PUTOK NG BARIL

1313 Words
Napaawang ang bibig ko nang tuluyan kong makapa na wala akong underwear. Malakas ko ring nahampas ang aking noo. Gosh! Bakit ba hindi ko na alalang wala pala akong suot ng undies. Nakakahiya! Kaya naman dali-dali kong ini-off ang cellphone ko. Nag-iisip din ako kung papaano nito nalaman na ang cellphone number ko? Napatayo tuloy ako sa kama, pagkatapos ay nagpalakad-lakad na tila nababaliw na. Hindi ko ininda ang sakit ng aking p********e. Gulong-gulo kasi ang isipan ko ng mga sandaling ito. Hanggang sa magdesisyon na lamang akong pumunta sa loob ng banyo para maligo upang kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam. Nang tumapat ako sa ilalim ng shower ay ramdam na ramdam ko ang lamig noon na unti-unting nananalaytay sa aking balat. Parang ayaw ko na tuloy umalis dito sa ilalim ng shower. Hanggang sa lumipas ang mahabang sandali ay nagdesisyon na akong lumabas ng banyo. Tanging bathrobe lang ang aking suot, ngunit lumapit ako sa harap ng bintana upang buksan iyon upang pumasok ang liwanag sa aking kwarto. Nang tuluyan kong mabuksan ang bintana ay pumasok na rin dito sa loob ang hangin. Pumikit pa nga ako ng mga mata. Subalit bigla ko ring naimulat ang mga mata ko nang maramdaman kong tila may nagmamasid sa akin. Umikot tuloy ang buong paningin ko sa paligid. Ngunit wala naman akong nakitang tao. Hanggang sa mamataan ko ang isang malaking bahay na katapat lang ito ng bahay ko. Napansin kong palaging sarado ito? Ngunit sa aking pagkaka-alam ay bago na ang may-ari ng bahay na iyon. Ngunit hindi ko lang nakikita kong sino na ang tunay na may-ari. Hanggang sa umalis na lamang ako sa harap ng bintana para pumasok sa dressing room upang maglagay ng damit. Wala naman akong misyon ngayon kaya hayahay lang muna ako. Pupunta ako sa bahay ni Erza, gugulihin ko ito. Kailangan kong may makausap upang hindi ko maalala ang nangyari sa aking kagabi. Parang gusto kong mag-inom ng alak, hindi ko pa rin kasi matanggap na biglang naglaho na parang bula ang aking virginity at ito'y ninakaw ng lalaking hindi ko man lang kilala. Ngunit parang pamilyar ang mukha nito. Hindi ko lang matandaan kung saang lugar ko ito nakita. Sabagay hindi ko naman kasi natitigan ng matagal ang mukha nito kaya hindi ko matandaan kung saan ko ito nakita. Marahas na lamang akong nagbuntonghininga. Hanggang sa tuluyan na akong naglagay ng damit sa aking katawan. Ngunit biglang napangunot ang aking noo dahil may kumatok sa pinto ng aking kwarto. Baka isa ito sa mga kasambahay ko. Paglapit sa pinto ay agad ko itong binuksan. Kumunot ang aking noo dahil sa dala-dalang bulaklak ni Manang. Again? Hanggang ngayon ay buhay pa ang nagpapadala ng mga bulaklak sa akin. Minsan naman ay chocolate. At kung minsan ay kung ano-anong mga pagkain. Tuwang-tuwa tuloy ang mga kasambahay ko dahil sila ang kumakain. Kahit anong pag-iimbestiga ko ay hindi ko man lang matukoy kong sino ang aking secret admire. Kinuha ko na lang ang bulaklak para ilagay sa aking kwarto. Muli akong pumasok sa silid ko upang lumapit sa malaking salamin. Nagsuklay ako ng buhok. Tiningnan ko rin ang kabuunan ko sa malaking salamin, hinawakan ko rin ang aking mukha, maganda naman ako, ngunit bakit walang nagkakagusto sa akin? Kahit yata makipag-date ay walang nagyayaya sa akin? Ano bang mali sa pagkatao ko? Surang-sura tuloy akong napahilamos sa aking mukha. Subalit bigla naman akong napatingin sa pintuan ng kwarto ko dahil may kumatok ulit doon. Napahinga ako nang muling lumapit sa pinto. Nakita ko ulit si Manang, may dala-dala itong brown envelope. Ngunit mukhang naka sara ng maayos ang envelope. Agad ko itong kinuha. Umalis na rin si Manang sa aking harapan. Muli kong sinarado ang pinto ng aking silid. Wala naman nakalagay na pangalan kung kanino ito galing. Ngunit nandito ang pangalan ko na--- Aria Fuentebella. "Ano