"MAY gusto ka pa bang idagdag na handa para sa kaarawan mo bukas, anak?" tanong ng ama ni Phoenix at ipinakita nito sa kanya ang mga pinamili nitong ihahanda para bukas. Naglaan sadya siya ng pera para sa kaarawan niya na ibinigay niya sa kanyang ama para ibili ng kaunting handa. Medyo nakakaluwag na sila ng kanyang ama sa pera lalo na at wala na silang inaalalang bayarin sa school dahil nabayaran na iyon ng mag-asawang Salvador. Malaking tulong rin ang nagiging suweldo niya sa pagtatrabaho sa malaking bahay sa pang-araw-araw na gastusin kaya kahit na minsan lang magkaroon ng pasok ang kanyang ama sa trabaho ay may nagagastos pa itong pera. Ang kaunting naipon niyang pera na para sana pangbayad sa school ay ibinigay niya rin sa kanyang ama na alam niyang itinabi lang nito dahil ayaw sana