"GANITO na lang ba tayo araw-araw? Halos dalawang buwan na akong naninilbihan dito sa malaking bahay pero hanggang ngayon sobrang gulo at kalat mo pa rin sa kuwarto mo. Natutulog ka lang ba talaga sa gabi o baka naman may kung ano ka pang ginagawa kaya sobrang gulo ng kuwarto mo sa umaga," reklamo ni Phoenix habang sinisimulang ayusin ang magulong kuwarto ni Damon. Maaga siyang nagpunta sa silid ng binata para maglinis doon at naabutan niya itong nakahiga pa sa ibabaw ng magulo nitong kama. "Huwag kang maingay, munting babae. Inaantok pa ako," wika ni Damon habang nakapikit ang mga mata. Hindi niya alam kung nagising lang ito dahil sa kaingayan niya o sadyang gising na ito nang pumasok siya sa silid nito. "Umaga na kaya bumangon ka na riyan. Maaga akong uuwi at sa makalawa na ako babali