Kabanata 4: Auction

1940 Words
Herena's POV Sabado ngayon at kasalukuyan akong nakahimlay sa aking malambot na kama habang nakatitig lang sa may kisame. Isang linggo na ang lumipas simula noong magsimula akong magtrabaho sa kumpanya niya ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring akong nakikitang improvement o kunting success man lang sa plano ko. Palagi na lang siyang busy at okupado ng trabaho na halos hindi na niya ako mapagukulan ng pansin. Haist! Paano nga ba? Paano ko ba siya magagawang tumingin sa akin kahit saglit lamang imbes na sa mga tambak-tambak na paperworks sa kanyang lamesa? Napabalikwas ako ng bangon nang biglang may kumatok sa aking pintuan. Hindi ko pa ito binbinigyan ng pahintulot na pumasok ngunit binuksan na nito ang pinto at pumasok. “Alexis!” bulyaw ko habang mabilis pa sa alas kwatro kong hinila ang kumot pataas ng aking bewang. For Pete’s sake! Hindi ba siya marunong maghintay na makapag-ayos amn lang ako saglit. Nakasuot pa man din ako ng t-shirt at panty lang. Paano kung masilipan niya ako? Ugh! Nakakainis siya. Casual lang siyang umupos sa baba nga king kama. “Don’t bother pinsan. Madami na akong nakitang ganyan. No need to cover it,” anito na may kasamang nakakalokong ngisi. Tinapunan ko siya ng ulan. Kung anu-ano pinanggagawa niya sa buhay niya. Huwag niya akong idamay “Shut up, dirty man,” asik ko. Don’t stain my purity. Natawa lang ang mokong. “Hindi tayo i****t. OA ka, insan,” tawang-tawang nitong sambit na shindi ko na lamang pinansin. Skung papatulan ko pa ito ay baka ilang oras ang aabutin namin sa pagtatalo. “Whatever. So, ba’t ka biglang napasugod dito, aber?” taas kilay kong tanong. Dapat ay namamahinga ako ngayong weekend eh tapos bigla siyang susulpot. “May dadaluhan akong meeting mamaya sa karatig na lugar kung kaya naman ay may kailangan kang gawin...” In-explain niya lahat sa akin at labag man sa kaing kalooban ay napatango ako. Wala akong choice kung hindi ang um-oo na lamang. Besides, hidni lang ito patungkol sa akin, bagkus, ay patungkol rin ito sa aming angkan. *** Mabilis kong pinaharurot ang aking kotse sa madilim na kalsada hangga’t sa makarating ako sa nasabing venue kung saan gaganapin ang auction na sinasabi ni Alexis sa akin. Medyo liblib na ang lugar at tanging ang matayos na istruktura ng building na ito ang makikita mo liban sa mga nagtataasang mga puno sa paligi. Perefect place talaga ito na pagganapan ng mga mafia gatherings at kung ano mang illegal na pagtitipon. You are right. My family has been involve in mafia business too. Hidni ko nga lang alam ang patungkol dito not until noong nag-eighteen years old na ako. So contradicting kung iisipin na iniwan ako ng taong pinakamamahal ko noon para protektahan at ilayo raw ako against sa mafia na kinabibilangan niya pero it turns out na parte na pala ang pamilya ko rito. Bahagya kong binaba ang window shield ng aking kotse at mabilis na linibot ang aking paningin. Marami-rami na ring mga itim na kotse ang nakaparada sa paligid at may iilang mga nakaitim na gown at itim na maskara ang pumapasok sa loob ng medyo old na Gothic inspired building na ito. Sinuot ko na rin ang aking itim na maskara na inadornuhan ng mga perlas at kumikinang na silver na glitters. Bumaba na ako sa kotse at mabilis na inayos ang aking mahabang long dress na kulay itim din. Black masquerade party kasi ang tema ng auction ngayon at hindi sial magpapapasok ng mga hindi nakadamit na naayon sa motiff. Kilala pa man din ang organizer ng auction gathering na ito sa pagiging psychopath at mailap sa mga taong sumasalungat sa kanya. Huminga ako ng malalim at nagsimula ng maglakad. Sa bawat hakbang ko ay ramdam ko amg malamig-lamig na bakal ng dalawang pistol gun sa magkabila kong binti. Siyempre, mafia gathering ito at kailangan kong maging prepared sa kung ano man ang maaring mangyari. Hindi ko maiwasang ma-conscious ng bahagya sapagkat ako lang ata ang walang kasamang escort sa pagpasok sa may main entrance. Lahat sila ay may mga kapares. Napabuntong-hininga na lamang ako. Well, ito rin naman talaga ang nais ng bagong pinuno sa mafia na kinabibilangan ng pamilya namin. Nais makita ni Xerxes Laghberg ang katapatan ko bilang tagapagmana ng Devaraux Clothing Line na itinayo ng aking mga magulang. Wala naman akong pakialam kung mawalan ng tiwala at matiwalag kami sa Laghberg Mafia sapagkat in the first place naging kaanib lang namin nila ako dahil sa tatay ko. Dati kasing naging matalik na magkaibigan ang aking ama sa yumaong pinuno ng Laghberg Mafia na si Xervil Laghberg, ang ama ni Xerxes. Napatigil ako sa pag-iisip nang magsimula ng magsalita ang lalaking MC sa harapan. “Good evening ladies and gentlemen. Welcome to the world class auction bidding in the continent! Tonight will be identifying who will took possession of the greatest treasures the mafia world had ever known! A round of applause everyone!” ang paunlak ng MC ay nasundan ng masigabong palakpakan mula sa mga madla. Pumalakpak na rin ako bilang pakiki-go sa flow. “Tonight, with the limited relics and artifacts we found, we will be reminiscing the forgotten honor and pride of the fallen mafias… including their shames and failure!” Nagatawanan naman ang mga bisita. Marahil ay hindi nila mapigilang pagtawanan ang mga naunang mafia families na ngayon ay burado na. “What are we waiting for, let’s start with the first item. Bring it on,” ani ng MC sabay senyas sa mga nakatambay na lalaki sa gilid na ilabas na ang unang item na tinutukoy nito. Walang pagtututol namang sinunod ito. “The first item is the Hellenistic Mirror of Beauty,” romantikong pagpapakilala ng MC sabay tanggal ng puting tela na nakatakip sa glassy box na kinalalagyan ng nasabing antique salamin. “This Mirror of Beauty was owned by a woman who mothered three sons from three different mafia bosses twenty years ago. The handle as well as the framing was made purely of gold,” dagdag pa nito. Ramdam ko ang antisipasiyon sa mga mata ng mga babae sa paligid. Lubha naman talaga kasing napakaganda ng salamin at idagdag mo pa ang istorya sa likod nito. Sino bang babae ang hindi magnanais na pagnasahan at mahalin ng mga kalalakihan? “Let’s start with two hundred thousand pesos!” Opisiyal na binuksan ng MC ang bidding at sari-sariling taas ng bid naman ang mga bisita. Gustuhin ko man ay nanatili akong tahimik. May mas mahalaga akong bagay na dinala rito at hindi ang i-satisfy ang wants ko bilang babae rin. Kailangan kong mag-focus sa pinaka-main item na iniuutos ng Laghberg Mafia na dapat kong panalunan gamit ang budget na linaan nila...at kung kakailanganin pa ay magdaragdag ako mula sa sarili kong bulsa. Lumipas ang halos isa’t kalahating oras bago sa wakas ay dumako na rin ang MC bidder sa main item na hinihintay ko. “And now for the most awaited and most breathtaking piece we have to offer…the main star for tonight… The Silver Gun of Yakuza!” Malakas na naghiyawan ang mga tao sa paligid na tila ba inaabangan talaga nila ito. Kita namang napaismid ang MC sa reaksiyon ng mga natipon. Senyales lang ito ng mataas na antisipasiyon ng mga tao na mapasakanila ang item na iyon, meaning pag-aagawan nila ang item at papataas ng pataas ang magiging presiyo nito, which is a bad news to me, of course. Regardless, I have to win this. Ayokong madismaya ang mga magulang ko sa Pilipinas kapag hindi ko magawang mapatunayan ang katapatan ko sa bagong pinuno ng Laghberg Mafia. “This gun originated in China particularly from the great Yakuza Family which eventually dissolve after a pandemic sweep over the place five years ago. It has a pure silver covers carved with dragons representing superiority and power. Above all, it has ten strength of a common bullet; breaking through bullet proof window shields,” taas noong pagpapaliwanag ng MC na mas lalong nagpaigti ng pagnanasa ng lahat. “Let’s start wit--” Hindi na natapos ng MC ang sasabihin niya ng may impatient na bidder ang nagtaas na ng kanyang number para mag-bid. “One million pesos!” matapang nitong panimula na kaagad na pinatungan nang sumunod. “Two million Pesos!” “Ten Million Pesos!” May mga ayaw magpatalo. Gosh! In-expect ko ng mangyayari ito pero sana naman huwag silang lumampas ng fifty million sapagkat ‘yun lamang ang budget na binigay ng mafia sa akin. Nagpatuloy-tuloy ang pataasan ng presyo at halatang-halatang nag-e-enjoy ang MC sa patuloy na pagtaas ng perang malilikom niya kapag nagkataon. Maging ako ay hindi ko lubos maiisip kung bakit sila sobrang nag-aagawan para lamang sa iisang antique na baril. Marahil ay may mas malaki silang plano sa Gun of Yakuza na ito kapag nagkataon like i-reproduce? O di kaya’y gawing basis for research on improving their weaponry? Awtomatikong napapintig ang aking tengga nang may malamig na boses ang biglang nagtaas ng presyo. “Fifty Million Pesos!” Kanina pa ako nakikinig sa mga nagpapataasan ng bid at ngayon ko lang maaninag ang malamig na boses. Lumingon ako sa likuran upang tignan kung kanino ito galing sapagkat nakaupo ako sa may harapan. At halos lumaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko ang pagkakakilanlan nito. “Ca-Calix,” mahina kong sambit. Sa tabi niya ay prenteng nakaupo ang nakatatanda niyang kapatid an si Devon. Hindi na sila nag-atubili pang magmaskara kaya kitang-kita ang kanilang mga mukha. Geez! Sa tingin ko ay talagang mapapasubo akong magdagdag ng sariling pera para lamang maiuwi ang letcheng Silver Gun of Yakuza na iyan. Tinaas ko ang aking numero at tsaka sinabi na ang aking bid. “Fifty-one Million!” Please huwag ka ng umagaw, tahimik kong pakiusap sa aking isipan ngunit wala ring nangyari. “Fifty-two!” muling ani ng malamig niyang boses. Wala ng ibang mga tao ang sumasalungat sa bidding niya kundi ako na lamang. “Fifty-three!” labag sa loob kong sigaw. I need to win this. Kumulo ang dugo ko nang linakihan niya pa lalo ang offer. “Fifty-six!” “Fifty-six!” pag-uulit naman ng MC. “Anyone who’ll go higher than fifty-six?” tanong pa nito. Kagat-labi akong napahigpit ng hawak sa aking dress. Kaya ko pa ba? I mean, kailangan ko ba talagang maglabas ng malaking halaga para lamang dito samantalang mas kakailanganin sa pagpapalaganap ng aming clothing brand ang pera sanang ipupusta ko rito? Pikit mata kong isinigaw ang huli kong bid. Sana...sana lang huwag na niyang taasan pa. … … … “Sixty Million Pesos!” ani ko. Mabilis naman akong napalingon sa likuran para tignan ang reaksiyon ng magkapatid na Dexigrous. Ngunit laking gulat ko ng nagsitayuan na ang mga ito kasama ang ilang mga lalaking nakaitim at mabilis na naglalakad palabas ng function hall. Pagkuwa’y sumusunod na rin ang ibang mga tao sa karatig-upuan nila na tila ba nagmamadali. Dito na akong magsimulang kutuban. Parang may mali...parang may mali talaga. Hindi ko alam kung ano pero batid kong merong mali. “I’ll count from one to ten, then if no one objects, then The Silver Gun of Yakuza will go to this lady in front for sixty million pesos. 1, 2, 3, 4...” tuloy-tuloy ng MC na para bang normal lang ang lahat. Hindi ko na hinintay ang final na hatol ng MC at sinimulang ng takbuhin ang pintuan palabas. Tila ba nakakutob rin ang iba at nagsimula na rin lumabas. Ngayon ay pinagsisisihan ko an talagang naupo ako sa harapan. Ang layo tuloy ng tatakbuhan ko palabas. “W-What’s wrong everyone?” hindi naman mawari ng MC ang biglaang mga ganap. Halata sa boses nito na wala siyang kaalam-alam. “What is happening? Why is everyone leaving?” Nang saktong makalabas na ako ng pintuan ay nakarinig ako ng malakas na pagsabog mula sa loob. Boom! Tama nga ang hinala ko na may mali talaga kanina. At hindi ako sigurado kung nagawa ko bang makaligtas ng buhay o nakuha ako sa pagsabog. Ang tanging alam ko lang tila ba nakasalampak ako sa malaimg na samento habang tila ba nililiyab ang aking likuran… Ang init… napakainit na tila ba napapaso ako ng sobra...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD