Blurb

472 Words
"Itinuring na kitang akin buhat noong una kitang masilayan. At ngayong nasa mga bisig na kita, wala ka nang magiging kawala pa dahil akin ka lang. Lagi mong tatandaan na pagmamay-ari ng isang Damon Salvador ang isang Phoenix Specter. I will possess your heart, mind and body, forever..." - Damon Salvador Simple lang ang pamumuhay na mayroon ang isang Phoenix Specter kasama ang kanyang ama. Kuntento na siya sa buhay na mayroon siya at masaya siya sa piling ng kanyang ama kahit na maagang nawala ang kanyang ina. Namatay ang kanyang ina sa pagsisilang sa kanya pero kahit ganoon ay hindi nagtanim ng sama ng loob sa kanya ang kanyang ama. Sa halip ay binusog siya nito sa atensyon at pagmamahal na halos hindi na niya maramdaman ang kakulangan ng pagmamahal ng isang ina. Tahimik at simple silang namumuhay kahit na madalas ay salat sila sa pera pero ang mahalaga kahit papaano ay nakakaraos sila. Kaya maagang natutong makipagsapalaran sa buhay si Phoenix at gumawa ng paraan para makatulong sa kanyang ama. Halos lahat na nang matinong trabaho ay pinasok na niya kapag wala siyang pasok sa school. Kailangan niyang kumayod para makaipon ng medyo malaking halaga ng pera dahil pangarap niyang makapagtapos sa pag-aaral. At hindi iyon mangyayari kapag hindi niya nabayaran ang bayarin sa school. Sakto namang bumalik ang pamilya Salvador sa lugar nila kasama ang nag-iisang anak na lalaki ng mga ito na nagtapos ng pag-aaral sa ibang bansa, si Damon Salvador. Nangangailangan ang mga ito ng karagdagang katulong sa bahay at malaking oportunidad na para kay Phoenix iyon. Sobrang kailangan niya ng pera kaya pumasok siya bilang katulong sa bahay ng mga ito. Maayos naman ang naging paninilbihan niya sa mga Salvador at wala siyang naging problema sa mag-asawa dahil mababait ang mga ito. Maliban lang kay Damon na ubod ng sama ng ugali pagdating sa kanya kaya tinagurian niya itong Damon-yo dahil sa sama ng ugaling mayroon ang binata. Lagi siya nitong inuutusan at kulang na lang ay gawin siya nitong alipin dahil maya't-maya ang utos nito. Madalas ay sinusungitan din siya ni Damon at ayaw na ayaw nitong lumalapit siya at kailangan ay laging may distansya sa pagitan nila. Daig pa niya ang may sakit na nakakahawa kung ituring nito dahil mabilis itong lumalayo sa kanya kapag lumalapit siya rito. At iyon ang isa ikinaiinis niya sa binata. Kaya namang pagtiisan ni Phoenix ang masamang pag-uugali ng binata pero sa isang iglap ay biglang nagbago ang lahat pagkatapos ng ikalabing-walong kaarawan niya. Dahil nagising na lang siya isang araw na pagmamay-ari na siya ng binata. At ang mas hindi kapani-paniwala ay kasal na sila, asawa na siya ng isang Damon Salvador na hindi niya alam kung maituturing ba niyang suwerte o matatawag na isang sumpa. *R18 *NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS *READ AT YOUR OWN RISK
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD