KITANG-KITA kong na mumutla si Congressman. Ngunit wala akong pakialam dito. Hanggang sa mas inilapit ko ring sa leeg nito ang baril na hawak ko. “A-Ano'ng kailangan mo sa akin? Sabihin mo lang at ibibigay ko sa ‘yo,” nauutal na sabi nito. “Ibigay mo sa akin ang wallet mo at tiyak na magkakasundo tayong dalawa,” nakangising sabi ko kay Congressman. Dali-dali naman nitong kinuha ang wallet at agad na inabot sa akin. May ngiti tuloy sa aking labi. Hanggang sa sabihin kong bumaba siya ng kotse niya. Nagmamadali naman itong bumaba ng kotse. Mabilis din akong sumunod dito. “Tumalikod ka, Congressman. Pagkatapos ay alisin mo ang iyong kasuotan. At tanging brief mo lang ang iiwan mo sa iyong katawan!” galit na utos ko kay Congressman. “Ms. Baka naman puwede nating pag-usapan ‘to? Magkano ba