Chapter 5

2324 Words
NAKASUNOD ang mga mata ni Damon sa bawat galaw ni Phoenix habang kumakain sila ng almusal. Halatang naiilang ito habang kumakain at alam niyang ramdam nito ang titig niya. Isa pang dahilan ay kasabay nila itong kumain hindi katulad sa ibang bahay na nauunang kumain ang may bahay bago ang mga katulong. Hindi sila ganoon dahil sabay-sabay silang kumain at kung ano ang kinakain nila dapat ay ganoon din ang sa katulong nila. Pamilya na ang turing nila sa mga ito. "Kumain ka nang marami, hija. Huwag kang mahiya," wika ng kanyang Dad at nahihiyang tumango naman ito. Dumako ang mga mata nito Phoenix sa kanya at mabilis itong nag-iwas ng tingin nang magsalubong ang kanilang mga mata. Lihim siyang napangiti dahil doon. She's damn 'astig' but also cute... Kanina pa niya hindi magawang alisin ang mga mata sa mukha ni Phoenix at inaamin niyang tinamaan siya sa dalaga noong una niya itong makita kanina. Naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya, hindi niya napapansin ang nasa paligid habang nakatitig sa maganda nitong mukha na parang ito lang ang nakikita niya, ang kagustuhan niya itong lapitan para ikulong sa mga bisig niya at halikan ang labi nito at higit sa lahat ay ang markahan ito bilang pagmamay-ari niya. Totoo pala ang love at first sight dahil iyon ang naramdaman niya nang unang beses niyang masilayan si Phoenix. At gagawin niya ang lahat para mapasakanya ito. Hindi man ngayon dahil sa murang edad nito pero sisiguraduhin niyang magiging pagmamay-ari niya si Phoenix ng buong-buo sa tamang panahon. Ang hahadlang, may kalalagyan... Totoo ang sinabi ng kanyang Mom na simple lang si Phoenix at natural lang ang kagandahang mayroon ito. Walang kung anong kaartehan sa katawan at walang kahit na anong bakas ng make-up sa mukha ng dalaga. Pero napansin niya ang pormahan nito na maihahalintulad niya sa isang lalaki. At may suot din ito kaninang sombrero na inalis lang nito nang magsimula silang kumain. Lagi ring nakalugay ang mahaba at tuwid nitong buhok. Hindi lang pala pangalan nito ang astig, astig din pala ang pormahan nito. She's really interesting. Pero kailangan niya munang pigilan ang sarili sa mga nais niyang gawin sa dalaga. She's just turning seventeen for Pete's sake! Mahigit isang taon pa niyang kailangang magtiis at maghintay para magawa niya ang mga tumatakbo sa kanyang isipan habang nakatitig siya rito. Kailangan niya munang hintaying tumungtong sa legal na edad si Phoenix para maitali niya ito sa kanya. Yeah, kung hindi man niya ito magawang maangkin agad dahil menor de edad pa ito... sisiguraduhin naman niyang may panghahawakan siyang katibayan na may karapatan siyang angkinin ito pagdating ng tamang panahon. At iyon ay ang kasal. Mabilis lang niya 'yong magagawan ng paraan dahil isang pirma lang nito ang kailangan niya. He smirked. "Pagkatapos mong kumain linisan mo ang kuwarto ko," wika ni Damon dahilan para tumuon sa kanya ang atensyon ni Phoenix. Hindi lang atensyon nito ang nakuha niya dahil pati ang atensyon ng mag-ina at ng mga magulang niya ay nakuha niya. Halata ang pagtataka sa mukha ng mga ito. "A-Ako ba?" nauutal na tanong ni Phoenix habang nakatingin sa kanya. Tango lang ang isinagot niya rito. Halata sa mukha ng dalaga na hindi ito komportable sa presensya niya at bakas din ang takot sa mukha nito. Kasama rin iyon sa plano niya, ang sungitan at takutin si Phoenix. Paraan niya iyon para magpapansin dito at para na rin makapagpigil siya sa mga nais niyang gawin sa dalaga na hindi pa puwede sa ngayon. Kailangan niyang pakitaan ito nang masamang pag-uugali at ang umiwas na magdikit sila dahil baka maaga itong maging ina. Ayos lang naman iyon para sa kanya dahil makakaya niya itong buhayin pero iniisip pa rin naman niya ang kapakanan nito. Sa ngayon ay maglalaro muna siya at paninindigan niya ang pagpapanggap niya bilang isang masungit at masama ang ugaling amo at ito naman bilang isang masunuring katulong. "Kailan ka pa naging madumi sa kuwarto mo, anak? At si Manang Perla lang ang hinahayaan mong maglinis sa kuwarto mo, 'di ba?" nagtatakang tanong ng kanyang Mom. Totoong malinis siya sa kuwarto at si Manang Perla lang ang hinahayaan niyang pumasok at maglinis sa kuwarto niya kapag may kailangang linisin at ayusin doon. Pero pinaghandaan niya ang pagdating ni Phoenix at maaga siyang gumising para gawing makalat at madumi ang kuwarto niya. Maaga rin siyang lumabas ng kanyang silid para hintayin ang pagdating nito kanina kahit na hindi siya sigurado kung dadating ba ang dalaga. At pinigilan niya ang sariling malawak na ngumiti kanina nang makita niya itong nakatayo sa bukana ng kusina habang gulat na nakatingin sa kanya. "Hindi ko pa po kasi naaayos ang mga dala kong gamit at ang iba ay nasa maleta pa. Kayo na po ang may sabi na matanda na si Nana Perla kaya si Phoenix na lang ang paglilinisin ko sa kuwarto mula ngayon," sagot niya sa kanyang Mom at tumango ito na parang naniwala sa palusot niya. Alam niyang magtatanong ito kaya napaghandaan na rin niya ang isasagot. Pero parang hindi kumbinsido ang kanyang Dad sa dahilan niya dahil bahagya lang itong umiling habang may ngiti sa labi. Pagkatapos nilang kumain ay umakyat agad si Damon sa kanyang kuwarto. Napailing na lang siya nang makita ang magulo niyang kuwarto dahil sa kagagawan niya. Magulo ang kama dahil hindi niya iyon inayos pagkagising niya kanina at sa halip ay mas ginulo pa niya iyon. Nagkalat din ang mga damit niya na kinuha niya sa maleta at sa halip na ayusin iyon at tiklupin para ilagay sa closet ay sinadya pa niya iyong ginulo at ikinalat. Napangiti at napailing na lang siya sa ginawang kalokohan. Naiwan pa sa kusina si Phoenix para tumulong sa paghuhugas ng mga plato. Labing-limang minuto rin ang lumipas bago niya narinig ang mahinang katok sa pinto ng kanyang kuwarto at malawak siyang napangiti dahil sigurado siyang si Phoenix 'yon. Ibinalik niya muna ang seryosong ekspresyon bago niya ito pinagbuksan ng pinto. Agad rin niya itong tinalikuran matapos niya itong pagbuksan. Pinigilan ni Damon ang malawak na ngumiti nang marinig niya ang pagsinghap ni Phoenix. Sinulyapan niya ito at muntik na niyang hindi napigilan ang sariling malakas na tumawa nang makita ang reaksyon nito habang nakatingin sa magulong kuwarto niya. Namimilog ang mga mata nito at bahagyang nakabukas ang bibig na parang hindi makapaniwala sa kaguluhang nasilayan sa loob ng kanyang kuwarto. "Puwede mo nang simulan ang paglilinis," seryosong wika niya dahilan para bumaling sa kanya ang atensyon nito. "Seryoso? Nakakatulog ka sa ganito kagulong kuwarto?" hindi makapaniwalang wika nito. "Ang kalat naman sa kuwarto mo, Mr. Salvador. Saan ako magsisimulang maglinis dito?" dagdag nito bago muling tiningnan ang magulong kuwarto niya. "Nagrereklamo ka ba?" nakataas ang kilay na tanong niya rito at mabilis itong umiling habang hindi tumitingin sa kanya. "And one more thing... just call me Damon." Hindi na ito muling nagsalita at sinimulan nitong damputin ang mga damit na nakakalat sa