kayang laman nito? At kanino kaya ito galing?" tanong ko sa aking sarili. Dali-dali ko namang binuksan ang brown envelope. Hanggang sa tumambad sa aking mga mata ang kaputol na panty ko. Halos lumuwa ang mga mata ko dahil aking ang panty na ito, ngunit kaputol na lamang ito. Na saan kaya ang kaputol? Gosh! Dahil ito lang naman ang undies ko na naiwan ko sa hotel na iyon. Muli kong binuksan ang brown envelope at nakita kong may papel pa sa loob. Dali-dali ko tuloy itong kinuha. Pagkatapos ay binuklat ko upang basahin ang mga nakasulat. "My lovely girl, hinati ko ang undies mo at pinadala ko sa 'yo ang kalahati, aking na lang itong kahati ng underwear mo dahil palagi ko itong ilalagay sa aking bulsa at aamoy-amoyin ko rin ito. Huwag kang mag-alala dahil iingatan ko ang undies mo," malakas na pagkakabasa ko sa sulat sa akin. Halos matumba naman ako sa nabasa ko. Muli ko ring kinuha ang aking panty na putol na. Niladlad ko ito at nakita kong ang binigay niya sa akin ay ang likuran ng panty at sa lalaking iyon ay ang harapan. Gosh! Bakit ang dami ko tayang nakakasalamuhang baliw sa mundong ibabaw? Dalawa na sila, jusko naman po! Ano bang nagawa kong mali noong fast life ko? Pinunit-punit ko na lang ang sulat, pagkatapos ay agad kong itinapon sa basurahan. At para mawala ang stress ko sa dalawang tao na iyon ay nagdesisyon na akong lumabas ng kwarto ko. Kinuha ko lang ang aking bag at nagtuloy-tuloy na akong bumaba ng hagdan. Sa bahay ni Erza ako lalapang. Hindi ako nagdala ng sasakyan dahil tinatamad akong mag-drive. Hindi nagtagal ay may humimpil na taxi sa aking harapan. Dali-dali akong sumakay sa loob ng sasakyan. Kinuha ko rin ang aking shades. Kinuha ko rin ang aking cellphone upang tawagan si Erza. Agad naman nitong sinagot ang cellphone niya. "Ezra, na saan ka? Pupunta ako sa bahay mo, mag-iinom tayo magdamag," tuloy-tuloy na litanya ko sa babae. "Shhh! Wala ako sa bahay, nandito ako sa prisento, nakakulong---" "Again!" pasigaw na sabi ko kay Erza. Nahilot ko tuloy ang aking noo. Gosh! Dahil hindi ko alam kung ilang beses nang nakulong ang babaeng iyon. "Ano bang gagawin ko, Erza? Kukuhanin ko na ba ang mga damit mo para riyan ka lang magbakasyon? Mukhang binabalik-balikan mo na lang ang kulungan, ah!" sermon ko sa aking kaibigan. "Ano bang magagawa ko kung gustong-gusto akong ikulong ng mga pulis, palabasin muna ako rito at ako'y antok na atok na," utos ng magaling kong kaibigan. Kaya no choce ako kundi ayosin muna ang paglaya nito. Pagdating sa harap ng prisento ay agad akong bumaba matapos kong magbayad. Subalit nagulat din ako dahil sa ginawa ng taxi driver. Medyo hinaplos kasi nito ang isang daliri ko. Hindi ko tuloy alam kung sinasadya ba nito o nagkataon lamang. Hindi ko rin naman nakikita ang mukha ng driver lalo ang nakasuot ito ng face mask at salamin sa mata. Pinilig ko na lamang ang aking ulo para mawala ang dumi ng utak ko. Pagdating naman sa loob ng prisento ay agad kong inayos ang paglaya ni Erza. Ngumisi pa nga ito sa akin nang makita ko. Paglabas namin ng prisento ay agad akong nagtanong sa babae kung bakit nakulong na naman ito. "Hinamon ko ng karera ang isang lalaki, tapos nagbanta rin ako na kapag hindi ako nilabanan ay ibabalik ko siya sa sinapupunan ng Ina niya, aba! Malay ko bang anak pala iyon ng isang pulis. Bigla ko kasing binatukan," natatawang sabi ni Erza sa akin. Magsasalita pa sana ako, ngunit bigla akong napatingin sa van na mabilis ang takbo at ito'y papalapit sa amin ni Erza, bumukas din ang bintana nito, hanggang sa nakita kong naglabas ng baril ang mga taong nasa loob ng Van. "Aria, dapa!" malakas na sigaw ni Erza. Mabilis akong dumapa at nagpagulong-gulong sa lupa upang hindi matamaan ng bala. Lalo at patuloy kaming pina-uulanan ng bala ng baril. Sino kaya ang mga gonggong na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD