulis, siguro'y tauhan ng lalaki.
Agad namang kinuha ni Mr. Engineer, ang cellphone niya. Ngunit kitang-kita ko ang pagkuyom ng kamao nito. Pagkatapos ay seryosong tumingin sa mga pulis.
Hanggang sa makitang bumulong si Mr. Engineer sa pulis, ngunit nagtaka ako kung bakit biglang namutla ang alagad ng batas. Hanggang sa isa-isa nang kinuha ng mga pulis ang mga lalaking bumaril sa amin.
Bigla namang bumaling sa amin si Mr. Engineer at seryoso na tumingin sa akin.
"Puwede na kayong umalis," anas nito sa amin ni Erza, pagkatapos ay agad na ring tumalikod ng lalaki. Nasundan ko na lang ng tingin ang lalaki. So, isa siyang engineer?
"Hindi ko alam na nandito na pala siya sa bansa?" Napalingon ako kay Erza nang magsalita ito.
"Kilala mo siya, Ezra?" tanong ko sa babae.
"Oo naman, siya si Engineer Rich Palmar, kahit sa ibang bansa ay sikat siya dahil sa batang edad, eh, isa nang bilyonaryo. Kahit sobrang yaman ng pamilya niya ay nagsariling sikap siya upang makamit ang mga pangarap," tuloy-tuloy na litanya ni Erza.
Hindi na ako magtataka na kilala ito ni Erza, lalo at
isang sikat na modelo si Erza sa ibang bansa. Pagdating nga lang dito sa bansa namin ay barabas ang ang babae, akala mo'y siga sa kanto, kaya ayon, laging lamang ng kulungan.
Hindi na lamang ako nagsalita, hanggang sa magyaya na rin si Erza na umalis kami. Sa bahay niya kami pupunta. Agad naman kaming nakasakay ng taxi. Ngunit nagtaka ako dahil ang taxing sinasakyan namin ngayon ay ang sinakyan ko rin kanina lamang. Hindi na lamang ako nagsalita.
"Tamang-tama ang pumunta mo sa bahay ko, Aria, marami kong naka-stock na alak. Mag-iinom tayo maghapon," biglang sabi ni Erza at ngumisi pa sa akin.
"Hindi ako magpapakainom dahil uuwi ako mamaya. May pupuntahan ako," anas ko sa babae.
"Sayang! Balak pa naman sana kitang isama mamayang gabi," anas ni Erza sa akin.
KUMUNOT ang noo ko. "Saan ka pupunta, babae?" Nakataas ang kilay ko na tumingin dito.
"May laban ako mamaya, boxing ng mga babae. Sayang din kapag nanalo," pagbibigay alam sa akin ni Erza.
Hindi ka agad ako nagsalita, ngunit pa-simple akong tumingin sa driver ng taxi at nakita kong patuloy lamang sa pagdriver ang lalaki. Parang may kakaiba yata rito.
"Sige sasama ako, gusto ko ring lumaban, teka magkano nga pala ang magiging premyo?" tanong ko agad sa babae.
Nakita kong ngumisi ang babae. "Kapag ikaw ang nagwagi ay makakatanggap ka ng isang daang libong piso. Plus, isang bagong-bagong kotse," tuloy-tuloy na litanya ng babae sa akin.
Parang nagning-ning naman ang mga mata ko sa aking narinig, lalo na ang magiging premyo. Kaya naman walang pagdadalawang isip na sumang-ayon ako kay Erza na sasama ako mamaya. Ngumisi tuloy ako ng kakaiba.
Hindi nagtagal ay tuluyan na rin kaming nakarating sa bahay ng babae. Nag-alok agad ito na uminom kami ng alak lalo at mamayang gabi pa raw ang laban, mga bandang alas-diyes pa ng gabi, kaya makakatulog pa kami. Sumang-ayon agad ako sa gusto nito.
Panay lang ang tawanan namin ni Erza habang nag-iinom. Sa ngayon ay parihas kaming walang hawak ng misyon, ngunit baka isang araw lang ay tawagan na kami ni boss Zach para sa misyon namin. Dahil sa aking pagkaka-alam ay maraming dumating na mga kaso sa secret weapon.
Bandang alas-dos ng hapon. Nagdesisyon akong magpaalam na kay Erza, magkikita na lang kami mamayang gabi sa lugar na kung saan gaganapin ang boxing. Mahaba-habang oras pa akong makakatulog. Maingat akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sofa. Ngunit pansin ko'y parang sumasayaw yata ang bahay ni Erza.
"Aria, kaya mo pa bang umuwi?"
"Oo naman, hindi ka na nasanay sa akin, eh, palagi naman akong umuuwi ng lasing," anas ko sa babae at pasuray-suray akong naglakad. Hinatid naman ako nito papalabas ng bahay niya. Mayamaya pa'y may humintong taxi. Kaya agad akong sumakay.
Sa tabi ng driver ako naupo. Bago umalis ang taxi ay sinabi ko taxi driver ang aking address. Wala naman akong narinig na sagot sa lalaki.
"Kuya driver, gisingin mo ako kapag nasa tapat na tayo ng bahay ko," anas ko sa driver, habang namumungay ang mga mata ko.
"Yeah," narinig ko lang na sagot ng driver. Hindi ko na lang pinsin ang tugon nito sa akin. Ngunit parang may naramdaman akong malamig na tubig ang lumapat sa aking ilong. Pakiwari ko'y unti-unti akong hinihila sa dako pa roon.