sahig. Inilagay muna nito ang mga iyon sa isang tabi bago nito sinimulang ayusin ang kanyang kama. At dahil malaki ang kanyang kama ay kailangan pa nitong umakyat doon para ayusin ang bedsheet at ang mga unan sa ibabaw no'n. "f**k!" mahinang mura niya bago mabilis na nag-iwas ng tingin kay Phoenix. Mali yata ang desisyon niyang papasukin ito sa kuwarto niya dahil napuno ng kahalayan ang isip niya habang nasa ibabaw ito ng kanyang kama. Stick to your plan, Damon. Bata pa siya. Hindi pa puwede ang mga iniisip mo. Rendahan mo muna ang sarili mo. "Ang likot mo namang matulog," dinig niyang reklamo ni Phoenix kaya muli niya itong tiningnan pero nagsisi siya kung bakit niya ginawa 'yon. "Puwede bang umayos ka ng puwesto mo!" singhal niya kay Phoenix dahil sa puwesto nito ngayon sa ibabaw ng kama niya. She's on all fours at nakaharap sa kanya ang pang-upo nito. At lalong naging marumi ang isipan niya dahil sa puwesto ngayon ng dalaga sa ibabaw ng kanyang kama. Damn! "Huh? Anong problema sa puwesto ko?" inosenteng tanong nito at bahagya lang siyang nilingon. Napailing na lang siya sa kainosentehan nito at pinagalitan niya ang sarili dahil sa mga kahalayang tumatakbo sa isipan niya. Wala namang problema o masama sa puwesto nito, siya lang itong marumi ang isip. "Don't mind me. Bilisan mo na lang diyan sa ginagawa mo," wika na lang ni Damon bago umupo sa sofa. Tahimik lang niyang pinanood si Phoenix at hindi na lang pinansin ang mga kapilyuhang tumatakbo sa isipan niya. "Sino ang lalaking kasama mong pumunta rito noong isang araw?" maya-maya ay tanong ni Damon kay Phoenix na kasalukuyang nakaupo na sa kanyang kama habang nagtitiklop ng damit. Natapos na nitong ayusin ang kanyang magulong kama. "Si Marco ba? Kababata ko siya at matalik na kaibigan. Bakit mo naitanong?" sagot nito na hindi tumitingin sa gawi niya. Nakatutok ang atensyon nito sa ginagawa. "Masama bang magtanong?" masungit na tanong niya dahilan para tumingin ito sa kanya. Banggitin pa lang nito ang pangalan ng ibang lalaki kumukulo na agad ang dugo niya. Damn! "Sungit," wika nito at inikutan pa siya ng mata na ikinanganga niya. "Did you just roll you eyes at me, munting babae?" hindi makapaniwalang wika niya. "Bakit? May angal ka?" nakataas ang kilay na tanong nito na ikinanganga. "You're impossible..." hindi makapaniwalang wika ni Damon. Pero kumunot ang kanyang noo nang malakas na tumawa si Phoenix. Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang mapagtantong pinaglalaruan lang siya nito. "Haha! Nakakatawa ang reaksyon mo. Nagbibiro lang naman ako at ginaya ko lang naman ang kasungitan mo," tumatawang wika nito na ikinailing na lang ni Damon. Pero hindi niya magawang alisin ang mga mata sa mukha nito dahil ang sarap nitong pagmasdan habang tumatawa. She's really beautiful. "Hoy! Anong klaseng tingin 'yan? Ang ganda ko 'no? Iyong tipong tatamaan ka kapag una mong nasilayan ang ganda ko. Charrot!" wika na naman nito at napuno ng halakhak nito ang kanyang kuwarto. "Yeah, dahil tinamaan nga ako..." wika niya habang tumatawa ito kaya hindi nito malinaw na narinig ang sinabi nya. "May sinasabi ka?" tanong nito. "Ang sabi ko kapag hindi ka pa tumigil diyan sa kadaldalan mo ay tatamaan ka talaga sa akin. At huwag kang feeling close dahil hindi tayo close. Ang liit na babae pero sobrang daldal. Tahiin ko kaya ang bibig mo," masungit na wika niya na ikinasimangot ni Phoenix. "Sino bang unang nagtanong? Ikaw, 'di ba? Kaya ikaw ang huwag feeling close. Tapos ikaw pa itong masungit. Edi wow!" pagsagot nito sa kanya at muli ay inikutan siya nito ng mata. Sa halip na mainis sa sinabi at ginawa nito ay napailing na lang si Damon at pinigilan ang mapangiti. Kakaiba talaga ang babaeng nasa harap niya. Kanina ay halos mautal ito sa sobrang takot sa kanya tapos ngayon ay may lakas ng loob na itong sagutin at ikutan siya ng mata. "Baka nakakalimutan mong ako pa rin ang amo mo, munting babae," kunot-noong wika niya rito. "Hindi ko po nakakalimutan. Ikaw po ang masungit na prinsipe at ako naman po ay isang hamak pero maganda at masunuring alalay lamang. Tapos na po ako sa ginagawa ko. May maipaglilingkod pa po ba ako sa inyo, mahal na prinsipe? Prinsipe ng kadiliman..." may halong kasarkastikuhang wika nito at hindi niya masyadong narinig ang huling sinabi ni Phoenix dahil ibinulong lang nito iyon. Bahagya pa itong yumuko sa harap niya na parang nagbibigay galang. Sinamaan niya ito ng tingin pero hindi katulad kanina na apektado ito sa masamang tingin niya. Sa halip ay nakipagtitigan pa ito sa kanya at sa huli ay siya ang unang nag-iwas ng tingin. "Wala na. Puwede ka nang lumabas," sumusukong wika ni Damon. "Masusunod po, mahal na prinsipe," wika ni Phoenix bago siya malawak na nginitian. "Tigilan mo nga ang pagtawag sa akin ng mahal na prinsipe," masungit na wika niya rito. "Bakit? Bagay naman sa'yo, ah," tumatawang wika ni Phoenix na ikinakunot ng noo niya. "At paano mo nasabi? Dahil ba sa ako ang tipo ng lalaking nababasa mo sa mga fairy tales na may guwapo at makisig na prinsipe? Do you find me attractive, munting babae?" nakangising wika niya rito pero lalo lang lumakas ang tawa ng dalaga dahilan para magsalubong ang kanyang mga kilay. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?" "Prinsipe ng kadiliman ang tinutukoy ko at hindi prinsipe na katulad ng sinasabi mong nababasa ko sa fairy tales. Ang sama kasi ng ugali mo," tumatawang wika nito. "Prinsipe ng what? Pinaglololoko mo ba ako?" "Bakit? Bagay naman sa'yo, ah. Tapos bagay rin sa pangalan mo. At dahil feeling prinsipe ka naman, nakaisip na rin ako ng title ng fairy tale na ikaw ang bida. Damon-yo, Ang Prinsipe ng Kadiliman. Ang ganda, 'di ba?" tumatawang wika ni Phoenix pero agad din itong huminto sa pagtawa nang makita siyang tumayo. "Tapos mo na bang paglaruan ako at ang pangalan ko, munting babae?" seryosong tanong niya at sinimulang humakbang palapit dito. Nanatili ang kaseryosohan sa kanyang mukha habang magkasalubong ang mga kilay dahilan para bumakas ang takot sa mukha ni Phoenix. "T-Teka lang, anong gagawin mo? Nagbibiro lang naman ako masyado kang seryoso," nauutal na wika nito bago pasimpleng tumingin sa pinto. "Alam mo bang marunong din akong maglaro? Gusto mo bang maglaro tayong dalawa, munting babae? Malapad ang kama ko para sa larong gagawin natin," wika niya at bumaling naman ang mga mata nito sa kama. Bahagyang kumunot ang noo ni Phoenix na parang iniisip ang ibig sabihin ng sinabi niya at biglang namilog ang mga mata nito nang tila maintindihan nito 'yon. "B-Bastos!" wika nito bago siya itinulak. Mabilis itong tumakbo patungo sa pinto at mabilis na binuksan iyon. "Bumalik ka rito, munting babae. Gusto kong makipaglaro sa'yo!" may kalakasan ang boses na wika niya rito habang pinipigil ang pagtawa. "Ayokong makipaglaro sa'yo. Hindi tayo bati! Manyak!" malakas na sagot nito bago tuluyang nakalabas ng silid niya. Doon na niya pinakawalan ang malakas niyang tawa na pumuno sa buong kuwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD