Chapter 10

2407 Words

ISANG oras na nakatulog si Damon at malawak siyang napangiti nang makitang natutulog ang dalaga nang magising siya. Maingat siyang bumangon sa sofa para hindi magising si Phoenix bago niya ito binuhat para ilipat sa kama. Umupo siya sa tabi nito pagkatapos niya itong ihiga sa kama at pinagsawa niya ang mga mata sa magandang mukha nang mahimbing na natutulog na dalaga. May sumilay na ngiti sa kanyang labi at bahagyang napailing nang maalala ang ginawa niya kanina. Ayaw niyang iwanan siya ni Phoenix kaya mabilis siyang nag-isip ng paraan para hindi ito umalis sa tabi niya at iyon nga ay ang magkunwaring nakaramdam siya ng antok kahit ang totoo ay hindi naman. Pero matapos niyang humiga sa sofa at gawing unan ang hita nito ay bigla siyang nakaramdam ng antok at hindi na niya nagawang labana

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD